Tinig NG Marikina Vol. 2 No. 4 Disyembre 2011

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Disyembre

2011

ng Marikina

Vol. II, No. 4

Benta sa Shoe Caravan umabot sa Php12M


buong istorya sa pahina 8

The Shoe muST go on! L


abis na ikinatuwa ng ating butihing mayor, Del R. De Guzman, ang resulta ng Sapatos Festival. Sino ba naman ang hindi matutuwa? Triple ang kinita ng Shoe Caravan mula sa target nito na PhP4 milyon, lumagpas ito sa PhP12 milyon! Isa ngang masigabong palakpakan para sa Sapatos Festival Committee. Ang Shoe Caravan ay isang sales promotion campaign ng pamahalaang lungsod para paalalahanang muli ang mga Pilipino na ang Marikina ang Shoe Capital ng bansa. Walang pagod na nilibot ni Mayor Del, Sapatos Festival Committee, at 29 shoe manufacturers ang buong Metro Manila 17 siyudad, pati na ang Antipolo, Cainta, at 3 SM branches mula Oktubre para bisitahin ang mga mayor nito at hingin ang suporta nito para sa pagtangkilik ng mga sapatos at iba pang produktong gawang Marikina. Kadalasay naiiwan ang mga booth ng mga sapatero dun ng dalawang araw para naman makabili ang mga residente nila ng mga matibay na sapatos gawang
Si ariel VillaSanta at ang kanyang MoMMy elVie ay kasama sa pinarangalan sa Shoe-perstar Alley. Kasama sa larawan sina Mayor Del, Kon. Judy Magtubo (dulong kaliwa) at Kon. Mark Del Rosario SinaMahan ni Mayor Del si Mayor Alfredo Lim na maglibot sa Shoe Caravan nang ito ay bumisita sa Lungsod ng Maynila

Suot ang kanilang mga sapatos na may mataas na takong, nag-uunahan sa pagtakbo ang mga babaeng kalahok sa kauna-unahang "Tour de Takong " (stiletto race) na ginanap sa kahabaan ng Shoe Ave., Marikina City

Si Quezon City Mayor Herbert Bautista habang hawak ang isa sa mga pares ng sapatos na ibinigay ni Mayor Del De Guzman ng Marikina City sa pagbisita ng Shoe Caravan sa kanilang lungsod.

Marikina sa murang halaga. Marami sa mga alkalde ang nangakong oorder ng libu-libong sapatos para sa kanilang mga empleyado sa city hall. Naway pagsumikapan ng lahat ng apektadong sektor ang pagbangon muli ng ating shoe industry. Isantabi muna ang pulitika.

Tinig ng Marikina

Vol. ii, no. 4 | Disyembre 2011

35, 000 pares ng sapatos inihatid ni Mayor Del

www.marikina.gov.ph

Tinig

KAMAKAiLAn LAMAnG ay kinilala ng Department of Health (DOH) at national institutes of Health ng Unibersidad ng Pilipinas ang dedikasyon at pagsisikap ng City Health Office (CHO) ng Marikina City nang makatanggap ito ng special award sa newborn Screening Awards 2011 na ginanap sa Traders Hotel Manila kamakailan. Ang pagkilala ay iginagawad sa ibat ibang mga pagamutan at mga local government unit na nagsasagawa ng newborn Screening (nBS) sa buong Pilipinas. Ginawad ang pagkilala sa CHO bilang aktibong suporta nito sa proyekto ng DOH hinggil sa nBS. ikinatuwa naman ni Mayor Del De Guzman ang paggawad ng pagkilala. Sa kabila ng kakulangan sa pampublikong lying-in clinics at kagamitan sa pagsasagawa ng newborn screening ay patuloy ang pagsisikap ng mga health workers ng CHO upang makapagbigay ng maayos na serbisyo, ayon kay Mayor Del. Sa kasalukyan, ang nBS ay ipinagkakaloob nang libre sa Sto. nio Health Center at Malanday Health Center. Kinakailangan lamang na magpatala ang magulang ng batang bibigyan ng nBS, at kailangan ding pumasok ang mga ito sa pamantayang dalawa hanggang tatlong araw nang naipanganak ang sanggol sa pagsasagawa ng nBS. Ang pagsasailalim ng isang sanggol sa nBS ay nakatutulong sa pagtukoy ng mga sakit na maaaring lumabas sa kanilang paglaki gaya ng congenital metabolic disorder. Sa nBS, kukuhanan ng kaunting patak ng dugo sa paa ang mga sanggol at ilalagay sa nBS kit. Pito hanggang 14 na araw ang kailangan hintayin bago makuha ang resulta kaya naman ipinapayo ng lokal na pamahalaan sa mga magulang na isailalim ang kanilang mga bagong silang na sanggol sa ganitong pagsusuri. Para sa mga nagnanais na kumuha ng libreng nBS, may katanungan at nais magpa-appointment, mangyaring tawagan si Dra. irene Rosaroso sa 948-5775.

Si Mayor Del De guzMan kasama ang mga batang tatanggap ng libreng sapatos handog ng lokal na pamahalaan ng Marikina bilang dagdag motibasyon sa kanilang pag-aaral (itaas na larawan). Samantala, masusing tinitingnan ni Mayor Del De Guzman (kanang larawan) ang pagsusukat ng sapatos ng isa sa mga mag-aaral na nakatanggap ng libreng sapatos.

inimulan na ni Mayor Del De Guzman ang paghahatid ng 35,000 pares ng sapatos sa mga mag-aaral ng mga pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa Marikina bilang bahagi ng kanyang Educational Assistance Program. Naniniwala si Mayor Del na ang pamimigay ng mga sapatos ay malaking tulong sa mga mag-aaral upang maging mas ganado at mas pagbutihin pa ng mga ito ang kanilang pag-aaral. Natutulungan din ng proyekto ang mga magsasapatos ng lungsod sa pamamagitan ng pagtangkilik ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga produkto. Ang pamamahagi ng sapatos sa ating mga mag-aaral ay magbibigay ng motibasyon upang

Bilang paghahanda sa selebrasyon ng kapaskuhan, ipinaalala ni Mayor Del De Guzman sa mga residente ng Marikina na maging mapanuri sa mga bibilhing pagkain lalo na sa mga karne. Ang City Veterinary Office (CVO) ng lungsod ay patuloy sa ginagawang pag-iinspeksyon sa mga pamilihan tulad ng palengke, talipapa at mga flea market araw-araw.

Newborn Screening ng Marikina, kinilala

higit pang ganahan ang mga ito na mag-aral. Ang ating mga sapatero naman ay nakikinabang din sapagkat sa kanila bumibili ang lokal na pamahalaan ng mga sapatos na ipinamamahagi, wika ni Mayor Del. Naglaan ang lokal na pamahalaan ng PhP19.7M para sa nasabing proyekto kung saan 26 na magsasapatos ang kasalukuyang gumagawa ng mga sapatos. Ang pamimigay ng mga sapatos ay sinimulan noong ika15 ng Nobyembre sa Hacienda Heights Covered Court sa Brgy. Concepcion Dos. Susunod na bibigyan ang mga piling magaaral ng Brgy. Taong, Brgy. Jesus Dela Pea, Brgy. Nangka, Brgy. Kalumpang, Brgy. San Roque, Brgy. IVC, Brgy. Parang,

Brgy. Concepcion Uno, Brgy. Marikina Heights, Brgy. Sto Nio, Brgy. Barangka, Brgy. Malanday, Brgy. Tumana, Brgy. Fortune, at Brgy. Sta. Elena. Dagdag pa rito, hiniling ni Mayor Del sa ibang local government units (LGUs) na hikayatin din ang kani-kanilang mga residente na tangkilikin ang Marikina-made school and office shoes sa halip na ang mga banyagang produkto bilang suporta sa muling pagbuhay ng industriya ng sapatos ng lungsod. Matatandaang humina ang industriya ng sapatos ng Marikina nang nagsimulang dumagsa at tangkilikin ng publiko ang mga banyagang sapatos tulad ng mga gawa sa China na mura ngunit malayo ang kalidad sa produkto ng Marikina.

Iwas-sunog sa Kapaskuhan
Ang panahon ng paghahanda at pagdiriwang ngayong Kapaskuhan ay maaaring magdulot ng sunog at sakuna kung hindi sapat ang kaalaman ng publiko hinggil dito. narito ang ilan sa mga bagay na dapat tandaan at isabuhay ng mga mamamayan upang makaiwas sa sunog: MAG-inGAT sa mga nabibiling pekeng Christmas lights at tangkilikin lamang ang may mga marka ng Philippine Standards (PS) at import Commodity Clearance (iCC). SURiin ang ginagamit na Christmas lights at siguraduhing walang sira o damage sa mga kable nito. iWASAnG MAG-OVERLOAD ang electrical outlets. Kadalasan, ang mga outlet ay may kakayahan lamang na humawak ng hanggang tatlong appliances. Tandaan, kapag ang kable ng kuryente ay mainit, ito ay overloaded at maaaring magdulot ng kapahamakan. TAnGGALin SA SAKSAKAn (outlet) ang lahat ng appliances matapos gamitin. GUMAMiT nG MGA nOn-fLAMMABLE o hindi madaling magliyab na dekorasyon at ilayo rin ang mga ito sa mga bagay na maaaring magdulot ng sunog. SiGURADUHinG AnG GAMiT na Christmas tree ay non-flammable o hindi madaling magliyab. KUnG GUMAGAMiT nG KAnDiLA, ilagay ang mga ito sa candle holders na hindi madaling matumba. Huwag din itong ilagay malapit sa mga bagay na madaling masunog. SA PAGLULUTO ng mga handang pagkain, suriin at siguraduhing walang tagas ang kalan at tanke ng gas. iLAyO SA MGA BATA ang mga bagay na nagdudulot ng sunog tulad ng kandila, posporo, lighter, at gas. HUWAG MAGTATAPOn ng upos ng sigarilyo sa mga basura tulad ng papel, tuyong dahon, atbp.

Marikina kontra botcha


Kapag bibili tayo ng karne, dapat una nating isaalang-alang ang mga palatandaan upang makasigurado tayo na ligtas ang karneng ating bibilhin. Dapat ding siguraduring nakalagay sa tindahan ng karne ang permit mula sa national Meat inspection Service o nMiS , wika ni Dr. Manuel Carlos, ang city veterinarian. Ang sinumang mahuling nagbebenta ng mga adulterated meat, double dead o bocha at hot meat ay papatawan ng multang PhP5,000 at kukumpiskahin ang mga panindang karne. nais natin na maging ligtas ang anumang pagkaing ihahain sa ating mga pamilya lalo na ngayong nalalapit na ang Pasko. Siguraduhin natin na ang mga karneng ating bibilhin ay dumaan sa kaukulang pagsusuri, wika ni Mayor Del.

Ano ang sariwa?


Baboy
pinkish ang kulay firm ang karne pero mas manipis kaysa sa baka hindi madugo may mga stamp at markings sa balat na nagpapakita ng approval mula sa meat inspectors

Nararapat na taglay ng karne ang mga sumusunod na katangian bilang tanda na sariwa at ligtas ito:

Baka

Source: City Veterinary Office

pinkish firm ang karne amoy gatas may mga stamp at markings sa balat na nagpapakita ng approval mula sa meat inspectors

Manok

light yellow ang karne ay hindi madaling madurog walang mga namumuong dugo

Editor-in-Chief Associate Editor Layout Artist Writers

ng Marikina

Paul edward P. Sison Maria lourdes navarro Chrysler de guzman noli Mirafuente, oscar Cinco, James Paul C. agulay, Mary ann Jocson, Carmela Salazar ramon Jacinto Mataro

Photographers Researcher Contributors Circulation Manager Circulation

lorenzo gatbonton, Charlie Priela Maretony Baldoza Cesar Barquilla, nick Ferrer rhyan Quilapio randie esteves, Marjun Fadriquela, Salvador narra, Warlito Dumaquita, Victor Palomo, gilbert lobis Legal Consultant atty. Florella almarez

Telefax no.: 646-6451

Published by the Public Information Office 2nd Floor, Marikina City Hall Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City Cell nos. 0915-4573293, 0918-6577158 E-mail: piomarikina@gmail.com Website: www.infomarikina.webs.com www.marikina.gov.ph

Disyembre 2011 | Vol. ii, no. 4


www.infomarikina.webs.com

Tinig ng Marikina

Labis na ingay, ipinagbabawal


Maging responsable tayong mamamayan. ito ang mensahe ni Mayor Del De Guzman sa lahat ng mamamayan bilang paalaala sa pagrespeto sa karapatan ng kanilang kapwa sa tahimik at matiwasay na kapaligiran lalo na sa oras ng pamamahinga. Sanhi ng paalalang ito ang ilang mga reklamo na kanyang natatanggap hinggil sa mga ingay sa paligid nitong mga nakaraang mga buwan. Tayo ay patuloy na nakakatanggap ng mga reklamo hinggil sa ingay na nagmumula sa mga kasayahan. Bagamat hindi natin sila pinipigilang magsaya, kailangang ilagay nila ito sa tamang oras at lugar upang hindi makaapekto sa iba, saad ni Mayor Del. Maliban sa mga kasayahan, karaniwang nakatatanggap si Mayor Del ng mga reklamo laban sa mga negosyong may banda, at karaoke machine at malalakas na speakers mula sa ibat ibang komunidad. Mariin ding ipinapaalaala ni Mayor Del na mayroong mga batas sa Marikina na nagbabawal sa ingay alinsunod sa Ordinance no. 100, Series of 2010 o noise Control Regulations ng lungsod. Ayon sa nasabing ordinansa ang pag-iingay o paggawa ng di kaaya-ayang ingay ay maituturing na panggugulo sa publiko at sa auditory nerves, maging sa emosyonal at isipan ng isang tao. Dagdag pa rito, karamihan ng naaapektuhan ng mga ginagawang pag-iingay ay ang mga taong may trabaho o pumapasok sa paaralan o trabaho na nangangailangan ng maayos na pahinga. Samantala, sa isang pahayag na inilagay sa facebook account ni Barangay Captain Rizalina W. Teope ng Brgy. fortune, sinabi nya na maging ang kanyang tanggapan ay nakatatanggap ng maraming reklamo hinggil sa ingay na nagmumula sa mga videoke machine na ginagamit tuwing may pagtitipon tulad ng binyag, kaarawan, at kasalan lalo na sa mga matataong komunidad. Ayos lang naman na gumawa ng ingay, sapagkat walang pagdiriwang na tahimik, ngunit ating isaisip na ito ay may kaakibat na responsibilidad. Mas mainam kung hindi na maghahain ng alak sa mga bisita kung dis oras na ng gabi. Sa ganitong paraan, makatitipid na sa pera, makakaiwas pa sa posibleng sigalot sa pagitan ninyo at ng inyong kapitbahay. Maging responsableng mamamayan. Maaari nating libangin ang ating mga sarili sa tamang lugar at oras wika ni Teope. Hinihikayat naman ni Mayor Del ang mga residente na ipagbigay-alam sa kinauukulan ang kanilang mga reklamo higgil sa labis na pag-iingay.

76 kawani ng pamahalaan, BPA graduates na

NATAPOS SA PAG-AARAL ng kursong Bachelor in Public Administration (BPA) ang 76 kawani ng pamahalaang lungsod ng Marikina sa ilalim ng College Education Program ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Center for Excellence (Centex) at sa pakikipagtulungan ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar). Ang College Education Program ay proyekto ng nakaraang administrasyon ngunit sa kabutihang dulot nito sa mga kawani ay napagpasyahan ng kasalukuyang administrasyon na ipinagpatuloy ito. Layunin ng proyekto na mabigyan ng pagkakataong makapagtapos ng kolehiyo ang mga empleyadong undergraduate at high school graduate. Nagmula sa PLMar ang mga gurong nagturo ng BPA. Tumagal ng dalawa at

kalahating taon ang kurso at ang bawat klase ay isinagawa mula ika-5 ng hapon hanggang ika-9 ng gabi. Nabigyan ng ibat ibang awards ang mga empleyadong nagpakita ng kagalingan sa nasabing kurso. Ilan rito ay sina Jolly Tud ng City Health Office at Rosalie Santiago ng City Treasurers Office na nagkamit ng Academic Excellence Award kasama ang ilang pang 16 kawani para sa non-academic awards tulad ng Leadership Award, Service Excellence Award, Most Inspiring Student, Most Promising Student, Most Dedicated Student at Best in Research. Ayon sa Centex, ang programa ay kauna-unahan sa bansa. Dahil sa positibong resulta nito, pinaplano na ng lokal na pamahalaan na muling buksan ang programa sa ikalawang batch nito para sa susunod na taong pampaaralan.

Produktong Marikina tampok sa trade exhibit


Upang mapatatag ang ugnayan ng lokal na pamahalaan at business sector, idaraos ng lokal na pamahalaan at ng Philippine Chamber of Commerce and industry-Marikina Chapter ang 3rd Marikina Business simula ng Trade Exhibit ng Marikina Conference at Madesa SM Megamall in-Marikina: Gawang Mega Trade Marikina, Gawang Hall 2 Kinikilala" Trade Exhibit. Layon ng nasabing proyekto na maisulong sa pambansa at pandaigdigang pamilihan ang mga produktong Marikina na may mataas na kalidad tulad ng sapatos, bags, leather crafts, at marami pang iba. Ginanap noong ika-28 ng nobyembre sa ikalawang palapag ng Kapitan Moy, ang 3rd Business Conference ay isang pagtitipon ng mga matagumpay na namumuhunan sa Marikina na naglalayong makatulong sa mga bagong tayong negosyo sa lungsod sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga karanasan at kaalaman mula sa kanilang mga tagumpay. Samantala, sa ika-15 hanggang ika-18 ng December sa SM Megamall, Mega Trade Hall 2, itatampok naman ang mga produktong gawang Marikina sa "Madein-Marikina: Gawang Marikina, Gawang Kinikilala" Trade Exhibit. ikinatuwa naman ni Mayor Del De Guzman ang pagbuo ng naturang proyekto. "nagagalak ako dahil binuo ang proyektong ito na higit na magpapalakas sa sektor ng mga namumuhunan at magsusulong sa pagbangon ng mga pangunahing produkto ng lungsod," pahayag ni De Guzman. Sa pagpasok ng 2012, maraming aktibidad at pagdiriwang na may kaugnayan sa pagnenegosyo ang ilulunsad upang matugunan ang pangangailangan ng naturang sektor at lalo pang mapatatag ang ugnayan nito sa pamahalaan.

Dec.15

DELeague patuloy sa pag-arangkada

abing tatLong koponan ang nagsasagupaan sa pagpapakita ng husay sa larong basketbol sa kauna-unahang DELeague Commercial basketball na sinimulan noong ika-8 ng oktubre sa Marikina Sports park (MSp) gymnasium. Naglalaban upang makapasok sa finals round ng nasabing torneo, pinangungunahan ng mga koponang Sta. Lucia Monte Carlo Residences, Hobe Bihon, Philippine Army at Investwell sa talaan ng mga koponang kasali. Ilan pa sa mga koponang kasali ay ang Three Brohes, Philippine Army, Dr. Tams Miracle Tea, ACS Team, MBL Selection, Atoys Body Kits (Congre 1), St. Patricks CollegeEdseca, Juson Quality Tapes at Jaram Hauling Corp. Sa pagbubukas ng torneo ay nagpahayag ng labis na pagkatuwa si Mayor Del De Guzman sa suporta ng mga mamamayan. Ayon kay Mayor Del, nais niyang maging isang magandang lugar ang Marikina para sa mga larong pampalakasan tulad ng basketball at dahil na rin sa paghubog sa Marikina bilang Sports Capital ng Pilipinas. Layon ng DELeague na mahikayat ang mga kabataan mula sa Marikina na maging aktibo sa palakasan at upang maisulong na rin ang pakikipagkaibigan, kapayapaan at kaayusan sa lungsod wika ni Mayor Del. Inaasahan namang hirangin ang kampeon ng torneo ngayong buwan.

Pinangunahan ni Mayor Del De guzMan ang kauna-unahang DELeague Commercial Basketball Tournament Ceremonial Toss sa pagitan nina Karim Abdul (kaliwa) ng Hobe Bihon at Jasprit Sanghera (kanan) ng Jaram Hauling Corp. Sinaksihan nina Cong. Miro Quimbo (pangalawa sa kaliwa) at Vice-Mayor Jose fabian Cadiz (pangalawa sa kanan) ang naturang seremonya

Tinig ng Marikina

Vol. ii, no. 4 | Disyembre 2011


www.marikina.gov.ph

Del Delivers
mayor Del r. De Guzman

Matagumpay na Sapatos Festival, Pamaskong Hiling Sa Maykapal


NOONG IKA- 3 NG OKTuBRE sa flag ceremony, inilunsad natin ang Shoe-for-a-Cause bilang panimulang arangkada sa pagdaraos ng Sapatos Festival 2011 sa pamamagitan ng makulay at masayang seremonya kung saan mismong si Kuya Germs, kilalang master showman ang naging guro ng palatuntunan. Tipong Las Vegas show ang naging paglulunsad. Dumalo ang mga pinuno ng lungsod, mga kasapi ng konseho, mga barangay chairmen, mga magsasapatos at negosyante ng industriya at iba pang piling panauhin. Sa kanyang sariling paggunita, inilarawan Kuya Germs ang panahong buhay na buhay ang industriya at ang Marikina ay hindi mapasusubaliang shoe capital ng bansa at bantog sa buong mundo sa kalidad ng produkto. Ang tema ng Sapatos Festival ay The Shoe Must Go On at ginanap mula Oktubre 3 hanggang Nobyembre 18, 2011 kung saan ibat ibang magkakaugnay na aktibidades ang inilunsad para sa mabisang promosyon ng ating industriya. Pinasinayaan ng araw ding iyon ang Big Sale ng mga sapatos at katulad na produktong gawang Marikina sa loob mismo ng city hall quadrangle. Sa unang araw pa lamang ay dagsa na ang namili kaya nakangiti ang mga lumahok na negosyante. Sa araw ding iyon, tumulak ang Shoe Caravan patungong lungsod ng Valenzuela. Naging mainit ang pagtanggap ni Mayor Sherwin Gatchalian at nangako pang bibili ng mga sapatos bilang pamasko sa mga kawani ng kanyang lungsod. . Pagkatapos sa Valenzuela, ang caravan ay tumulak naman sa mga lungsod ng Navotas, Malabon, Kalookan, Quezon, Pasig, Taguig, Pateros, Muntinlupa, San Juan, Manila, Pasay, Paranaque, Antipolo at Cainta. Maging SM Marikina, SM Taytay at SM Masinag ay dinayo ng caravan at naging sentro ng bentahan. Sa halos lahat ng destinasyon, may tila Las Vegas roadshow na itinanghal bilang pamukaw sa interes ng mamimili. Batay sa huling ulat ng Komite ng Shoe Festival, lagpas labing-dalawang milyon ang kinita ng shoe caravan. Sa kahilingan ng mga punong-lungsod, sa susunod na taon balak nating gawing isang linggo ang itatagal ng caravan sa bawat destinasyon. Masaya ang ating mga shoe manufacturers, at sa takbo ng mga pangyayari, inaasahang lilikha pa ng karagdagang kamalayan sa maraming tao at lugar ang ating layuning ibalik ang karangalang tunay na tayo ang shoe capital ng bansa. Sa masiglang pagtanggap ng mga karatig-lungsod at sa paglaganap ng magandang balita, hindi lamang sa Metro Manila papatok ang proyektong ito. Malay natin, baka dadalaw din ang shoe caravan sa labas ng Kalakhang Maynila sa susunod na mga panahon. Batay sa resulta, mukhang di malayong mangyari ito. Nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga punong lungsod na nagpaunlak at sa kanilang maiinit na pagtanggap. Nakakataba ng puso ang suporta nila lalot higit ang pangakong pagbili ng mga sapatos para sa kanilang mga kawani. Malaking bagay ito bilang pagsunod sa R.A. 9290 (Footwear, Leather Goods and Tannery Industries Development Act) na naisabatas natin noong tayo ay kongresista pa. Ayon sa batas na ito, may mandato ang mga nasa pamahalaan, lalo na ang Sandatahang Lakas at Kapulisan na tangkilikin ang mga sapatos na gawa sa ating bansa at hikayatin ang pribadong sektor na suportahan and industriya. Hangad din ng R.A. 9290 na bigyang tangkilik ang pag-usbong ng mga small and medium enterprises sa pamamagitan ng mga karampatang insentibo na nakasaad sa batas. Noong Nobyembre 14, bago ang flag ceremony, nag-alay tayo ng banal na misa kasunod ang pagbabasbas at pagpuputong ng korona kay San Crispin, patron ng mga sapatero. Sinundan agad ito sa araw ding iyon ng Shoe Design Competition. Nobyembre 15, isinagawa ang re-launching ng ating Shoe Museum at Shoe-perstar Alley na dinaluhan ng mga kilalalang tao at celebrities sa ibat ibang larangan tulad ng pulitika, palakasan, sining, musika, negosyo, philanthropy, fashion, entertainment at news and current affairs na sina Senador Gregorio Honasan, Cornelio Padilla, Jr., Fernando Josef, Remy Boquiren, Abdul Mari Imao, Lisa Macuja, Jericho Rosales, Kuya Germs, Simeona Chanyungco, April Boy Regino, Dandy Gomez, Rosa Rosal, Bolok Santos, kinatawan ni Henry Sy, Sr., CheChe Lazaro, Ariel Villasanta, Patis Tesoro, Apostol Arsenio Ferriol, at Gen Generoso Senga. Nobyembre 16, Cosplay sa SM Marikina, at Singing Sapatero at Mag-aareglo Contest naman sa Riverbanks; Nobyembre 17, Fashion Shoe sa SM-Marikina; Nobyembre 18, Tour de Takong (aka stiletto race) at Gabi ng Parangal at Konsiyerto sa Plaza Kapitan Moy na sa dulo ay fireworks display bilang pagsasara ng huling linggo ng festival

Shoe Caravan
ang pagbubukas ng Sapatos Festival na pinangunahan ni Mayor Del De guzman at ang mga kaganapan sa Shoe Caravan nang bumisita ito sa lungsod ng Valenzuela.

Shoe-perstar alley

Si Jericho rosales kasama ang mga mascot ng Sapatos Festival na sina Mark at letty (itaas). ang mga pinarangalan sa habang nakatayo sa kani-kanilang marker sa Shoe-per Star alley.

tour de takong Si Miss universe 4th runner-up Ma. Venus raj habang hawak ang flag bilang hudyat sa pagsisimula ng tour de takong (stiletto race). isa rin sa mga atraksyon sa stiletto race ang kulay ginto na babaing ibon (larawan sa gawing kanan) na nakasakay sa motorized cycle footwear na hugis sapatos ng Marikina City.
na sinabayan ng masigabong pagdiriwang. Malaking tagumpay ang Shoe Festival 2011 at ipinagpapasalamat natin ito sa Diyos, sa paglingap ni San Crispin at sa panalangin ng lahat ng tumulong at nakisangkot sa proyektong ito. Talagang maagang pamasko ito para sa ating lungsod at sa mga magsasapatos. Seryoso tayo na gawin ang lahat upang muling sumigla ang industriya ng sapatos. Dahil dito nakilala tayo nang husto at hangad nating ibalik ang maluwalhating panahon kung kailan namayagpag ang produkto ng Marikina bilang pinakamahusay sa kalidad at disenyo. Naniniwala tayo na muling mangyayari ito sa masinop na balikatan, pursigidong pagtataguyod at di-matatawarang determinasyon ng lahat ng stakeholders sa ating lungsod.

marikina Sports Park (mSP)


Contact Number: 646-1635 / 682-9573 OiC: Angelito A. Llabres, m.D
Ang Marikina Sports Park ay ang opisyal na pasilidad pampalakasan ng lungsod. Layon ng MSP na ipagbigayalam sa mga residente ng lungsod ang kahalagaan ng pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at makatulong upang makahubog ng mga atletang magiging pambato hindi lamang ng lungsod kung hindi maging ng bansa sa mga pandaigdigang kompetisyon. Ang MSP ay may mga pasilidad tulad ng 400-meter oval track na may anim na lanes; football field; dalawang outdoor basketball court; volleyball court; lawn tennis court; dalawang sepak takraw court; covered courts tulad ng basketball gym; tatlong badminton courts; at Olympic-sized swimming pool. Bukod pa rito, may sports building din ito kung saan maaaring ganapin ang ibat ibang uri ng indoor sports.

Comm

Conta Officer-in-C

Ang kagawarang ito naghahatid ng m pamahalaan sa mga residente at kom tanggapang ito ang tagapangasiwa tulad ng dayalogo o forum pagitan n at mga mamamayan hinggil sa isang usapin. Ang CRO rin ang nangunguna sa community build-up, leadership/org training & seminar, community reque information dissemination, at assista tanggapan ding ito makakakuha ng kailangan sa pagkuha ng building/bu solemnization at accreditation ng mg association.

PHOTO By CHRiS LUCAS

Disyembre 2011 | Vol. ii, no. 4


www.infomarikina.webs.com

Tinig ng Marikina

ng lokal na pamahalaan na nakisaya sa makulay, masaya at mahabang selebrasyon ng Sapatos Festival.

the Shoe Must go on! ang ilan sa mga kawani

Balitang Bise
Vice mayor Fabian Cadiz

Oplan 4K (Kaluluwa, Kontra Droga, Kalusugan, Katahimikan)


TuWING SASAPIT ang buwan ng Nobyembre ay ginugunita natin ang ating mga mahal sa buhay na pumanaw na. Ito ay isang tradisyon na nakaugalian na hindi lang ng taga-Marikina ngunit maging ng buong bansa. Isa rin ito sa pinakaaabangang okasyon dahil sa pagdalaw sa mga puntod ay nagkikitang muli ang mga magkakamaganak at magkakaibigang matagal o bihira ng magkita-kita. Ang Marikina bagamat hindi gaano kalaking siyudad ay nabiyayaan ng apat na sementeryo o himlayan at isa na rito ang tanyag na Loyola Memorial Park. Ang Lungsod ng Marikina ay mayroong tatlong sementeryo sa Distrito uno na kinabibilangan ng Barangka Cemetery, Loyola Memorial Park sa Barangay Taong at Our Lady of the Abandoned Church Cemetery sa Barangay Sta. Elena. Sa Distrito Dos naman ay matatagapuan ang Aglipay Cemetery sa Barangay Concepcion uno. Taon taon ay napupuno ang Marikina ng libo libong mga dumadalaw sa kanilang mahal sa buhay na pumanaw kung kaya kinakailangan ng mga kaukulang kaayusan upang maging tahimik, maayos at payapa ang pagdaos ng All Souls Day magmula sa pagsasaayos ng trapiko hanggang sa mahigpit na pagbabantay sa mga dumadalaw na makapagpasok ng mga bawal na inumin o nakalalasing at mga matutulis o nakamamatay na mga bagay. Sa kadahilanang ito, ang inyong lingkod katuwang ang mga ibat ibang NGOs ay naglunsad ng programa upang tumulong sa kaayusan ng pagdaraos ng undas. Bilang pagsuporta po sa programang 7K ng ating butihing Mayor Del R. De Guzman ay naglunsad po ang Office of the Vice Mayor ng OPLAN: 4K o OPLAN: KALuLuWA, KONTRA DROGA, KALuSuGAN, KATAHIMIKAN. Ang OPLAN 4K po ay nagsimula noong tanghali ng Oktubre 30 at nagpatuloy hanggang hatinggabi ng Nobyembre 1. Nagkaroon po tayo ng limang (5) istasyon na matatagpuan sa apat na sementeryo na kung saan ang panglima ay nasa pagbaba ng tulay ng Marikina (Sumulong Ave.) sa pakikipagtulungan ng 7-Eleven Convenience Store. Katuwang ng inyong lingkod ang ibat ibang mga organisasyon at mga grupo upang mapagsilbihan ang ating mga kababayang dumalaw sa mga puntod. Ang Pamantasan ng Lungsod ng Marikina College of Nursing sa pamumuno ni Dean Madeline T. Aquino ay nagpadala ng limampung (50) volunteer nurses at limang (5) clinical instructors sa pangunguna ni Sir Leo Palisoc na siya ring adviser ng PLMAR HEALTH CARE SOCIETY na siyang naghandog ng libreng pagkuha ng BP o Blood Pressure (KALuSuGAN) at nagbigay lunas sa mga kababayan nating nahihilo sa sobrang init at pagod sa paglakad. Sila po ay masipag na nag-ikot din sa mga puntod upang mapagsilbihan ang mga kababayan nating health conscious na ibig malaman ang kanilang BP ng libre. Sa kabuuan ay mayroong higit apat na libong (4,000) kababayan natin ang napagsilbihan sa loob ng tatlong araw nating programa. Kasama din natin ang Marikina Junior Police Alumni Association (KATAHIMIKAN) sa pangunguna ni Mam Carmen Mendoza at Samahang Magdalo Marikina Chapter sa pangunguna ni Sir Dennis Villoso na siyang nagbantay upang maiwasan ang anumang nagbabadyang karahasan sa panahon ng undas. Sila ay tumulong din sa mga kababayan nating tumatawid sa kahabaan ng Sumulong at JP Rizal sa kasagsagan ng tao. Ang RCC Marikina Valley sa pangunguna ni RCC Pres. Joey Ramos na siya ring over-all coordinator ng OPLAN 4K, ang PARRAG sa liderato ni Pres. Dan Sierra at ROVER Scouts kasama ang mga volunteer staff ng Office of the Vice Mayor ay kasama ding tumulong sa ikatatagumpay ng OPLAN 4K. Ang mga OVM MADAC staff at YOPADA ay namigay ng mga anti-drug flyers (KONTRA DROGA) sa mga dumadalaw nating kababayan upang maiwasan at magbigay kaalaman sa masamang epekto ng droga sa ating katawan at pamilya. Ang OPLAN 4K ay naging katuwang din ng iba pang mga grupo ng volunteers na nakiisa sa Oplan Kaluluwa. Ang ilan dito ay ang MCSOA sa pangunguna ni Sir Arlu Gomez, MMG, Red Cross, Team Marco, Bantay Bayan, Del Riders, City Health Office, BPAT at iba pa. Ang inyong lingkod ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa ikatatagumpay ng OPLAN 4K! Mabuhay si Mayor Del! Mabuhay ang Marikina!

isa sa mga modelong rumampa suot ang matibay at magandang sapatos ng Marikina sa ginanap na Shoe Fashion Show sa SM Marikina noong ika-17 ng nobyembre.

Fashion Shoe

My Shoe roCkS! Dinumog ng mga tao ang pagtatapos ng selebrasyon ng Sapatos Festival kung saan nagtanghal ang bandang Callalily.
City Veterinary office (CVo)
Telephone: 475-4719 City Veterinarian: Dr. manuel Carlos, DVm
Alinsunod sa City Ordinance No.62 series of 2007 o Marikina Veterinary Code of 2007, ang tanggapang ito ang nangangasiwa sa pag-aalaga, pagkontrol at pag-iingat sa mga hayop sa lungsod, nangangasiwa sa pagpaparehistro ng mga alagang hayop, pagkumpiska sa mga hindi rehistradong mga alagang hayop tulad ng aso at pusa, proseso ng pagpapaampon sa alagang hayop na nasa kanilang pangangalaga, at animal quarantine para sa mga pinaghihinalaang may rabies o sakit. Ang CVO rin ang nangangasiwa sa regulasyon sa pagbebenta ng mga karne at pagkaing-dagat na itinitinda sa mga pamilihan sa pamamagitan ng masusing inspeksyon sa mga ito at pagbibigay ng meat handlers identification card.

munity Relations office (CRo)

City Assessors office


Contact Number: 646-0352 City Assessor: Jose T. Nuez

ct Number: 646-6516 Charge: Harvey Curry

mga proyekto ng munidad. Ang rin ng mga pag-uusap ng lokal na pamahalaan g proyekto, serbisyo, o

a mga organizational/ ganizational management est/complain chart, ance. Bukod ditto, sa ilang dokumentong usiness permit, at ga home owners

Ang City Assessors Office ang nagsasagawa ng field inspection upang suriin ang halaga ng mga real property ng lungsod. Ito rin ang inatasan na sumuri sa mga bago at renovated na gusali at makinarya para sa pagbabayad ng buwis. Ang tanggapang ito ay nagkakaloob din ng ibat ibang certification tulad ng property and nonproperty holdings, non-improvements, certified true copy of tax declaration, at tax mapping o verification of lots.

Tinig ng Marikina

Vol. ii, no. 4 | Disyembre 2011


www.marikina.gov.ph

Round-up
BRGY. KALuMPANG
Ang pamunuan ng Brgy. Kalumpang, katuwang ang Kalumpang Senior Citizens Association inc. ay nagsagawa ng medical at dental mission, at gift giving noong ika-11 ng Disyembre. ito ay dinaluhan ng may 800 senior citizen mula sa nasabing barangay. Sa umaga ginanap ang medical at dental mission na sinundan naman ng kanilang Christmas party at gift-giving activity sa hapon kung saan ang bawat isa ay nakatanggap ng regalo.

Barangay

BRGY. Sto. NIo

Ang Brgy. Sto. nio ay nagsasagawa ng isang non-formal education kung saan ang mga out-of-school youth ay binibigyan ng pagkakataong makapagtapos ng secondary education at magkaroon ng diploma nang hindi na kinakailangang dumaan pa sa apat na taong pag-aaral. ito ay sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) na nagsisimula tuwing buwan ng Enero hanggang Oktubre ng taun-taon. Sa katapusan ng programa, ang mga mag-aaral ay kinakailangang kumuha ng isang pagsusulit na kapag naipasa, maituturing na sila ay nakapagtapos ng sekondarya at maaari nang makapag-aral sa kolehiyo. ngayong taon, 316 ang nakatapos ng ALS samantalang 265 naman ang nakakuha ng pagsusulit. Malalaman sa unang buwan ng susunod na taon ang mga resulta. Sinimulan naman noong ika-5 ng Disyembre ang pagpapatala para sa ALS ng susunod na taon. Ang programa ay bukas sa lahat ng residente na may edad 16 taong gulang pataas.

Daang Bilang ng Mga MaMaMayan ang nag-aabang ng gabi-gabing palabas sa Plaza de los Alcaldes.

Libreng palabas, produktong Marikina tampok sa night bazaar


SAMuT SARING LIBRENG PALABAS at dekalidad na produkto ng Marikina ang inihahatid ng lokal na pamahalaan sa mga Marikenyo at sa mga bisita ng lungsod ngayong panahon ng kapaskuhan. Tampok sa selebrasyong pinamagatang Dito Exciting Lagi ang Pasko (Part 2), ang libreng gabigabing palabas sa Plaza Delos Alcaldes (tapat ng Marikina City Hall) tulad ng magic shows, dog shows, patimpalak sa kantahan, komedya, at ibat ibang talento. Tampok din sa katabi nitong tiangge ang mga panindang produkto na ipinagmamalaki ng Marikina tulad ng sapatos at footwear products, bag, at iba pang leathercraft products, at ilan pang produkto at pagkaing mabibili sa murang halaga. Sinimulan noong ika-24 ng Oktubre at magtatapos sa ika-15 ng Enero, ang mga palabas ay ayon sa sumusunod na tema ng okasyon: Horror Week (Oct.2430); Animal Week (Oct.31-Nov.6), Gay Week (Nov.7-13); Peoples Videoke (Nov. 14-20); Chikiting Week (Nov.21-27); Community Week (Nov.28-Dec. 4); Go Green Christmas Week (Dec. 5-11); Driver ko, Idol Ko! (Dec.12-18); Exciting na Pasko, sa Kabataan Panalo! (Dec. 1925); Talentadong Nakatatanda (Dec. 26Jan.1); Marikina Got Talent (Jan.2-8); at Circus at Magic Week (Jan.9-15). Samantala, tuwing gabi ng Sabado ay inihahatid ang Dance Evolution Live 2.0, isang patimpalak sa sayaw ng mga kabataan. Ayon kay Mayor Del De Guzman, ang gabi-gabing palabas ay binuksan sa publiko upang magbigay ng aliw sa mga mamimili ng tiangge. Ang mga paninda ay mura at de-kalidad na tamang tangkilikin para sa personal na gamit o panregalo. Nais natin na habang sila ay namimili ng mga pangregalo o namamasyal lamang sa ating tiangge kasama ang kanilang pamilya ay maaliw sila sa kanilang mga mapapanood. Iniimbitahan ko ang lahat na pumasyal sa ating gabi-gabing pagdiriwang, wika ni Mayor Del.

Central Parking Area, City Hall Compound


Across Plaza de los Alcaldes Starts at 7PM

Christmas Night Bazaar


Horror Week
WEEK 2 WEEK 1

October 24-30 | CHO

BRGY. MALANdAY

nagsagawa ng boluntaryong pagbibigay ng dugo ang mga residente ng Brgy. Malanday sa isang ng blood letting activity sa ikatlong palapag ng Malanday Barangay Hall. Mula sa nasabing proyekto ay nakalikom ng 30 bag ng dugo na makatutulong sa pansagip-buhay sa sinumang mangangailangan nito. Ang proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Philippine national Red Cross - Marikina Chapter.

Animal Week
Oct. 31- Nov. 6 | CVO November 7-13 | COUNCIL

Gay Week
WEEK 4

WEEK 3

Peoples Videoke
November 14-20 | LIBRARY

Chikiting Week
November 21-27 | VMO
WEEK 6

WEEK 5

BRGY. CoNCePCIoN doS

Community Week
Nov. 28-Dec. 4 | MSO
WEEK 7

idinaos kamakailan ang Barangay Concepcion Dos Chess Club: Chess Tournament 2011 Kapitan Ronnie Ortiz Cup sa ikatlong palapag ng Barangay Hall ng Barangay Concepcion Dos. ito ay isang torneo para sa mga residente ng naturang barangay. Ang kumpetisyon ay may limang kategorya: Senior Category (50 taong gulang pataas);Junior Category(13-18 taong gulang); Kiddie Category(12 taong gulang pababa); female Category(bukas sa lahat ng lahat ng idad); at Open Category(19-54 taong gulang).

Go Green Christmas
December 5-11 | CEMO
WEEK 8

Driver Ko, Idol Ko!


December 12-18 | CTMDO
WEEK 9

Exciting na Pasko, sa Kabataan Panalo!


December 19-25 | LCR
WEEK 10

Talentadong Nakakatanda
Dec. 26-Jan. 1 | OSCA
WEEK 11

BRGY. JeSuS deLA PeA

Sinimulan na ng Brgy. Jesus dela Pea ang Basketball Senior League, isang torneo para sa mga residente ng nasabing barangay na may edad 21 taong gulang pataas. nagaganap ang laro sa covered court ng nasabing barangay tuwing Biyernes sa ika-8 ng gabi, at Sabado at Linggo sa ika-4 ng hapon. Samantala, inaasahan ng pamunuan ng naturang barangay na makatitipon ng sapat na bilang ng manlalaro para sa volleyball tournament na pinamagatang inter-nanay Volleyball League. Sa kasalukuyan, nagdaraos ng training clinic upang makapag-ensayo ang mga nanay na interesadong lumahok sa kompetisyon.

Marikina Got Talent


January 2-8 | MARKET Office
WEEK 12

Circus & Magic Week


January 9-15 | PESO
Every SATURDAYS of the WEEK

Dance Evolution Live 2.0


City-wide Dance Contest | CRO

BRGY. StA. eLeNA

Councilor Frankie Ayuson


si KONseHAL FrANKie C. AyusON ay pangalawang beses nang nahalal bilang konsehal sa Unang Distrito ng Marikina mula nang siya ay manalo noong 2007. Siya ang kasalukuyang chairman ng Committee on Dangerous Drug at Committee on Peace, Order, Public Safety and Security at pansamantalang humahawak sa Committee on Transportation ng Sangguniang Panlungsod. Lubos na nakilala ang husay Kon. Ayuson nang siya ay naging barangay captain noong 1994 sa Brgy. Barangka. Siya rin ang hinirang na pangulo ng Liga ng mga Barangay noong 2002, at sa loob ng kanyang limang taong pagkakaupo bilang Sectoral Representative sa Sangguniang Panlungsod, siya ay nakapagpasa ng mga ordinansa at resolusyon na nauukol sa kapayapaan at kaayusan. Katunayan, siya ang naging hudyat upang mabuo ang dalawang bagong barangay ng lungsod - ang mga barangay ng fortune (Ordinance no. 28, Series of 2004) at Tumana (Ordinance no. 20, Series of 2005).

Councilor Anna Dayao


beTerANA NA sA LArANGAN ng pulitika kung ituring ng karamihan si Councilor Anna Dayao na nagsimula bilang isang municipal councilor noong 1988. ngayon siya ay nasa ika-anim na termino o mahigit sa 15 taon ng nagsisilbi sa Marikina. Sa kasalukuyan, si Kon. Dayao na mas kilala sa tawag na Annie ay ang chairman ng komite ng Ways & Means, at Women & family Affairs ng Sangguniang Panglungsod. Matatandaang si Kon. Dayao ay naging aktibo sa ibat ibang organisasyon. ilan sa mga ito ay ang Damayan ng Kapwa Movement (bilang chairwoman), Marikina Central Lions Club (bilang director), Blood Bank Volunteer Worker, at Social Services Diocese ng Antipolo. Bilang isang mambabatas, siya ay naging chairman ng ibat ibang komite tulad ng Human Rights and Justice, Women and family Affairs, Disability, Environment Protection and natural Resources, at Health and Sanitation. Kinilala rin siya bilang Most Outstanding Woman Councilor in Public Service ng Lady Councilors League at umani ng hindi mabilang na parangal at pagkilala mula sa ibat ibang organisasyong kanyang kinabibilangan.

Magsasagawa naman ng Pamaskong Handog Pangbata ang Sangguniang Kabataan ng Brgy. Sta. Elena sa ika17 ng Disyembre, ika-3 ng hapon sa Marikina Elementary School Covered Court. inaasahang dadaluhan ito ng may 600 mga batang residenteng nasa 4-12 taong gulang. Bukod sa mga palaro at masarap na pagkain ay magbibigay din ng mumunting aginaldo para sa mga batang dadalo.

BRGY. MARIKINA HeIGHtS

ngayong panahon ng Kapaskuhan, isinasagawa sa Brgy. Marikina Heights ang Belen contest, isang patimpalak sa pagiging maparaan at malikhain. Ang mga kalahok ay gagawa at magdedesenyo ng Belen gamit ay mga recycled materials. Bukas ang patimpalak sa lahat ng residente ng nasabing barangay. Ang huling ng pagpapalista ay sa ika-10 ng Disyembre, samantalang ang paghatol naman sa mga likhang Belen ay sa ika-17 ng Disyembre. Makatatanggap ng PhP5,000 ang mananalo sa unang pwesto; PhP4,000 naman sa ikalawa; at PhP2,000 sa ikatlong pwesto. inaasahang nasa higit 70 ang sasali sa nasabing patimpalak.

Disyembre 2011 | Vol. ii, no. 4


www.infomarikina.webs.com

Tinig ng Marikina

7
MAYoR deL:

Ugaliing magsuot ng safety helmets


MuLING PINAALALAHAN ni Mayor Del De Guzman ang mga motorcycle riders na ugaliing magsuot ng safety helmets habang nagmamaneho ng motorsiklo. Ito ay upang sila ay maproteksyonan at maiwasan ang matinding pinsala na maaaring matamo sakaling maaksidente. Ayon sa pag-aaral ng university of the PhilippinesNational Center for Transportation, mula buwan ng Enero hanggang Hunyo 2011, may naitalang humigit kumulang 8,000 aksidente sa kalsadang kinasasangkutan ng motorsiklo sa Metro Manila pa lamang. Walumput tatlo ang naitalang namatay sa mga naturang sakuna. Dahil dito, mas pinaigting pa ng City Transportation Management and Development Office (CTMDO) ang pagpapatupad ng 2006 Traffic Management Code of Marikina City, Article XII, Section 81 na nagsasaad na ang mga tsuper at sakay nito sa motorsiklo ay kinakailangang magsuot ng safety helmet. Ayon sa batas, ang sinumang mahuling hindi sumusunod ay magmumulta ng PhP500 sa bawat paglabag. Ayon sa CTMDO, mula buwan ng Enero hanggang Agosto ng taong ito, umabot na sa 804 ang motorcycle riders na hindi nagsusuot ng safety helmet habang nagmamaneho ang nahuli ng naturang tanggapan. Ito ay ating ginagawa upang maprotektahan ang mga motorcycle riders dahil sila ay nasasangkot sa mga aksidente sa daan. Naglagay na tayo ng mga billboards sa ibat ibang lugar sa Marikina upang sila ay mapaalalahanan na magsuot ng helmet habang nagmamaneho sa daan, wika ni Mayor Del. Dagdag pa rito, ipinapayo rin ni Mayor Del na iwasang magsakay ng lagpas sa bilang ng kayang isakay ng kanilang motorsiklo. Iwasan ding magmaneho sa mga national highway o sa mga daanan na ipinagbabawal sa mga motorsiklo.

Miss earth bumisita sa Marikina

Pinangunahan ni ViCe-Mayor JoSe FaBian CaDiz (dulong kanan) kasama ang mga nanalong kandidata ng Miss Philippines Earth 2011 at si G. Loran Abanilla (dulong kaliwa) ng RCBC ang tree-planting activity sa Marikina River.

Bikeout for the Forest

Daan-daang siklista ang lumahok sa ginanap na Bike, forest, Bike noong ika-12 ng nobyembre, isang adbokasiyang nananawagan sa paggamit ng bisikleta bilang alternatibong paraan ng transportasyon upang makatulong sa pagpreserba ng kalikasan.
PHOTO By fiREfLy BRiGADE

KAmAKAiLAN LAmANG ay aking inihain sa Kongreso ang dalawang panukalang batas na naglalayong higit na maisulong ang aking adbokasiya para sa Quality Education at Quality Social Services na bahagi ng programang Q H.E.L.P.S . Ang House Bill no. 5537 o ang Anti-Withholding of Students Records Act ay naglalayon na maseguro na ang ating mga anak ay hindi mapipigilan ng kahirapan at kasalatan na makapagpatuloy at makapagtapos ng elementarya at hayskul. Sa ilalim ng panukalang batas na ito, ipinagbabawal sa anumang paaralang pang-elementarya o hayskul na ipitin o hindi ipagkaloob sa isang mag-aaral ang mga dokumentong kanyang kinakailangan upang makalipat sa ibang pampublikong paaralan dahil lamang hindi makabayad ng utang ang bata sa nasabing paaralan. Ang aking panukalang ito ay nabuo matapos maantig ang aking damdamin ng hindi iilang magulang at mga bata na humingi ng tulong sa aking tanggapan upang makuha ang kanilang mga academic records, tulad ng form 137, na kailangan upang sila ay makalipat sa pampublikong paaralan ngunit ipinagkakait sa kanila ng kanilang mga

Panukalang Q: Tungo sa Quality Education at Quality Water


kasalukuyang paaralan dahil sa mga utang sa paaralan na hindi pa nababayaran. nakakalungkot dahil kaya nga inililipat ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pampublikong paaralan ay dahil sa kakapusan ng pera pero para maisagawa ang paglipat ay kailangan pa nilang maglabas ng pera para makuha ang mga kinakailangang mga papeles. Dahil walang batas na nagbabawal na ipitin ang mga dokumentong pang-akademiko ng mga bata, kadalasan ay hindi na nakakapagpatuloy ng pagaaral ang mga apektadong bata o kaya naman ay masasayang ang panahon na kinakailangan nilang ulitin muli ang antas na kanilang napagdaanan at ipinasa dahil lamang wala silang pambayad sa pinagmulang paaralan. Kung maisasabatas ang H.B. no. 5537 ay ipagbabawal na ang ganitong naging Gawain ng ilang mga paaralan. Ang anumang paaralan na lumabag sa panukalang ito ay maaring ma-suspindi o matanggalan ng lisensya bilang paaralan.

Tunay na Kaunlaran, Tao naman


Cong. miro Quimbo
Pagbabayarin din ang mga paaralan na ito ng multa na hindi bababa sa limampung libong piso (P50,000.00) ngunit hindi lalagpas ng isang daang libong piso (P100,000.00). Ang mga opisyales naman ng paaralan ay maaring pagbayarin ng multa na hindi lalagpas sa isang daang libong piso (P100,000.00) o makulong ng hindi bababa sa tatlumpung araw o parehong magmulta at makulong. Wala naman dapat ikatakot ang mga pribadong paaralan na hindi sila mababayaran dahil sa ilalim ng panukalang batas ay kinakailangan na makapagbigay ng garantiya o seguridad ang mga magulang ng estudyante na may pagkakautang na tunay ngang mababayaran ang naiwang utang. Maaari rin lamang gamitin ang proteksyon ng panukalang batas na ito kung ang paglilipatan ng batang may utang ay pampublikong paaralan. Ang pagsasabatas ng panukalang batas na ito ay malaking tulong upang matiyak ang Quality Education para sa ating mga anak na mag-aaral. Ang House Bill no. 5497 naman ay ang Water Sector Reform Bill na naglalayong isaayos ang paraan kung paano ang ating tubig ay ginagamit,

iniimbak, pinangangalagaan at pinagyayaman. Layon ng panukalang batas na ito na klaruhin ang obligasyon ng pamahalaan sa pagtitiyak na may sapat, ligtas at malinis na tubig ang bawat tahanan at pati na rin sapat na tubig para sa ating mga pataniman at mga industriya. Sa panukalang ito ay magtatatag ng Water and Sanitation Board na magsisilbing pangunahing ahensiya ng pamahalaan na may kapangyarihan na pangalagaan ang ating tubig at ang mga industriyang patubig. ito rin ang magsisilbing pangunahing ahensiya na magtatakda ng pamantayan at pagsasaayos ng ating mga alkantarilya (sewerage). Higit pa rito, bibigyan ng sapat na kapangyarihan at wastong limitasyon ang Water and Sanitation Board na hikayatin ang pribadong sektor na mamuhunan sa ating mga gawaing patubig at alkantarilya. Ang pagsasabatas ng H.B. no. 5497 ay inaasahang

magbibigay daan upang higit na mapaganda at mapamura ang serbisyong patubig para sa bawat tahanang Pilipino. Ang H.B. no. 5537 at H.B. 5497 ay dalawa lamang sa ating mahabang listahan ng mga panukalang batas ng naglalayong maihatid sa inyo ang Quality Health, Quality Education, Quality Livelihood, Quality Palupa at Quality Social Services. ito ang Q H.E.L.P.S. PAUnAWA: nais kong ipaumanhin ang pagkaantala ng pagpapatayo natin ng bagong LiLAC BRiDGE. napilitan ang DPWH na pansamantalang itigil ang gawain dahil sa dalawang kadahilanan. Una, kinailangang ilipat ng MERALCO ang kanilang poste na nakaharang sa pagtatayuan ng itinaas ng tulay. Pangalawa, hinihintay ding matapos ng DPWH ang MAniLA WATER sa paglipat ng kanilang tubo na tatamaan ng pundasyon ng bagong tulay. Sa ngayon po ay nailipat na ng MERALCO ang linya nila ng kuryente habang mabilisan na ring inililipat ng MAniLA WATER ang kanilang mga tubo upang muling maumpisahan ang konstruksyon sa bagong LiLAC BRiDGE. Hinihiling ko po ang inyong pag-unawa. Maraming salamat po.

8
www.infomarikina.webs.com

www.marikina.gov.ph

Tinig

ng Marikina

Disyembre

Vol. ii, no. 4

2011

Shoe Caravan Si Mayor Del De guzman kasama ang iba't-ibang alkalde ng mga lungsod na binisita ng Shoe Caravan na bahagi ng Sapatos Festival ng Marikina

Php 12M Kita ng Shoe Caravan


at mga kalapit lalawigan nito. Patunay sa natamo nitong tagumpay ang mahigit na 12 milyong kita ng shoe caravan sa loob ng pitong linggong paglilibot nito at mainit na pagtanggap ng mga tinungong lungsod ng shoe caravan. Di inaasahang ng lokal na pamahalaan na aabot ng Php 12,064,294 kaya naman malaki ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan pati na ang mga shoe manufacturers na lumahok sa

sang malaking tagumpay para sa lungsod ang inilunsad na Shoe Caravan ng lokal na pamahalaan ng Marikina nitong October 3 hanggang November 18 2011 sa mahigit 15 na lungsod sa Metro Manila

Shoe-per Star Alley, isang pagpupugay


ISANG PAGPuPuGAY sa 49 na personalidad ang inialay ng lungsod ng Marikina sa pamamagitan ng paglalagay ng pangalan ng mga ito sa Shoe-per Star Alley ng Shoe Museum. Pinasinayaan noong ika-15 ng Nobyembre, ang Sho-per Star Alley ay nagtatampok sa disenyo ng sapatos na gawa sa 19 cm. x 19 cm. brass at nakapaloob sa 60 cm. x60 cm. granite tiles. Kabilang sa mga personalidad na tampok dito ay sina former First Lady Imelda Marcos, former President Fidel Ramos, former President Joseph Estrada, Sen. Aquilino Pimentel Jr, Sen. Gringo Honasan, Manny Pacquiao, Paeng Nepomuceno, Eugene Torre, Cornelio Padilla Jr, Chelsea Bernasconi, Fernando Josef, Remy Boquiren, Abdul Mari Asia Imao, Lav Diaz, Lisa Macuja, Agot Isidro, Jericho Rosales, German Moreno, Edgar Mortiz, Cristine Reyes, Raimund Marasigan, Simeona Chanyungco, Jeffrey Hidalgo, April Boy Regino, Gary Valenciano, Dandy Gomez, Rosa Rosal, Tony Meloto, Bolok Santos, Dharma Master Cheng Yen, Henry Sy Sr, George Ty, Lucio Tan, John Gokongwei Jr, Exequiel Robles, Cheche Lazaro, Rhea Santos, Tina Monzon Palma, Charo Santos Concio, Ariel Villasanta, Ricky Reyes, Shamcey Supsup, Patis Tesoro, Tessa Prieto, Angel Aquino, Apostol Arsenio Ferriol, Cardinal Gaudencio Rosales, Ka Eduardo Manalo, at Bro. Eddie Villanueva Ang naturang mga personalidad ay kinilala ng lokal na pamahalaan sa kanilang ambag at inspirasyon sa muling pagpapasigla ng industriya ng sapatos ng lungsod. Maliban sa atraksyong dulot ng Shoe-per Star Alley, tampok din sa loob ng Shoe Museum ang personal na sapatos ng 49 personalidad na mga ito.

nasabing caravan dahil malaking tulong daw ito sa kanilang kabuhayan. umikot sa ibat ibang lungsod sa Metro Manila ang shoe caravan na nagumpisa sa Valenzuela City, Navotas City, Malabon City, Caloocan City, Quezon City, Pasig City, Taguig City, Pateros, Muntinlupa City, sa San Juan City Hal, sa Manila City Hall, sa Pasay City Hall, sa Paraaque City Hall, sa Las Pias City Hall, sa Makati City Hall, at sa Mandaluyong City Hall. Nagsagawa rin ng mga product and photo exhibits sa SM Marikina noong October 8 hanggang October 12; at sa SM Masinag noong October 22 hanggang sa October 26. Isang malaking hakbang ito upang muling maipakilala ang sapatos ng lungsod ng Marikina sa buong Pilipinas, pahayag mula kay Marikina Mayor Del De Guzman. Inaasahan ng Marikina na muli nitong mapapanumbalik ang sigla ng pagsasapatos sa lungsod at muling maipakilala ang Marikina bilang Shoe Capital ng Pilipinas.

You might also like