Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Pagsusuring Pampelikula 50 First Dates Isang Kahingian sa Pagtatapos ng Ikalawang Markahan

Ipinasa nina : Jysar C. Reubal Christian Dave F. Salido IV-Amity Ipinasa kay: Gng.Beatriz Bustos Mataas na Paaralang Ramon Magsaysay
I.PAMAGAT

II. SUMULAT

Si George Wing ang siyang sumulat ng 50 first dates. Siya ay ipananganak sa Newton, Massachusetts. Sa kasalukuyan, siya ngayon ay 39 taong gulang na.

Maikling inpormasyon tungkol sa personal niyang buhay: Si George Wing ay hindi nakatapos nangpag-aaral sa New York University of Film ngunit hindi iyon hadlang upang maging isang magaling na manunulat ayon sa kanya.

III.DIREKTOR Si Peter Segalay ipinanganak noong taong 1962.Siya ay 50 taong gulang na ngayon. Ipinaganak siya sa bansang Amerika .

Maikling inpormasyon tungkol sa personal niyang buhay: Siya ay kilala sa larangan ng pelikula at maituturing bilang isang batikang director, maununulat at actor. Kilala siya sa mga akda at pelikulang may komedya. Halimbawa na lamang nito ay ang mga sumusunod:

Naked Gun 33: The Final Insult (1994) Tommy Boy (1995) My Fellow Americans (1996) Nutty Professor II: The Klumps (2000) Anger Management (2003) 50 First Dates (2004)

The Longest Yard (2005) Get Smart (2008) Get Smart 2 (2011)

IV. PAGPAPAKAHULUGAN SAPAMAGAT A. Bago mapanuod ang pelikula

Sa aking pagbasa sa pamagat na aming panonoorin, pumasok sa aking isipan na isa lamang itong pangkaraniwang istorya ng pag-iibigan ng dalawang tao. Ngunit mayroong agam-agam ang bumabagabag sa aking isipan sapagkat napukaw ang aking tingin sa kahulugan ng akda, 50 first dates na ang kahulugan sa wikang tagalong ay limampung araw ng pagsusuyuan. Malaking katanungan kung bakit iyon ang siyang pamagat ng pelikula

B. Pagkatapos mapanuod ang pelikula Pagkatapos ko mapanuod ang pelikula ay aking nagpagtanto kung anong ibig sabihin ng pamagat at ang kahulugan ng tunay at wagas na pag-iibigan ng dalawang taong nagmamahalan. Ang mga makapagdamdaming sandali sa buhay ng isang taong lubos na nagmamahal at lumalaban sa hamon ng buhay ang siyang kahulugan ng pamgat pagkatapos kung mapanood ang pelikulang 50 first dates.

V. PAGPAPAKILALA SA TAUHAN

Mga pangunahing tauhan:

Adam Sandler ( Henry Roth ) - Isa siyang beterinaryo ng mga hayop na pantubig. Isa siyang lalaking babaero at takot na magkaroon ng isang relasyon sa kahit kaninong babae ngunit nagbago ang lahat nag makilala niya si ay Lucy Whitemore(Drew Barrymore)

Drew Barrymore ( Lucy Whitemore ) - Siya ay isang art teacher sa Hawaii ngunit mayroong problema sa kanya sapagkat bawat pagtulog niya nakaklimutan niya ang kanyang mga alaala sa araw na nangyaring iyon.

Mga iba pang tauhan

Rob Schneider ( Ula ) - Siya ay isang native Hawaiian na assistant. Si Ula ay hindi masaya sa kanyang buhay dahil sa nakapangasawa siya ng isang matabang babae at natali siya sa limang anak na pawaing atletiko at talentado.

Sean Astin ( Doug Whitmore ) -Nakakatandang kapatid ni Lucy na baliw sa kanyang katawan Blake Clark ( Marlin Whitmore ) - Ang tatay ni lucy na isang propesyonal na magingisda Lusia Strus ( Alexa ) - Siya ay assistant ni Henry sa pangagamot sa mga hayop sa zoo Dan Aykroyd ( Dr. Keats ) - Siya ay isang doctor ng mga maysakit sa utak. Amy Hill ( Sue ) - Siya ay isang tindera ng isang kainan sa Hawaii na kaibigan ng namatay nyang ina at napamahal na rin kay Lucy bilang isang ina.

VI. BUOD NG PELIKULA Si Henry Roth ay isang beterinaryong babaero at takot na umibig at magkaroon ng relasyon sa isang babae. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Lucy Whitemore isang art teacher. Hindi alam ni Henry ang buong pagkatao ni Lucy at si Henry ay nahulog ang loob kay Lucy. Natuklasan ni Henry ang katotohanan kay Lucy na mayroon itong sakit. Nalaman niya ito kay Sue na matagal ng kaibigan ng mga Whitemore. Sa huli ay hindi itinigil ni Henry ang panunuyo kay Lucy upang mapasagot ito kahit araw-araw ay nakaklimutan siya nito. Sa bandang huli hindi naging hadlang ang sakit ni Lucy sa pagmamahalan nila. Ang kanilang pag-iibigan ay nagbunga. Sila ay naglakbay sa Antartica kasama ang kanilang pamilya at anak na si Marri.

VII.PAGSUSURI SA KABUUAN NG PELIKULA

A. Makatotohanan ba ang istorya ng pelikula? Para sa amin opo sapagkat ito ay may katangian ng isang realidad sa buhay ngunit ayon sa aming pananaliksik maaaring magkaroon ng sakit at istorya ang ganitong pelikula dahil ang pelikula na ito ay base sa tunay na buhay kung saan mayroong isang babae na naaksidente sa kotse at araw-araw ay nawawala ang kanyang mga ala-ala. Gaya ng nangyare sa isa sa mga pangunahing bida na si Lucy na kung saaan nawala ang kanyang alaala dahil sa isang matinding aksidente. Isa rin sa mga katotohanan dito ay

ang tulad na ginawang pagmamahal ni Henry kay Lucy. Ang pagppakita niya ng pag-ibig na tunay at totoo. Lahat ito ay halos ipinakita niya sa kabuuan ng pelikula

B. Angkop ba ang artista sa papel na kanyang ginaganapan? Tunay na naging angkop ang mga gumanap na aktor at aktress sa pelikula. Sa aking pagsusuri, ang mga galaw at kilos gayundin ang pag-arte ng mga naturang mga aktor at aktres ay sadyang kay gandang panoorin. Ang pagganap ni Adam Sandler bilang isang babaerong beterinaryo ay kanyang napanindigan sa kabuuan ng pelikula. Pati na rin ang pagiging isang romantiko at mapagmahal na lalaki. Gayundin si Drew Barrymore. Sa pagganap niya bilang isang babaeng may sakit , Nagawa niya ito ng maayos at maganda. Halos maiyak kami sa kanyang pagganap. Dahil labis na nakakaantig ng damdamin ang mga eksena nilang dalawa.

C. Paano nakatulong sa ikagaganda ng pelikula ang pagtapat ng ilaw,tunog, kasuotan at tagpuan?

a. Ilaw Sa ilaw nabigay ito nang buhay ang malinaw na kulay sa pelikula.Ito rin ang isa sa mga tunay na nagpatingkad sa naturang palabas. Sapat lamang at hindi gaanong masakit sa mata ng mga ilaw sa pelikula. Mas nabigyang diin din nito ang ilang mahahalagang eksena. Tulad ng mga romantikong eksena nila na kung saan sila ay nagpapakita ng

kanilang pagmamahalan. Dahil sa maayos na pagkakagamit ng ilaw ay naging magnada at perspektibo ang mga eksenang iyon.

b. Tunog Sa tunog ng pelikula maganda ang pagkakalapat ng mga musika o background song sa ibat ibang emosyon ipinapakita ng isang eksena halimbawa nalamang ng umiiyak na si Lucy dahil nabigla siya sa mga nanyari sa kanya. Dahil sa maayos na pagkakalapat ng musika ay nadala rin ang aming emosyon. Halos mapaiyak din kami sa eksena na kung saan nalaman ni Lucy ang katotohanan sa kanyang kalagayan. Mas napaantig pa nito ang aming mga damdamin dahil sa maayos at magandang pagkakalapat ng musika o tunog.

c.

Kasuotan Sa kasuotan naman tama lamang at angkop ito sa tema ng pelikula. Ang kanilang mga naging kasuotan ay angkop sa tema ng tagpuan nila na Hawaiian. Patunay dito ay ang eksena na kung saan sina Lucy at Henry ay nagkakasiyahan sa may dalampasigan na kung saan ang lahat ng mga kasapi roon ay nakasuot ng damit na may temang Hawaiian.

d. Tagpuan

Sa tagpuan naman , ito ay paulit- ulit lamang at hindi halos nagbabago ang tagpuan. Ngunit dahil sa mga tagpuang ito, mas nabigyan na madaling pagpapakahulugan ang kabuuan ng pelikula. Gaya ng tagpuan sa isang kapihan na kung saan unang nagkatagpo sina Henry at Lucy. Sa paulit-ulit na tagpuang ito, naipakita rito kung paano nahubog ang isat isa. Iyan ang naging kagandahan sa tagpuan nila na sumusunod din sa tema ng pelikula na Hawaiin.

D. May napabayaan bang elemento?

1. Tauhan - Sa tauhan, walang napabayaang elemento rito. Mula sa kanilang kasuotan hanggang sa pagganap. Isang patunay dito ay ang maayos na pagganap ng mga ibang karakter sa pelikula. 2. Direksyon Maayos at naging angkop ang direksyon ni Peter Segalay. Makikita ito sa kabuuan halos ng pelikula kaya hindi masasabing may napabayaang elemento rito. 3. Sinematograpiya Naging maayos ito kaya walang parte o bahagi ng pelikula ang napabayaan. Ang mga magagandang angulo sa pelikula ay nakuhaan ng maayos at malinaw. Mababatid ito sa kabuuan ng peikula. 4. Iskrip Sa kabuuan ng iskrip, natugunan nito ang pangunahinglayunin nito na ipakita ang tunay na pagmamahalan. Mula sa mga dayalogo ng mga artista hanggang sa mga pag arte nila. Lahat ng iskrip sa pelikulang ito ay umangkop sa kabuuan.

5. Teknikal na aspeto Gaya ng unang pagsusuri namin, maaring may mga pagkukulang man, hindi ito naging hadlang upang maipakita ang kagandahan ng kabuuan ng pelikula. Naging maayos ang pagkakagamit ng mga ito dahilan upang kalabasan ng maganda ang buong pelikula.

E. Naipabatid ba ng pelikula ang mensahe nito sa mga manonood? Opo, naipabatid nito ang mensahe sa mga manunuod. Naipabatid nito ang mensahena lahat ay gagawin para lamang sa pag-ibig. Naging dahilan ito upang kami ay halos kiligin sa kabuuan ng pelikula. Patunay sa mensaheng ito ay ang eksena na kung saan i Henry na mismo ang gumawa ng paraan upang gumaling mula sa karamdam niya si Lucy.

1. Bisang Pangkaisipan Sa bisang pangkaisipan , ito ay nagbigay sa akin ng ideya tungkol sa kung ano ba talaga ang tunay na pag-ibig sa isang tao at kung paano nito mababgo ang buhay ng isang indibidwal at ng mga taong nakapaligid dito. Gaya ng ipinakita ni Henry sa kabuuan ng pelikula. Ipinakita niya rito ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Halos sa lahat ng eksena ay ipinakita niya iyon. Mula sa simula hanggang sa katapusan ng pelikula.

2. Bisang pandamdamin

Sa bisang pandamdam, naramdaman ko ang tamis ng wagas na pagmamahalan. Nasaksihan ko ang mga bagay na siyang dapat madama ng mga taong nagmamahal at minamahal kung paano paaagusin ang bugso ng damdamin. Isa sa mga patunay dito ay ang eksena na kung saan si Lucy ay ipinakita ang koleksyon niya ng mga iginuhit niya na mukha ni Henry. Labis itong nagpaantig sa amin habang pinapanood ang kabuuan ng pelikula. At dahil din sa magandang tambalan nila, mas nakapagpaantig pa ito ng aming mga damdamin habang pinapanood ang kabuuan ng pelikula.

3. Bisang Pangkaasalan

Nabago ng pelikula nito ang kaasalan kung paano uunawain at tatangapin ang tunay na kahulugan ng pag-ibig at pagbabago ng aking isipan na ang pag-ibig ay hindi nakasasama ito ay nakaktulong sa pag-unald ng isang indibidwal. Patunay dito ang ginawang pagtanggap ni Henry sa kalagayan at sitwasyon ni Lucy sa kabuuan ng pelikula. Subalit sa kabila nito ay hindi pa rin siya natinag at sumuko rito. Bagkus ay mas lalo pang nagsikap upang siya ay mahalin ni Lucy.

VIII. TEORYANG GINAGAMIT

Sa 50 first dates ang teoryang ginamit ay romantisismo. Ang teoryang ito ang ginamit sapagkat sa aming pagsusuri ang pag-iibigan ang siyang namamayani. Ang damdamin ang siyang nangingibabaw sa pelikula. Ang tuluyang nag-uudyok upang ang bagong buhay at inspirasyon sa pagkamit ng mga ninanais ay siyang matagpuan. Gaya ng ipinakitang damdamin ni Henry at Lucy sa isat isa. Pagmamahalan ang kanilang tanging ipinakita sa kabila ng mga pagsubok na nagdaan sa kanilang dalwa.

IX. KONGKLUSYON Bilang Pagwawasak napatunayan naming na ang pag-iibig ay sadyang umuusbong na may kasamang pagsubok.Bakit?Dahil ito ang sumusubok sa mga taong nagmamahalan upang malamn kung ito ba ay puro o wagas ang siyang namamyani. Ito ay biyaya ng Diyos na dapat gamiting inspirasyon sa paggwa ng mabuti at tama sa pagyabong ng ating pagkatao. Halos ipinakita ito sa kabuuan ng pelikula na kung saan sina Henry at Lucy na mismo ang nagpatunay nito.

X. REKOMENDASYON Sa mga magulang Ang 50 first dates ay isang magandang pelikula para sa mga mga magulang sapagkat nagpapakita ito nang tunay na pagmamahalan ng dalawang tao sa buhay upang lalo pang mapagtibay ang kanilang pagmamahalan sa anumang hamon ng buhay. Gaya ng mga pinagdaanang pagsubok nina Henry at Lucy. Na sa kabila ng hirap ay nagpatibay at nagpalalim ng kanilang pag-iibigan.

Sa mga Anak Aral kung paano pahahalagan ang mga taong nasa paligid mo at mga taong iniibig mo sa buhay. Sa pagmulat ng mga tamang desisyon at pangunawa sa mga bagay. Dapat na mamulat sila upang sa kanilang pagtanda ay maging handa sila at hindi lamang pagtatawanan ang mga ito.

Sa mga kabataan Bilang inspirasyon sa mga mga kabataan na ang tunay na pag-iibig ay nagbibigay buhay at hindi ng kasawian sa sinumang tao. Mas nagpapatibay ito sa isang tao at hindi sumisira ng pagkatao. Kaya ang pelikulang ito ay nararapat para sa lahat ng mamamayang Pilipino.

You might also like