Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ibong Mandaragit ( Kabanata 39) Miyembro: Abuda, Flores, Giron, Monserrate, Pobre I.

Layunin ng Pag-uulat:

1. Maibahagi ang kwnto sa pamamagitan ng malikhaing paraan. 2. Maenganyo ang mga kaklase na basahin ang nobela. II. Panimula: Mga Tanong: 1. Sino ang gumagamit ng lotion na pangpaputi? Bakit ? III. Katawan Pagsasalaysay (Mga papel na may mga keywords) Pumunta si Mando Plaridel sa Estados Unidos. Dito niya nakita ang napaka gandang mga establisimento, mga produktong hindi mo mabibili sa Pilipinas, maunlad na industriya, daang bakal at binibigyang pansin ng husto ang demokrasya. Lahat ng itoy bunga ng masisipag na paggawa. Sobra sobra ang paghanga niya sa bansang Amerika dahil dito. Akala ni Mando ay napaka perpekto na ng Amerika dahil sa mga magagandang bagay na kanyang nakikita. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga puri na maibibigay para sa bansang ito, may mali pa rin palang mahahanap sa bansang kanyang hinahangaan. Sa kabila ng pagiging isang demokratikong bansa, laganap ang diskrimasyon dito sa mga itim ang balat o kung tawagin ay negro. Sa kanyang pamamalagi sa Estados Unidos, nalaman at nakita niya ang mga diskriminasyon na ginagawa sa mga itim. Sila ay nakabukod palagi sa publiko kahit sila mismo, ay mga amerikano rin. May sarili silang banyo, sariling kainan at sariling sinehan. Hindi sila maaring bumoto at kung boboto man sila, hindi Malaya ang kanilang pagboboto. Kakaonti ang mga trabaho na puwede nilang pasukan at bawal sila pumasok sa ibang mga establisimento. Habang nasa Amerika, nakita niya ang dating kaibigan na si Steve. Si steve ay isang itim na dating sundalo o skaut sa bundok ng Luzon. Walang tumatanggap sa kanya sa trabaho dahil nga daw siya ay isang itim. Malaki ang respeto ni Mando kay Steve dahil kahit siya ay inaalipustangan ng sarili niyang bayan, pinagsisilbihan pa rin niya ito. Mapagbigay si Steve, matulungin at pasensyoso. Pinayuhan ni Mando na bumalik na lang si Steve sa Pilipinas at doon magsimula muli. May isa ring nakilala si Mando sa Amerika. Ito ay isa pang Pilipino na nagsikap para makatapos sa isang unibersidad doon. Gumanda ang kanyang buhay sa Amerika kayat pinagpasyahan niya maging cividadong Amerikano. Pinagpasyahan niya ito dahil takot siya umuwi ng Pilipinas sa sobrang gulo o baka dahil maraming wala doon na mayroon sa Amerika. Dahil dito, pinayuhan siya ni Mando. Nagkatagpo ang mga ibang Pilipino sa Estados Unidos at umusbong ang magiting na panukala ng mga kababayan na nagpatunay ng kanyang pagka-Pilipino at nagsambit na hindi sila magiging dalahin ng bayan. Napagtanto ni Mando na ang Pilipinoy Pilipino at di puwedeng maging Amerikano kailan man. Pinahalagahan niya ang bansang Pilipinas at ang pagiging isang Pilipino. Ang mga nasa Bond Paper ay: 1. Pumunta si Mando sa Estados Unidos Dumalo sa isang pagpupulong sa Capitol Hill.

2. Namasyal sa ibat-ibang lugar, at may nakita na dating kaibigan. Nagkwentuhan at nagkamustahan sila. 3. Nakatagpo si Mando ng isang Pilipino. 4. Ikinakahiya ng Pilipino ang kanyang lahi. Nagpayo si Mando. 5. Nakakita muli si Mando ng iba pang Pilipino

IV. Talasalitaan( Palaro) durungawan-kung san pwedeng dumuwang/lumabas asero-bakal na may karbon kaya matigas at matibay liwaliwan-lugar na pinanglilibot o pinamamasyal angaw-angaw:milyun-milyon mulata/mulato-taong ang isang magulang ay puti at isa naman ay negro

V. Halagang Pangkatauhan - Pagiging MAKABAYAN VI. Sulinaring Panlipunan Diskriminasyon- May isang kompanya na nagsagawa ng interview para sa bakanteng trabaho. Kitang kita sa interview na mas magaling ang Pinoy ngunit mas pinili pa rin nila ang Amerikano kesa sa Pinoy. Mga Pilipinong pumupunta sa ibang bansa na akalang may pagkakataon sa buhay at hindi marunong lumingon sa pinanggalingan.

VII.Pahayag ( Visual Aid gamit ang Power Point presentation) VII. Pag-uugnay sa Kasalukuyan VIII. Ang Mga Ibong Mandaragit ay tumutukoy sa mga Pilipinong naninirahan sa ibang Bansa. Ang iba sa kanila ay mga Overseas Filipino Workers, o mas kilala na OFW. Pinapahayag ng kwento na maraming mga tao ang mahilig magpanggap. Ang marami sakanila ay gustong gusto maging banyaga rin. Katulad ng kasulukuyang sitwasyon, maraming mga Pilipino ang pumupuntang ibang bansa upang makapag trabaho. Marami sakanila ay umaasang maiahon ang kani kanilang mga pamilya. Marami din naming nagbabakasakali na maging citizen doon. Hindi ito maiiwasan sapagkat patuloy nang bumababa ang ekonomiya ng bansa. Ang suliraning ito ay lumalaki sapagkat ang mga Pilipino na nagnanais na guminhawa ang buhay ay hindi na bumabalik pagkarating sa ibang bansa. Ang iba pa ay nagaapply pa ng green card upang silay maging citizen doon. Malaking problema ito para sa Pilipinas dahil kabilang sa mga Pilipinong lumilisan para sa ibang bansa ay ang mahuhusay nating mga kababayan na nakatapos ng magagandang kurso. Mas pinipili nilang magsilbi sa ibang bansa kaysa sa sarili nating bansa. Ito ang malaking suliranin na hinaharap ng Pilipinas ngayon. Bilang isang Pilipino, hindi dapat natin ikahiya kung anong itsura natin. Hindi masamang makihalubilo sa mga dayuhan. Wag lang sana natin kalimutan kung saan tayo lumaki at pinanganak. Huwag na huwag natin ikakahiya kung ang kulay natin ay kayumanggi at pango

ang ating ilong. Ang mahalaga, may paninidigan tayo at may malasakit sa sariling bansa. Para sa mga OFW naman, hindi masamang mangrap ng magandang buhay. Hindi rin masamang iahon ang sarili at pamilya sa kahirapan. Wag lang sana natin kalimutan na mahalaga parin kung pagsilbihan natin ang sarili natin bayan upang makatulong sa pagunlad nito. Sa tuwing tayo ay aalis upang magtrabaho sa ibang bansa, lalo lamang lumalala ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa. Ipapanood ang isang bahagi ng pelikulang Caregiver na nagpapakita ng mga taong katulad ng mga Pilipino sa nobela na mas piniling manirahan sa ibang bansa.

Pamagat (Pagpapaliwanag na lamang sa harap ng klase) Ang ibon ay may ibat ibang kinakain. May mga ibon na kung tawagin ay scavenger, ang mga Negro o itim ang katumbas ng mga kinakain ng ibong mandaragit. Ang ibong mandaragit naman ay sumisimbolo sa mga Amerikano na kumakain o tinatapakan ang pagkatao ng mga itim.

You might also like