Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

ALAMAT NG SAMPAGITA

Noon, lahat ng halaman ay may pinagmamalaking kayamanan tulad ng masarap ng bunga o bulaklak na marikit, mabngo at may kakaibang ganda. Maliban sa isa.

Ang Sampagita ay parating naging tampulang ng katatawanan sa hardin. Parati siyang inaapi ng mga kasamang halaman.

Madalas na pagmamayabang ng Santan, "Ano ang iyong silbi? Salat ka na sa ganda, wala pang bulaklak na ipagmamalaki. Hindi tulad ko na biniyayaan ng makukulay na bulaklak. Ako'y nakakawili."

Kutya naman ng Milegwas, "Oo nga, pangit ka na, wala pang bangong kahali-halina. Amuyin mo ko, ang sarap ng samyo, ang tamis, ang bango. Mahalaga ako sa mga tao sapagkat ako ang parating inaalay sa kanilang mga Santo."

"Ako rin," gatong pa ni Rosas. "Di ba't sadyang ako'y napakaganda? Ang mga bulaklak ko, pula, puti man o dilaw, sikat na panregalo sa mga dalaga. E ikaw para saan ka? Hindi ka dapat sa amin sumasama." Tawanan ang mga magandang mga halaman. Araw-araw, ganito ang kanilang usapan. Isang araw, hindi na makapagtimpi ang kawawang Sampagita. Nagtangis, nakiusap, nagmakaawa sa mabait na Bathala. "Panginoon, bakit naman ganoon? Ano nga ba ang silbi ko? Ako'y abang halaman lamang."

Narinig ng Bathala ang wangis ng naaping Sampagita. Awang-awang nagwika, "Iha, tumigil ka na sa pag-iyak, bibiyayaan kita bulaklak na kaiingitan nila." Dumakot siya ng mga bituin sa langit at saka ito dinurog. Bawat isa nito ay kanyang hinalikan bago isinaboy sa humihikbing Sampagita.

Ang bawat bituin ay naging munting puting bulaklak na sadyang napakatamis ng samyo. Ang kanyang mga bulaklak ay naging paborito ng mga tao, pangkuwintas sa mga dalaga at bisita at pang-alay sa mga Santa.

Nahigitan ng Sampagita ang lahat ng nangungutyang halaman. Siya pa ang tinanghal na pambansang bulaklak ng bayang sinisinta.

ALAMAT NG KASOY
Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman.

Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huni ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya. Masayang kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra ang Tsonggo. Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging ang Papaya. Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot. Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan. Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto. Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba? Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito. Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto. Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman. Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ng mga Maya. Sa tuwa ng Elepanteay kumembutkembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sa pagimbay ang mahagway na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng bahaybahayan. Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila. Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa. Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at kinakaliglig sa lamig ang Buto. GaGanito pala sa labas. MaMamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi ka sa ingay ng kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. AAyoko na sa labas. Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na parusa ay pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito. Iyan ang Alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.

TALAMBUHAY NI ANDRES BONIFACIO


Si Andrs Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897) ay siyang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa. Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tundo, Maynila. Ang kanyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalia de Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmea sa Melsic subalit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila. Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na gawa sa papel de japon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent at bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini. Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung ito ay tungkol sa himagsikan at digmaan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik. Siya rin ay nagnais na magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan upang kanyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan at upang maging wasto at panatag sa kanyang itinatag. Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilala rin bilang "Kataastasan,Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan" (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na di naglaon ay naging sentro ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio ay sina Valentin Diaz, Deodato Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata (bayaw ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at ilang mangagawa ang pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M. Recto) malapit sa Calle Candelaria (ngayon ay Kalye Elcano). Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas. Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may isang layunin na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay. Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulong Hari ng Katagalugan". Dito rin niya nakilala siGregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong Agosto 23, 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isa isa'y pinunit ang kanilang mga cedula. Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan ng mga Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Nanalo sa pagka-pangulo siEmilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa mababang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Interior Director). Nang sinubukan ng mga miyembro ng lupon ng mga Magdalo na kuwistiyunin ang kakayahan ni Andrs Bonifacio, idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na eleksyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil. Ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na lalaki na si Procopio Bonifacio noong ika-10 ng Mayo, 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o Bundok Buntis). Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang labi niya.

TALAMBUHAY NI DR. JOSE PROTACIO RIZAL


Si Dr. Jose Protasio Rizal (Ika-19 ng Hunyo 1861-Ika-30 ng Disyembre 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng magasawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jose Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang mga anak nina Francisco at Teodora. Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Bian, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong ika-5 ng 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo. Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas. Si Dr. Jos Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861-Disyembre 30, 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jos Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid. Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Bian, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo. Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.

|SINO AKO|
Sino itong nasa salamin Kaharap ko Ngunit di tumitingin Sya bay nalulumbay At napapagod pa Sa pakikipag laban At pagtitiis

Sya bay ako o ako ay sya Sadyang hindi ko makilala Nasan na ba ako sa yugtong ito

Akoy humihiling ng awa at pag mamahal Di ko ninais na akoy magka ganito Ngunit kailangan kong hanapin ang tunay na ako

Sino ako? sa puso mo Sino ako? sa buhay mo Hanggang kalian Mag hihintay Hanggang kalian mangangarap Na magpakailanman Ay kasama ka Di ko ninais Na akoy magka ganito Ngunit kailangan kong Hanapin ang tunay na ako

Sino ako? Sa puso mo Sino ako? sa buhay mo Hanggang kalian maghinintay Hanggang kalian mangangarap Na magpa kailanman ay kasama ka Sino ako?

IKAW NGA- SOUTH BORDER


intro: Heto na naman, nag-iisip minsay nagtataka, Nasa kin nang lahat bakit nangungulilaoh At nang makita ka, ibang sigla aking nadarama, Pag-ibig nga ba ito, akoy nangangambaoh

Nais kong ipagtapat sa yo, Sanay dinggin mo ang lihim na pusong ito, Kahit na tayoy magkaibang mundo.

Ikaw nga, ang siyang hanap-hanap, Kaytagal na akoy nangarap, Lumuluhod,nakikiusap, Ako ay mahalin, mo sinta, Ikaw nga ang siyang magbabago, Sa akin, sa aking buhay, Handang iwanan ang lahat, Upang makapiling ka, sintaoh

Nang makilala ka, Ibang saya aking nadarama, Alam kong pag-ibig ito, Anong ligayaoh

Nais kong ipagtapat sa yo, Sanay pagbigyan, dinggin ang puso kong ito, Kahit na tayoy magkaibang mundo.

Ikaw nga, ang siyang hanap-hanap, Kaytagal na akoy nangarap, Lumuluhod,nakikiusap, Ako ay mahalin, mo sinta,

Ikaw nga ang siyang magbabago, Sa akin, sa aking buhay, Handang iwanan ang lahat, Para lang sayo, sinta, Upang makapiling ka, sinta

ANG KALABAW AT KABAYO


Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at panghihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit. "Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw. " Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad. "Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw. "Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo. Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw. Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin. "Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

MGA ARAL NG PABULA:


Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay magtutulungan.

ANG DAGA AT ANG LEON


Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. "Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga. Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon. "Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat. "Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

MGA ARAL NG PABULA:


Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa. Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan. Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan.

ANG PARABULA NG GUTOM NA ASO


Mayroong isang dakilang hari na mapang-api sa kaniyang sinasakupan. Dahil doon ay kinasusuklaman siya ng mga tao.

Nang mabalitaan niyang nasa kaniyang kaharian ang isang Banal na Tao, pinuntahan niya ito at humingi ng aral upang magamit niya ang kaniyang pag-iisip sa makakabuti lalo sa kaniya.

Ang Banal na Tao ay nagsabi: Ikukuwento ko saiyo ang parabula ng gutom na aso.

Mayroong isang malupit na mapang-alipin na n hari kaya ang diyos na si Indra ay nagbalatkayong isang mangangaso. Kasama niya ang Demonyong si Matali na nag-anyong napakalaking aso, sila ay bumaba sa lupa. Pagpasok nila sa palasyo ay umatungal nang napakalungkot kung kaya ang mga gusali ay nayanig ang kailaliman nito. Ang malupit na hari ay nag-utos na dalhin ang mangangaso sa kaniyang harapan at tinanong ang dahilan ng pag-aalulong ng aso.

Sabi ng mangangaso, "Ang aso ay gutom ". Kaya dali-daling nag-utos ang hari na kumuha ng pagkain. Pagkatapos ubusin ang hinandang pagkain, umalulong ulit ang aso. Nag-utos ulit na magdala ng pagkain ang hari para sa aso hanggang maubos ang kanilang inimbak na pagkain, hindi pa rin huminto ang aso sa kaaalulong. Naging desperado ang hari. Siya ay nagtanong, "Walang makakabusog sa asong iyan?" "Wala", sagot ng mangangaso. "Maliban siguro kung ipapakain ang balat ng kaniyang mga kaaway. "At sino ang mga kaaway niya ?" urirat ng hari.

Sumagot ang mangangaso: Ang aso ay atuloy na aalulong hanggang may naguguton na tao sa kaharian at ang kaniyang mga kaaway any ang mga malulupit na umaapi sa mahihirap. Ang hari na tinutukoy ng Mangangaso ay naalala ang kaniyang masasamang gawi at siya ay nagtika at sa unang pagkakataon ay nalinig siya sa pangaral ng kabutihan.

Nang tapos na ang kuwento, pinagsabihan ng Banal na Tao ang hari na namutla sa takot : "Ang Tathagat ay mapapadali ang pandinig ng mga may kapangyarihan at ikaw dakilang hari kapag narinig mo ang pagtahol ng aso, isipin mo ang mga Turo ni Buddha at tatahimik ang Aso.

ANG PARABULA NG NAWALANG ANAK


May isang mayaman na may dalawang anak na lalaki. Ang pinakabata ay lumapit sa ama at hiningi ang kanyang mana.

Kaya ang ginawa ng matanda ay hinati niya ang kaniyang kayamanan sa dalawa. Ilang araw ang nakalipas, umalis ang bunsong anak at nangibang bayan. Inubos niya ang lahat ng ibinigay sa kaniya ng ama.

Nagkaroon ng matinding taggutom sa bansang iyon kaya napilitan siyang mamasukan sa isang mamamayan na nagpadala sa kaniya sa bukid bilang tagapagpakain ng baboy.

Habang nagtitiis siyang kumain ng kaning baboy dahil wala namang ibinibigay sa kanyang pagkain, naalala niya ang kaniyang ama at ang mga katulong nito sa kanilang sariling pataniman.

Naisip niyang bakit siya magtitiis na mamatay sa gutom habang ang mga katulong ng kaniyang ama ay sagana sa pagkain.

Minabuti niyang umuwi at humingi ng patawad at handa siyang magtrabaho kahit na bilang katulong lang. Malayo pa lang siya ay natanaw na siya ng kaniyang ama na tumakbo at siya ay niyakap at hinalikan.

Tinawag nito ang kaniyang mga katulong at inutusang bihisan ang kaniyang anak ng magarang kasuotan, bigyan ng sapatos at singsing sa kaniyang daliri. Iniutos din niya ang magpatay ng baka upang ipadiwang ang pagbalik ng kaniyang anak.

Ang panganay niyang anak na nasa pataniman ay narinig ang musika at ang pagsasaya habang siya ay papalapit sa bahay. Tinanong niya ang isa sa mga utusan kung ano ang kasayahang yaon. Nalaman niya na nadiriwang ang kaniyang ama sa pagbalik ng kaniyang anak.

Nagalit ang panganay na anak at ayae niyang pumasok para sumali sa pagdiriwang.

Sinumbatan niya ang kaniyang ama tungkol sa kaniyang pagsisilbi dito na parang alipin subalit ni minsan ay hindi siya binigyan ng kahit maliit na kambing para magsaya kasama ang kaniyang mga kaibigan. PEro noang dumating ang kaniyang kapatid na nilustay ang kaniyang mana sa mga masasamang babae, ito ay binigyan pa ng pagsalubong.

Sinagot siya ng kaniyang ama na siya ay naroong kasama niya at lahat ng kasaganaang tinatamasa niya ay kasama siya samantalang ang kapatid niya ay nawala at bumalik. Tila siya namatay na nabuhay ulit.(Luke 15:11-3)

IPINAGPALIT MO NI: AVON ADARNA


Ako si Luneta na ipinagpalit mo, Doon sa Trinoma sa gitna ng barrio, Ang aking kariktan at taglay na bango, Inayawan mot nilimot ng husto! Ako si Taguan sa bilog na buwan, Na noon ay laging pinaglalaruan Ngayoy ibinaon at nakalimutan Telenovela ang pinahalagahan. Kami naman itong si PO at OPO, Na nalimot mo ring sira ang pangako, Sa wariy nagbaon sa ilang na dulo, At wala nang irog na isinasapuso. Pagmamano akong wala nang halaga, Sa kamay at noo ng batat matanda, Kung paggalang naman ang bihag na dala, Wala akong puwang sa puso at diwa. Tradisyot kultura nitong Filipino, Ay tila kasamang nawala sa uso Ng literatura ng mga ninuno, At ipinagpalit mo sa kinang ng bago!

PUGAD NG PAG-IBIG
Pag-ibig anila'y bulag ang kahambing, Hindi nakakikilala ng pangit at matsing, At kahit pa nga magdildil ng asin, Duling na sa gutom, maligaya pa rin! Ganyan bang pag-ibig... martir at dakila? Sa wari'y bayani't sundalo ng digma, Sugatan ma't lumpo, lalaban ng kusa Ipakikibaka bansang sinisinta.

Walang pasubaling ganyan ang katulad Ng magkasintahang nasa isang pugad, Hindi papipigil harangan man ng sibat, Pagkat alipin na ng pusong bumihag!

Ngunit kung minsan nga'y iba ang pag-ibig, Humugis na talim - gahaman at ganid, Kumikitil ito, sa buhay pasakit, Luluha ka lamang ng dugo at putik!

At magkaminsan pa'y hatid nito'y sama, Kasalanan ang siyang dala nitong bunga, Buhay ng pag-ibig wala ngang kapara Salimuot ng gulo, magulong dakila!

KASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE

Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.

Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.

Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.

Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.

KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO
Unang nobela ni Rizal ang El Filibusterismo. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.

Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.

Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacaang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan,napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Litom ice: "Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito.

Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon . . . pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ... "

You might also like