Professional Documents
Culture Documents
Aralin 31
Aralin 31
Sinasabing ang implasyon ay tanda rin ng pagunlad ng isang ekonomiya, lalo na kung nababalanse nito ang ibang aspekto o salik ng pag-unlad ng bansa. Kapansin-pansin sa inilahad na mga dahilan ng implasyon na ang mga konsyumer at prodyuser ay may kinalaman sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang bawat indibidwal ay apektado ng implasyon.
Mabuting Epekto
Kapag ang dahilan ng implasyon ay ang pagtaas ng demand, ang mga negosyante ay nahihikayat na pataasin at pagbutihin ang produksiyon bunga ang pagkakaroon ng mataas na presyo ng mga produkto. Dahil ang mataas na presyo ay isang insentibo sa mga negosyante.
Kahit may implasyon, may mga tao nakikinabang sa sitwasyon tulad ng:
Mga Speculators
Karaniwang mga negosyante na nasa real estate business at buy-and-sell, ang mga mahilig bumili ng mga produkto na mabilis tumaas ang presyo, tulad ng lupa, at iba pa ang nakikinabang kapag may implasyon. Bibilhin sa mababang presyo at ibebenta ng mas mahal para tumubo.
Mga Mangungutang
Kapag ang interes ng inutang ay mas mababa kaysa antas ng implasyon sa loob ng isang takdang panahon, ang mga mangungutang ay higit na nakikinabangsapagkat nabili na ang gustong produkto sa mas mababang presyo at magbabayad ng utang sa mababang halaga.
Kung mayroong kabutihan ang implasyon may mga tao rin na nakararanas ng mga di-mabuting epekto ng implasyon tulad ng:
Mga Nagpapautang
Ang pagtatakda ng interes sa pautang na mas mababa kaysa sa naging antas ng implasyon ang dahilan ng pagkalugi ng mga nagpapautang. Ang interes na kanilang siningil sa umutang ay di-sapat upang makasabay ang pagtaas ng presyo.
Mga Nag-Iimpok
Hinihikayat ng pamahalaan na mag-impk ang mga tao, lalo na ang may labis na salapi. Ang pag-iimpok ay isang gawain ng tao na mahalaga sa ekonomiya. Ngunit sa panahon ng pagkakaroon ng mas mataas na antas ng implasyon kaysa sa interes ng salaping idineposito sa bangko ay nalulugi ang nag-iimpok.