Magandang Hapon Sa Inyong Lahat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Magandang hapon sa inyong lahat, at magandang hapon, kabataan!

Hindi na nga kakaiba sa ating mga tenga ang kasabihang, Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sa katunayan, gasgas na gasgas na ito sa ating pandinig sapagkat mula elementary hanggang ngayon ay bukambibig ito ng mga nakatatandang walang sawang magpaalala sa atin. Pasensya na sa aking mga taga-pakinig dahil uulitin ko na naming sabihing tayo ang pag-asa ng bayan. Hindi rin lingid sa ating kaalaman na si Jose Rizal ang nasa likod ng salawikaing ito. Isandaang taon na ang lumipas noong sinabi ito ng ating bayani-panahon pa kung saan ang Filipinas ay may mga dayuhang mananakop at lugmok sa hirap ang mga Filipino. Di nakapagtataka na ang mga kabataan noon ay nag-aalab ang pag-ibig para sa bayan. Pero kung ngayon kaya nabuhay si Rizal, masasabi pa rin niya kaya ito? Masasabi pa rin kaya niyang ang kabataang halos buong araw mag-Facebook, mag-text, mag-Youtube, at mag-Tetris ang siyang pag-asa ng Pilipinas? Masasabi pa rin kaya niyang ang kabataang lumalaking bilad sa kabulukan ng gobyerno at sa mga kabuktutan ng lipunan ang pag-asa ng bansa? At higit sa lahat, matatawag pa rin ba

niyang pag-asa ng bayan ang dumaraming kabataang walang nang pakialam sa sariling bansa? Sa tingin ko y maaari pa rin. Kung iisipin, kahit wala namang digmaan ngayon at mga mananakop na literal, may pagkakatulad pa rin ang sitwasyon natin sa sitwasyon noon. Higit pa roon, tayo pa rin ang magiging tagapagmana ng ating bayan. At nasa ating mga kamay rin ang kahihinatnan ng ating nasyon. Kung karamihan sa atin ay hindi pa ito napagtatanto o sadya itong binabalewala, marahil mas magandang gisingin na ang ating mga diwa at magsimulang kumilos. Hindi naman masama kung magdamag tayong online sa Facebook o kaya kung lagi tayong may kapustahan sa Dota. Ang sana lang ay kaya pa rin nating sagutin nang isang malutong at taospusong Oo! ang katanungang, Kabataan, kayo pa rin ba ang pag-asa ng bayan?

You might also like