Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 10

IBONG ADARNA ARALIN 31-40 Aralin 31: Ang Unang Pagsubok Ipinakilala ni Don Juan ang kanyang sarili

kay Haring Salermo Sinagot ni Juan ang mga tanong ni Haring Salermo ng may buong galang Inimbita ni Haring Salermo si Juan na pumanhik Sinabi lamang ni Juan na gusto lang niya marinig ang utos na kinailangan niyang gawin Pagsubok: Patagin ang bundok, ikalat ang trigo, iani, at gawin itong tinapay

Nagkita sina Juan at Maria, binigay niya kay Maria ang tagubilin, at ginanap ni Maria ang kanyang mga gawain Pinagtawanan si Don Juan ng mga tao sa kaharian dahil ito ay imposible Nalungkot si Juan dahil alam niya na hindi niya kaya gawin ang pagsubok

Sinabihan ni Maria si Juan na huwag magalala dahil may taglay siyang majika at sinabi na kaya niyang gawin iyon Napatag ni Maria ang bundok Ginamit ni Maria ang mga Instik para maisagawa ang mga hinihingi ni Haring Salermo

Nagulat ang hari at ang iba pang mga taong na nasa palasyo nang nakita ng Hari ang tinapay sa kanyang hapag

Bakit mga intsik ang ginamit ni Maria? Dahil kilala ang mga instik noon bilang masisipag na tao.

Maingay na nagtrabaho ang mga instik sa mga kautusan ni Maria, bakit walang nagising sa ingay? Dahil ginamit ni Maria ang kanyang majika na patulugin ang lahat ng tao sa palasyo. Kaya, kahit anong ingay ang gawin mo, hindi ka maririnig.

Aralin 32: Ang Pangalawang Pagsubok Pinakita ng Hari ang isang prasko na naglalaman ng labing dalawang ita

Pinakawalan ng Hari ang labing dalawang ita sa dagat at inutusan si Juan na huliin ang labing dalawang ita at isauli ito sa prasko Pangalawang pagsubok: Huliin ang labing dalawang ita at ibalik/ilagay sa loob ng prasko

Tulad ng sa nakaraang gabi, nagkita sina Juan at Maria, binigay niya kay Maria ang tagubilin, at ginanap ni Maria ang mga gawain para kay Juan

Tinawag ni Maria ang mga ita at sila ay sumunod at pumasok sa prasko Dinala ni Maria ang prasko sa palasyo Nagulat ang Hari Naisaisip niya na parang seryoso si Juan sa pagpakasal sa kanyang anak

Bakit sinunod ng mga ita si Maria Blanca? Dahil takot sila kay Maria Blanca noong sinabi niya na pumasok silang lahat o kundi, matitikman nila ang kanyang galit. Dito makikita ang lakas ng loob ni Maria.

Aralin 33: Ang Pangatlong Pagsubok Pangatlong Pagsubok (Tatlong pagsubok ang nakuha ni Juan sa pagsubok na ito) 1. Unang gabi- Gusto magkaroon ng sariwang hangi ang Hari kaya kinailangan ilipat o iusod ang bundok sa harap ng kanyang bintana Nagdasal si Juan at naabutan siya ni Maria na nagdadasal Nang nakita niya na nagdadasal si Juan (pinapakita na may takot sa Diyos), siya ay namangha

Nang nagising ang Hari, nagulat siya dahil nang binuksan niya ang bintana, napakalamig ng hangin. Kaya nagbago ang kanyang isip.

2. Ikalawang gabi- Ilipat/iusod ang bundok sa dagat at gawin itong kapatagan para maaari siyang magtayo dito ng isang palasyo *Kailangan may daan patungo sa palasyo mula sa kaharian at sa tower ng palasyo kailangan may kanyon at may laman ito Naalala ng Hari ang singsing na nahulog niya sa dagat

3. Pinabalik niya lahat. Gusto niya sa kanyang paggising, mawala ang palasyo, lumitaw ang bundok, manauli ang dagat at iba pa

1174. Palibhasay haring-utos Ang ayoko ay di sagot, Kung kaya mo ay sumunod At kung hindi, magpahinog.

Maaari itong iugnay sa kasabihang: Ang utos ng hari, hindi mababali. Kapag may sinabing kautusan ang Hari, kailangan mo ito sundin kung ayaw mo mapahamak. Ito ang hinahawak ni Juan: hindi ka maaaring magsabi ng ayoko sa Hari, hindi ka pwedeng sumaway.

Aralin 34: Ang Pang-apat na Pagsubok Inutusan ni Haring Salermo si Don Juan na kunin ang nahulog na singsing sa ilalim ng dagat

Tinulungan ni Maria Blanca si Juan na pumunta sa gitna ng dagat na may dalang itak, sangkalan at hapag Sinabi ni Maria na tadarin siya at ihagis sa dagat at kunin ang singsing sa kanyang kamay sa kanyang paglitaw dahil maliit na isda siya at masyadong mabigat ang singsing na dala niya (Mga parte ng katawan ni Maria = maraming isda) Nakatulog si Juan at hindi niya nakuha ang singsing Umahon si Maria at sinabihan niya si Juan na tadarin siya muli at huwag matulog Nagalit si Maria dahil konti na lang ang oras Nagmadali sa pagtadtad, kaya tumalsik ang dulo ng kanyang hintuturo ni Maria Nakuha din ang singsing at nilagay ito sa kama ni Haring Salermo

1237. Tingan mo ito, Don Juan Ang daliri ko ay kulang, Itoy iyong tatandaat Sa akit pagkakakilanlan.

Pinakita ni Maria kay Juan ang kanyang daliri at sinabi sa kanya na tandaan niya na nawala ang isa sa kanyang mga daliri. Tinanong niya siya na tandaan niya ito, para makilala siya ni Juan kapag dumating na ang oras.

Aralin 35: Huling Hirit ng Hari Kailangan paamuin ni Juan ang kabayo Sinabi ni Maria na si Haring Salermo ang kabayo Pinaliwanag ni Maria kay Juan kung paano niyang mapaamo ang kabayo Kailangan iwasan ni Juan ang kabayo kapag ito ay tumalon (gallop). Paluin o hampasin ang kabayo para humina ito at masaktan kung sisipa Alagan ang renda kapag tumatalon ang kabayo. Kailangan niya ito hawakan at hilain

Kapag nakita niyang tumutulo na ang laway at umiiyak ang kabayo, ibig sabihin naamo na ito ni Juan Nang nagawa nito lahat ni Juan, nagkasakit ang Hari Kabayo: Haring Salermo

Katad na pamigil: mga kapatid-Isabel at Juana Busal na Bakal: Maria Blanca Pagkatapos, sinabihan ni Maria si Juan na susunduin na siya ni Salermo para sa pagpili Ngunit, napansin ni Juan na malungkot si Maria dahil hindi na siya malambing

1286. Karaniwan ang balita Sa hindi na maghahaka Isipin moy talinghaga Na may lungkot at may tuwa.

Hindi mawari ni Juan si Maria kung maganda o masama ang sinabi niya na balita sa kanya. Sa buhay natin, natural na nakukuha nating balita ay masama o maganda. Araw-araw palagi tayong makakarinig na masama / magandang balita.

Mga Pagsusubok ni Juan: 1. 2. 3. 4. 5. 6. Itanim ang trigo at gawin itong tinapay Ipasok sa prasko ang mga ita Iusod ang bundok sa bintana ng Hari Itabon ang bundok sa dagat at magpagawa ng palasyo Ibalik muli ang bundok sa bintana ng Hari Hanapin ang singsing sa ilalim ng dagat

Aralin 36: Alin sa Tatlong Silid? Pinasundo ni Haring Salermo si Don Juan para sa pagpili ng isang silid mula sa tatlo

Pagpili: Kailangan niyang pumili mula sa tatlong prinsesa ngunit nakatago ang kanilang mga mukha at ang kanilang hintuturo lamang ang kanyang makikita Nang pumipili na si Juan, nilampasan niya ang una at pangalawang silid Huminto siya sa pangatlong silid kung saan alam niya na si Maria ang nasa loob

Bakit mabilis natukoy ni Juan kung saan si Maria? Dahil naalala niya ang sinabi na Maria na kinailangan niyang tandaan ang putol na hintuturo ng prinsesa sa nakaraang pagsubok.

Ano ang damdamin ng Hari nang nabuksan ni Juan ang silid ni Maria? Hindi niya matanggap at siya ay nalulungkot na napili ni Juan si Maria dahil sa lahat ng magkakapatid ang paborito niyang anak na si Maria ang napili. Parang ayaw niya magpakasal si Maria ngunit wala na siyang magagawa dahil pinangako niya kay Juan na pwede niyang pakasalan ang sinumang prinsesa na kanyang mapipili. Kung bibiakin niya ang kanyang pangako, siya ay mapapahiya.

Aralin 37: Sa PagtakasSumpa ng Isang Ama Plano ni Haring Salermo: Ipadala si Don Juan sa Inglatera dahil mayroon siyang magandang kapatid na pwede para kay Juan Nagbigay siya ng liham Nalungkot at nagalit si Maria kay Haring Salermo Sinabi ni Maria kay Juan ang plano ng Hari at naghanda silang tumakas papunta sa Berbanya Kailangan kunin ni Juan ang pinakamabilis na kabayo na matatagpuan sa ikapitong pintuan Nakalimutan ni Juan ang pintuan kaya kinuha na lamang niya ang ikawalong pintuan Tumakas sila at nalampasan nila ang kaharian

Ngunit naabutan sila ng Hari dahil gamit niya ang kabayo na nanggaling sa ikapitong pintuan kaya ginamit niya ang kanyang majika

Pagontra ni Maria 1. 2. 3. Ginawa ng Hari 1. 2. 3. Tinanggal niya ito gamit ang kanyang majika (naghintay ng 2 araw) Ibang daan ang kanyang tinungo Sinumpa niya si Maria Naglaglag ng krayom para tumubo ang makapal at matibay na tinik Naglaglag ng sabon para itoy maging bundok Kohe-kahon: Naglaglag ng kohe para ang lupa ay maging dagat

Sumpa: Makakalimutan ni Juan si Maria at magpapakasal sa iba

Dahil sa lungkot at galit, nagkasakit at namatay si Haring Salermo. Dahil dito, hindi niya makikita ang resulta ng kanyang sumpa. Masyado niya dinibdib ang nanyari na nawala sa kanya si Maria at hindi niya ito kayang tanggapin.

Bakit naisip ni Haring Salermo ang kanyang plano? Kasi hindi niya matanggap na maikasal si Maria kay Juan. Kaya gumawa siya ng paraan na nagpapahintulot sa pagkasal nina Maria at Juan.

Bakit nagalit si Maria kay Haring Salermo? Dahil sa ginawang plano ni Haring Salermo kung saan pinapakita ang kanyang karamutan at pagiging makasarili.

1330. O, magulang! O, Pag-ibig! Aling daan ang matuwid? Ilaw ninyo yaring nais Sa nadirimlan kong isip.

Mayroong mga pagkakataon na kailangan natin magpasya kung sino ang ating pipiliin: ang ating magulang o ang ating minamahal/ibig? May dahilan na pinili ni Maria si Juan. Dahil alam niya kung tama o mali ang gagawin ni Haring Salermo.

1331. Tumugon ang kanyang puso: Kapwa sila may pagsuyo, Igalang ang iyong dugo Magtapat ka sa pangako.

Ang nasa isip niya: Pero mahal ko si Don Juan. Ngunit, iniisip niya din na kahit piliin niya si Don Juan, igagalang pa rin niya ang kanyang ama. Dahil kailanman, hindi siya mawawalan ng respeto sa kanyang ama.

1350. Naglaglag na ng krayom At noon din ay nakulong Ang Haring humahabol Ng tinik na buntun-bunton.

Sinasabi lamang na mas makapangyarihan ang puting kapangyarihan/majika na taglay ni Maria kaysa sa itim na kapangyarihan/majika na taglay ni Haring Salermo.

1372. Bayaan sa pagluluksa Ang kahariang may luha

Lahat tayoy may tadhanang Magbabalik din sa lupa.

Sinasabi na ang tadhana ni Maria ay ang kanyang pagpili sa kanyang pagibig o sa kanyang ama at napili niya sa Juan dahil masama ang balak ng Hari. Ang tadhana naman ng Hari ay ang kanyang pagkamatay dahil masyadong makapangyarihan ang kanyang damdamin. Sinasabi na ang buhay ng isang tao, kapag tayoy mamamatay, alam natin kung saan tayo babalik. Kung saan tayo nanggaling.

Fernando: Paborito si Juan, ang kanyang bunsong anak Salermo: Paborito si Prinsesa Maria Naapektuhan ang kanilang damdamin at ang kanilang buhay dahil sa labis na pagmamahal.

Aralin 38: Ulap sa Pagbabalik sa Berbanya Umabot sina Juan at Maria sa labas ng bayan ng kaharian

Pansamantalang umalis si Juan para masabi niya kay Haring Fernando ang kanyang pagdating kasama si Maria Bago siya umalis, binigyan ni Maria si Juan ng babala na huwag lumapit sa mga babae kahit na ang kanyang ina Nangako si Juan na hindi siya lalapit ngunit si Maria ay nagaalinlangan Pagdating ni Juan, nagdiwang ang bayan/kaharian

Bakit hindi sila dumiretso kaagad sa palasyo, nanatili muna sila sa bayan malapit sa palasyo? Dahil gusto ni Juan paghandaan ang pagdating ni Maria. Dahil karangalan para kay Juan ang makasama si Maria, dahil matagal nawala si Juan, nagkaroon ng panganib sa buhay, at siya muna ang unang magpapakilala kay Maria. Dahil isang prinsesa si Maria at kailangan bigyan pugay sa kanyang pagdating.

Bakit hindi pwede lumapit si Juan sa mga babae kasama ang kanyang ina? Dahil sa sumpa ng ama ni Maria. Maghihirap at makakalimutan niya si Maria. Hindi maaaring maalis ang sumpa ng kanyang ama ngunit pwede niyang pigilin.

1374. Kabataan, palibhasa Pag-ibig ay batang-bata Sa apoy ng bawat nasay Hinahamak pati luha.

1375. Likas na sa kabataang Sa pag-ibig ay mamatay, Bawalan mo ay kaaway Pati ng mga magulang.

Minsan, kapag isang bata pang tao ay umibig, magagawa niyang saktan ang mga magulang. Kapag labis ang pag-ibig, nagagawa nilang labanan ang ama.

1376. Mga pusong sa pag-ibig, Pinag-isa na ng dibdib Halangan ng kahit lintik Liliparin din ang langit.

Ibig sabihin dapat magkaroon ng limitasyon sa pag-ibig. Kahit anuman ang gagawin sa iyo para mapigil ang iyong pag-ibig, paglalabanan mo ito dahil agresibo ngayon ang mga bata.

1377. At sa batang kaisipan Ang lahat nay pawang buhay, Sa masamay pagbawalan Ang akalay di mo mahal.

1378. Sadyang ganyan tayong tao Habang batay walang tuto, Labang-laban sa pagtungot Laging taas yaong ulo.

Sinasabi ang iyong mga pagkakamali, maling pananaw o paniniwala. Sa halip na isipin mo ang iyong pagkakamali, ikaw ay nagagalit.

1379. Lahat itoy pumapanaw

Pagsapit sa katandaan, Pagsisi ay nariyan Sa nagawang kamusmusan.

Nakikita lamang ang pagkakamali kapag tumanda na.

1374-1380: Pinapakita ang karaniwang ugali ng mga kabataan ngayon.

1398. Ang hiling ko, kapag nilabag Asahan mong mawakawak Ang dangal kot yaring palad Sa basahan matutulad.

Iginagalang ang isang tao dahil sila ay may dangal. Kailangan ingatan ito dahil kapag ito ay nawala, hindi na tayo igagalang ng mga tao.

Aralin 39: Ang Masamang Balita Yung unang hiling ni Maria na huwag lumapit sa babae ay nabali: unang lumapit ang ina ni Juan tapos si Leonora Nanyari na ang sumpa, at nakalimutan ni Juan sa Maria Nagulat ang lahat dahil tumakbo si Leonora kay Juan at niyakap siya Inamin ni Leonora na mahal niya si Don Juan at hindi si Pedro Pinaliwanag at sinabi ni Leonora lahat kay Haring Fernando

Dapat paparusahan sana sina Diego at Pedro ngunit hiniling ni Leonora na huwag muna dahil gusto niya muna magpakasal kaagad Nalaman ni Maria na nabali ang kanyang pangako dahil wala pa si Juan at 3 araw na ang lumipas

Paano nalaman ni Maria na magpapakasal na si Juan kay Leonora? Dahil sa kanyang kapangyarihan

Aralin 40: Isang Emperatris na Panauhin

Naghanda ang mga tao para sa kasal Pinaghandaan ni Maria ang kanyang paghihiganti sa pamamagitan ng kanyang majika (singsing) Naghanda at nagbihis si Maria bilang emperatris Pumunta siya sa kasal kahat hindi siya imbitado Inutos ni Fernando na pigilin muna ang kasal upang tanggapin ang bisita Hindi nakilala ni Don Juan si Maria kaya tumahimik na lang si Maria Pagdating ni Maria, lahat nakatingin sa kanya

Ano ang sinabing dahilan ni Maria sa kanyang pagdalo sa kasal? Sinabi niya na may narinig siyang kasalan at gusto niya daw makakita ng magandang kasal.

You might also like