Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MGA URI NG TIRAHAN

Ang mga uri ng bahay-pantao ay karaniwang ayon sa klima ng pook na kinapapamuhayan ng mga tao, mga materyales na likas at madaling makuha sa rehiyong iyon, at sa mga peligrong karaniwang nararanasan sa lugar na iyon (katulad ng mga bagyo, lindol, o pagbaha). Mas matipid magtayo ng bahay kung gagamitin ang materyales na madaling makuha ayon sa pook. Ilan sa mga uri ng bahay ang mga bahay na may mga tiyakad at mataas sa lupa kung malapit sa kailugan, mga bahay na yari sa pawid ang mga nasa may sakahan at bukirin, mga bahay na yari sa yelo kung naninirahan sa Alaska, mga bahay na yari sa bato katulad ng sa mga lungsod, at mayroon ding mga bahay na yari sa tisa, kahoy, pinatuyong putik, at maging papel man (katulad ng sa bansang Hapon). May mga bahay ding nabubuhat o natitiklop para maililipat-lipat ng lugar habang naglalakbay sa ilang.

Unang Uri ng Tahanan Ang panahanan ng ating mga ninuno noong unang panahon ay mga kweba. Ang kanilang mga labi, kagamitan at hayop na kinatay ay natagpuan ng mga arkeologo sa mga lugar na ito. Pinili nila ito marahil upang maging ligtas sa mga malalakas na bagyo, mababangis na hayop at iba pang pangkat ng tao. Halimbawa ng mga nakatira rito ay ang mga Homo Erectus na nakatira sa Kweba sa Lambak ng Cagayan. Ikalawang Uri ng Tahanan Sa paglipat ng ating mga ninuno sa kapatagan, sila ay nagtayo na yari sa kahoy, kawayan, pawid, yantok, sawali at iba pang uri ng halaman. Parisukat ang hugis ng mga sinaunang bahay. Ang mga ito ay may apat na dingding at may isa o dalawang silid. Ang mga dingding nito ay yari sa kahoy at pawid o kawayan at pawid. Ang haligi ay yari sa kahoy at ang bubong ay yari sa kahoy, kawayan at pawid. Ang iba naman ay ginagamitan ng kogon sa halip na pawid. Ginamit nila ang pawid, kahoy, at kawayan dahil ito ay angkop sa mainit na klima ng ating bansa. Malalaki rin ang mga bintanang inilagay nila sa kanilang bahay upang maging maliwanag at presko. Ang silong ng bahay ay nababakuran at nagsisilbing lalagyan ng panggatong, imbakan ng palay o kulungan ng mga alagang hayop.Mayroong itong sala, silid-tulugan, silid-kainan, kusina at batalan. Ang batalan ang pinakabanyo, hugasan ng mga kagamitan at lalagyan ng tubig na tinatawag na tapayan. Ang ibang bahay ay may maliit na bahagi sa bukana nito kung saan matatagpuan ang hagdanan. Ito ay nagsisilbing tanggapan ng bisita bago pumasok ng kabahayan. Ikatlong Uri ng Tirahan Ang ibang bahay naman ay itinatayo sa taas ng malalaking punongkahoy. Ang hagdan ay nahihila paitaas kung gabi at naibababa sa kinaumagahan. Ginawa nila ito marahil upang hindi madaling masalakay ng mga kaaway. Ito ang uri ng panahanan ng mga Kalingga at Ilonggot sa Hilagang Luzon at ng mga Bagobo at Mandaya sa Mindanao. Ikaapat na Uri ng Tahanan Ang ibang bahay naman ay itinayo sa may baybayin ng dagat. Ang mga ito ay nakaangat sa tubig. Malalaking kahoy ang pinakaposte at may tulay na nagsisilbing daanan papunta sa mga kabahayan. Ito ay may isang palapag at ang sahig ay hindi magkakadikit upang maging madali ang paglilinis. Marami pa ring ganitong uri ng tahanan ang makikita sa Sulu at Zamboanga. Ito ang uri ng tirahan ng mga Badjao.

Ang bahay kubo ay ang pambansang bahay ng Pilipinas. Ang bahay kubo ay gawa sa kawayan na pinagtali at mga nipa. Angkop ito laban sa hanginat ulan. Ngunit ito ay madaling masira sa mga bagyo at madaling palitan.

Mga bahagi ng tahanan


Pangkaraniwan na ang mga bahay ay may iba't ibang uri ng silid na ginagamit para sa maraming dahilan: na kabilang ang hapag-kainan, silid na pambisita, silid-tulugan, labahan at plantsahan, paliguan, kusina, paradahan ng sasakyan, at iba pa. Mga piling bahagi ng bahay.    bubong silong banyo                  paliguan kasilyas

silid-tulugan silid-kainan sala garahe daanan kusina paminggalan labahan silid-aklatan silid-libangan sambahan hagdanan balkonahe taguan gawaan

You might also like