Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Salisi

Ni Mary grace Z. Dy

Kabanata 1: Ang Maling Akala


Ang puso ko y nabihag mo O Binibini. Sana y sabihin mong ikaw rin ay aking nabihag wika ni Pablo. Ipagpatawad mo Pablo ngunit hindi maaari ang iyong hiling sapagkat hindi kita kayang mahalin. sagot ni Clara habang papaalis. Nadurog ang puso ni Pablo sa mga katagang iniwan niya. Ngunit hindi ito naging hadlang sa kangyang pag-ibig para kay Clara. Kaya patuloy parin siyang nasasaktan sa pagmamahal. Sa kabilang panig, si Mario naman ay napaibig ni Clara at naging magkasintahan. Masaya sila sa piling ng isa t isa O yan ang inaakala ni Clara. Sa kaarawan ni Mario, nagsalo-salo sila upang ipagdiriwang ang kaarawan nito ngunit niyaya din ni Pablo si Clara na lumabas. Nadudurog ang puso ni Clara sapagkat naiisip niya na sobra na ang sakit ni nararanasan ni Pablo pero patuloy parin itong nasa tabi niya. Kaya ang ginawa ni Clara, pumayag siya sa alok nila. Kalagitnaan ng kasiyahan, dumating si Pablo upang sunduin si Clara. Nagsabi si Clara na sila y aalis na at mabilisang umalis sapagkat siya y nahihiya. Nawala na ang konsensya niya kay Pablo at ito y nalipat kay Mario dahil sa kanyang ginawa at buong araw, hindi ito mapakali. Kinabukasan, galit na galit si Mario pati na rin ang mga kaibigan nito kay Clara. Binibigyan nila ng matalim na tingin si Clara at nagpaparining kung gano kasama si Clara. Walang magawa si Clara kundi umiyak sa kalokohang kanyang ginawa para mapasaya ang dalawa. Si Pablo naman ay walang kaalam alam sa nangyari ngunit nakikita niyang malungkot si Clara at pilit niyang inaalam kung ano ang problema ng kanyang mahal. Ilang buwan ang lumipas, galit parin si Mario, tahimik parin si Clara at pilit na pinasasaya ni Pablo si Clara. Isang gabi, may nangyari sa buhay ni Clara na nagbago sa lahat. Ang paghihiwalay ng kanyang magulang. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin kundi umiyak. Sumandal siya sa kanyang mga kaibigan at sa Panginoon para sa karagdagang lakas habang si Pablo ay patuloy na nandian para kay Clara. Patuloy ang pagaasikaso at pagmamahal ni Pablo para kay Clara kaya nahulog ito kay Pablo. Masayang masaya si Pablo sa sinabi ni Clara ngunit may kalungkutan parin si Clara na hindi niya alam kung saan galing. Pumayag si Clara na magpaligaw kay Pablo ngunit itinigil niya ito sapagkat natatakot siya sa mangyayari dahil sa nangyari sa kanyang mga magulang. Lumipas ang ilang buwan, patapos na ang kanilang pag-aaral at tutungo na ng mas mataas na antas. 3rd year College. Sa mga buwan na hindi pagkikita, unti uniting nawala ang pagmamahal ni Clara para sa dalawa kundi lumaki ang konsensya niya at pagmamalasakit sa dalawa. Kaya sa simula ng kanyang unang araw sa eskwela, nangako ito sa sarili niya na hinding hindi na siya magkakagusto sa isang lalaki habang nagaaral pa.

Kabanata 2: Ang kaligayahan sa wakas


Sa pagpasok ni Clara sa eskwelahan, may mga nakapagsabi na sila y may bagong mga kamag-aral. Dali dali siya upang makita ang mga mukha ng mga baguhan. Nang makita niya ang isa sa mga baguhan, tinanong niya ito kung anong pangngalan. Ben ang sagot niya. Natatawa si Clara sapagkat damang dama mo na nahihiya si Ben at ito pa lamang ang unang pagkakataon na makakita siya ng isang lalaking nahihiya. Unti unti ng dumating ang mga tao sa paaralan at nakita niya na rin ang mga baguhan. Lumipas ang ilang araw, naiinis na si Clara sa mga pinaguusapan ng mga tao dahil ang mga bukambibig ng mga babae sa paligid ay nakapalibot sa mga baguhan, sa kanilang abilidad, sa kanilang ugali pati na rin sa kanilang karelasyon. Habang papatagal din ay padami ng padami ang kuwentong nakakadating tungkol sa mga karelasyon ng mga baguhan lalong lalo na si Ben na ayon sa mga babae, manloloko daw si Ben kaya iniwan siya ng kasintahan niya. Hinahayaan na lamang ito ni Clara ngunit hindi nakakapagpigil dahil tuwing dadaan si Ben, nagtitinginan ang mga babae kaya nakikisama na lang si Clara ngunit paulit ulit siya sa pagsabing Hinding hindi ako magkakagusto diyan. Hindi ko naman siya kilala at wala akong balak kilalanin siya. Ngunit noong mabigyan ng pagkakataon, nakilala ni Clara si Ben at siya rin ay unti unting nahulog kay Ben ngunit ayaw niya lang itong aminin sa kanyang sarili sapagkat ayaw niya nang masaktan pa. May nakapagsabi kay Clara na may pagtitingin daw si Ben kay Clara kaya inalam ito ni Clara kung ito ay tama hanggang sa mapaamin niya nga si Ben. Simula noon, paunti unti, kahit na ayaw tanggapin ni Clara ang katotohanan, nahulog siya kay Ben at nagkaroon na din ng pagtitingin para kay Ben. Naging masaya sila sa pagkikilala sa isa t isa ngunit hindi nawawala ang pagseselos ni Clara sa mga babaeng nakapalibot kay Ben. Ngunit walang magawa si Clara sapagkat wala namang posisyon si Clara sa buhay ni Ben kaya itinatago niya na lamang ang kanyang nararamdaman at nananahimik sa gilid habang nag iisip. Makalipas ang ilang buwan, may nararamdaman na si Clara para kay Ben na kakaiba. Karamdaman na hindi niya alam kung ano ito. Ang alam lang ni Clara ay siya ay nasasaktan kapag may nakikita siyang kausap na babae ni Ben at sila y masaya. Ang hindi alam ni Clara, pareho lang naman pala ang nararamdaman nila ni Ben ngunit hindi makapagsabi si Ben sapagkat natatakot ito na baka hindi pareho ang nararamdaman ni Clara sa kanya. Patuloy nilang itinatago ang kanilang nararamdaman hanggang sa hindi na nagkaintindihan dahil baka malaman ang totoo. Dumating ang araw na nagpasya sila na magkita dahil may sasabihin si Ben. Ilang araw bago ang kanilang paguusap, damang dama ang kaba ni Clara dahil hindi niya alam kung anong sasabihin ni Ben sa kanya hanggang sa dumating ang araw na kanyang kinakatakotan. Nang magkasama na sila Ben at Clara, pinilit ni Clara na umamin na si Ben dahil kabang kaba na siya sa kakahintay. Umamin na din sa wakas si Ben na umiibig na siya kay Clara. Natahimik si Clara dahil hindi niya mailabas ang gusto niyang sabihin sa sobrang saya hanggang sa masabi niya din sa wakas. Tumagal si Clara at si Ben ngunit hindi mawawala ang hindi pagkakaintindihan sa relasyon ngunit naging matatag

sila hanggang sa nagpakasal sila, nagkaroon ng mga anak at mga apo. Nang inaalala nila ang mga nangyari sa buhay nila isang gabi, hindi nila mapigilan magpasalamat sa Diyos sa pagkakakilala nila sa isa t isa habang nagsasabi na Ang swerte ko . Bago matulog, nakatingin lamang sila sa mata ng isa t isa tulad noong unang halik nila sabay sabing Mahal Kita . Hindi na sila nagising kailan man at tuluyang nawala sa mundo.

You might also like