Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

FILIPINO 5

Gamit ng simuno at panaguri

makahulugan mangmang ibinatay rebolusyonaryo pagkakapatiran kagitingan maipagtanggol

pagtingin pangkasalukuyan dinisenyo pagbibigay-pugay pagpapahayag pagkamakabayan pagkakapantay-pantay isinailalim

Bb. Ramos: Sige, makinig kayong mabuti. Ang ating pangkasalukuyang watawat ay dinisenyo ni Heneral Emilio Aguinaldo habang siya ay nasa Hongkong noong 1897. Ibinatay ang disenyo nito sa lahat ng mga nagdaang watawat ng Katipunan. Ito ay unang itinaas ni Heneral Aguinaldo noong ika 28 ng Mayo, 1898, bilang pagbibigay pugay sa tagumpay ng mga rebolusyonaryong Pilipino sa digmaan ng Alapan, Imus, Cavite. Muli itong itinaas noong ika 12 ng Hunyo, 1898 sa Kawit, Cavite, nang ginanap ang makasaysayan at kaunakaunaunahang pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas mula sa bayan ng Espaa. Ang puting tatsulok sa ating watawat ay kumakatawan sa pagkakapantay pantay at pagkakapatiran. Ang kulay bughaw ay para sa kapayapaan, katotohanan at katarungan. Pagkamakabayan at kagitingan naman ang kahulugan ng kulay pula. Kinakatawan ng tatlong bituin ang tatlong pinakamalaking pulo sa ating bansa: Luzon, Visayas, at Mindanao.

Arnold: Ano po naman ang kahulugan ng walong sinag ng araw, Bb. Ramos? Bb. Ramos: Ang walong sinag ng araw ay kumakatawan sa unang walong lalawigang isinailalim ng mga mananakop na Espanyol sa Batas Militar: Maynila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Cavite, Laguna at Batangas. Ang kaalaman sa kasaysayan ng ating watawat ay pagkilala sa ating lahi. Daan-daang buhay ang Daannasawi, maipagtanggol lamang ito.

Ano ang paksa ng usapan? Sino ang nagdisenyo at saan dinisenyo ang ating watawat? Ano ang isinasagisag ng kulay pula, puti at bughaw sa watawat? Ipaliwanag ang ibig sabihin sa iyong pagkaunawa ng Ang pagkilala sa watawat ay pagkilala sa lahi. Ibigay ang mga lalawigang sinasagisag ng walong sinag ng araw. Anong uri ng kuwento ang binasa? Piksyon o dipiksyon? Pangatwiranan.

Pansinin/Suriin ang mga sumusunod na pangungusap na kinuha sa dayalogo. Ang ating watawat ay dinisenyo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Ang puting tatsulok sa ating watawat ay kumakatawan sa pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran. Ito ay unang itinaas noong ika 28 ng Mayo, 1898. Ang pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas ay naganap noong ika 12 ng Hunyo, 1898. Ang watawat ay sagisag ng bansa. Walong sinag ng araw ang kumakatawan sa mga lalawigang unang isinailalim sa Batas Militar. Makinig kayong mabuti. Ang nagdisenyo nito ay siya.

May dalawang bahagi ang pangungusap: simuno at panaguri. Ang simuno ay ang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong pangngalan, panghalip, pang-uri, pandiwa o anyong batayan ng pandiwa (pang-abay) Mga Halimbawa: Si Trisha ay nagwagi sa paligsahan. Siya ay nagpadala ng pagkain sa mga tao. Ang pinakamaputi ay nakaupo. Ang tumakbo ay nakarating agad.

Ang panaguri ay ang bahaging nagsasabi tungkol sa simuno. Maaari itong pangngalan, pang-uri, pangpandiwa, panghalip o pang-abay. pang Mga Halimbawa: Si Jose Rizal ay pambansang bayani. Siya ay masayahin. Ang taong iyon ay nagtatabas sa kabilang kanto. Ang paborito ko ay ito. ito. Malumanay ang kanyang pagsasalita.

Tukuyin ang simuno at panaguri sa mga pangungusap. Sabihin kung ang mga ito ay pangngalan, panghalip, pangpang-uri, pandiwa o batayan ng pandiwa (pang-abay). (pang Marmol ang balkonahe ng bahay. Matutulog muna ako. Mahirap lumangoy. Magandang ehersisyo ang paglalakad. Amin ang gantimpala. Ang tangige ay isda. Malinamnam ang abokado. Mahaba ang prusisyon. Mataas ang markang nakuha namin. Manunulat si Bino.

Tukuyin ang simuno at panaguri sa mga pangungusap. Sabihin kung ang mga ito ay pangngalan, panghalip, pang-uri, pandiwa o batayan ng pandiwa (pang-abay). Marmol ang balkonahe ng bahay. Matutulog muna ako. Mahirap lumangoy. Magandang ehersisyo ang paglalakad. Amin ang gantimpala. Ang tangige ay isda. Malinamnam ang abokado. Mahaba ang prusisyon. Mataas ang markang nakuha namin. Manunulat si Bino.

Salungguhitan ng minsan ang simuno at isulat kung ito ay pangngalan, pang-uri, panghalip, pangpandiwa o pang-abay. pang 1. Maganda ang babae. 2. Nagtatalakayan sila. 3. Kinagigiliwan ang magagalang. 4. Mahirap umawit. 5. Maputi ang sampagita.

Ikahon ang panaguri at isulat kung ito ay isang pangngalan, panghalip, pang-uri, pandiwa o pang-abay. 1. Nagluluto kami ng matamis na ube. 2. Doon ang miting ng mga kandidato. 3. Tulungan mo ako. 4. Siya ay magaling tumugtog ng gitara. 5. Masipag at maagap si Rose Ann.

Panuto: Isulat sa sagutang papel kung ang salitang may salungguhit ay pangngalan, panghalip, pang-uri, pandiwa o pang-abay. pangpang Ang masarap magluto ay dumating din. Mabagal kumain ang bata. Ang ina ay mag-aaral sa pamantasan. mag Si Rosanna ay hindi nakasama kahapon. Mayaman ang kanilang angkan.

Isulat sa sagutang papel kung ang simuno o panaguring may salungguhit ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, o pang-abay. pangpang 1. Masama ang aking pakiramdam. 2. Siya ay ipagluluto ko ng tsampurado. 3. El Nio ang tawag dito. 4. Mainit ang panahon ngayon. 5. Doon ang bahay namin. 6. Siya ang kaibigan ko. 7. Masarap ang adobong manok. manok. 8. Nagtatampisaw sila sa tubig baha. 9. Ang masipag ay daig ng maagap. 10. Ang nagkukuwentuhan ay palalabasin ng guro.

Kasunduan Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap. 1. Tumanggap ng liham si Edmon. 2. Inilunsad kahapon ang programang Sa Aklat Sisikat. 3. Si Millien ang magluluto ng hapunan mamaya. 4. Kahanga-hanga ang mga magagaling. 5. Kami ang maglilinis ng ating silid-aklatan bukas.

You might also like