Paglalahad NG Suliranin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang pag-aaral na ito na may paksang Impluwensya ng mga Panunuod ng Korean Drama sa Pag-uugali at mga Pananamit

ng piling mag-aaral ng Bachelor of Arts in English ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Taong Panuruan 2011-2012 ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin: 1. Ano ang Korean Drama? 2. Sa pag-usbong at pagtangkilik ng Korean Drama sa Pilipinas, anu-ano ang mga disadbentahe at adbentahe nito? 3. Paano nakakaapekto ang panunuod at pagtangkilik ng Korean Drama sa mga mag-aaral ng PUP-ABE? 4. Anong kaugalian at uri ng pananamit ang makukuha at nagagaya ng mga mag-aaral ng PUP-ABE mula sa mga Korean Drama? 5. Gaano kalawak ang pagpapalabas ng mga Korean Drama sa ibat ibang istasyon sa telebisyon?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang pag-aaral na ito na may paksang Impluwensya ng mga Panunuod ng Korean Drama sa Pag-uugali at mga Pananamit ng piling mag-aaral ng Bachelor of Arts in English ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Taong Panuruan 2011-2012 ay makakatulong ng malaki sa mga sumusunod: Sa mga mag-aaral ng PUP, upang malaman nila kung ano ang mabuti at masamang epekto ng panunuod ng mga Korean Dramas sa kanilang mga pag-uugali at pananamit. Sa mga magulang, upang malaman nila kung ano ang mga kasalukuyang kinahihiligan ng kanilang mga anak at upang makapagbigay sila ng maayos na payo at nang magabayan pa nila ng husto ang kanilang mga anak. At sa lahat ng makakabasa nito, upang malaman nila kung gaano kahalaga ang ginagampanan ng impluwensya ng mga Korean Dramas sa bawat kabataan na nakaaalam nito.

You might also like