Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Aralin I Mga Isyung Moral sa Kasalukuyang Panahon

Korapsyun (corruption)

Nagugutom

Aralin II Mga Isyung May Kinalaman sa Kasagraduhan ng Buhay

Death Penalty

Euthanasia

Pag-unawa sa mga Isyung May Kinalaman sa Buhay Tungo sa Awtentikong Pagpapahalaga

1. Pro-choice nagpapasya at pumipili bayat sa sariling paniniwala, kagustuhan at iniisip na tama. a. May karapatan ang bawat taong pumili b. May karapatan ang tao sa buhay at magandang kamatayan niya. Walang karapatan ang iba na magtakda ng kanilang moralidad para sundin ang iba.

2. Pro-life pagkilala na karapatan at dignidad ng tao na mabuhay mula conception hangggang kamatayan.

Konsepto ng Pagpapahalaga Ang buhay amg pinakamahalagang biyaya ng Diyos sa tao. Isa itong biyayang ibinigay sa atin upang kalinangin, pagyamanin at paunlarin. Itinataguyod at iginagalang ang buhay bilang likas na karapatan ng bawat nilalang, bata man siya, maysakit, matanda, babae man o lalaki. Nasasalamin ang uri at kalidad ng lipunang ginagalawan natin ayon sa pagpapahalagang binibigay natin sa buhay.

Aralin III Mga Isyung May Kaugnayan sa Sekswalidad Ang sekswalidad ay may kaugnayan sa lahat n gating kaisipan, emosyon at ispiritwal na katangiang taglay n gating pagiging babae o lalake. Lahat ng ating pag-iisip, pananaw, damdamin, kilos ay naaapektuhan ng ating pagkalalake o pagkababae. Mga Isyu na May Kinalaman sa Sekswalidad

1. Live-in ang pagsasama ng

magkapareha sa iisang bubong na hindi pa kasal.

2. Homosexual Union pakikipagrelasyon sa magkaparehong kasarian.

3. Pre-marital sex ito ay ang pakikipagtalik sa kapareha ng wala pang basbas ng kasal.

Mga Istratehiya sa Pagpapaunlad ng Sariling Sekswalidad a. Magkaroon ng mabuting saloobin at pagtingin sa sariling sekswalidad. b. Magkaroon ng mabuting ugnayan sa mag kaibigan,pareho man o magkaibang kasarian. c. Matutong disiplinahin ang sarili. d. Maging sensitibo sa mga konsepto o ideya ukol sa moral na dimension ng sekswalidad.

Konsepto ng Pagpapahalaga Mahalagang bahagi n gating pagkatao an gating sekswalidad. Nasasakop nito ang buong katauhan at kabuuan ng isang tao. Kinapapalooban ito ng personal na karanasan ng iyong kalikasan bilang babae/lalake. Nabibigyang dangal ang sekswalidad kung ito ay gagamitin sa kabutihan at tamang kadahilanan at hindi sa personal na kaligayahan o pagnanasa lamang.

Aralin IV Mga Isyung Ukol sa Karapatan at Dignidad ng Tao Kasabay ng pagiging tao ang pagkakaroon ng karapatan at dignidad. Walang pinipiling edad at estado sa buhay ng mga karapatang ito. Higit na dapat bigyang pansin ang pangangalaga ng dignidad na ito sa mahihina at walang muwang gaya ng mga bata. Ibat ibang uri ng Pang-aabuso sa mga Bata

1. Pang-aabusong Pisikal (Physical Abuse

2.

Pang-aabusong Emosyonal (emotional abuse

3.

Sekswal na Pang-aabuso (sexual abuse)

4. Pagpapabaya

5. Pangangalakal sa Bata (child Trafficking)

6. Pagpapatrabaho sa mga Bata (child labor)

Batas Ukol sa Pagtrtrabaho ng mga Bata Mga Ipinagbabawal sa batas:

Pagbibigay sa mga bata ng mga delikadong trabaho tulad ng paninisid, paggawa ng uling. Mga bata mula 15 taong gulang pababa na pinagtrabaho ng isang tao sa isang organisasyon/grupo na walang pahintulot ng magulang.

Aralin V. Mga Gawaing Taliwas sa Utos ng Diyos at Kabutihan ng Tao

Pangkukulam

Panggagayuma

Ilan sa mga superstisyong pinaniniwalaan at walang matibay na basehan ay ang mga sumusunod: 1. Hindi mabuti para sa isang buntis na matulog malapit sa bintana dahil maaaring kunin ng masamang ispiritu ang kaniyang sanggol na dinadala. 2. Hindi dapat na umupo ang isang buntis sa hagdan upang hindi siya mahirapan sa panganganak. 3. Kung maliligo ka ng Biyernes, maaari kang magkaroon ng ketong. 4. Kung aksidente mong nakagat ang iyong labi o dila, maaaring iniisip ka ng taong malapit o mahalaga sa iyo. 5. Magiging matalino ang isang kapapanganak na sanggol kung ibibitin mo ang kanyang pusod na may kasamang lapis at papel sa itaas ng puno.

Maraming Paniniwala na nangangailangan ng basehan at paliwanag subalit hindi napagtutuunan ng pansin. Subalit kung patuloy ang pagkapit ng ilan sa mga paniniwalang walang basehan,hindi pa rin tayo mamumulat sa ganap na katotohanan. Lumalabag tayo sa Batas ng Diyos at Kabutihan ng Tao.

Aralin VI Mga Isyung may Kinalamn sa Paggamit ng Kapangyarihan

Ang isyung pulitikal katulad ng Graft ang Corruption at pang-aabuso sa kapangyarihan ay nagdudulot ng karagdagang kahirapan sa bansa. Hindi lamang ito nakaaapekto sa pag-unlad at sa iba pang kaugnayan sa suliraning pang-ekonomiko ng bansa. Nakapagpapabahala rin ito sa moraidad ng mga awtoridad.

Ang isang Gawain ay matatawag na graft and corruption kung: 1. Malaki o maliit na halaga ng salapi ay ginsatos ng hindi awtorisadong tao. 2. Paggastos ng perang pag-aari ng pamahaalaan. 3. Ang nakalaang pondo ay hindi napunta sa kinauukulang proyekto at napunta sa ibang proyekto. Ibat ibang uri/ anyo ng graft and corruption 1. Nepotism 2. Extortion 4. Favoritism

5. Malversation of public funds, payroll, etc.

Karaniwang sangkot sa graft and corruption: 1. Sino man taong nakagastos ng halagang di kanila. 2. Di maipaliwanag na pagkawala ng pera.

3. Hindi maipaliwanag na kayamanan ng isang kawani o opisyal ng pamahalaan.


Konsepto ng Pagpapahalaga May dulot na kaayusan at katiwasayan ng isip at kalooban ang pagiging marangal ng isang tao. Nagbubunga rin ito ng paggalang ng iba. Iwasan nating magpadala sa udyok ng iba upang sumama sa mga gawaing tiwali at mapanlinlang gaya ng panloloko, pagsisinungaling at pangungurakot/pangungupit.

Aralin VII Mga Isyung May Kinalaman sa Kapaligiran Nang ginawa ng Diyos ang sanlibutan, ngalagay siya ng mga yaman para sa pangangailangan ng tao. Ngunit habang lumalaon, tao rin ang siyang nagwawasak, nagpapabaya, at umuubos sa biyayang ito. Karumihan at kalamidad ang mga nagiging bunga ng kapabayaan ng tao.

Illegal Logging

Polusyon sa hangin (air pollution)

Polusyon sa Tubig (water pollution)

Konsepto ng Pagpapahalaga Ang daigdig ay isang malaking sistema. Tulad ng sapot, ang bawat bahagi nito ay magkakaugnay. Anuman nag mangyari sa isang bahagi ay may epekto sa kabuuan. Bahagi ng sanlibutan ang kalikasan at ang tao. Sapagkat ang tao ay bahagi ng kalikasan, ang sakit na nadarama nito ay nadarama rin ng tao. Bilang bahagi ng kalikasang ito, responsibilidad ng bawat isa na tiyakin ang maayos na pagdaloy ng buhay ng daigdig. Ating pamahalaan nang maayos ang ipingkatiwala sa atin ng Diyos.

Aralin VIII Mga Materyal ng Biyayang handog ng Tao Ang bawat tao ay may mga karapatan sa pagtatamo ng mabubuting biyayang material. Ngunit sa panahon ngayon, hindi lang nakasentro ang tao sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, tirahan. kasama na rin sa pangangailangan ng tao ang mga modernong gadget tulad ng cellphone, tv, computer at iba pa.ito ang maaaring dahilan kung bakit may ilang tao na nakapokus sa pagkamit ng material na bagay.

Leyte National high School Tacloban City

Edukasyon sa Pagpapahalaga IV
Ikaapat na Markahan: Mga Isyung Moral sa Makabagong Panahon

Aralin I : Mga Isyung Moral sa Kasalukuyang Panahon Aralin II : Mga Isyung May Kinalaman sa Kasagraduhan ng Buhay Aralin III : Mga Isyung May Kaugnayan sa Sekswalidad Aralin IV : Mga Isyung Ukol sa Karapatan at Dignidad ng Tao Aralin V : Mga Gawaing Taliwas sa Utos ng Diyos at Kabutihan ng Tao Aralin VI : Mga Isyung May Kinalaman sa Paggamit ng Kapangyarihan Aralin VII : Mga Isyung May Kinalaman sa Kapaligiran Aralin VIII : Mga Materyal na Biyayang Handog ng Tao Aralin IX : Mga Isyu na May Kinalaman sa Pagmamay-aring Intelektwal Aralin X : Mga Moral na Batayan sa Pag-iwas sa Droga, Sigarilyo, Alak, at Computer Games

Leyte National High School Tacloban City

Buod ng mga Aralin sa Edukasyong Pagpapahalaga IV

Ipinasa ni: Alejandro S, Espinosa IV-Boyle

Ipinasa kay: Gng. Hyren Vaflor Guro

You might also like