Teorya Vladimir Proppsa Naratibo Epiko

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Isang Aplikasyon sa Pagsusuri sa mga Pelikulang Pantasya

Isang

Russian at Soviet formalist scholar na nagsuri sa karaniwang nilalaman ng banghay (plot) ng mga kwentong bayan ng Russia upang matukoy ang pinakapayak na elemento ng naratibo.

1. ABSENTATION: Isang miyembro ng pamilya ay aalis na maaaring ang pangunahing tauhan o di kayay iba na sa kalaunan ay kailangang iligtas ng bida. Ang pagkakawalay sa pamilya ay nagpapakita ng tensyon sa istorya. Ang bida ay maaaring ipakilala dito, na karaniwang ipinakikilala bilang isang ordinaryong tao.

2. INTERDICTION: Pagbibigay ng babala sa bida na huwag nang tumuloy o huwag itong gawin. 3. VIOLATION of INTERDICTION. Nabalewala ang interdiction (papasok ang kontrabida). Ipapakilala ang kontrabida ngunit hindi pa makikipagtunggali sa bida. Maaaring aatakihin ang pamilya habang wala ang bida.

4. RECONNAISSANCE: Magtatangka ng masama ang kontrabida (maaaring hanapin ang mga anak ng bida, kayamanan o tatanungin o sisitahin ng biktima ang kontrabida). Karaniwang nagbabalatkayo ang kontrabida upang makakuha ng impormasyon. 5. DELIVERY: Nakakuha ng impormasyon ang kontrabida . Ilang impormasyon na maaaring makuha , halimbawa ay mapa ng kayamanan o agimat.

6. TRICKERY: Ang kontrabida ay magtatangkang linlangin ang biktima (magbabalatkayo, kukuhanin ang tiwala ng biktima). Makukuha ang tiwala ng biktima. 7. COMPLICITY: Nalinlang ang biktima, walang kaalam-alam na tinutulungan niya ang kontrabida/kalaban. Gagana ang panlilinlang.

8. VILLAINY or LACK: Sasaktan ng kalaban ang biktima (pagnanakawan, sisirain ang kasangkapan, kukulamin, isusumpa, ipagpapalit ang mga anak, papatayin ang ilang miyembro ng pamilya); kung minsan, ang isa ay naghahangad ng isang bagay (agimat/kapangyarihan). May dalawang opsyon dito, alinman sa dalawa ay maaaring gamitin. Una, mananakit ang kalaban o kukuhanin ang agimat o mahika sa bida (na sa kalaunan ay muling mababawi). Ikalawa, may nawawalang kapamilya at kailangan ng isang agimat o kapangyarihan upang muli silang mabawi. 9. MEDIATION: Malalaman ang kamalasan o pagkawala (aalis ang bida at hihingi ng tulong). Kung minsan, ang biktima ay mapapalaya. Matutuklasan ng bida na nawawala ang ang kanyang pamilya o sinira ang kanilang komunidad.

10. BEGINNING COUNTER-ACTION: Hihingi ng katarungan ang bida at maghihiganti. Tatangkain ng bida na hanapin ang kapamilya o ang nawawalang mahalagang bagay sa pamamagitan ng agimat o di kayay kakalabanin at matatalo ng bida ang kalaban at makikilala ang bida bilang tagapagligtas. 11. DEPARTURE: Aalis ang bida; 12. FIRST FUNCTION OF THE DONOR: Bibigyan ng pagsubok ang bida bago makuha ang agimat sa (donor) na maaaring isang matanda o diwata; 13. HERO'S REACTION: Kikilos ang bida at tatanggapin ang hamon ng donor.(magtatagumpay/di magtatagumpay, mapapalaya ang mga nakulong, gagamit ng kapangyarihan;

14. RECEIPT OF A MAGICAL AGENT: Makukuha ng bida ang agimat.); 15. GUIDANCE: Mapupunta ang bida sa kinalalagyan ng hinahanap na kapamilya o ng hinahanap na agimat/kapangyarihan; 16.STRUGGLE: Maglalaban ang bida at kalaban; 17. BRANDING: Masusugatan ang bida/makikilala/makatatanggap ng singsing o anumang bagay bilang gantimpala.); 18. VICTORY: Matatalo ang kalaban (mapapatay sa laban, mapapatay habang natutulog o mawawala); 19. LIQUIDATION: Mawawala ang sumpa, maitatakas ang mga kasama, mabubuhay ang namatay); 20. RETURN: babalik sa bayan ang bida;

21. PURSUIT: Pagtatangkaan ang buhay ng bida; 22. RESCUE: Maililigtas ang bida sa pagtatangka ng kalaban; 23. UNRECOGNIZED ARRIVAL: Makakauwi ang bida nang walang nakakaalam; 24. UNFOUNDED CLAIMS: Nagbabalatkayong bida ay tatangkain na ariin ang agimat/kapangyarihan o pagkilala; 25.DIFFICULT TASK: May pagsubok na ibibigay sa bida (paglilitis, bugtong atbp); 26. SOLUTION: Magtatagumpay sa pagsubok;

27. RECOGNITION: Bibigyan ng pagkilala ang bida; 28. EXPOSURE: Makikilala ang nagbabalatkayong bida; 29. TRANSFIGURATION: Bibihisan ang bida o babalik sa dati nitong anyo.; 30. PUNISHMENT: Paparusahan ang kalaban; 31. WEDDING: Ikakasal ang bida at magiging hari.

Kadalasan, ang

ilang anda ay

nababaligtad. Sa karamihan ng ating mga epiko ay namamatay ang bayani at muling nabubuhay. Ito ang alamat ng pagkabuhay (resurrection myth) o ang anda ng pagkamatay o pagkabuhay.

Ganito binalangkas ni Isagani Cruz ang morpolohiya ng mga sinaunang epiko:

1. Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan 2. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng bayani 3. Ang paghahanap ng bayani sa isang minamahal 4. Pakikipaglaban ng bayani 5. Patuloy na pakikidigma ng bayani 6. Isang diyos o diyosa ang lilitaw upang itigil ang labanan 7. Ang pagbubunyag ng diyos o diyosa na magka-dugo ang naglalaban 8. Ang pagkamatay ng bayani 9. Ang pagkabuhay na muli 10.Ang pagbabalik ng bayani sa kanyang bayan 11.Ang pagpapakasal ng bayani

Suriin

ang isa sa sumusunod na mga pelikula gamit ang teorya ni Propp. 1. Enteng Kabisote 2. Panday 3. Lord of the Rings 4. Harry Potter 5. Narnia 6. Superman 7. Spiderman

You might also like