Mi Let

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang korido ay uri ng panitikang Pilipino.

Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa bawat saknong. Binibigkas ito sa pamamagitan nang pakantang pagpapahayag ng mga tula. Ang korido ay tulang nakuha natin sa impluwensiya ng mga Espanyol. Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang stanza Ang korido ay binibigkas.Ang kurido o korido ay patulang salaysay na paawit kung basahin. Tinatawag din itong tulang romansa (metrical romance) Ang salitang kurido ay nagbuhat sa salitang Espanyol/Latino na nangangahulugang "kasalukuyang pangyayari." Taglay nito ang mga paksang may kinalaman sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian tulad ng mga hari, prinsipe, duke, reyna at prinsesa na ang layunin ay palaganapin ang relihiyong Kristiyano na inihahandog sa Diyos, sa bayan at sa mga babaing mahal nila sa buhay. Ang kurido ay dala rito ng mga Kastila buhat sa Europa na pawang sa ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa salaysay. Pinagsama-sama rito ang romansa, ang pakikipagsapalaran, kabayanihan, at kataksilan at mga sangkap na pantakas sa karahasan ng katotohanan. Minsan ang kurido ay tinatawag ding awit, at di-tiyak ang pagkakaiba ng dalawa. Mga Halimbawa ng Kurido: Ibong Adarna, Ang Haring Patay, Mariang Alimangoas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.

Ayon sa paglalarawan ni Dr. Damiana L. Eugenio sa kanyang aklat na Awit and Corrido: Philippine Metrical Romances (AC:PMR, 1987), ang korido ay mahabang salaysay na nasa berso na itinatanghal ang katangiang (karangalan, katapangan, pagkamaginoo, kabayanihan, atbp.) ng kabalyero noong Edad Medya; ang relihiyon, ang alamat at ang kuwentong bayan. Ang 'korido' ay ang pinaka-popular na porma ng panitikan noong panahon ng pananakop ng Espanya. Ito ay matinding nainpluwensyahan ng banyagang panitikan. May iisang disenyo ito ng taludtod, monoriming at assonant quatrain; at nag-ibaiba ang haba, simula sa ilang daan hanggang sa ilang libong linya. Ayon sa mas detalyadong paglalarawan ni Trinidad H. Pardo de Tavera, isang natatanging eskolar na Filipino, ang korido ay kuwento nasa berso ukol sa makasaysayang pangyayari, minali ("falsified") at maguni-guni ("fanciful"); trahedyang pag-ibig, puno ng kahanga-hangang insidente, sinamahan ng banal at kagilagilalas na pangyayari at mala-demonyong madyik -- lahat mahaba, malabis, puerile, at hindi makatuwiran sa sukdulan. Walang isa man sa tauhan ay katutubo. Lahat ay Turko, Arabo, kabalyero, ambassador, duke, mandirigma, na may madyik na braso at balsamo katulad ng tanyag na si Fierablas, mabubuting Kastila at masamang estranghero. Lahat ng tauhan ay iba sa buhay Pilipino dahil hawig lang sila ng totoong tao ng hindi alam na mga pook at kagilagilalas na mga lipi (AC:PMR, 1987). Corrido' ang tawag sa romances na Ilongo, Cebuano, at Bicolano. Ito ay 'kuriru' sa Pampango; 'biag' (buhay) o 'pinagbiag' sa Ilocano; at 'impanbilay' sa Pangasinan] (D. L. Eugenio, "Metrical Romances," Encyclopaedia of the Philippines: Literature [EP:L], vol. IX, p. 204). Sa panitikang Tagalog ang corrido ay tinatawag na 'buhay' at 'historia', hawig sa Ilokonong 'biag' o 'pinagbiag'. At hawig din sa kahulugan ng salitang 'bida' o 'vida' ng Visaya (Resil Mojares, Origins and Rise of the Filipino Novel, p. 61). Sa panitikang Tagalog ang awit ay naiiba sa korido sa bilang ng pantig sa bawat linya. Ang korido ay waluhang pantig (octosyllabic) na berso, na ang tawag ay 'hakira'; habang ang awit ay labingdalawahang

pantig (dodecasyllabic) na berso, na ang tawag ay 'plosa.' (Eugenio, "Metrical Romances," EP:L, vol. IX, p. 204). Maliban sa haba ng berso, na sinusunod lamang sa romances na Tagalog, walang nakitang ibang balidong pagkakaiba sa pagitan ng awit at korido (Eugenio, Awit and Corrido: Philippine Metrical Romances.) Ito maaari ang dahilan kung bakit isinaalang-alang niya ang salitang korido bilang pangkalahatang pangalan ng romances na Pilipino. Si Resil Mojares sa kanyang aklat na Origin and Rise of the Filipino Novel: A Generic Study of the Novel until 1940 ay ginamit din ang salitang 'corrido' para sa genre dahil, ayon sa kanya, ang mga kaibahan nakahain ukol dito ay pawang haka-haka. Ngunit mukhang magkaiba nga ang awit at korido. Si Rizal, kahit na hindi ibinigay ang pagkakaiba ito, ay malinaw na nagsabi sa kanyang madamdaming sulat kay Vicente Barrantes na ang awit at korido ay magkaiba. Ang bahagi ng sulat na ito ay nagsasaad na: "Everything Your Excellency says about the 'corridos' might be correct, but the fact is, Your Excellency does not know what the Tagalogs call 'corridos.' The Tagalog differentiate them from the 'awits,' another thing that Your Excellency does not have to know. The purpose is to insult the race Ang korido ay maaaring nakapasok sa Pilipinas nuong dantaong 1600 sa pamamagitan nina Miguel Lopez de Legaspi. Naging napakatanyag ito nuong ika-19 siglo hanggang ika-20 siglo. Sa pagpasok ng modernong babasahin, humina ang katanyagan nito. Naobserbahan ang pagtanyag muli ng awit at korido sa huling bahagi ng siglo, na maaaring bilang isang gawaing eskolar o maaring bilang bahagi ng pagsusumikap ng mamamayan na matuklasan ang kanilang sarili bilang bansa.and to insult it, knowledge is not necessary."

You might also like