Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 16

PASASALAMAT

Bilang isang mag-aaral ng San Lorenzo High School, nagpapasalamat ako sa aming guro ng Araling Panlipunan na si Binibining Manigo dahil binigyan kami ng pagkakataon na talakayin at buksang muli ang tungkol sa kasaysayan ng ating mga bayani. Nagpapasalamat din ako sa aming Silid-Aklatan, dahil pinahintulutan kaming makahiram ng aklat. At taos puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa amin upang maayos at matapos ang proyektong ito, lalung-lalo na sa aking mga magulang at iba pang miyembro ng aking pamilya, sa aking mga kaibigan at mga kapwa mag-aaral. Pero, unang-una sa lahat, nagpapasalamat ako sa ating Panginoon nagbigay gabay at proteksyon upang sa gayon ay maging maganda at maayos ang nasabing proyektong ito! Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pamagat Pasasalamat Panimulang Pasalaysay Mga Kabanata I II III IV V VI Mga tauhan (bawat kabanata)

Magellan, Ang Kanyang Buhay Paglalayag

Ang Pagdinig ng Hari Ang Simula ng Paglalakbay Timog Amerika Ang daang Pook-Kanluran ay natagpuan Ang paghahanap sa Spice Island Ang Kapuluan ng Pilipinas

MAGELLAN, ANG KANYANG BUHAY PAGLALAYAG

MGA TAUHAN (bawat kabanata)

Kabanata

Mga Tauhan

I. Ang Pagdinig ng Hari

Ferdinand Magellan Haring Manuel Ruy de Faleiro Duarte Barbosa Diego Barbosa Ferdinand Magellan Ruy de Faleiro Diego Barbosa Juan de Cartagena

II. Ang Simula ng Paglalakbay

III. Timog Amerika

Ferdinand Magellan John Lopes Carvalho Ruy de Faleiro Juan de Cartagena Ferdinand Magellan Juan de Cartagena Ferdinand Magellan Ruy de Faleiro Juan Gigante Martin Andrew Ferdinand Magellan Omatu o Enrique Rajah Colambu Lapu-lapu Rajah Humabon

IV. Ang daang PookKanluran ay natagpuan V. Ang paghahanap sa Spice Island

VI. Ang kapuluan ng Pilipinas

PANIMULANG PASALAYSAY

Sa proyektong ito na aming ginawa at pinaghandaan ng mga ilang araw at pinagpaguran ng ilang gabi ay

hango sa makasaysayang pakikipaglaban at masalumuot na paglalakbay ng ating bayaning si Ferdinand Magellan. Matutunghayan ninyo sa proyektong ito kung papaano makipaglaban ang maghihimagsik na si Magellan gayundin ang kanyang mga alagad. At masasaksihan din ninyo kung paano siya naglakbay sa ibat-ibang parte ng ating mundo. Sa pamamagitan rin ng proyektong ito ninyo mamamalas kung paano ang katapangan at kagalingan ni Ferdinand Magellan bilang isang manlalakbay at pinuno. Gayundin ang iba pang mga kasama niya sa napakahabang paglalayag. Naway kapulutan ito ng maraming magagandang aral.

MAGELLAN, ANG KANYANG BUHAY PAGLALAYAG


I. Ang Pagdinig ng Hari
Habang bumubukas ang pinto ng palasyo, ang pangalang Ferdinand Magellan ang gumulunting na nadidinig. Kahit mababanaag ang tindi ng kirot at sakit sa katawan, makikitang pumasok sa loob ng trono ng palasyo ang taong ito. Puno ng kasiglahan at pagkamangha, ay itinatanong ng mga tao kung bakit ayaw makipag-usap ng sarilinan si Magellan sa Haring Manuel at ginawa itong pang madla. Nagbigay pugay, yumuko at lumuhod sa harap ng Hari. Nagpasalamat at sabay inabot ang mga kasulatang nagpapatibay na wala siyang sala sa mga usaping may kinalaman sa pakikipagsabwatan sa mga kaaway ng Portuguese sa Moroco. Buong makumbaba niyang hiniling sa Haring Manuel ang maliit na karagdagan sa sagod at pagtaas sa ranko matapos ang matapat at masugid na paglilingkod sa Hari simula pa noong una. Binanggit niya ang mga pinagdaang hirap at sakit na naranasan bilang tapat na paglilingkod bilang alagad nito. Ang mga matagumpay niyang pagtatanggol at paglaban sa kaaway ng Portugal sa Indian coast noong 1509; ang matagumpay niyang pamumuno sa ibat-ibang paglalakbay na kasama ni Kapitan Diego Lopes de Sequierra sa Malacca, ang labanan sa Calicut. Nakuha rin nila ang Malacca at dahil sa pagtatanggol nasugatan. Pero hindi ibinigay ng Hari ang kahilingan ni Magellan. Naging napakasakit ng pagkabigo sa kanyang munting kahilingan kapalit ng kanyang mga inalay na hirap at tapat na paglilingkod sa Hari. Lumisan siyang bigo at lalong nasugatan sa pangyayari. Nagpasya siyang maglakbay kaagad sa Porto at lisanin ang Lisbon at naghanap ng panibagong amo. Yaong marunong

magpahalaga sa mga kakayahan at nagagawa at magbibigay ng pagkakataon sa kanyang makapaglakbay sa Spice Islands. Habang nagpapatrulya sa Malacca at Spice Islands, gumawa siya ng walang pahintulot na paglalakbay sa kalawakan at di kilalang kapuluan. Nangalap si Magellan ng mga inpormasyon tungkol sa mga paglalakbay at nakipagkaibigan kay Ruy de Faleiro. Isa itong Prtuguese na dalubituin (astronomer). Nagpalitan sila ng mga teoriya at kaisipan tungkol sa paglalakbay. Ang kaibigan niyang si Duarte Barbosa ang tumulong sa dalawa na makilala si Diego Barbosa ang tiyuhin nito na Gobenador na ng Castle and of the Arsenal in Seville. Napukaw ni Magellan at Faleiro sina Duarte sa planong paglalakbay sa Spice Islands. At para matanggap si Magellan sa Spain, ikinasal ito sa pinsan ni Duarte na si Beatriz. Nagsimulang gumanda ang buhay ni Magellan, mayaman ang napangasawa niya at nagging maligaya siya. Hindi niya akalain na makakabangon siyang muli, parang isang panaginip ang nangyari sa kanyang buhay. At sa tulong ng pamilya Duarte at Barbosa nagkaroon ng katuparan ang kanyang pangarap na matuloy ang paglalakbay sa Spice Islands.

II.

Ang Simula ng Paglalakbay


At ngayon ay nagkaroon ng katuparan ang matagal na niyang pangarap na halos isang panaginip lang. Muling nasilayan at nalanghap ang hangin sa dagat. Sila ni Faleiro ang Kapitan Heneral ng paglalakbay na ito. Binigyan nila ng mga tuntunin ang mga tripulante kung anu-ano ang dapat gagawin. Limang sasakyang dagat ang kanyang pinamunuan; ang Trinidad, Victoria, San Antonio at dalawang barko pa. Puno ng mga pagkain at kagamitang pandagat at nagpatuloy ang mga ito sa kanilang paglalakbay. Nagpadala ng ulat ang kanyang biyanan na may mangyayaring pagkuha sa pamumuno ni Magellan sa nasabing paglalakbay at walang iba kundi si Juan de Cartagena. Isa itong Espanyol na Kapitan na nais palitan si Magellan. At nagpadala ng sulat pasasalamat si Magellan sa kanyang biyanan. Nag-ingat na mabuti siya at hindi ipinaramdam na mayroon siyang nalalaman sa mga binabalak kay Magellan. Naging mahinahon siya sa mga pananalita at pagsagot kay Juan de Cartagena kaya nakuha niya ang simpatiya ng mga kasamahan dito. Hindi nagtagumpay si Cartagena sa kanyang masamang plano dahil kay Magellan sumunod ang mga tao. Nagkaroon ng sagutan at hidwaan ang grupo ni Cartagena at Magellan ang huli ay napalitan ni Kapitan Mendoza isa ring Espanyol. Naging masalimuot ang kanilang paglalakbay pero tuluy- tuloy pa rin.

Nagpatuloy sa paglalakbay ang limang sasakyang dagat ay inakala na nilang malapit na sila sa El Paso.

III. Timog Amerika


Noong ika 13 ng Disyembre taong 1519, makalipas lisanin ang Seville, ang mga sasakyang dagat ay dumaan sa Sugar Loaf na bundok na pinangalanan ni Magellan na Santa Lucia. Dumaong sila dito sa baybayin at duon nagpahinga ang mga pagod ng tripulante. Nagkaunawaan ang mga katutubo sa pamamagitan ni John Lopes Carvalho. Muling nagkaroon ng sigla ang mga manlalakbay dahil sa mga kababaihan at dulot din ng palitan ng produkto at regalo. Ipinalit si Alvaro de Mesquita kay Antonio de Coca noong pakawalan nito si Cartagena. Muling isinagawa ni Cartagena ang planong kunin ang pamumuno, noong siya ay nakalaya, subalit hindi siya nagtagumpay at ibinalik uli siya bilang bilanggo. Muling nagpatuloy ang kanilang paglalakbay hanggang marating nila ang malaking bay at tinawag ni Magellan itong Bay of Kings. Dumating sila sa Cape Santa Maria noong ika 10 ng Enero taong 1520. Ang sasakyang dagat na Santiago, ang pinakamaliit na barko na pimumunuan ni John Serrano ang naatasang gumalugad sa nasabing lugar. Nagpatuloy si Magellan patungong timog lulan sa San Antonio hanggang marating niya ang kalapit bundok at pinangalanang Montevideo.

At nagpatuloy muli ang paglalakbay hanggang makarating sila Port Saint Julian at doon sila nagpalipas ng taglamig. Muling nagkaroon ng panghihimagsik na paalisin si Magellan sa pamumuno, subalit hindi na naman nagtagumpay ang mga ito. Nagkaroon ng paglilitis sa mga maghihimagsik at napasuhan ang mga ito ng kamatayan. Si Cartagena at Padre Sanchez de Reina ay iniwan sa Port Saint Julian bilang parusa sa kanilang paghihimagsik. Noong ika 18 ng Oktubre taong 1520, ang Trinidad, San Antonio, Concepcion at Victoria ay tuloy naglakbay nilisan ang Rio de Santa Cruz. At nagpatuloy ang paghahanap sa daan patungong Spice Islands.

IV.

Ang daang Pook-Kanluran ay natagpuan

Ang mga sasakyang dagat ay nagpatuloy sa paglalayag patungong timog. At sa kanilang pagkamangha ay may magandang bundok na nakita. At dahil nga sa ang mga barko nila ay di na angkop sa paglalayag, kailangan nilang huminto sa baybayin nito. Nagoatawag ng pagpupulong si Magellan kung itituloy pa patungong timog at tuluyan nang mawala ang pag-asang makita ang daang patungo sa kanilang destinasyon. Ang San Antonio at Concepcion ay naglayag patungong timog, habang ang Trinidad at Victoria naman ay kanluran. Subalit ang San Antonio at Concepcion ay sinalubong ng masamang panahon. Nalagpasan din nila ito at nabuhayan sila ng loob ng may nabanaagang usok sa may baybayin. Natuwa sila at nagsaya sa kanilang natagpuan ang daang pook-kanluran habang sinalubong ang masamang panahon na muntik na ring ikasira ang kanilang barko. Doon nila nalasahan ang alat ng tubig na palatandaan na hindi sila pumapasok sa freshwater. Muling nagpatawag ng pulong si Magellan at doon isinaad niya ang mga plano sa paglalayag na iyon. At tinahak nila ang daang pook-kanluran. Naghahati ito sa ibat-ibang dagat daan. Ang San Antonio ay naglayag patungong timog at narating ang Dowson

Island. Ang Trinidad naman ay dumaong sa tinawag ni Magellan na River of Sardines dahil sa dami ng mga isda. Nawala ang San Antonio at ito ang pinakamalaking sasakyang dagat nila. Maraming haka haka ang nabuo, nabumalik ito sa Espanya, at kung anu-ano pa. Subalit, kailangang magpatuloy ang kanilang paglalayag. Noong ika 26 ng Nobyembre taong 1520, ibinigay ang utos na ang Trinidad, Victoria at Concepcion ay itaas ang angkla at patuloy na maglayag. Nadaanan nila ang tinawag na Tiera del Fuego o Land of Fire na sa araw ay walang palatandaan ng buhay at sa gabi naman ay may mga ilaw.

V.

Ang Paghahanap sa Spice Island

Si Magellan ang namuno sa paglalakbay sa Mar Pacifico. Tumungo sila sa dakong hilaga sa hinalang mararating nila ang Spice Island. Dumaan sila sa Chile at nagpatuloy nang paglalakbay sa hilaga hanggang marating nila ang baybayin ng Asya. Pagkatapos ay inutos nitong magbago ng pamamatnugot patungong hilagang kanluran na hindi alam ng Kapitan Heneral. Ang matinding taglamig ang kanilang naranasan. Nagkabulok ang kanilang mga pagkain at pati tubig ay namaho. Dahil sa pangyayaring ito, ang pagkain nila ay inirasyon. Nainip na sila sa kanilang paglalakbay, nawawalan na sila ng pag-asa na may makikita pang lupa. Noong ika- 24 ng Enero taong 1521 ay nakakita sila ng isang maliit na pulo. Ito ang unang pulong nakita mula ng sila ay maglakbay. Pinangalanan nila itong St. Pauls Island Dito ay naghanap sila ng mga pagkain at tubig. Nangisda sila nag-imbak ng pagkain para sa muling paglalakbay. Wala silang nakitang bukal na tubig at nakakuha lang tubig ng umulan nang malakas. Tumagal sila roon ng apat na araw, nagpahinga at nag-ipon ng lakas. Ang kanilang pangamba na di na muling makakakita ng ibang pulo ay naglaho, marami pang pulong mararating sa kanilang paglalakbay. Hanggang dumaong sila sa pulo ng Concepcion at Victoria. Habang sila ay nakadaong, batid ni Magellan na kailangan nila ang ibayong pag-iingat sa mga katutubo. Ang mga tripulante ay nanghihina na pero nagawa pa rin nilang ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga katutubo. Kinuha ng mga katutubo ang anumang bagay na kanilang makukuha. Dahil dito, nagalit ang pangkat ni Magellan at ang mga katutubo ay pinaulanan ng mga bala at may nasugatan at namatay. Tiniyak ni Magellan na hindi sila puwedeng tumigil sa pulong ito kaya nagpasya silang lisanin ito. At nang sila ay nasa laot na, pinaulanan nila ng bala ang mga katutubo at itoy nagtilian sa takot. Nang inakala nina Magellan na puwede na silang dumaong sa nakitang baybayin, iniangka ang bapor at doon ay kumuha ng

pagkain. Subalit nagkaroon na naman ng labanan at nakakuha sila ng bihag na katutubo. Nagpatuloy sila sa paglalakbay hanggang noong ika 16 ng Marso taong 1521 ay dumaong sila sa pulo ng Samar. Matapos ang labing walong buwan na paglalalkbay ay narrating nila ang Pilipinas

VI.

Ang Kapuluan ng Pilipinas


Ang tatlong barko ay nangilid sa baybayin ng silangan ng Samar, patungong hilagang kanlura. Nakakita sila ng mas maliit na pulo at sila ay dumaong sa baybayin ng pulo ng Suluan. Pinatingnan ni Magellan kung may naninirahan dito. Nabatid nila na wala kaya sila ay gumawa ng mga kubol at maliliit na kuta. Ang mga may kapansanan ay bumalik ang lakas at sigla dahil sa maraming mga prutas at pagkain. Nakatulong ng malaki ang buko sa madaling paglakas ng mga may karamdaman. Ang bihag na si Omatu ang nagturo ng mga prutas na makakain katulad ng mga papaya at mangga. Dahil sa dami ng mga pagkain, inakala ng mga ito na ito ay di totoo. Kaya inakala nila na iyon ay isang panaginip. Ang mga may karamdaman ay madaling nagsigaling. Matapos ang dalawang araw na pagdating nila sa Homonhon, may dumating na bangka na may lulang sampung sandatahan na tao. Inakala nila na hindi dadaong ang mga katutubo, ngunit sila ay nagkamali. Kinausap ni Magellan ang mga panauhin. Hindi sila masyadong magkaintindihan. Kahit na si Omatu o Emique ay hindi rin maintindihan ang salita ng mga panauhin. Maganda ang kinahinatnan ng kanilang pag-uusap kahit nahirapan silang magkaunawaan. Matapos ang tatlong araw ay dinalaw sila ng pinuno ng mga katutubo. Matanda na siya at napapalamutian ng gintong hikaw at pulseras. Noong ia 25 ng Marso taong 1521, ang barko ay kinumpuni at nilinis. Nagpahinga ang mga tripulante ay pinakain ng husto. Nagpatuloy ang paglalakbay patungong timog kanluran. Dumaan sila ng baybayin ng Leyte patungong Surigao. Narating nila ang pangalawang pinamalaking pulo ng Pilipinas. Dito ay napagtanto ni Magellan na sa naikot na nila ang buong mundo. Si Magellan ang kauna-unahang tao na nakapaglakbay sa buong mundo at nabibilang sa isa sa pinakamayaman sa buong mundo. Hindi niya alam na siya ay babawian ng buhay bago sumapit ang isang buwan. Ang mga katutubo sa pangunguna ni Rajah Colambu ay nakipagpalitan ng mga produkto kina Magellan. Si Magellan at

Rajah Colambu ay nagkaroon ng pagkakasundo sa pamamagitan ng blood compact. Ito ay kanilang simbolo ng pagkakaisa. Noong ika 28 ng Marso taong 1521 ay sumakabilang buhay si Antonio de Coca at siya ay inilibing sa dagat. Ang mga barko ay nakadaong sa Limasawa. Malaya na nakakalibot ang mga tripulante sa pulo. Patulog ang pagkakaibigan nina Magellan at ng Rajah. Ipinakilala si Magellan sa kapatid ng Rajah na si Siaui. Napapalamutian ito ng pulseras na ginto at pati ang mga ngipin nito ay puro ginto rin. May dala siyang mga ginto para ipagpalit sa mga produkto nina Magellan. Hindi nagpahalata si Magellan na masyado siyang interesado sa mga ginto. Noong Pasko ng Pagkabuhay ay ginanap ang kauna-unahang misa sa Pilipinas. Ginawa ito sa Limasawa. Nakiisa ang mga katutubo sa pagdiriwang na ito. Pagkatapos ng misa ay inilagay ni Magellan ang KRUS sa ibabaw ng ng bundok at nagprusisyon sa buong kapuluan . Ipinangalan ang pook na ito kay St. Lazarus mula ng unang masilayan nila ang lugar noong ika 16 ng Marso taong 1521. Nalaman din ni Magellan na mayroon pang ibang malaking pulo sa timog kanluran. Ito ay Cebu, at ipinaalam nila kay King Charles at nagging interesado sa pulo kaya kanilang binisita ang lugar. Ipinarating nila ang kanilang pagnanais sa Cebu kay Rajah Colambu at sila ay pinasamahan pa at pinakilala sa Rajah doon. Ito ay panahon ng tag-ani ng palay. Tumulong sila sa pag-aani at madaling natapos ang pag-aani. Noong ika 3 ng Abril taong 1521, ang mga barko na Trinidad, Concepcion at Victoria ay lumisan. Kasama ang gabara ng Rajah tinungo nila ang Camotes Sea. Nang makarating sila sa Cebu ay ipinakilala sila sa Rajah. Napansin nila na may arabo na mangangalakal. Napag-alaman nila na napakayaman sa ginto ang pulo. Nagpakilala sila na mula sila sa Espanya. Nagbigay si Don Antonio ng dalawang napakagandang Venetian na baso. Sinuri sila ng Rajah bago sila pinatuloy. Sinuri ang Arabo at ang mga Portuguese ng Rajah at nagging maganda ang pagtanggap nito. Ipinaalam nina Emigue at Don Antonio kay Magellan ang nangyari. Pinadalhan ng mga regalo nina Magellan ang Rajah. Dumalaw si Rajah Columbre sa Rajah ng Cebu at nalaman niya na maganda ang relasyon niya kina Magellan. Kaya nagkaroon

ng pagpapalitan ng mga katutubo ay ginto.

produkto.

Ang pambayad ng mga

Ipinahiwatig ni Magellan na gusto niyang maging Kristiyano ang mga naninirahan sa pulo. Bininyagan ang lahat at nagkaroon ng prusisyon. Naging mapagsamantala ang mga grupo nina Magellan. Araw at gabi ay sila ay naglalasing at naghahanap ng mga babae. Ang mga katutubo ay nalungkot sa mga nangyari. Nagalit si Mgaellan sa dahilan na hindi pagsunod ni Lapu-lapu. Nagkaroon ng pagtutuos sa pamamagitan ni Lapu-lapu at Magellan. Sumugod sina Magellan, ngunit natakot ang mga tripulante at walo lamang ang natirang kasama niya. Tinamaan si Magellan sa binti ng sibat na may lason. Nasugatan din ang mukha niya pero lumaban pa rin siya. Pati kamay niya ay nasugatan na at ito ang sinamantala nina Lapu-lapu. Sinugod nila si Magellan at ito ay namatay. Noong ika 27 ng Abril taong 1521 ay nagwakas ang paglalakbay ng unang manglalakbay na si Magellan.

You might also like