Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Isang Kulay Isang Kulay Isa, dalawa, tatlo Ako si Mercado Isa, dalawa, tatlo, isang biktima ng digmaan

Isa, dalawa, tatlo, biktima ng magkahalong galit at pagtitimpi at sa sandosenang batuta na humataw saking likod Isa, dalawa, tatlo ay nagmarka ang kahayupan at di pantay na daigdig ng tao. Isa, dalawa, tatlo Totoo. Isa, dalawa, tatlo May mahirap. Isa, dalawa, tatlo Ako si Lucia Isa, dalawa, tatlo, isang biktima ng prostitusyon Isa, dalawa, tatlo, biktima ng magkahalong kahirapan at kababuyan na sa loob ng di mabilang na gumahasa sa akin Isa, dalawa, tatlo ay nagdulot ng pagkaparalisa sa aking katauhan Isa, dalawa, tatlo, walang itinira. Isa, dalawa, tatlo Totoo. Isa, dalawa, tatlo May biktima. Isa, dalawa, tatlo Ako si Mercedes Isa, dalawa, tatlo, biktima ng pag-ibig, Isa, dalawa, tatlo biktima ng magkahalong pagtitiis at pagkaalipin na sa loob ng maraming taong nagmamahal Isa, dalawa, tatlo ay nagbunga ng pagkasira ng aking kalooban. Isa, dalawa, tatlo Totoo. Isa, dalawa, tatlo May sawi. Isa, dalawa, tatlo Ako si Dante Isa, dalawa, tatlo, isang biktima ng tiwaling pamamalakad, Isa, dalawa, tatlo. biktima ng kagahamanan sa salapi at ganid ang tatlong taonng pagsisilbi sa palay at alabok Isa, dalawa, tatlo ay nagbunga ng engkwentro sa pagitan ng gobyerno. Isa, dalawa, tatlo Totoo. Isa, dalawa, tatlo May talo. Isa, dalawa, tatlo Lahat sila ay mukha ng kahirapan. Isa, dalawa, tatlo Lahat sila ay imahe ng di maampat na diskriminasyon. Isa, dalawa, tatlo Lahat sila ay nakipag laban sa kalayaan, Isa, dalawa, tatlo Lahat sila ay tagapagtaguyod ng pantaong kapakanan Isa, dalawa, tatlo Lahat sila ay isinilang sa panahong ang bansa ay naghahanap ng itutustos sa kahirapan. Isa, dalawa, tatlo Totoo. Isa, dalawa, tatlo May mahirap. Isa, dalawa, tatlo May biktima. Isa, dalawa, tatlo May sawi. Isa, dalawa, tatlo May talo. Isa, dalawa, tatlo Totoo. Isa, dalawa, tatlo May namamatay. Isa, dalawa, tatlo

You might also like