Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Luga

Luga
Ang Luga o Acute Otitis Media sa Ingles, ay isang uri ng impeksyon sa gitnang parte ng taynga (middle ear) na kung saan mayroong pamamaga at pamumula ng bamban ng taynga (eardrum) o ng mga maliliit na buto sa taynga (auditory bones). Maaaring isa o parehong taynga ang maapektuhan.

The Medical City Department of Pediatrics Batch 2013 LEC Group 1


Ang luga ay sanhi ng mga mikrobyo tulad ng bacteria o virus na nagdudulot ng pagbabara sa loob ng daluyan ng maliit na tubo (Eustachian tube) na nagdudugtong sa taynga at ilong. Nagkakaroon ng pagbabara dahil sa pamumuo ng uhog o nana. Maaaring mamuo ang uhog o nana sa gitnang parte ng taynga kung mayroon ng mga sumusunod: 1. Sipon na sanhi ng impeksyon o allergy 2. Ubo na sanhi ng impeksyon o allergy 3. Impeksyon sa ilong, lalamunan, o lagusan ng hangin

Alejandrino, Karlomagno Benavidez, Ramiro Eugenio Cortes, Auran Rosanne Flores, Manolo Kristoffer Lopez, Ma. Consuelo Pascual, Ma. Victoria Sanosa, Jose Stephen Taleon, Nicole Valencia, Ma. Clarise

Isang Proyekto ng Ateneo School of Medicine and Public Health para sa

Ilugin Community Center

Sintomas
Pananakit ng taynga Pakiramdam na parang may nakabara o may mabigat sa loob ng taynga Madalas ng paghila o pagkamot sa taynga May lumalabas na uhog, nana, o dugo mula sa taynga Lagnat Malabong pandinig Iyakin, bugnutin Hirap makatulog Nahihilo Naduduwal, nasusuka

Mga Dapat Gawin

Para Maka-Iwas sa Sakit


Regular na paghuhugas ng kamay Iwasan ang mga usok mula sa pagluluto, sasakyan, at sigarilyo Kumpletong pagpapabakuna ng bata sa health center Pagpapasuso sa bata mula

Magpatingin agad sa doktor kung mayroon ng mga sumusunod: lagnat na 38C o higit pa may lumalabas na dugo o nana mula sa taynga Lumalala o hindi gumagaling na impeksyon sa taynga Ang pagbibigay ng mga gamot tulad ng antibiotics o decongestant ay depende sa pagkalala ng luga at kalusugan ng bata.

Kumplikasyon
Ang luga ay maaaring magdulot ng matinding kumplikasyon tulad ng mga sumusunod kapag ito ay hinayaan o pinabayaan. Pagkabingi Pagkalat ng impeksyon sa ibang parte ng katawan na malapit sa taynga Pagkaantala sa paraan ng pagsasalita ng bata

You might also like