Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PEER TEACHING

(PROYEKTO SA FILIPINO)

ROBERTO F. DELA CRUZ


IV A

Bb. LULU
GURO

LAYUNIN
Matuto ang estudyante sa mga leksyon kung saan siya nahihirapan sa asignaturang Filipino. Makatulong sa mga guro sa Filipino (sa kahit anong taon) na mapalawak at mapagbuti ang katutuhan ng estudyante sa kanilang asignatura. Ito ay bahagi na rin ng pakikiisa sa kanilang proyekto ng kanilang kagawaran. Kasama na rin dito ang layunin na mapataas ang kabuuang grado ng estudyante sa pamamagitan ng pagtulong sa kanya na lubos na maunawaan ang bawat leksyon ng kaniyang guro sa Filipino at mabigyang pansin ang mga bahagi ng leksyon kung saan siya nahihirapan. Upang maisagawa ang naturang layunin ay kailangang magkaroon ng paggawa ang bawat hakbang na aking inihanda: y Una, tuwing hapon ay kailangang makipagkita sa estudyante at tanungin ang leksyong tinalakay sa asignaturang Filipino. y Ikalawa, ipaliwanag sa estudyante ang leksyon sa isang sestimatikong pamamaraan (pagpapaliwanag, pagbasa, at pagpapaintindi). y Ikatlo, tulungan siya sa takdang aralin na ibinigay ng guro (hangga t maaari ay ipaintindi lamang kung paano gagawin at hayaan siyang gawin ito). y Ikaapat at ikahuli, ipaintindi sa estudyante ang kailangang gawin sa proyektong iaatang ng guro (ito ay importante sapagkat nakasalalay dito ang malaking porsyento ng kanyang grado).

Ngayong handa na ang mga pamamaraang ito, maaari nang simulan ang pagtuturo sa estudyanteng napili.

PAHINTULOT SA MAGULANG

PROFILE NG ESTUDYANTE
Pangalan: Rainielle Jan Rubia Patotoy Seksyon: IV-W Kapanganakan: Enero, 12, 1996 Gulang: 16 Tirahan: Imus, Cavite Guro sa Filipino: Gng. Mandapat

Larawan:

Karanasan sa Pagtuturo:
Sadyang ang mundo ay puno ng pagsubok. Nais ko lamang bigyang paglilinaw na ang pagtuturong aking ginawa ay base sa aking kakayahan at karunungan sa pagpapaintindi sa aking estudyante ng mga bagay na dapat niyang malaman. Sa araw araw ng aking pagtuturo sa kanya ay kinakitaan ko naman siya ng interes sa pagkatuto sa asignatura at hindi siya nag-atubiling umoo nang siya y aking tanungin kung nais niyang siya y aking turuan. Ngunit ako ay nabigo sa aking layunin. Hindi ko nagawang pataasin ang kaniyang grado sa nakaraang markahan (ikatlong markahan). Ginawa ko ang aking makakaya ngunit dumating sa punto na hindi siya nagpasa ng proyekto sa asignaturang Filipino sa kabila ng aking mga paalala at lubos na pagpapaunawa sa kaniya. Sa ikalawang markahan ay mayroon siyang grado na 76, at ngayong ikatlong markahan ay nakakuha siya ng gradong 73 (malinaw na bumaba pa rin ito sa kabila ng aking ginawang pagtuturo). Kami ay nagkikita tuwing ala una ng hapon sa isang bench o upuan sa eskwelahan at doon siya ay aking tinuturuan. Hindi ko man nagawang pataasin ang kaniyang na grado, na siya namang aking layunin, ay hindi ko pa rin isinisisi sa aking estudyante ang pagbaba pa lao ng kaniyang marka. Bagkus ay binibigyangpuri ko pa siya sapagkat kinakitaan ko siya ng lubos na interes sa pagkatuto sa asignatura.

Ito ang naging kabuuan ng aking pagtuturo sa asignaturang Filipino (bahagi na rin ng aming proyekto).

Ang pagkatuto ay isang patuluyang proseso. Ang pagtigil sa pagalam ay nangangahulugan ng kamangmangan.

You might also like