Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Chapter One: Maraming tao ang willing gawin ang kahit ano para sa love.

Yung iba, pati mga pamahiin pinapatulan. Minsan, nakakatuwa mang isipin, napapagaya ka na din. Ako, minsan pumatol na din ako sa mga ganyan. Una, tuwang tuwa ako baka magkatotoo yung sinasabi nila. Na magiging kami ng crush ko, pero mukha naming impossible eh. Kung anu-ano nanaman ang pinapaniwalaan ko. Hay naku, bahala na si Batman.

`Uy, alam mo ba? Tanong ni Tony, ang madaldal at chismosa kong best friend. Ano? Sagot ko. Kung meron man akong hindi alam, panigurado, chismis nanaman yun. Yung tungkol sa 15 days, Sabi nya sabay siko sa kamay ko. So? Ano naman meron sa 15 day? Ano nga ba ang meron sa 15 days? 15 days meaning swelduhan? 15 days meaning kalahati ng isang buwan? 15 days meaning dalawang lingo plus a day. 15 days...? Kung 15 days na gagawin mong wallpaper ng cellphone mo yung crush mo at walang makakakita, then after nun, kayo na. Kinikilig pa sya nung sabihin nya. Napatitig ako sa kanya. So? Hay naku, Tony. Tigilan mo nga ako dyan. Maniwala ka kay Destiny, kapag kayo, kayo. Ito naman, nagpapaka-uto-uto na naman. Tsss. Hoy, anu ate? Totoo kaya tested na at may result sa Google para patunayan. At sino pala si Destiny? Napatawa nalang ako sa kanya. Kami ng aking best friend ay fourth year High School na. Dito na kami sa school na ito nagkakilala, nagka-crush at nagkaawayan. Mula first year hanggang ngayon, hindi pa din nagbabago ang best friend ko, lagi pa din palit ng palit ng crush, iba-iba every month, matagal na ang isang buong semester. Pero ako, stick to one. Malas nga lang may girl friend na yung crush ko. Si Crisanta, yung head cheerleader lang naman ng cheer squad ng school ang girl friend. Hindi ko nga maintindihan kung ano meron sa kanila eh. Si Kirt, yung crush ko at boy friend ni Crisanta, ay isang nerd. Extremes sila pareho sa High School Food Chain. Si Crisanta bilang ang pinakamataas na predator at si Kirt na pinakamababa in terms of being a prey. Ang galing no? Opposites attract sila, kaya siguro hindi ako magustuhan ni Kirt. Anyway, para naman magkaibigan kami nung tao. Oo,magkasing-year kami, may mga subjects na partner kami, pero kapag walang pasok, I doubt na kilala nya ko. Sa mahigit na tatlong taon kong pananatili sa High School, ni minsan hindi ko narasang makadama ng mga romantic gestures. Yung tipong may magbibigay ng roses sayo kapag Valentines Day, yung mag-aaya sayong mag-lunch ng kayong dalawa lang sa isang secluded place. Yung mag-aayang

manuod ng sine kapag weekends. Kung counted lang si Tony, malamang wala na ang virginity ko kasi halos kambal na kami. Natutulog sya sa bahay, at tapos, minsan naman, ako naman. Sa friendship, wala ng makatalo samin. Super twins kaya kami. Pero minsan, hindi din naman maiiwasan ang away best friend. Kahit yung mga simpleng arguments lang katulad ng anong lunch ang bibilhin at kung saan ang meet-up at pinagtatalunan pa namin. Katulad neto, kadamutan sa cellphone pinag-aawayan pa. Lumipas ang araw, ayaw magpahiram ni Tony ng cellphone. Siguro nga ginawa nya yung 15 days na sinasabi nya. Basta ako, faithful pa din ako kay Destiny at ang kanyang powers. Ano ba kasing meron dyan sa cellphone mo at ayaw mong magpahiram? Nagagalit kong tanong kay Tony. Kung kailan pa emergency, dun pa nagdamot ng cellphone. Paano na kami uuwi neto? Ang agaaga kasing nagdismiss tapos wala pa yung service. Tapos ano ngayon, tutunganga kami sa isang sulok at magbilang ng buhok hanggang sa dumating yung service? Buti sana kung may extra akong pocket money, edi nag-7/11 nalang ako. Eh kasi nga, dahilan ni Tony. Napasimangot nalang ako at umupo sa bench ng school. Iilan nalang kaming estudyanter dito. Mga dalawang dosena nalang ata, 20 kung kabilang pati yung mga guards at faculty teachers at yung nag-iisang janitor. Pasensya na, Nicole. Bukas, promise, pwede ka na ulit humiram ng cellphone. Hindi ko pinansin ang best friend ko at nilabas ko ang aking empty battery charge na cellphone. Bakit ba kasi ako hindi nagcharge kagabi o kanina man lang? Bakit ba kasi ako hindi nagdadala ng spare battery or charger man lang? Bakit ba kasi ako play ng play ng music at open ng open ng social networking sites gamit to? Yan tuloy, kapag kailangan ko, wala na. Hey, girls. Need a lift? Tanong ni Crisanta nung mapadaan sakay ng SUV. Kumislap bigla yung mga mata ko. Okay, hindi kami friends ni Crisanta. Pero at desperate measures come desperate actions. Napa-oo nalang ako sa paghahangad na makauwi. Habang si Tony naman, nagdadalawang isip. Ano bang meron kay Tony at parang may saltik na naman? Ikaw lang? Tanong ko, dahil hindi ko keri ang maka-sama si Crisanta at Kirt sa iisang sasakyan. Oo, eh. Sige na guys, sabay na. Balita ko mga isang oras pa bago dumating yung next batch ng school bus. Napatayo ako at dumiretso sa sasakyan kung saan lulan si Crisanta. Sabay ko na ring hinatak yung kamay ni Tony para wala ng away. Ngumiti si Crisanta at malugod na binuksan ang pintuan.

Bakit ikaw lang? Hindi ba dapat kasama mo si Kirt? Umaatake na naman ang pagka-chismosa ni Tony. Wala, eh. Ayaw sumabay. Hihintayin daw nya yung service. Ewan ko dun. Sabi ni Crisanta habang pinapantay nya ang kanyang mga kuko. Para namang hindi pa sila pantay. Talaga? Bakit kaya? Malakas na pagtataka ang ibinoses ni Tony. Sya nga pala, Nicole. Balita ko umaangat ka na ngayon ha, Lait ni Crisanta. Umaangat? Saan? Tanong ko. Umaangat saan? Ano naman ang ginawa ko at bigla akong umangat? Umangat sa kompitensya nating dalawa tungkol kay Kirt? Imposible. Balita ko kasi, yung business ng parents mo, yung mga retailing ng Perfumes at colognes ay nagiging in-demand na. Si Mommy nga naubusan daw ng stock nung sinubukang bumili eh, tapos si Daddy naman nagmaka-awa pa dun sa mga ka-officemate nya na bilhan din sya, ang kulit noh? Ah, oo nga. Ang tatangi kong naisagot. Si Tony, biglang tumahimik. Panigurado, wala syang naririnig na chismis or balita tungkol dun. I mean, sino ba ang interisado sa mga ganyang bagay? Success ng parents, success ng anak siguro. So, anyways, ano na plano nyo sa Prom? Tanong ni Crisanta. Is it me, o parang hindi na naubusan ng tanong ang babaeng ito? Ngumiti ako. Wala pang plano. May isang buwan mahigit pa naman eh, Pero to be honest, wala akong balak umattend. Ano naman ang gagawin ko dun? Umupo ng umupo hanggang matapos yung gabi. Magmukmok habang pinapanuod silang sumayaw ng slow dance sa gym? Or siguro, baka maubos ko lang yung mga juice at refreshments. Crisanta, naniniwala ka ba dun sa mga pamahiin tungkol sa love? Tanong ni Tony. Paano naman tayo napunta dyan sa topic na yan? Ano naman ang connect sa Prom? Tanong ko. Well, ano nga ba? Yung connect, Love. Sabi saken ni Crisanta tapos nilipat naman ang atensyon kay Tony na naghihintay ng sagot. Oo naman. Dahil nga dun kaya naging kami ni Kirt nung umpisa eh. Anong ginawa mo? Agad na tanong ni Tony. Bakit parang naging desperado na agad si best friend ko at pati mga pamahiin pinatulan na din. At san ka, nanghihingi ng advice kay Crisanta. Nung una, Inumpisahan nya, hay nako, magiging mahaba-habang byahe toh. Kiniwento ni Crisanta yung mga pamahiin na ginawa nya at kung paano nya naisip yung sa sarili nya. Isang beses sabi pa nya, Mukha nga akong lokaret dun sa mall eh, kung ako anong mga charms ang hinahanap. Kinagat ko yung dila ko para hindi ako tumawa at magmukhang walang manners. Hindi ko namamalayan nasa tapat nap ala ako ng bahay. Pero paano nalaman ni Crisanta na dito ako nakatira?

Stalker ba sya? Or pinasusundan pa nya ako sa takot na agawin ko sa kanya si Kirt as if naman na magagawa ko yun. Sabay mag-Golf ang Mom and Dad naten, Sabi ni Crisanta. Tila ba sinasagot yung mga tanok ng utak ko. Ano ka ate? Psychic? Ewan. Ngumiti ako sa kanya at nag-Thank You. Pati na din kay manong driver. Bago pa ako makapasok, umalis na yung SUV. Binuksan ko yung gate at pumasok. Na-lock yung pinto, siguro na namang tao. Busy ulit, as usual. Kinuha ko yung susi sa ilalim nung Welcome na doormat sa tapat ng pintuan. Pagka-pasok, ang una kong pinuntahan ay ang kusina dahil gutom na ako at hindi pa ako nag-lalunch. At mukhang siniswerte ata ako, may isang slice pa ng pizza ang natitira. Bago ko pa napansin, ubos na yung pizza. Ang sunod ko namang nakitang kainin at yung Cornetto. Pumunta ako sa sala habang kinakain yung Cornetto at sabay buklat ng mga libro. Naninigurado lang na walang assignment dahil mahirap gumawa ng quality homework na rush. Nung sigurado ako na walang assignment, biglang bumukas yung pintuan. Napatalon ako. At mga tunog ng sneakers at nagmamadaling pumasok ang narinig ko. Hindi ko nga napansin na na-unlock yung pintuan eh. Siguro, si kuya lang yun. Kakagaling na naman sa gym para magpa-show off ng kanyang pinkamumunting abs sa mga girls na tuwang tuwa naman. Habang ako, kapag nakikita ko silang natutuwa, nasusuka sa view. Yuck! Ang aga mo ata bunsoy? Cutting ka no? Sabi ni kuya. Tapos nanlaki yung mata nung nakita nya yung Cornetto. Bakit mo kinakain yan? Akin yan eh! Belat. Wala namang pangalan na nakalagay eh. Tapos nasa ref naman. Sabi ko at sabay ngiti. Tinangkang agawin ni kuya pero hindi din tinuloy. Halos ubos na din naman eh, Papalitan ko, promise. Kapag may allowance na ulit ako. Dapat lang. Teka nga, bakit ang aga mo naman umuwi? Tanong nya ulit. Wala na sanang akong balak sagutin ang tanong ng aking minamahal na kapatid pero baka isipin nag-kacutting ako. Like I would ever dare lalo na kung malalaman pa nila mama at papa. Maagang nagdismiss eh. Asar nga, nakisabay pa tuloy ako kay Crisanta. Siguro, sa way ng pagreact at pagkwento kay Kuya, napansin nya ang medyo asar at inis na hindi ko kayang ipaliwanag. Edi sana, tinawagan mo nalang ako. Ikaw talaga, Sabi nya. Hindi ko ba nasabi na empty bat yung cellphone ko. And hello! Hinihiram ko yung cellphone ni Tony nagdamot naman, Tumawa lang si kuya. Haha, ako na nakakatawa. `Yan kase, sabi sayo magdala ng extra battery para meron kang gagamitin kapag emergency. Ayaw kasi making, yan tuloy, napasabay pa ng uwi kay anaconda. Anaconda? Amputche? Saan galing yon? Anaconda? GG si kuya,

Ngumiti sya at binuklat yung mga notebook ko. Para namang may makikita syang doodles or porn pictures sakin. Hoy Kuya, ikaw yon. Gawain ko yun hindi ako. Ha! Anong hinahanap mo sa notebook ko? Tinatanong ko na din sa wakas dahil nawawala na sa order ng pagkaayos yung mga notebooks. Mahirap kaya maging organized. Wala lang, baka may mahanap lang akong picture ng boy friend mo, Biro nya. Pero tinutuo ko. Hoy, sa iyong pagkaka-alam, kuya, wala akong boy friend. Wala as in W-A-L-A, wala! Pasigaw kong sabi sa kanya. At sya naman, tatawa-tawa lang. Ano naman kaya nakakatawa dun? Uy, si Kirt oh, sa labas. Sabi nya sabay turo. Ako naman si uto-uto tingin naman tapos tatawatawa na naman si Kuya. Hindi na ba sya magsasawang pagtripan ako?

Chapter Two: Kinabukasan sa school, pumayag na ulit si Tony para pahiramin ako ng cellphone. Wahaha! Siguro nagsawa na din si best friend sa pagpatol ng nung mga pamahiin nya. At bakit parang may balak pa ata akong palitan bilang best friend. Hey, guys! Maaliwalas at masiglang bati ni Crisanta samin nung pagkapasok nya sa Homeroom. Ano naman kaya meron `to at mukhang parang friendly sya samin? Siguro naghahanap lang ng boto para sa nalalapit naming Prom para sure win na ang kanyang pagkaka-Prom Queen. Hi, Cris! Bati ni Tony. Teka nga muna, saan naman galing ang Cris ? So sya may nickname? Ako wala? Very good naman para sa aking best friend. Ako nagpakatengang kawali. Dead-ma lang. Echosera. Babatiin ko yung magiging kaagaw ko. Nasa kanya na nga yung crush ko, pati pa ba naman best friend ko aagawin. Ano ba yan!? Hi, Nicole. Sabi ulit ni Cris naniniguradong alam ko na nasa tapat ko sya. Mahirap man aminin, pero mukhang pagkaka-aga-aga ay wala na agad ako sa mood mag-aral dahil sa kanya. Ngumiti ako. Para alam nyang nararamdaman ko yung presense nya pero walang akong sinabi na kahit ano. Imbes, nagpaka-busy ako sa cellphone ni Tony habang naka-hook pa ako sa wi-fi at habang wala pang teachers. Akalain mo yun, sabi ko sayo best eh, Sabi ni Tony saken pero hindi ko pinansin. Nagpaka-busy ulit ako sa cellphone nya. May fifteen minutes late na din yung teacher namin, pero mukhang enjoy ang mga classmate at best friend ko lack of presence ng teacher namin. Daldalan and chismosan portion na naman ang topic. Best, nakikinig ka ba? Hindi. Sabi ko at tumingin sa kanya at kay Crisanta na hanggang ngayon ay hindi pa din umaalis. Ano ba yun?

Napabuntung hininga si Tony. Ang sabi ko, effective nga talaga yung fifteen days. Itinaas ko ang isang kilay ko sa kanya. Hay naku! Sabi ko sayo wag kang maniniwala dyan. Nagpapa-uto-uto na naman si ikaw. Spell nga natin ang uto-uto: T-O-N-Y. Sumimangot bigla ang best friend. Sorry na. Pero, totoo sya. Nagka-totoo. Ngayon ako naman ang napasimangot. Hay nako. Bahala ka. Makulit na best friend, ayaw making. Ewan ko ba kung bakit hindi nalang sya maniwala sakin at tingnan ang magic ni Destiny. Totoo yung fifteen days, Nicole. Sabi ni Crisanta. Sinubukan kong hindi pansinin pero nanalo ang curiosity ko kaya napatingin ako sa kanya. Kasi, di ba, kahapon hinatid ka namen sa bahay mo? I nod. So, after `nun, pumunta kami sa mall. Tapos nakita namin si Tristan. At maniwala ka sa hindi, inaya nya si Tony sa movies. Late na nga kami naka-uwi eh. Napatingin ako kay Tony. Traitor. Sabi ko at ibinalik ang cellphone nya. Hindi ko alam kung anong nangyare, pero naramdaman ko na parang pinagpapalit na ako ng best friend ko. Una, dahil sa hindi ni best friend ikiniwento yun sa akin kagabi. Pangalawa, bakit parang inaagaw na ni Crisanta sa akin lahat? Una, inagaw na nya yung crush ko tapos ngayon best friend ko naman, sino susunod? Pamilya ko? At pangatlo, bakit parang mas pinapaboran na ni Tony si Crisanta eh nung kailan lang parang nanggagalaiti sya sa kanya. Hay ewan ko sa spherical na mundong ito. Umayos ako ng upo at binaon ang sarili sa libro. Hindi willing makinig sa kung anu-ano mang chismisan ang nagaganap. Ayaw kong maki-involve, mamaya kung ano pang lumaganap sabihin ako pa ang promoter.

Ilang araw ang lumipas at hindi pa din kami nag-iimikan ng best friend ko. Nakakaasar kasi, dati naman, kapag nag-aaway kami, hindi tumatagal ng isang araw. Pero ngayon, beyond normal naman. Mga tatlong araw na siguro. Friday pa naman din, sana magkabati na kami para bukas bonding moments ulit kami. Paalis na ako ng bahay papuntang school ng harangin ako ni kuya sa pintuan. Tatawa-tawa lang sya ulit. Alis nga dyan. Papasok ako. Sabi ko habang sinusubukang lumusot pero walang effect. Trapped pa din ako sa loob ng bahay. Ayaw ko nga. Tsaka, sasama ka ba o hindi? Tanong nya. Para namang alam ko yung tinatanong nya. Sasama sa school? Oo. Sasama sa kusina at kumain, pwede. Sasama sa date nya, never in a million years.

Saan naman? Nako, kuya tigilan mo ako ah. May quiz kami ngayong araw sa Physics, Sabi ko. Sinungaling. Wala naman talaga kaming quiz, palusot lang yun. Lagi naman yan ang palusot ko kapag ayaw kong sumama sa mga outing nila mama at papa. May quiz ako. May activity. May report. Lagi naman effective. Ewan ko lang pagdating kay kuya. Tigilan mo nga ako, bunso. Laos na yang palusot mo, wala ka bang originality? Patawa nyang sabi. Ngumiti ako sa kanya at sabay ikot ng mata. Hay nako. Ih, bakit ba kasi? Male-late na ako! Sigaw ko. Ang hirap kaya maging late. Detention agad. Hindi kaya maganda ang detention record sa Application Letter! Palibhasa ni minsan hindi sya naDetention nung high school years nya. Si kuya ay isang goody-two-shoes sabi nila. Laging sumusunod sa utos. Laging dependable. Laging mauutusan, pero hindi uto-uto. Kasi, may extra ticket ako sa Enchanted Kingdom. Isasama sana kita, kaso ayaw mo eh. Sige na, pasok ka na sa school. Sabi at tumabi para makadaan ako. Para namang tatanggihan ko yung offer nya. Last year pa kaya ako nag-aaya mag-Enchanted Kingdom. Talaga? Tinanong ko at sabay taas ng kilay. Baka mamaya pinagtitripan lang ako ni kuya. Mamaya isama lang ako dun sa mga katropa nya na wala ding mapagtripan. Hay nako. Oo nga. Bakit ang kulit? Ano sasama ka ba, o hindi? Napangiti ako ng sobra sobra at inilapag yung bag ko sa isang sulok. Anong oras tayo aalis?

Chapter Three:

Nakakaboring pala ang byahe. Akalain mo yun? Biyernes na nga, trapik pa din! Sa pagitan ng byahe namin sa Enchanted Kingdom at sa Expressway, naisip ko bigla si Tony. Itext ko kaya sya? Pero nagpalit agad ako ng isip kasing bilis nung pagkaalala ko sa kanya. Hindi man lang nag-effort yung best friend ko na itext at tanungin kung papasok pa ako. Nainis ako bigla. Tapos, naisip ko naman si Crisanta na walang kasawa-sawang nang-aagaw ng mga importanteng tao sa akin. Sinimulan kay Kirt, at tapos ngayon naman yung best friend ko. Fifteen days. Fifteen days. Yun yung reason kung bakit kami nag-away. Kung hindi lang sana sya masyadong nagpakauto-uto at nakinig lang sa akin, edi sana, siguro, kasama sya ngayon. Pero hindi, matigas ang ulo. Ayaw maniwala. Siguro, siguro lang naman hindi lang sya yung may kasalanan. Siguro, ako din. Kasi masyado akong nagtitiwala kay Destiny. Yan tuloy, matatapos na yung High School life ko, pero hindi ko man lang naranasan ang high school romances. At bakit parang hindi na ako maka-move on sa pagka-crush k okay

Kirt? Ano ba nakita ko sa kanya? Oo, mabango sya, mysterious kasi laging tahimik, pero hindi naman sya kagwapuhan. May appeal lang sa mga girls. Panigurado, nagpakauto-uto din ako. Pero kanino at saan naman? Siguro hindi din ako nakinig nung sinabi nilang may mas may deserving pa para sa akin. Biro nga nung iba, Nandyan lang yung prince charming mo. Nagkamali ng liko, masyado lang ma-pride para magtanong ng daan papunta sayo. Try ko kaya yung fifteen days? Wala namang mawawala eh. Pero sino naman yung gagawin kong wallpaper?

You might also like