Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Prostitusyon Pagpapabili ng panandaliang aliw. Ito ay itinuturing na isang matandang hanapbuhay, sa bansang Pilipinas at iba pang kanluraning bansa.

Ito ang madaling paraan ng pagkita ng pera kapalit ng kandungan at katawan sa mga hayok at gutom sa laman na mga parukyano. Sandaling bayad na ligaya para sa mga kostumer na walang takot sa Poong Lumikha. Ligaya na kapalit ay pera ngunit nagdudulot naman ng pagkawasak ng dangal at moralidad sa nagbenta. Ngunit ang katotonan nito ay pareho nabulid sa kasamaan ang nagpabili at bumili ng sandaling ligaya. Bakit nangyayari ito? Bakit ginagawa ng ating mga kababayan ang ganitong kaasumpa-sumpang panawid gutom nahanap-buhay? Kahirapan ang itinuturing na dahilan kung bakit lumalaganap ang prostitusyon ito ang text ng isang tagapakinig sa bantay bayan boses ng sambyanan. Sa ating bansang Pilipinas, sa panahon natin ngayon, ang pagiging mahirap ay hindi lamang ang kawalan lang ng pagkaing mailalaman sa tiyan, ng lupang puwedeng tirikan ng kahit kubo man lang, hanapbuhay na disente, o makapag-aral ang mga bata. Alam ba ninyo? Na ang tinatawagan na kahirapan sa ngayon ay nakatuon din sa kasalatan sa mga materyal na bagay na puwedeng magpasaya sa tao, . Mga Bisyo kagaya ng drugs, communication gadgets tulad ng celpon, gimmick at iba pang karangyaan sa buhay ng tao. Ang pagkahaman, o ang paghahangad na magkaroon ng kung ano ang mayroon ang iba sa mabilisang paraan. Sa mga bansa sa Asya, noon ay itinuturing na ang sentro ng prostitusyon ay ang Thailand. Ngayon ay hindi na. Alam na ninyo kung anong bansa iyon? Ang Pilipinas ngayon ay isa sa pugad ng Prostitusyon sa mundo. Masakit marinig hindi ba? Kaya nga lamang ang higit na mas masakit nito ay parang okey lang sa atin na bansagang tayong lugar na may magagandang nagpapabili ng aliw. Ang sabi natin: . Eh di tanggapin kung ano ang kapalaran, ang mahalaga may panlaman sa tiyan na kumakalam, ang iportante mabuhay tayo. Mali, napakalaking kamalian Payo ng ating mga Pastor, Pari, at Ustadz. Ngunit ang totoo nito ay mahirap ipaunawa ang kasabihang:Bahala ng mamatay nang dilat bastat may karangalan. Huwag lumapit sa zina (adultury) mababasa sa Quran. Thou shall not commit adultury nakasulat sa Biblia. Sa Islam ang pakikiapid, ang pagniniig ng dalawa na hindi kasal ay Haram, o bawal. May karampatang mabigat na na parusa, Rajam o kahalintulad ng parusang kamatayan ang parusa. Sa kasalukuyang panahon, ito ang lumalabas na ating obserbasyon, na mas madali ang maisaayos ang kalam ng sikmura kaysa sa karangalan ng tao.

Ang sagot natin sa tanong bakit nagagawa natin ito? Ekonomiya? sistema ng goberno? Kulang ang batas, o hindi naipapatupag ang batas? dahil sa ating panamapalataya? Ano ang nagtutulak sa mga disenteng babae na makipag-jamming sa mga lalaking may pera na hayok sa laman, sabagay ang ganito ay madalas nangyayara sa mga private room ng mga sing-along bar? Hindi po ba? Correct me if im wrong. Ayon sa mga nababasa natin, sa mga internet, may mga estudyanteng babae na binibigyan naman daw ng allowance ng kanilang mga magulang, ngunit bakit pinasok pa ang ang pagsa-sideline sa cybersex? Ano ang cyber sex? Ang cybersex (kompyuter seks o net sex) ay virtual na pakikipagtalik o pakikipagtagpo ng dalawa o mahigit pang tao na nay koneksyon sa computer network o sa internet. Ang pakikipagtalik, tagpo o tipan ng mga nasabing tao ay kinakikitaan ng maselang palitan ng mga mensahe na tumutukoy o humahalintulad sa karanasan sa pagtatalik. Ito ay isang uri ng pagganap na kung saan ang mga kasali ay nagpapanggap o nagiisip na sila ay nasa tunay na pakikipagtalik sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga gawain at pagbibigay tugon sa kapareho. Heto pa ang one thaousand dollar question: Bakit patuloy ang pag-alis ng ating mga kababaihan lalao yaong magaganda, patungo sa ibang bansa, bilang entertainers, gayung malaki ang posibilidad na mapariwara o malapit sa katotohanan na sila ay mapasuong sa prostitusyon? Kaka ang totoo ay heto, Kahirapan ng buhay Papaano natin ito malalabanan? Papaano natin ito aalisin sa ating lipunan sa ngayon, na wala tayo ay naniniwala ito ay labag sa kagandahang asal at ugali, na ito ay tahasang pagsalungat sa katuruan n gating relihiyon? Ang pamahalaan at pamilya ang dapat na magkatuwang sa pagsugpo dito sabi ni Maestro. Ating ipaliwanag sa ating mga anak, pamilya, sa sambayanan na hindi sapat ang kahirapan ng buhay para maexploit ang ating mga kababaihan o wasakin ang karangalan sa prostitusyon. Dapat daw an gating pamahalaan o mga mambabatas ay magpasa ng batas na mapapataw ng mabigat na kaparusahan sa mga nagsasadlak sa kanila sa ganitong gawain, bugaw man o may-ari ng mga prostitution den; dayuhan man o kababayan natin. Parusahan ang dapat parusahan, dapat may piring ang katarungan. Sa panig ng mga kababaihan, higit na dapat na maging militante ang mga grupong nangangalaga sa kanilang karapatan. Ipaglaban nila ang karapatan ng mga Pinay kahit sa labas ng bansa.

You might also like