Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Paruparong Bukid

Paruparong bukid na lilipad-lipad Sa gitna ng daan papagapagaspas Isang bara ang tapis Isang dangkal ang manggas Ang sayang de kola Isang piyesa ang sayad May payneta pa siya uy! May suklay pa man din uy! Nagwas de-ohetes ang palalabasin Haharap sa altar at mananalamin At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.

Mga Halimbawa ng Salawikain 1. Puri sa harap, sa likod paglibak 2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron 3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan 4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya 5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila 6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan 7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare 8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo 9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat 10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot 11. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa 12. Sagana sa puri, dukha sa sarili 13. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula 14. Ang magandang asal ay kaban ng yaman 15. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat 16. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan 17. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila 18. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon 19. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula 20. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising 21. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili 22. Ang lumalakad ng marahan, matinin man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim 23. Buhay-alamang, paglukso ay patay 24. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad 25. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak

26. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili 27. Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat 28. Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili 29. Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa 30. Kaya matibay ang walis, palibhasa'y nabibigkis 31. Ang mabigat gumagaan pag napagtutuwangan 32. Ang lakas ay daig ng paraan 33. Minsan man at kong golpe, daig ang pitong biyahe 34. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran 35. Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan 36. Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang 37. Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan 38. Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang 39. Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi 40. Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan 41. Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan 42. Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot 43. Pag may hirap, may ginhawa 44. Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha 45. Pag may kalungkutan, may kasiyahan 46. Kung aakyat ka nga't mahuhulog naman, mabuting sa lupa'y mamulot na lamang 47. Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang liwanag 48. Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa. 49. Kapag ang tao'y matipid,maraming maililigpit. 50. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin. 51. Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon. 52. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao. 53. Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila. 54. Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot. 55. Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda. 56. Pag di ukol, ay di bubukol. 57. Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa. 58. Daig ng maagap ang taong masipag. 59. Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto'y iba ang kumain. 60. Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.

Bugtong na may Sagot:

1. Maikling landasin, di maubos lakarin. ANINO (SHADOW) 2. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. sinturon (belt) 3. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. sapatos (shoes)

4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. langgam (ant) 5. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay. kandila (candle) 1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: kandila 2. Baboy ko sa pulo, ang balahiboy pako. Sagot: langka 3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ampalaya 4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: ilaw 5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: anino 6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. Sagot: banig 7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. Sagot: siper 8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. Sagot: gamu-gamo 9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: gumamela 10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Sagot: kubyertos 11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

Sagot: kulambo 12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. Sagot: kuliglig 13. Baka ko sa palupandan, ungay nakakarating kahit saan. Sagot: kulog 14. May bintana ngunit walang bubungan, may pinto ngunit walang hagdanan. Sagot: kumpisalan 15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: palaka 16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa. Sagot: kasoy 17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. Sagot: paruparo 18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. Sagot: mga mata 19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. Sagot: tenga 20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. Sagot: baril 21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. Sagot: bayong o basket 22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. Sagot: batya

23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. Sagot: kamiseta 24. Butot balat na malapad, kay galing kung lumipad. Sagot: saraggola 25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. Sagot: ballpen o Pluma 26. Nagbibigay na, sinasakal pa. Sagot: bote 27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga. Sagot: sandok 28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. Sagot: kampana o batingaw 29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona. Sagot: bayabas 30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukhay nakaharap pa. Sagot: balimbing 31. Maliit na bahay, puno ng mga patay.

You might also like