Mga Salawikain

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Salawikain

*Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. -Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan. * Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit. -Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera. * Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot. -Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay. * Kung hindi ukol, hindi bubukol. -Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo. *Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa. -Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya. *Lahat ng gubat ay may ahas. -Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa. *Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa iyong biyenan. -Kahulugan: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao. *Kung ano ang puno, siya ang bunga. -Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at paguugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang. *Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin. -Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin *Gawa ng pagkabata, dala hanggang pagtanda. kahulugan: Dapat tayong maging mabait lagi lalo na kapag tayoy bata pa dahil itong asal ay madadala natin kapag tumanda na tayo.

Mga Pamahiin
*kapag may aalis sa kasambahay mo na may kumakain kailangan iikot ang mga plates para walang mangyaring masama sa kanya. *kapag natutulog ka at may dumaang karo ng patay dapat ikaw ay gising kung hindi baka isama ka rin. * kapag may nahulog na kubyertos sa sahig may bisitang darating. Kapag tinidor, a lalaki. Kapag kutsara naman, babae *Kung ang nais naman ay matiwasay na pamumuhay ng mag-asawa, dapat sa araw ng kanilang kasal ay sinuklayan nila pareho ang kanilang buhok pagkatapos na pagkatapos ng seremonya ng kasal. *Sa mga nakakapulot ng barya sa daan, huwag itong gastusin. Itago lamang ito upang maging maluwag ang pasok ng salapi sa iyo. *Ayon sa mga matatanda, kapag ang isang sanggol ay pinaliguan ng unang tubigulan sa buwan ng Mayo, ito ay mas lalaking malusog. "Agua de Mayo"ang tawag sa unang ulan sa buwang ito. *Bawal na duraan ang apoy na bigla na lamang lumiyab dahil sa ito ay magdadala ng kamalasan. *Masamang hakbangan kahit na sino habang natutulog dahil sa mapipigil ang pagdevelop ng kanilang katawan. *Mahigpit din na ipinagbabawal ng mga matatanda na magtanim ng papaya sa harap ng inyong bintana dahil sa ito ay maghahatid ng kamalasan. *Susuwertehin ka naman kapag ang una mong nasalubong sa araw ng Bagong Taon ay lalaki, samantalang mamalasin ka naman kapag babae ang una mong nasalubong. * Masuwerte rin sa buhay ang taong bumabati ng "Happy New Year" sa bawat masalubong nila tuwing araw ng Bagong Taon. g maluwag ang pasok ng salapi sa iyo.

You might also like