Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan,

at magtatag ng isang Pamahalaan na kakatawan sa aming mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan ng bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para sa aming sarili at susunod na salinlahi ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay lumagda at naghahayag ng Konstitusyong ito. Artikulo I: Ang Pambansang Teritoryo Artikulo II: Pagpapahayag ng mga Simulain at mga Patakaran sa Estado Artikulo III: Katipunan ng mga Karapatan Artikulo IV: Pagkamamamayan Artikulo V: Karapatang Bumoto Artikulo VI: Kagawarang Tagapagbatas Artikulo VII: Kagawarang Tagapagpaganap Artikulo VIII: Kagawarang Panghukuman Artikulo IX: Mga Komisyong Konstitusyonal Artikulo X: Pamahalaang Lokal Artikulo XI: Kapanagutan ng mga Pinunong Pambayan Artikulo XII: Pambansang Ekonomiya at Patrimonyo Artikulo XIII: Katarungang Panlipunan at mga Karapatang Pantao Artikulo XIV: Edukasyon,Agham at Teknolohiya Artikulo XV: Pamilya Artikulo XVI: Mga Tadhanang Pangkalahatan Artikulo XVII: Susog o mga Pagbabago Artikulo XVIII: Mga Tadhanang Pansamantala

You might also like