Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Si Francisco Baltazar (Abril 2, 1788 Pebrero 20, 1862), mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay tinuturing bilang isa

sa mga magagaling na Pilipinongmanunula. Fl orante at Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestra[1] Talambuhay Unang mga taon Si Francisco Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan. Tinatawag rin siyang Kikong at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Pumasok siya una sa paaralang parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Sunod, naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Mariano Pilapil. ]Buhay bilang manunulat Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na kinikilalang

pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay isa ring nagsilbing hamon kay Kikong para higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ay higit na dinakila si Kikong sa larangan na panulaan. Taong 1835 nang manirahan si Kikong sa Pandakan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Capule sa pagligaw kay Celia, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Celia, ipinakulong siya ni Nanong Capule para hindi na siya muling makita ni Celia. Habang nasa kulungan siya, ipinakasal ni Nanong Capule si Selya kahit walang pag-ibig nadarama si Selya para kay Nanong Capule. Doon sa kulungan, isinulat niya angFlorante at Laura para kay Selya. Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan at pumunta na siya sa Udyong, Bataan. Doon, nagkaroon siya ng

11 anak kay JuanaTiambeng Huling mga araw Nabilanggong muli si Kikong sa sumbong ng isang katulong na babae sa di umano'y pagputol ng buhok niya. Nakalaya siya noong 1860. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at ang 4 niyang anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 75 Ang kanyang mga sinulat 1. Ang Orosman at Zafira 2. Mahomet at Constanza 3. Almanzor y Rosalina 4. Clara Belmori 5. Abdol y Miserena 6. Auredato y Astrone 7. Bayaseto at Dorsalica 8. Rodolfo at Rosamunda 9. Florante at Laura 10. Nudo Gordiano 11. La India Elegante y El Negrito Amante

You might also like