Professional Documents
Culture Documents
Sagot NG Espanya Sa Hibik NG Pilipinas
Sagot NG Espanya Sa Hibik NG Pilipinas
Puso koy nahambal nang aking marinig Bunso; ang taghoy mot mapighating hibik;
Stanza 1 at 2
Wala ka anak kong sariling hinagpis Na hindi karamay ang ina mong bibig.
Wala kang dalita, walang kahirapan Na tinitiis kang di ko dinaramdam; Ang buhay moy bunga niring pagmamahal Ang kadustaan moy aking kadustaan.
Stanza 3 hanggang 12
Sa stanzas 3 hanggang 8, pinakita ang kasaysayan ng Pilipinas Pinakita ang pagdating ng ibat ibang lahi ng mga tao sa Pilipinas sa stanzas 9 at 10 Ang pananakop ng mga Kastila ay pinakita sa stanza 12, na pinalagay ni del Pilar na isang pagtupad sa itinakda ng Diyos
Stanza 17 hanggang 19
Saan di nga baga bunsong ginigiliw Prayle and nag siyang aking hihirangin Na tagaiwi, bilang tagatingin Sa iyot nang di ka baga pagliluhin? Mahigpit na ngayong tatlong daang taon Na iniwi-iwi kang prayle ang may kandong; Katiwala akong gayong panahon Ang isip mot yaman namay yumayabong. Katiwala akong mapapanuto ka Sa landas ng iyong sukat iginhawa; Katiwala akong dangal mot ligaya Ngayoy tinatanghal na walang balisa.
Stanza 22
Laking pagkasawi! Laking kadustaan! Na ipinagpabaya sa kapamahamakan Ang dapat mahaling usbong niring buhay.
Stanza 23 hanggang 30
Pinakita dito ang mga katiwalian ng mga prayle
Kailangang magbayad kung hindi ay hindi makakapunta sa langit Kailangang bumili ng sintas at kalmen kung hindi ay di titignan ng Mahal na Birhen Kung hindi mainam ang pagpapalibing ay hindi makakaharap sa Diyos Napupunta ang mga lupain sa mga asyenda ng mga prayle
Stanza 31
Ang lahat ng itoy ninanais sana Na malagyang-lunas ng sinta mong ina, Ngunit paanhin mo, ngayoy matanda na, Hapo na sa hirap, akoy walang kaya.
Stanza 35
Kaya, kailangan, bunsong iniirog Matutong magtiis, iayon ang loob, Sa madlang dalita, kung ayaw kumilos Ang mga anak mo sa pagkakatulog.
Stanza 36 hanggang 68
Naging mas matapang ang tono ng tula Tungkol sa dinanas ng ibat ibang bansa sa Europa noong silay nasa ilalim ng mga prayle, at sa paglayas sa mga prayle ng mga taong bayana Pinakita ang pagpapakulong sa mga hinalaang masama ang saloobin, ang pagpapahirap na dinanas nila, at kanilang pagkamatay, at ang pagsamantala ng mga prayle dito
Kaya mga bunso magpahanggang ngayon Ang prayleng lumakad sa kanilang nayon, Kahit mga bata ay nagsisipukol, Inuusig silang parang asong ulol.
Stanza 68 at 69
Sa paraang ito, bunsong minamahal Ang dating dumustay nagkatinghaw-tinghaw; Ang prayley lumayas, iniwan ang bayan At muling naghari ang kapayapaan.
Kailangan, bunsong, silay mahirati Sa pagmamalasakit, sa bayang sarili; Kay Rizal na librong pamagat ay Noli Huwag lilimuting ganito ang sabi:
Stanza 75 at 76
Panahoy matamis sa tinubuang bayan At pawag panlugod ang balang matanaw Ang simoy sa bukid ay panghatid-buhay Tapat ang pag-irog, sulit ang mamatay.
Stanza 78
Ang lahat mong anak, ginhaway dukha man, Maging tagabukid, maging tagabayan Lalakit babae, pantas man at mangmang Santong matuwid moy dapat ipatanghal.
Stanza 79 hanggang 82
Sila ng sa iyoy tapat na pagtingin; Ang pagpapabayay pananagutan din Sa harap ng Diyos, silay sisisihin. Mapanglaw na sumpa ng Poong Maykapal Sa tamad na pusoy kalumbay-lumbay; Kayong nagpabaya sa sariling bayan Ngayoy dapat namang aking pabayaan! Ilayo ang langit sa ganitong sumpa Ang mga anak mo, bunsong minumutya; Sa iyoy matuto sa pagkakalinga Matutong umampat ng iyong pagluha.
Stanza 82
Ito na lamang ang maisasagot Ng salantang ina sa hibik ng irog; Sasakyan moy gupo, huwag matutulog Ang mga anak mot masigwa sa laot