Ang Pagong at Ang Kuneho

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang Pagong at ang Kuneho Mga Tauhan: Pagong Kuneho Aso -PART 1 FIESTA, RACE ANNOUNCEMENT Narrator: Noong

unang panahon, sa isang bayan na pinaninirahan ng iba t-ibang mga klaseng hayop, nagkaroon ng isang selebrasyo. Fiesta kasi sa bayan, at lahat ng mga hayop ay nakikisali sa kainan at pagsisiyahan. Pusa: Uy! Ang saya ng fiesta! Halika sayaw tayo Mga hayop: *sumasayaw Pusa: O pagong! Halika na at sumayaw! Pagong: Hay nako kaibigang Pusa! Di ako marunong sumayaw kasi pinipigilan ako ng maiiksi kong mga paa. Pero okey lang, mga kaibigan! Magsiyahan lang kayo diyan kasi masisiyahan ako kung Makita ko kayong Masaya Pusa: Sigurado ka ba? Sige na! Kuneho: Hay nako Pusa! Wag mo nang pilitin si Pagong kung ayaw niya! Sinabi nga niya diba? Ang iksi ng paa niya! Matatawa lang talaga ako kung susubukan niyang sumayaw! Pusa: Ano? Kuneho: Tingnan mo oh! Paano kaya yan nakarating sa selebrasyon na nasa takdang oras? Akala ko nga mamayang tanghali payan darating eh! HAHAHAHA! -tigil ang musikaPusa: Ay ano bay an? Bakit tumigil? Baboy: Si Aso may sasabihin ata oh! Makinig tayo! Oink Oink! Aso: Mga kaibigan! Dahil fiesta ng ating bayan, magkakaroon tayo ng isang karera! Kahit sino ay puwedeng sumali at tumakbo! Pusa: Kaibigang Aso! Kaibigang Aso! Ano pong makukuha ng mananalo? Pusa Baboy

Aso: Ang unang makakarating sa tuktok ng Kanlurang Bundok ay mananalo ng isang malaking keyk na espesyal ginawa para sa fiestang ito! Pusa: Uy! Ang galing! Sasali ba kayo? Baboy: Sasali talaga ako! At pag nanalo ako, kakainin ko yung masarap na keyk! Oink oink! Pusa: Oonga no? Sino pa ba sasali? Mukhang masarap ang keyk ni Aso eh! Pagong: Parang gusto ko rin matikman ang keyk! Baka sasali rin ako! Pusa: Ang galing! Sige go go go! Kuneho: HAHAHAH! Seryoso ka ba Pagong? Sasali ka talaga? Pagong: Bakit naman hindi? Sabi ni Aso lahat naman pwede sumali ah! Kuneho: HAHAHA! Magpapakahiya ka? Maawa ka naman sa sarili mo at sa amin na manonood! PART 2 THE BET AND THE RACE Narrator: Sa mga salita ni Kuneho, may naramdaman si Pagong na galit at sakit. Pagong: Aba! Baka matatalo pa kita! Wag ka ngang ganyan! Kuneho: Ako? Matatalo mo? HAHAHAHA! Hindi mo ako matatalo kasi ako ang pinakamabilis na hayop sa bayan na ito. Ako ang pinakamagaling at pinakabilis tumakbo! Pagong: Malay mo, kakayanin ko! Kuneho: Imposible yan. Punta ka nalang sa gilid at manood. Panoorin mo akong manalo! Ako ang pinakamagaling! Pusa: Teka lang! Kung gusto ni Pagong sumali, pwes, ipasali natin siya! Kuneho: Nakakatawa kayong lahat! Alam naman nating lahat na ako talaga ang mananalo eh! Pagong: Sige, Kuneho! Tingnan natin! Sasali ako sa karera, at kung mananalo ako...hmm....aha! Kung mananalo ako, ikaw ang maglilinis ng bayan pagkatapos ng fiesta! Kuneho: HAHAHA! Sige, Pagong! Pero kung mananalo ako, IKAW ang maglilinis! Pagong: Sang-ayon ako diyan! Susubukan ko talagang manalo! Kuneho: Ihanda mo na ang iyong walis, Pagong, kasi buong hapon kang maglilinis! HAHAHAHA! Pusa: Kaya mo yan, Pagong! Wag kang maniwala diyan kay Kuneho! May pag-asa kang manalo.

Baboy: Oonga! Hayaan mo na siya! At mag enjoy ka na rin, nangyayari lang ang fiesta isang beses sa isang taon! Pagong: Salamat, mga kaibigan. Tara! Maghanda na tayo para sa karera! Aso: Mga kaibigan! Lapit kayo! *lalapit ang mga hayop Pusa: Uy! Si Aso may sasabihin! Makinig kayo! Aso: Mga kaibigan, simulan na natin ang karera! Ang unang makarating sa tuktok ng Kanlurang Bundok ay mananalo! Ngayon, maghanda na kayo! Pusa: Kaya niyo yan! Go go go go! *Baboy, Kuneho at Pagong take position Kuneho: O pagong! San na yung walis mo? Maglilinis ka naman ng bayan pagkatapos nito ah! Pagong: Tingnan lang natin, Kuneho! Baka ako pa yung mananalo! Kuneho: HAHAHAHA! Wag mo nga akong ipatawa! Hindi ka mananalo kasi ako ang pinakamagaling! Aso: Sa bilang ko, magsisimula na kayo! Pusa: Kaya niyo yan! WOOO! Aso: Isa...dalawa....tatlo....GO! *Takbuhan Kuneho: O ano, pagong, napapagod ka na ba? Pagong: Hindi! Kaya ko pa toh! Kuneho: Hahahaha! Bye bye! Hahanapin nalang kita mamaya sa tuktok ng Kanlurang Bundok! *Nauuna si Kuneho, naiiwan si Pagong at Baboy* Baboy: Kaya mo pa ba, Pagong? Sabihin mo lang kung di mo na kaya ah! Oink Oink! Pagong: Wag mo akong aalahanin, Baboy! Sige, takbo ka na! * PART 3: KUNEHO GOES TO SLEEP Narrator: Nauna si Kuneho sa pagtakbo. Sa layo ng narrating niya, din a niya namalayan na wala na sa paningin o parinig niya sina Baboy at Pagong.

Kuneho: Woo! Woo! Ang galing ko! Yeah! Yeah! *tingin sa paligid* hmmpf! Saan na kaya yung mga yun? Ano ba yan? Ganun ba sila ka bagal? Hay nako! Akala ko naman may totoong kumpetisyon ako. Wala namang exciting dito eh! Kung tatakbo ako at darating ako sa tuktok ng Kanlurang Bundok, mag-isa lang ako kasi nababagalan pa sila! Hindi naman enjoy eh kung mag-isa lang ako dun! Narrator: Nagpasya si Kuneho na hintayin sila. Ngunit, lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin sila! Kuneho: Ano ba yan? Tagal ko nang naghihintay wala pa sila! ANG TAGAL NAMAN! Sana naman dalian nila! Gusto ko na kainin cake ko eh! Narrator: Napagod si Kuneho sa kahihintay. Sa pagod niya, napaupo siya sa gilid ng puno para magpahinga Kuneho: Hay nako! Magpapahinga lang muna ako dito. Sigurado ako matagal pa talaga yung mga yun. Dito lang ako sa may puno, at kung may mariring ako, gigising ako at tatakbo! At may enerhiya pa ako dahil sa pahinga! Hay nako ang galing ko talaga! Narrator: Si Baboy naman ay pagod na rin! Baboy: Pagong, di ko na kaya! Oink Oink Pagong: Huwag kang ganyan! Kaya mo yan! Tara sige na! Baboy: Hindi! Ayoko na! Ikaw na lang, Pagong! Nandun si Pusa oh, may tubig...inuuhaw na ako eh. Kaya mo yan Pagong! Baka matalo mo pa si Kuneho! Pagong: Sigurado ka ba, Baboy? Baboy: Oo! Sige na, kaibigan! Takbo na! Pusa: Ay! Halika baboy! Mag cheer nalang tayo para kay Pagong! Baboy at Pusa: WOOOO! Narrator: mabagal na tumatakbo si Pagong. Ilang sandali ang lumipas ay nakita niya si Kuneho, tulog sa gilid ng puno. *May naiwan si Pagong na footprint* Narrator: Di nagtagal ay nalagpasan na ni Pagong si Kuneho. Nung malayo na ang narating ni Pagong, dahan-dahang gumising si Kuneho PART 4 PAGONG WINS THE RACE Kuneho: Hmmpf! Wala pa rin sila? Ano ba yan! Hay nako! *Nakita ang footprint Kuneho: HA? ANO TO? Bakas ng paa ni Pagong? Hala! Nalagpasan na niya ako! Ano ba yan!

Narrator: Kinakabahan na si Kuneho, at nagsimula siyang tumakbo. Tumakbo ng tumakbo siya ng malakas. Hanggang nakita niya ang finish line. At nakita niya rin si Pagong na nauuna at patawid na sa finish line. Pusa: Go pagong! Go go go! Baboy: Malapit ka na Pagong! Kuneho: WAAAAAAAAAAAAAAG! *Slow motion na lumapit kay Pagong Narrator: Kinuha ni Kuneho ang maliit na naiiwan niyang enerhiya at tumakbo ng malakas ngunit huli na ang lahat. Natawid ni Pagong ang finish line at sumunod si Kuneho. Mga hayop: WOOHOOO! Go Pagong! Go Pagong! Aso: Congratulations Pagong! Maiksi ang mga paa mo ngunit nanalo ka parin sa karera. Kuneho: IMPOSIBLE! Nandaya siya! Madaya ka, Pagong! Pusa: Hindi madaya si Pagong! Nanalo siya ng sapat! Ikaw kasi, Kuneho, nagpahinga ka pa! Baboy: Ang yabang mo kasi Kuneho, eh! Asus! Wag ka nang ganyan! Si Pagong na ang panalo! Kuneho: Ano? Tingnan niyo nga yan si Pagong! Sa paang yan, sa tingin niyo mananalo yan na walang dayaan? Alam niyo namang lahat na ako ang pinakamabilis ah! Aso: Tama na, Kuneho! Si Pagong ang unang nakarating sa tuktok ng bundok, at siya ang mananalo ng cake! Mga hayop: YAY! YAY! YAY! Pagong: Sa sunod kasi, Kuneho, wag kang masyadong mayabang! Tingnan mo, natalo ka! Kuneho: Hindi ko naiintindihan, paano ka nanalo? Pagong: Mahina ang takbo ko, pero hindi ako tumigil. Nakita pa kitang nagpahinga at natulog sa puno, at nalagpasan kita. Kung di ka tumigil at nagsikap kang tumakbo ng tuloy-tuloy, mananalo ka sana. Baboy: Eto Kuneho, oh! Linisin mo na ang buong bayan! Good luck sa yo ha, alam mo naman na tuwing Fiesta magulo kaming mga baboy kumain! HAHAHAHAHAHA! Pusa: Maglilinis si Kuneho, maglilinis si Kuneho! Kuneho: Sorry talaga Pagong, ah, na nagyabang ako. Hindi na iyan mauulit. Pagong: Walang anuman, Kuneho. Hanggang sa sunod sa fiesta! Aso: *hawak-hawak ang cake* Eto Pagong oh, isang masarap na cake!

Pagong: Salamat Aso! Mga kaibigan, ayokong kainin to mag-isa. Paghati-hatian natin! Mga hayop: YAY! Kuneho: Puwede rin ba ako kumain, Pagong? Pagong: Oo naman, Kuneho! Pusa: Pero ikaw maglilinis pagkatapos ha? Mga Hayop: *Nagtawanan at kumain. Narrator: At diyan nagtatapos ang kuwento ni Pagong at ni Kuneho. Alalahanin mga bata, ah. Wag magyabang at magtiwala talaga sa sarili.

You might also like