PANGUNGUSAP

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 55

kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa.

Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot tinatawag na Sentence sa wikang Ingles

PAKSA O SIMUNO
bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap Subject sa wikang Ingles maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa

Ito ay maaaring: simunong pangngalan simunong panghalip simunong pang-uri simunong pandiwa simunong pang-abay simunong pawatas

simunong pangngalan
Si Cathy ay may bagong payong.

simunong panghalip
Sila ay umalis kaninang madaling araw

simunong pang-uri
Pinili nila ang mga magaganda.

simunong pandiwa
Ang mga tumakbo ay natakot sa sigaw.

simunong pang-abay
Ang matakaw kumain ay walang kabusugan.

simunong pawatas
Hindi matapus-tapos ni Andy ang paglalaba.

PANAGURI
bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa Predicate sa wikang Ingles naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno

Ito ay maaaring: panaguring pangngalan panaguring panghalip panaguring pang-uri panaguring pandiwa panaguring pang-abay panaguring pawatas

Halimbawa: Bangus ang pambansang isda ng Pilipinas. (pangngalan) Sila ang aawit sa misa. (panghalip) Malulusog ang anak niyang kambal. (panguri) Naglalaba ang kanyang ina. (pandiwa) Dahan-dahan ang kanyang pag-akyat. (pang-abay) Magtanim ng orkidyas ang kinahihiligan niya. (pawatas)

nauuna ang panaguri sa pangungusap Hal. Bumili ng damit si Elena. Nanood ng sine ang magkapatid.

nauuna ang simuno sa pangungusap Hal. Si Elena ay bumili ng damit. Ang magkapatid ay nanood ng sine.

PAGSASANAY
PANUTO: Isulat sa patlang ang K kung karaniwang ayos o DK kung di-karaniwang ayos ang sumusunod na pangungusap. Isulat muli ang mga pangungusap sa kabaligtarang ayos nito.

__ 1. Ang aking alagang aso ay matapang. __ 2. Madalas umuwi ng probinsya ang anak ni Mang Jose. __ 3. Nagluluto ng masarap na pagkain siNanay para sa amin. __ 4. Si Rico at Mon ay nagtatrabaho sa pabrika. __ 5. Malaki at malawak ang mga taniman sa Central Luzon.

__6. Ang ating kapaligiran ay dapat nating panatilihing malinis. __7. Sila ay mga maralitang tao rin. __8. Hindi nababahala si Mang Carlos sa ingay ng mga sasakyan. __9. Maraming pangarap si Anton na nais niyang makamit. __10. Ang lider ng ating bansa ay dapat maging huwaran at matapat.

nagsasaad ng katotohanan o isang kaganapan nagtatapos sa bantas na tuldok (.) Hal. Bumili ng damit si Elena. Nanood ng sine ang magkapatid.

naghahayag ng utos o kahilingan nagtatapos din sa bantas na tuldok (.) Hal. Dalhan mo ako ng pasalubong. Pakikuha ng isang basong tubig.

nagsasaad ng isang katanungan nagtatapos sa tandang pananong (?) Hal. Kumain ka na ba? Hindi ka ba papasok?

nagpapahayag ng matinding damdamin nagtatapos sa tandang padamdam (!) Hal. Naku, nasusunog ang bahay! Tulungan nyo kami!

PAGSASANAY
PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap. Lagyan ng angkop na bantas. Tukuyin ang uri nito (Pasalysay, Patananong, Padamdam, Pautos).

_____1. Nais mo bang makilala ang nagbigay sa iyo ng mga regalo _____2. Pakikuha mo ang sapatos ko sa kwarto _____3. Bukas natin malalaman ang dahilan ng pagkagalit ni Itay _____4. Magkano ang kwintas na ito _____5. Aray, nadapa ako

____6. Magmano ka sa iyong lola at lolo ____7. Wow, ang taas ng lipad ng saranggola mo ____8. Bakit biglang huminto ang kanta ____9. Ay, nabasag ang baso ____10. Itatanong ko una kay Kuya Lito kung maari na akong maglaro

Halimbawa: Ang bata ay kumakain ng kanin.

Halimbawa: Si Patrick ay mabait at masunurin.

Halimbawa: Si Karl at Luis ay mahusay magpinta.

Halimbawa: Ang Pransya at Alemanya ay magkalapit at magkaibang bansa.

Apat na kayarian ng pangungusap


Payak

Tambalan

Hugnayan Langkapan

Tambalan
- ang pangungusap ay tambalan kung binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa. Halimbawa Ang iba sa kanila ay nagbabasa samantalang ang karamihan ay nagsusulat.

Hugnayan
- Kapag binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa at isa o mahigit pang sugnay na di makapag-iisa ang pangungusap ay tintawag na hugnayan. Halimbawa Ang mag-aaral na pinarangalan dahil sa kanyang halaman sa bakuran ay si Apolinario.

Langkapan
binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa at isa higit pang sugnay na hindi makapagiisa. Halimbawa: Tayong mga mag-aaral ay kailangang magtulungan para mabilis nating malinis ang ating silid-aralan.

Pop Quiz

Panuto: Sabihin kung ito ay Payak, Tambalan, at Hugnayan.Piliin ang tamang sagot..

Good luck..,

1. Nakaalis ng uhaw ang malamig na tubig.

a. Tambalan b. Hugnayan c. Payak

Mali!! Ulitin mo!!!

Magaling!!! Ipagpatuloy mo!!!

Pindutin

2. Naglalakad ang magkapatid.

a. Tambalan b. Hugnayan c. Payak

Sorry mali ka!!!

Nakuha mo!!!

3. Nais niyang makatulong sa kanyang kapwa subalit siyay kapwa kapos sa buhay.

a. Payak b. Hugnayan c. Tambalan

AaaayyyMali ka!!! Subukan ulit!!!

Oooyy..!!Tumpak..! !

4. Ang kagandahang loob niya ay labis na gusto

ng kanyang kaibigan ngunit wala namang nagbago.

a. Payak b. Tambalan c. Hugnayan

Ooooppss.!.Di mo nakuha.!.

May tama kaStar para sa iyo!!!

5. Ang guro ay masipag at matiyaga.

a. Tambalan b. Hugnayan c. Payak

Mali ang sagot mo!!!

WowAng galing, nakuha mo!

6. Siya ay maganda. a. Payak b. Tambalan c. Hugnayan

Bheelat..!mali ang sagot mo..!

Tsamba !Tama !

7.Malaki na ang alaga niyang aso nang bigla itong namatay. a. Hugnayan b. Tambalan c. Payak

Eeeekkk...Mali ang sagot mo...!

Nakuha mo...!!

Good job

Maraming salamat po sa pakikinig !!! Have a nice day

You might also like