Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

COLLEGE STUDENT

Name: Rona Solis Age: 17 School: AMA Cubao


1. Ano ang kinukuha mong kurso? *B.S in Computer Science.

2. Bakit ito ang napili mo? *Dahil ito ang aking interes, in demand ngayon at madaming trabaho ang pwedeng pasukan sa ganitong kurso.

3. Paano mo maihahambing ang High School sa College? *Noong highschool, tanging pag-aaral lang ang tuon pero ngayongcollege, dapat mas maging matured at responsible dahil mas madaming bagay ang pag-bibigayan pansin bukod sa pag-aaral. Nandoon na rin ang pagsisimula ng pag-hahanap ng trabaho at paghahanda sa future.

4. Paano mo na come-up ang ganyang kurso? Gaano ka kasigurado? *Bago pa man yun ang piniling kurso, pinag-isipan ko nay un ng mabuti. Bago mag-college, dapat ay handa at sigurado ka sa mga desisyong ginawa mo para wala kang pagsisihan.

5. Mahirap bang mag-College? Bakit? *Karamihan ngayon iniisip na mahirap mag-college. Oo mahirap nga ngunit kung enjoy ka at alam para sa ikabubuti ang mga ginagawa mo, hindi mo mararamdaman ang hirap at pagod sa college.

TEACHER
Name: Robert Argueles Age:46 School: Colegio de San Bartolome de Novaliches
1. Bakit ninyo napili maging isang guro? *Actually hindi ko pinili maging isang guro dahil ang gusto ko ay maging pari ngunit ang pagiging isang guro ay isa rin palang bokasyon na mahigit pa sa isa propesyon. Halimbawa, maging isang enhenhero kaya narealize ko na ipagpatuloy ang pagiging guro.

2. Kung hindi ang pagigging guro ang iyong naging propesyon, paano mo nakikita ang iyong sarili ngayon? *Maaring isa akong radio broadcaster na nag uulat ng mga maseseslang kaganapan pang pulitika, pangekonomiya, at relihiyon na nagtuturo kung ano ang mabuti sa buhay ng mga mamamayang pilipino"

3. Sino/ano ang iyong naging inspirasyon sa pagiging isang guro? *ang aking mga magulang dahil sila rin ay mga ulirang guro

4. Gaano mo inuukol ang iyong naging sarili sa propesyon? para kanino ang dedikasyon mong ito? *Para sa bayan at para sa simbahang katoliko (pro ecclesia et patria)

5. Anu-ano ang mga problemag kadalasan ay hinaharap niyo bilang isang guro? *Isa sa mga problema ay pinansyal at kalusugan dahil ang dalawang ito ay maaaring sanhi na hindi mo maibigay ang nararapat na kaalaman para sa kabutihan at kalaman ng kabataan sa pag harap nila sa araw araw na suliranin sa buhay.

PRINCIPAL
Name: Paul B. Polintan Age: School: Colegio de San Bartolome de Novaliches
1. Bakit ninyo tinaggap ang pagigigng Punong-guro? *Dahil niyaya ako ni Fr. Delvo na aking tulungan an gating paaralan.

2. Sino/Ano ang iyong naging inspirasyon sa pagigigng Punong-guro? *Marami sila katulad nina Fr.Delvo, mga kaibigan, Professor o maging ang aking mentor.

3. Napag-alaamn po naming na dati kayong negosyante, paano niyo po inukol ang sarili niyo dito? *Ito ang negosyo ko sa Comics, nag franchise ng mga imported na comics, isang taong na din akong namuno duon, nalugi, walang preparation at natamaan ng foreign exchange.

4. Anu-ano ang mga problemang nararanasan niyo sa ating paaralan? *Napakaraming bagong ideyaang pumapasok na kailangang iayos at ibagay sa sistema ng eskwelahan.

5. Anu-ano ang pwede niyong ipayo sa mga negosyante? *Study. Pinag-aaralan ang negosyo(industry/market). At higit sa lahat ang pinaka-importante paghandaan ito ng mabuti.

Ipinasa Nina: Loren Chua Alayssa Domingo Regina Sultan Stephanie Merete David Madelar Marvin Ronquillo Mhonjhim Merhan Ipinasa Kay: Ms. Lhab

You might also like