Kabanata 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA 4 BUOD NG MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON Mga Lagom na Natuklasan Ang mga hinalinhinan ng mga makabagong mobile

phones ay unang lumitaw noong ang Bell Labs ay naglunsad ng kanilang serbisyo sa radyo telepono noong 1946. Makalipas ang tatlumpung taon, noong 1975, si Martin Cooper ng Motorola ay napagkalooban ng patente para sa teknolohiyang cellular handset na nagbibigay ng pangmaramihang paggamit ng komunikasyong wireless. (Jones at Marsden, 2006) Ang mga celfon ay isang esensyal na bagay sa buhay ng bawat tao sa panahon ngayon, kabilang na ang mga kabataang estudyante sa mga paaralan. Ang pangunahing gamit ng mga ito ay sa pakikipagkomunikasyon. Ang mga celfon ay naging isang aparato ng impormasyon na pinapanatiling malapit ang mga tao sa isat isa. (Kiljander at Srnstrm, 2003). Ayon nga kina Matt Jones at Gary Marsden, kaya naging tagumpay ang mga celfon dahil natutugunan nito ang mga pangunahing hangad ng mga tao sa paraang simple at tuwiran. Ayon kay Richard Harper, ang mga mobile devices ay una at nangunguna sa lahat ay tungkol sa pagbibigay sa mga gumagamit nito ang kakayahang makipagugnayan sa mga kaibigan, kapamilya at kasamahan, at ang mga ito ay mauuna sa mga teknolohiya at aplikasyon na nag-aalok ng akses at gamit sa impormasyon. Ayon nga kay Paul May, may pagmamahal ang mga tao sa mga mobile devices. Ang mga celfon ay nakakapambihirang tanyag partikular na sa mga kabataang mamimili (May, 2001). Mas maraming kabataan ang nahuhumaling ngayon sa teknolohiyang ito di lamang dahil sa pakikipagkomunikasyon kundi dahil na rin sa mga umuusbong na gamit nito na naglilibang sa kanila. Ang tingin ni Turkka Keinonen dito, ang mga mobile phones ay unang ginamit bilang kapalit ng mga dekable nilang kanunu-nunuan. Sa ngayon ay biglaang naging plataporma na ito ng libangan at komersyo at kasangkapan para sa pamamahala ng impormasyon at paggamit sa midya.(Lindholm et al., 2003)

Walang duda na ang paraan sa pakikipagkomunikasyon, paglilibang at impormasyon ay nagiging pangunahing palagay para sa mga mamimili ngayon (May, 2001). Pero karamihan sa mga mamimili ay hindi batid ang pinsalang dulot ng mga celfon, lalo na ang mga kabataan. Ayon kay May, ang teknolohiyang ito ay may mahalagang epekto sa social mobility. Ang mga celfon ay nagrerepresenta ng kalayaan at pagkaunawa sa sarili. Ngunit ang mga ito ay tumutugaygay sa mga panibagong mga problema. Habang ang mga gumagamit nito ay nahuhumaling sa mga celfon ay tumitiwalag sila sa karapatang manirahan sa mundong pinapatakbo ng bilis ng ating pagpili. Sila ay nagigipit sa presyur ng pagiging always on, online, onstage, on-message. Sila ay nagiging deboto ng pagkonsumo, nag-aalala sa pagkonsumo, at pagbabayad ng ating pagkonsumo. (May, 2001) Marami sa mga kabataan ang nahuhumaling sa teknolohiyang ito di lamang dahil sa kailngan nila ito kundi dahil sa presyur ng pagkakaroon nito. Marami ring mga bentahe at pinsalang dulot ang mga celfon sa mga magaaral. Ayon kay Gregory Hamel, ang pangunahing tulong na naibibigay nito ay ang komunikasyon sa pagitan ng magulang at ng estudyante. Ang mga celfon ay napakahalaga ring instrumento sa mga sitwasyong di inaasahan. Sa oras ng kagipitan ay maaring kontakin ng isang estudyante ang kanilang magulang. Malaki rin ang naitutulong ng mga celfon sa pagpapalitan ng mga kopya ng lektyur sa pagitan ng mga estudyante. Ang komunikasyon sa pagitan ng mga mag-aaral ay nakakadagdag ng produktibo at nakakapagyaman ng kapaligirang nagtutulungan. (Dems, 2010)

Ayon kay Hamel, marahil ang pinakamalaking balakid sa pagpayag sa pagdadala ng celfon sa mga paaralan ay ang gambalang dulot nito. Maaring makagambala ng klase ang mga celfon na tumutunog habang may lektyur o di kaya naman ay nababaling ang atensyon ng klase sa pagsita ng titser sa gumagamit ng celfon. Kung di man nakakagamabala sa klase ang mga celfon, maari naming magambala ang isang estudyante kapag nakatanggap sila ng mga tawag o text messages. Maliban dito, isa ring inaalala ng mga paaralan ay ang paggamit nito sa

pandaraya. Ayon sa artikulo ni Kristina Dems, napakadaling magbigayan ng ng mga mensahe ang mga estudyante gamit ang kanilang mga celfon nang hindi nalalaman ng guro. Isa rin sa problemang kinahaharap ng ilang mga paaralan ay ang epekto ng paggamit ng celfon sa gramatika ng mga estudyante. Ayon sa sarbey na ginawa, napag-alamang halos lahat ng mga estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas ay nagmamay-ari ng celfon. Halos lahat ay dinadala ito sa paaralan at ang naging pangunahing dahilan ay ang pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan o kaanak. Sumunod dito ang kadahilanang ito ay nakasanayan na nilang dalin at ang pagbabasakali sa oras ng kagipitan ang pumangatlo. Natuklasan din na may ilang estudyante na ginagamit ang kanilang celfon habang may diskusyon sa klase. Tungkol sa disadbentahe ng paggamit ng celfon, karamihan sa mga respondente ay naghayag ng di- gaanong pagsang-ayon sa pagkagambala sa pagaaral ng mga celfom, na nakakawala ito ng pokus at naapektuhan nito ang kanilang grado. Marami rin sa mga mag-aaral ay di rin gaanong sumasang-ayon na malaking porsyento ng kanilang baon ang naawas at napupunta sa load. Naniniwala naman ang karamihan ng mga estudyante na naapektuhan ang kanilang gramatika ang pagkakaroon ng celfon. Tungkol naman sa mabubuting dulot ng celfon sa mga magaaral ng UST, marami ang sumasang-ayon na nakakatulong pa rin sa mga gawaing pang-akademiko ang pagkakaroon ng celfon. Sa pagpapabawal ng paggamit ng celfon, karamihan ng mga estudyante ang hindi pumapayag na ipagbawal ang mga celfon sa mga paaralan. Dito ay masasabing ang mga celfon ay nakalakip na sa pang-araw-araw na gawain ng mga estudyante.

Karamihan ng mga estudyante ay walang kinikilingan kung ano ang mas matibang sa bentaha at kawalan na dulot ng mga celfon. Dito ay maanalisa na naniniwala ang mga mag-aaral ng UST na sa paggamit ng celfon ay maraming naniniwala na ito ay may mabuti at masamang dulot sa mga estudyante.

You might also like