Coffee Industry Primer

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

?

Unang Serye

Taon 2002

pambungad
ng kape ay di na kukulangin sa isang libong taon na kinikilala sa buong daigdig. Kahangahanga ang popularidad na inabot nito bilang isang mahalagang inumin. Magkagayunman, di maitatatwang sa kasalukuyan ay dumaranas ng matinding krisis at banta ng tuluyang pagkalusaw ang industriya ng kape (In-Ka) sa Kabite, kundi man sa Pilipinas. Upang maunawaan ang krisis, mahalagang baybayin ang naging ambag ng In-Ka mula sa pandaigdigang saklaw hanggang sa pambansang antas at kung paano tumagos sa lalawigan ng Kabite ang tila di-maapulang krisis na bumabalot sa industriya. Kailangang maunawaan na ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng presyo ng kape na nagpapatindi sa krisis sa In-Ka ay normal na tunguhin ng mga bansang nakapailalim sa globalisasyon. Marapat lamang na dimagpakakuntento sa inihahaing Ang praymer na ito ay inihanda ng paliwanag ng mga eksperto sa kape na Kalipunan ng mga Magbubukid sa kailangan na di-umanong paunlarin ang Kabite (KAMAGSASAKA-KA) sa pakikipagtulungan ng RURAL teknika at pamamaraan sa pagtatanim ng M ISSIONARIES OF THE P HILIPPINESSouthern Luzon Center at SIMBAHAN NG kape upang maitaas ang kalidad ng kape MGA MAGSASAKA SA KABITE. at sa gayoy muling mabuhay ang Ang KAMAGSASAKA-KA ay may pansamantalang tanggapan sa Blk 3 Lot 20 industriya habang iniiwasan naman ng Fairplay St., Fairfields Camella Homes, mga ekonomista, burukrata at Mambog, Bacoor, Cavite. Tel. blg. 0919.694.5495 intelektwal na pag-usapan ang e-mail adres: kmgssk_k@yahoo.com. sabwatang papel ng gubyerno-GATT-WTO Ang kabuuan o bahagi ng praymer na ito at ang monopolyong kontrol ng Nestl sa ay maaring kopyahin at/o paramihin para sa mga pag-aaral at talakayan. Hinihikayat industriya. Sa dulo nito, walang namin ang mga mambabasa na magpadala konkretong hakbangin na inihahapag ang ng mga puna at opinyon para sa pagpapaunlad pa ng praymer na ito. Unang Serye mga eksperto kung paano mapipigilan 2002. ang pagbagsak ng presyo ng kape.

Layunin kung gayon ng praymer na ito na panimulang (at kumprehensibong) talakayin at masuri ang kasalukuyang krisis ng In-Ka sa ilalim ng sabwatang rehimeng GMA-GATT-WTO at ang pakikibaka ng magsasakang Kabitenyo upang maisalba ang industriya mula sa imperyalistang globalisasyon, pandarambong at pambubusabos na pinag-uugatan ng krisis. Sa pangunguna ng KALIPUNAN NG MGA MAGBUBUKID SA K ABITE (K AMAGSASAKA -K A ), at pagtataguyod ng R URAL MISSIONARIES OF THE PHILIPPINES-SOUTHERN LUZON at SIMBAHAN NG MGA MAGSASAKA SA K ABITE (isang Peasant Advocates Group ng mga taong simbahan sa Diyosesis ng Imus ), mapagpasya nitong hinarap ang hamon ng kalagayan ng In-Ka. Naniniwala ang K AMAGSASAKA -K A na tanging sa matalas na pagsusuri mula sa mismong kalagayan at kahilingan ng magkakapeng Kabitenyo at ng lahat ng pwersa sa produksyon sa loob ng industriya wastong maiguguhit ang angkop na solusyon para maibangon ang nakalugmok na In-Ka. Hanggat bulag na nagpapatupad ang gubyerno ng mga programa at patakarang magsasalba sa industriya sanhi ng pag-i-isantabi nito sa direktang partisipasyon ng apektadong sektor, mananatiling matabang ang timpla ng anumang programa at pagsisikap nito. Pasasalamat Tanging sa sama-samang pagkilos ng Kina Kathy, Kitte, Nadia at Rose; mga magkakapeng Kabitenyo at lahat ng pwersa mag-aaral ng UP Manila Sa mga seminarista ng Tahanan ng sa produksyon sa loob ng industriya kasama Mabuting Pastol ang malawak na masang magsasaka sa Sa Rural Missionaries of the Philippines buong lalawigan maaring makamit ang Kay Michelle Pantoja para sa mga layuning maisalba ang In-Ka sa Kabite. drowing Tanging sa mga bihasang kamay ng At sa lahat ng tumulong upang mabuo magkakapeng Kabitenyo at masang ang praymer na ito magsasaka muling manunumbalik ang ...lalot higit sa magsasakang Kabitenyo. tapang, aroma at sigla ng industriya ng kape sa Kabite grapiks@ley-awt ni Aksel

ula sa pagiging pinakasikat na inumin sa buong mundo, ang kape ay pangalawa sa pinakanangungunang produktong kinakalakal sa daigdig, sunod sa langis! Nakakapagpasigla at tila nakakapagpabuhay ang natatangi nitong aroma at lasa sapat na mga dahilan para tangkilikin at magbigay kabuhayan sa 125 milyong tao mula sa mahigit limampung bansang prodyuser ng kape.
Ang kape ay isa sa pinakamahalagang produkto sa daigdig mula pa noong ika19 na siglo. Ang taunang kalakalan sa kape na n a k a s e n t r o pangunahin sa mga bansang prodyuser at konsyumer ay umabot sa halagang US$10 bilyon noong huling bahagi ng dekada 80. Mahigit sa kalahati ng pandaigdigang produksyon ay nagmumula sa Brazil, Colombia at Mexico. Sa Asya, Vietnam ang may pinakamalaking produksyon ng kape, pangalawa ang Indonesia, sumunod ang India, at pang-apat ang Pilipinas. Taong 1994, Germany ang siyang nangunang may pinakamalaking importasyon ng kape (32% ng kabuuang import) mula sa pandaigdigang kalakalan, sumunod dito ang U.S. (27% ng kabuuang import). Ang bansang Italya, Pransya, Australia at Japan ay kabilang rin sa mga major

coffee consumers sa mundo. At sa buong Asya, ang Pilipinas ang may pinakamalaking konsumo ng kape. Itinatayang ang pandaigdigang konsumo ng kape kada isang araw ay umaabot sa isandaang milyong bag (60 kilo na bag) o 6M MT kung saan ang 4.5M MT ay nagagamit sa mga bansang konsyumer at ang 1.5M MT ay sa mga bansang prodyuser. Noong 1989, ang kape ay pangwalo sa may pinakamataas na value of production sa mga produktong agrikultural. Taong 1989 din, pampito ito sa may pinakamalawak na saklaw ng eryang taniman, at pang-apat naman sa mga nangungunang agrikultural na eksport batay sa laki ng kita. Kumikita ito ng abereyds na US$55 milyon kada taon mula 1981 hanggang 1990. Sa biglang tingin, parang lumalabas na matatag ang In-Ka lalo na sa mga bansang konsyumer na mula sa mga developing at first world country. Para sa marami, masagana at di-kontrobersyal ang kasalukuyang kalagayan ng In-Ka sa daigdig. Subalit sa reyalidad ang pagdausdos ng presyo ng kape sa pandaigdigang kalakalan ay nagdulot ng di-mapantayang krisis sa mga bansang pangunahing nakaasa rito lalot higit ay sa mga magsasakang nagtatanim nito!

mahalagang ambag ng In-Ka sa daigdig?

1 Ano ang

2 Ano ang kalagayan ng In-Ka sa Pilipinas?


ng kape ang Pilipinas sa daigdig (7.37% na ambag). Noong 1886-1888, sa halos anim na buwan, ang Pilipinas ay kinilala bilang natatanging suplayer ng kape sa panahong iyon. Makaraan ng taong ito, bumagsak ang produksyon ng kape sa Pilipinas sanhi ng coffee rust. Naging importer ng kape ang bansa. Ang mga pagsisikap ng gubyerno na maglunsad ng coffee revival program ay nanatiling bigo hanggang 1950.

Tinatayang nasa 300,000 Pilipino ang nakaasa sa industriya ng kape bilang pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay. Mayroong 164,139 ektarya ng lupain sa Pilipinas ang nakatuon sa pagtatanim ng kape.
1900sCoffee Revival Program: 1 pamamahagi ng binhing kape sa pamamagitan ng Dept. of Agriculture, 2 pinalaganap ang pagtatanim ng Robusta variety dahil ito ay may malakas na resistensya sa coffee rust, 3 treyning ng mga teknisyan sa Gitnang Amerika para sa coffee growing & processing 4 funding & credit program

1880 Naging pang-apat na pinakamalaking eksporter

agkaraan na lamang ng 25 taon muling nakabangon ang In-Ka sa bansa dahil noong 1975, tinamaan ng matinding frost ang Brazil na siyang pinakamalaking prodyuser ng kape.Sinabayan pa ito ng magkakasunod na kaguluhang pangsibil at pampulitika sa bansang Angola, isa ring malaking prodyuser ng kape. Nagkaroon ng pandaigdigang krisis sa suplay ng kape; na siyang nagbigay daan upang muling maging net exporter ng kape ang Pilipinas. Naging kasapi ng ICO ang Pilipinas (1980) at pumaloob sa isang International Coffee Agreement. Bunga nito, umabot ng US$585.6 M ang halaga ng eksport ng kape sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang kape sa Pilipinas ay itinuturing na isang high value commodity (HVC) na nag-a-ambag ng kitang P2-B taun-taon.
Ang pandaigdigang krisis sa In-Ka ay malaon nang tumama sa bansa.

Produksyon ng Kape sa Pilipinas


Rehiyon CAR Ilocos Region Cagayan Valley Central Luzon S. Tagalog Bicol W. Visayaz C. Visayaz E. Visayaz W. Mindanao N. Mindanao S.Mindanao C. Mindanao CARAGA ARMM Total Produksyon 2001 P (kg) 5,001,480 50,376 13,428,678 4,727,600 16,160,838 829,676 6,120,642 122,960 233,865 6,138,199 19,987,698 45,052,653 9,604,720 3,244,734 12,416,450 143,120,569 Area 2001 P (ha) 6,192 266 3,726 726 20,791 3,189 10,167 366 514 4,652 25,436 34,029 38,702 5,349 10,034 164,139

1989 Ang Estados Unidos na ikatlo sa


pinakamalaking mag-import ng kape sa daigdig, ay tumangging bumili sa mga bansang kaanib ng ICO. Dahil dito nawala ang kota ng Pilipinas at ng iba pang bansa sa Ikatlong Daigdig na kasapi ng ICO.

Matarik ang pagbagsak ng eksportasyon ng kape magmula ng 1990.

1995Mas lumala pa ito matapos lumagda

ang Pilipinas sa GATT-WTO. Singtarik ito ng pagbagsak rin ng presyo ng lokal na kape luwal naman ng pagbaha ng imported at mas murang kape sa bansa. Dahil hindi kayang makipagkumpetensiya ng lokal na produkto laban sa produkto ng ibang bansa, lalong dumadausdos sa lupa ang presyo ng kape na ang pahirap ay pinapasan naman ng mga maliliit na magsasaka.

Source: Bureau of Agicultural Statistics, Dept. of Agriculture

Ang masaklap sa gitna ng pinakamalaking krisis sa industriya ng kape, ay ang nagsasayang kumpanya ng Nestl... Pinupuno ng Nestl ang mga bodega nito ng sobrasobrang suplay para sa isang taon... Pinipili ng Nestl ang pinakamahuhusay na kalidad ng kape at siyang ineeksport at ang naiiwan dito ay iyong mababa ang kalidad na siyang ginagamit sa lokal na mga produkto nito... Gayong mataas pa rin ang presyo ng Nescaf sa lokal kaysa sa presyo nito sa eksport...

Nitong panahon ng anihan ng 2000-2001, sumadsad ang presyo ng kapeng tuyo sa pinakamababang antas sa nakaraang 15 taon sa Pilipinas. Kung tutuusin, sumasalamin ito sa kabuuang krisis at pagbagsak rin ng presyo ng kape sa pandaigdigang pamilihan. Maging sa malalaking bansang prodyuser ng kape, gaya ng Brazil at Colombia ay ininda ang pagbagsak ng presyo ng kape.

2001Ang batayang presyo ng kape sa New York


exchange ay hindi man lang lumampas sa US$0.50 kada libra (pound), pinakamababang presyo sa nakaraang 50 taon.

2002Isa pang manipestasyon ng krisis ay nang


buwagin ng Association of Coffee-Producing Countries (ACPC) ang kanyang organisasyon. Nabigo ang ACPC na pangunahan ang pagsisikap na pataasin ang presyo ng kape sa pamamagitan ng pagtatakda sa 15 kasaping bansa nito na ipitin ang 20% ng kanilang kabuuang produksyon sa pandaigdigang kalakalan.

Damang-dama rin ng mga magkakape sa bansa ang monopolyo-kontrol ng Nestl sa industriya. Ayon sa Nestl, tinutulungan nila ang mga magsasaka para paunlarin ang kanilang pamamaraan sa produksyon. Ngunit pagdating ng putihan, ang Nestl ang nagtatakda ng presyo at siyang bumibili ng ani. Bukod sa kontrol sa pamimili, ang Nestl ang pinakamalaking eksporter ng kape sa bansa. Isa sa sistematikong pamamaraan ng Nestl upang makontrol ang industriya ay sa pamamagitan ng contract growing. Noong 1980s pumasok sa contract growing ang Nestls upang matiyak ang suplay ng kape sa presyong sila ang nagtatakda, habang sila rin ang nagsusuplay ng mga pangangailangang teknikal at pinansyal ng coffee contract grower. Pangunahin itong ginagawa sa Mindanao, kung saan naroon ang 60% ng kabuuang pambansang produksyon. Sa contract growing, nakikipagkontrata ang Nestl direkta sa mga

magsasaka upang matiyak ang suplay ng kape pagdating ng anihan. Bukod sa natitiyak ng Nestl ang suplay na kakailanganin nila, kumikita pa ito sa pamamagitan ng pagbebenta at pagsususplay ng mga abono, kagamitan at iba pa sa mga magsasaka na epektibong napagtutubuan rin nila! a kasalukuyan, pilit inaampat ng pambansang pamahalaan ang sugat na dulot ng krisis sa In-Ka. Muling naglunsad ng mga Coffee Revival Program ang pamahalaan sa pamamagitan ng kampanyang pagpataas sa coffee standard para sa world market na itinatakda ng ICC/ ICO-CA. Bukod pa rito, nagdagdag rin ang gubyerno ng may P318-M para sa rehabilitasyon ng In-Ka. Ang pondong ito ay karagdagan na sa P1.4-B na Agricultural Competetiveness Enhancement Fund (ACEF) na una nang inilaan para sa pagtatayo ng pasilidad pang-agrikultura, pagbili ng post-harvest equipment, pagpapautang, research & development at pagtutukoy ng mga bagong merkado. Sa kabilang bahagi pa ng industriya ay ang sadyang pagpapanatiling atrasado ng agrikultura sa bansa upang maging baseng sosyal na mapagkukunan ng murang hilaw na materyales ng mga kapitalistang bansa. Wala sa plano ng gubyerno na paunlarin ang pamamaraan ng pagsasaka, partikular sa kapehan. Malinaw na manipestasyon nito, inililigaw lamang nila ang masang magsasaka sa pamamagitan ng diumanoy pag-aalok ng mga bagong teknika at teknolohiya sa pagsasaka; habang iniiwasan at halos itanggi ang mahalagang papel ng gubyerno sa paglalaan ng subsidyo at pagtitiyak sa pagsasapamilihan ng produktong kape sa bansa. Ang milyong pisong inilaan para sa isang linggong Pahimis Festival sa Amadeo noong nakaraang Abril, na isang engrande at magarbong pagdiriwang ay nakakalungkot isipin na baka mapunta lamang sa wala. Lalo ngayon at pasapit na naman ang panahon ng putihan, wala pa ring tiyak na makatwirang presyo ng kape na inaasahan ang magkakape sa bansa.

Wala raw pondo ang gubyerno para sa In-Ka, pero alam nyo ba na ang nakalaang budget para sa foreign debt servicing ay P300-B at sa militar ay P47.2-B mula sa P800-B pondo sa taong 2003? Nasaan ang P1.4 bilyong ACEF para sa In-Ka, na diumanoy ilalaan para sa rehabilitasyon ng industriya? Kung kukuwentahin, sasapat ito para ilaan sa farm input na kailangan ng magkakape ng buong bansa o di kayay ilaan para mabili sa makatwirang presyo ang lokal na kape.

Ano ang GATT-WTO at ano ang epekto nito sa In-Ka?

Ang GENERAL AGREEMENT ON TARIFF AND TRADEWORLD TRADE ORGANIZATION (GATT-WTO) ay isang pandaigdigang kasunduan ukol sa kalakalan sa pagitan ng ibat ibang bansa. Nakabalangkas ang GATT-WTO sa iskema ng malayang kalakalan (free trade). Bilang isang pandaigdigang kasunduan, tinitiyak nito ang lubusang kaluwagan sa patakarang pangkalakalan ng lahat ng bansang lalagda rito. Pangunahing layunin ng kasunduan ay ang pagtitiyak sa tuloy-tuloy na liberalisasyon sa pandaigdigang kalakal sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga regulasyon at disiplina na gagabay sa mga bansang pipirma sa kasunduan. Ang GATT na pinirmahan noong Abril 15, 1994, ay nangangahulugan ng pagsaklaw

sa mga patakarang may kinalaman sa produksyon at pangangalakal ng p r o d u k t o n g agrikultural. Nangangahulugan ito ng pagtatakda ng GATT ng mga patakarang may kaugnayan sa kabuhayan ng magbubukid at kalagayan ng mga agrikulturang sakahan; gaya ng mga sumusunod: a)Pagtanggal ng quantitative restrictions (QR) sa importasyon. Sa ilalim ng GATT, obligado ang Pilipinas na tanggalin ang import-ban o quota sa alinmang produkto. b)Pagbawas ng taripa. Babawasan ang halaga ng taripa para sa imported na produkto at 10 taon mula pirmahan ang GATT wala nang sisingiling buwis sa lahat ng imported na produkto. k)Deregulasyon. Binabawasan o tuluyang tinatanggal ng gubyerno ang anumang suporta o subsidyo sa alinmang industriya/ sektor.

a ilalim ng globalisadong ekonomiya na pinaghaharian ng mga kapitalistang bansa, ipinailalim ang industriya ng kape sa Pilipinas sa kasunduan sa GATT-WTO, kung saan ay inobliga ang Pilipinas na bumili ng minimum na dami ng kape o MAV (minimum access volume), sobra man o kulang ang lokal na produksyon taun-taon. Noong 1999, ang MAV sa kape ay umabot ng 36,000 MT (na nagkakahalaga ng US$33M), gayong 20,000 MT lamang ang kakulangan noon sa pambansang produksyon. Ang mahigit kalahati nito ay nakopo ng Nestl, sa batayang kulang ang lokal na produksyon. At dahil may labis na suplay na mula sa mas murang kape sa Vietnam at Indonesia, tuluytuloy ang pagdausdos ng presyo ng lokal na kape dahil sa mas magastos na produksyon nito kaysa sa ibang bansa. Ang liberalisasyon sa agrikultura na idinidikta ng GATT-WTO ay nagresulta sa pagbaha ng murang imported na kape at nagresulta sa napakababang presyo nito. Nitong nakaraang tatlong taon, bumagsak rin ang produksyon ng kape sa bansa gayong mataas naman ang suplay dulot ng importasyon. Nagpatindi pa lalo ito sa krisis ng In-Ka sa bansa.

Sanhi rin ng GATT-WTO, nahinto ang eksportasyon ng kape na kung tutuusin ay isa sa mayor na salik at GATT-WTO relatibong nagpapasigla sa In-Ka sa In-Ka: noong panahong di pa nakapailalim Pagbagsak ng presyo ng kape ang bansa sa GATT-WTO at di pa Pagkansela sa import ban sa kape na nagresulta naipapatupad ang R.A. 8178 sa pagbaha ng murang imported na kape (Agricultural Tarrification Act). Ang Pagtanggal sa subsidyo sa In-Ka R.A. 8178 ang nagpawalang bisa sa import ban sa kape na nakasaad sa R.A. 2172. Volume ng Produksyon, Suplay, Import at Eksport Kaya habang ng Kapeng Tuyo (1978-2000) nasisiyahan ang 160 mamamayan ng daigdig sa Produksy on 140 aroma at lasa ng kape sa 120 Kabuuang araw-araw at habang 100 Suplay nabubundat ang mga Import 80 kapitalista at international coffe traders sa 60 Eksport dambuhalang tubo mula sa 40 Source: Bureau of In-Ka - ang magkakape sa 20 Agicultural Statistics, Pilipinas ay nanatiling Dept. of Agriculture 0 busabos at api!

Mayor na epekto ng

Volume ('000mt)

19 78

19 84

19 90

19 96
Taon

Kontrolado ng Nestl-Phils ang pamimili ng 90-95% ng kabuuang produksyon ng kape sa bansa na umabot ng 40,000 tonelada kada taon; ang balanse ay pinaghahatian na ng iba pang mas maliit na korporasyon at mga coffee shops. Ang Nestl bilang multi-nasyunal na korporasyon na nagpoproseso ng mga nagiling na kape (mula sa mga millers) upang gawin itong instant coffee ay malayang nakapagtatakda ng presyo dahil wala rin naman talagang iba pang bibili ng kape kundi sila. Itoy kung ikukunsidera na maliit lamang ang pinaghahatian ng iba pang korporasyon gaya ng General Milling (Kaff de Oro), Universal Robina Corporation (Great Taste at Blend45 Coffee), at Commonwealth Food Inc. (Caf Puro) na wala pang 5% ng pambansang produksyon ang pinuprosesong kape. Diumano ay nagtatakda ng standard of quality ang Nestl; kung kaya sistematiko nitong nakokontrol at napapataas ang kalidad ng kanyang produkto. Ngunit ayon mismo sa mga magkakapeng Kabitenyo, tinitiyak lamang ng Nestl na i-imbudo sa kanila ang lahat ng produktong kape sa napakababang halaga. Sa reyalidad, hindi partikular ang Nestl sa quality, dahil mataas man o mababa ang kalidad nito ay sa itinakdang presyo pa rin ito bibilhin.

Sinu-sino ang nakikinabang at kumokontrol sa In-Ka?

20 00

Sa kabila nito, ang gubyerno ay may responsibilidad sa legal na pagpapaubaya sa monopolyong kontrol ng Nestl sa In-Ka. Maluwag at hinayaan ng gubyerno na makonsentra at makopo ng Nestl ang pagpoproseso ng kape sa bansa magmula nang hikayatin ng una ang mga magkakape na magtanim ng kapeng Robusta na ginagawang Nescaf. Noong 1979, ang Nestl ay nagsimulang magpalaganap ng root cuttings o clone ng binhi ng Robusta mula sa Ivory Coast. Mula sa clone center nito sa Impasug-ong, Bukidnon, namahagi ang Nestl ng 500,00 root cutting sa ibat-ibang bahagi ng bansa, kabilang ang Kabite. Untiunti, hinalinhinan ng Robusta ang tradisyunal na kape tulad ng arabica (kapeng Tagalog) at liberica (barako). Kalaunan, maraming magsasaka ang umaasa sa binhi ng Nestl. Katulad kung paano, ipinaubaya ng gubyerno ang mahahalagang industriya ng bansa gaya ng langis, komunikasyon at enerhiya sa dayuhang kontrol; gayundin ang naging tunguhin ng industriya ng kape sa bansa. Sa pagpasok ng gubyerno sa GATT-WTO, ang paglalaan ng subsidyo para sa alinmang industriya/sektor ay lalabag sa kasunduan batay sa iskemang deregulasyon na nilalaman nito. Pabor din ang mga patakarang liberalisasyon at deregulasyon ng GATT-WTO sa mga korporasyong multinasyunal tulad ng Nestl dahil natitiyak nila ang regular na daloy ng murang hilaw na materyales tulad ng kape. Nababarat ang presyo ng lokal na kape at napapalaki ang tubo ng mga dayuhang korporasyon tulad ng Nestl.

Good Food...? Good Life...?


Naging kaiga-igaya nga ba sa mamamayan ng daigdig ang mga produkto ng Nestl? Sa pagitan ng 1980 hanggang 1984, lumaganap ang
pagkadismaya ng maraming mamamayan sa daigdig sa mga produkto ng Nestl. Hanggang maagang bahagi ng 1990, lumaganap ang panawagang boykot sa mga produkto ng Nestle sa buong daigdig, kabilang ang Nescafe sa mga produktong ito. Hanggang sa Pilipinas ay umabot ang protesta nang pagboykot sa mga produkto ng Nestl. Pinangunahan ito ng mga nakawelgang manggagawa sa planta ng Nestl sa Alabang at Cabuyao.
4Malalaking Trader at Eksporter 4Coffe Shops, iba pang pamilihan 4Kaffe de Oro, Blend 45, atbp
TRADER/ MILLER

MAGKAKAPE

PURCHASER / DIRECT BUYER ng Nestle

Imported na kape mula Vietnam, Indonesia at iba pang bansa

5 Bakit mahalaga ang In-Ka sa Kabite?


Ang lalawigan ng Kabite sa Timog Katagalugan ay isa sa may pinakamalaking produksyon ng kape sa buong bansa. Panglima ang Kabite sa buong Pilipinas na may pinakamalaking produksyon ng kape. Noong mga nagdaang taon (2000-2002), 30% ng kabuuang pambansang produksyon ng kape ay nagmumula sa Kabite. Mayroon itong abereyds na aning 840 kg/ekt/taon, mas doble

Uri ng Tanim

flo

pa sa abereyds na pambansang ani na 400/kg/ ekt/taon. Mula sa 23 bayan ng Kabite, siyam dito ang pangunahing nakatuon sa industriya ng kape (Silang, Maragondon, Magallanes, Tagaytay, Alfonso, Bailen, Amadeo, Mendez at Indang). Sa kabuuang lawak na lupain ng Kabite na 142,706 ekt, (76,467.14 ekt ay lupang agrikultural), 13,357 ekt dito ay nakatuon sa pagtatanim ng kape. Sinasabi rin na ang bunga (coffee bean) ng kapeng Kabite ay may kalidad na Double AA, pinakamataas na klasipikasyon sa itinakdang world market standards, rekisito upang mai-eksport ito. Bilang ng Magsasaka sa Kabite Batay sa Uri ng Tanim Ang di kukulangin sa 15 libong magkakape sa lalawigan ay 20000 karaniwang nagmamay-ari lamang ng 15779 1 - 2 ektaryang lupang kapehan, o 15000 magkuminsay mas maliit pa sa rito. 10232 Nakasentro ang kalakhan nila sa 10000 8371 bayan ng Amadeo, Alfonso at 6176 Mendez. May signipikanteng bilang 5000 2092 1656 pa rin ng mga magkakape ay mga 1081 tenante na sa bayan ng Silang at 0 Tagaytay karaniwang umiiral. Laganap rito ang bilang ng mga
Blg ng Magsasaka
p r pang ut as a y y w e cut rs s pe la ai ny ka pa pi gu m la iba

magsasakang walang sariling lupa. Ang sistemang partihan, hunos at buwisan ay nagbabago depende sa kasunduan ng may-ari ng lupa at ng kasama. Kalakhan sa magkakapeng Kabitenyo ay sila ang personal na nag-aalaga at nangangasiwa sa kanilang kapehan. Mula sa pagbibinhi, pagtatanim, hanggang sa paglilinis at pagkakapon, pag-aabono at pamumuti (pamimitas). Singkahulugan ang magkakapeng Kabitenyo ay direktang nakalahok sa produksyon, kung kayat nagpapatunay rin ito ng kanilang inabot na pagiging bihasa sa pamamaraan at teknika ng pag-aalaga ng kape. Bagamat relatibong atrasado ang pamamaraan ng pagsasaka sanhi ng kakulangan sa mekanisado at makabagong kagamitang pangsaka, di naman maaring tuwirang sabihin na atrasado ang teknolohiyang ginagamit sa lalawigan. Laganap ang bilang ng manggagawang bukid sa mga kapehan sa lalawigan. Katunayan, maging ang mga magkakapeng may sariling lupa at tenante ay pana-panahon ring nagpapa-upa at nagiging manggagawang bukid. Sa tradisyunal na kultura ng magsasakang Kabitenyo, ito ay luwal pa ng bayanihan at tropahan. Ngunit sa kasalukuyang sitwasyon ng In-Ka sa Kabite, tumitingkad ang ganitong

tunguhin ng pagdami ng bilang ng manggagawang bukid sanhi ng pag-aagwanta maging ng mga magkakapeng may sariling lupa at tenante na maragdagan ang kanilang kita dahil nanatiling nakapako ang presyo ng kape sa napakababang halaga. Ang trabahong saklaw ng manggagawang bukid sa kapehan ay karaniwang paglilinis (gamas, sulasod), pagkakapon at pamumuti. Ang kasalukuyang pasahod ay P130 (karaniwan sa Silang) hanggang P150 (karaniwan sa Amadeo) kada araw. Nagbabago ito depende sa lugar at kalakaran. Ang pagbagsak ng presyo ng kape nitong nakaraang 15 taon ay walang kaparis dahil nitong panahon ng anihan ng 2000- 2001 sa kapehan sa Kabite, sumadsad ang presyo ng kapeng tuyo sa P85-150 kada balde - samantalang umabot ito ng P700 kada balde bandang 1987. Noong unang kwarto ng 2002, dumausdos pa sa P80-P115 ang bawat balde ng tuyong kape. Mula 1999 (P250/balde ang presyo ng kape), ebidente ang pananamlay ng industriya. Bago pa

ito, malaki na rin ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng input sa produksyon. Maraming magkakape ang unti-unti nang nanawa sa pagkalinga sa kanilang mga kapehan. Katunayan malaking bahagi na ng mga kapehan sa Kabite ay di na napangangasiwaan, mula sa paglilinis hanggang pagpupruning malungkot pa, hindi naaabonohan! Sa mahabang panahon, ang In-Ka ang bumubuhay at nagpapakain sa maraming pamilyang Kabitenyo. Ito rin ang nagpapaaral sa libong kabataang Kabitenyo na ngayon ay parang itinapon sa kawalang katiyakan dahil sa di-mapantayang krisis na bumabalot sa In-Ka sa lalawigan.
Fig.1 - Padron ng Pre syo ng Kape

Ano ang hinaharap ng In-Ka sa Kabite?


ahil nagmumula sa Kabite ang 30% ng kabuuang pambansang produksyon, ipinanukalang gawing Coffee Capital of the Philippines ang probinsya. Nagsimula rin itong maglunsad ng mga Coffee Revival Program. Nitong ikalawang kwarto ng 2002, itinatag ang Cavite Coffee Board (CCB) na pinamumunuan ng gobernador ng lalawigan. Bahagi ng CCB ang mga kinatawan mula sa Dept. of Trade & Industry, Land Bank of the Philippines, non-government sector at mga eksperto at siyentista.

Kung tutuusin, mataas ang pangarap ng mga lokal at panlalawigang pamahalaan na muling buhayin ang In-Ka sa lalawigan. Katunayan, noong nakaraang Abril, nagdaos ng isang magarbo, engrande at magastos na selebrasyon sa Amadeo na tinawag na Pahimis Festival. Subalit hanggang ngayon ay nanatiling bigo ang mga pagsisikap na ito, dahil hindi pa rin kapansin-pansin ang masiglang paglahok ng magkakapeng Kabitenyo sa kampanya ng gubyerno. Kahit ipinagbawal ang pagpatay sa mga puno ng kape, di maitatatwang laganap ito. Nakakaalarma rin ang pagpapalit-tanim at pagpapalitgamit sa mga lupang-kapehan ng lalawigan. Masaklap isiping mismong ang CCB, ay walang sapat na pondo at subsidyo mula sa gubyerno upang maipatupad nila ang kanilang mga hakbangin. Mawawalang saysay ang lahat ng pagsisikap na ito kung mismong ang mga siyentista at eksperto ay walang nakalaang sapat na insentibo para sa kanilang proyekto. Ano pa kaya para sa mga magsasakang lumilikha ng kape? Naglabas rin ang pambansang pamahalaan ng P1.4-B na pondo bilang bahagi ng Agricultural Competetiveness Enhancement Fund sa lokal na industriya ng kape. Gagamitin ang pondo para sa konstruksyon ng mga pasilidad pang-agrikultura, pagbili ng post-harvest facilities, pagpapautang at programa para sa research and development. Sa kabila ng mga nabanggit na pagsisikap ng gubyerno wala pang ebidenteng resultang iniluwal ang mga ito para muling sumikad ang industriya. Wariy nalimutan na ang pinakamahalagang sangkap upang magkaron ng katuparan ang mga pangarap na ito ang direktang pagpapalahok sa magkakapeng Kabitenyo sa pagbubuo at pagpapatupad ng mga programang ito. Ang mga programa at patakarang ito ay tulad ng mga ga-higanteng tasa ng kape na hinihigop ng mga buwaya sa gubyerno. Wala itong iniwan sa Coconut Rehabilitation Program na pinagpasasaan ni Danding Cojuangco at mga kakutsaba nito. Singanomalaya ito ng malalaking pruyekto tulad ng DM Boulevard.

Sa katutohanan, ang desperadong pagtatangka ng gubyerno na maampat ang sugat na likha ng krisis sa In-Ka ay walang pakinabang at ganansya para sa magkakapeng Kabitenyo. Nakatakda itong maitala bilang mga bigong Coffee Revival Program sa nakaraan.

Mga Kasong Aralin

Nota: Ang mga Kasong Aralin na ihahapag ay panimulang kwentada sa mga batayang gastos at kita sa 1 ektaryang lantay-kapehan matapos ang putihan (cropping season). Ipinagpapalagay rin sa mga kwentada na ang mga puno ng kape ay ume-edad na sa 8-12 taon, edad kung saan masagana ang bunga ng kape. Ang presyo ng abono ay maari ring hindi istandard, dahil may kalagayang Urea o Ammosul lamang ang ginagamit, kung kaya abereyds na presyo ang ginamit. Gayun din ang pasahod sa manggagawang bukid ay nagbabago sa lugar. Bagamat sa panimula, maari nang tumindig ang mga ihahapag na datos.

7 Makatwiran ba na manawagan para


sa pagtataas ng presyo ng kape?
Presyo P390/sako P290/sako P130/araw P30/balde Sub Total

Gastos sa Produksyon (GsP)


Partikular na Gastusin Abono (20 sako) Urea (10 sako) Ammosul (10 sako) Linis/Pruning (20 katao, 3 beses) Puti (500 balde kapeng sariwa) Kabuuang GsP Kung: >
> >

P 6,800 7,800 15,000 P 29,600

GsP = P29,600 Aani ng 500 baldeng kapeng sariwa (1 ekt) = 280 balde kapeng tuyo P388.17/araw ang kailangang halaga ng kinikita ng isang pamilyang may 6 na miyembro na umaasa sa agrikultura (ayon sa NSO at NEDA,2001)

Kung P100/balde ang presyo ng kape Kabuuang Kita (KK) P28,000 GsP P29,600 Netong Kita (NK) (-) P 1,600

Kung P200/balde ang presyo ng kape KK P56,000 GsP P29,600 NK P26,400/taon P 2,200/buwan P 73/araw Kung P500/balde ang presyo ng kape KK P140,000 GsP P 29,600 NK P110,400/taon P 9,200/buwan P 307/araw

Kung P250/balde ang presyo ng kape KK P70,000 GsP P29,600 NK P40,400/taon P 3,367/buwan P 112/araw Kung P700/balde ang presyo ng kape KK P196,000 GsP P 29,600 NK P166,400/taon P 13,867/buwan P 462/araw

Pansinin na kahit pa muling mag-P500/balde ang presyo ng tuyong kape, di pa rin aabot sa itinakdang halaga ng nakakabuhay na sahod kada araw ang isang pamilya ng magkakape na may anim na miyembro. Di pa natin kinukwenta ang mga batayang gastos ng isang pamilya araw-araw (pagkain, pamasahe, bayad sa kuryente at tubig, atbp.) Upang magpang-abot ang P388.17/araw na kita ng isang pamilya ng magsasaka, kinakailangan itaas sa P605 kada balde ang presyo ng kape.

8 Paano muling uunlad ang In-Ka?

ositibo ang pananatili ng malawak pa rin namang bilang ng magsasaka sa lalawigan na pangunahing pwersa sa produksyon na bumubuhay sa lipunan. Kung gayon may lakas at bisig pa para sa isang pakikibakang maaring magwakas sa krisis na bumabalot sa In-Ka at buong kanayunan. Kagaya ng mga naunang karanasan ng pakikibakang magbubukid sa lalawigan at malawak na kanayunan ng bansa, may mapagpasyang papel ang mga magsasaka upang maitaguyod at maigiit ang kanyang lehitimo at demokratikong karapatan. Walang imposible kung gayon, kung patuloy na kakalamapagin ang kasalukuyang gubyerno na ito na tugunan ang mga kahilingan ng mga magkakapeng Kabitenyo. Ang kailangan lamang ay pagkaisahin ang hanay ng mga magkakape kasama ang lahat ng magsasakang Kabitenyo at patuloy na maging mapagsuri sa kanyang kalagayan. Mula sa pakikipag-dayalogo at paghahapag ng mga petisyonpaninindigan sa gubyerno mismo, hanggang sa pagmamartsa sa lansangan upang maipakita ang diskuntento at pagkadismaya ng mga magsasaka ay kinakailangang gawin. Kahit ang kinatatakutang multi-nasyunal na korporasyong Nestl ay kayang bigyan ng matinding bangungot ng mga magsasakang Kabitenyo kung makikipagkaisa lamang ito sa lahat ng nakikibakang sektor kabilang na rin ang mga apektadong mamamayankonsyumer ng bansa at ng buong daigdig na may nauna nang panawagan na i-boykot ang mga produkto ng Nestl. Kung gayon, ang kasagutan ay tanging sa pag-oorganisa at pagkakaisa pa rin bilang isang grupong panlipunan upang ipaglaban ang mga sumusunod na hakbangin para sa tunay na pagpapa-unlad sa In-Ka:

Itaas ang presyo ng kape, P700/balde upang maabot ang P388.17/araw na daily cost of living. Wakasan ang dayuhang kontrol sa In-Ka. Isabansa ang produksyon, lokal na kalakalan at manupaktura at isabansa ang pasilidad-industriyal ng NestlePhils. Itatag ang sentrong planta sa pagpo-proseso ng kape. Wakasan ang dikta ng WTO sa In-Ka. Baklasin ang agrikultura ng bansa mula sa GATT-WTO. Alisin ang MAV sa kape. Protektahan ang lokal na In-Ka laban sa pagbaha ng imported na kape. Ibasura ang RA 8178 (Agricultural Tariffication Act). Maglaan ng tiyak na pondo ang gubyerno para sa subsidyo sa abono. Ibaba ng 50% ang presyo ng abono. Isulong ang pagpapaunlad sa produksyon, pagsasapamilihan at pagpaproseso. Isulong ang pagdedebelop ng bagong merkado. Suportahan ang mga lokal na taga-proseso/manupaktura ng kape. Maglaan ng proteksyon at insentibo laban sa dayuhan/imported na kape. Maglaan ng tulong pinansyal/insentibo para sa mga teknisyan/agrikultyuris na nagtataguyod sa pagpapa-unlad ng In-Ka. Itaas ang sahod ng manggagawang bukid sa kapehan.

Kung magkakaganito, muli nating maibabalik ang minsang tinamasang sigla ng Industriya ng Kape sa Kabite at buong bansa.

ISALBA ANG INDUSTRIYA NG KAPE SA CAVITE! PROTEKTAHAN ITO LABAN SA IMPERYALISTANG GLOBALISASYON, PANDARAMBONG AT PAMBUBUSABOS! TUTULAN AT LABANAN ANG SABWATANG REHIMENG GMA-ICO-GATT-WTO SA INDUSTRIYA NG KAPE! WAKASAN ANG MONOPOLYONG KONTROL NG NESTLE SA INDUSTRIYA NG KAPE!
KAMAGSASAKA-KA Kalipunan ng mga Magbubukid sa Kabite RMP-SL Rural Missionaries of the Philippines-Southern Luzon SIMBAKA Simbahan ng mga Magsasaka sa Kabite

You might also like