Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MGA NEGATIBONG EPEKTO NG MGA ONLINE COMPUTER GAMES SA MGA MG-AARAL SA KOLEHIYO KABANATA I Ang Suliranin Panimula Sa paglipas

ng mga panahon hindi lamang ang pag-unlad ng teknolohiya ang nagbago sa ating mundo kundi pati na rin ang mga kabataan ngayon kaysa sa noon. Maraming maitututring na benipisyo ang nakukuha nating mga tao sa paggamit ng computer. Malaki ang naitutulong nito sa pagpapadali at pagpapagaan ang buhay nating mga tao. Nakakatulong ito sa paglinang ng karunungan dahil naihahatid nito ang mga bagong kaalaman o impormasyon sa pinakamadali at mabilis na paraan. Sa kasalukuyang panahon, tila bihira na ngayon ang makakita ng mga estudyante lalo na mga estudyante sa kolehiyo na gumagamit ng silid-aklatan ng kanilang paaralan upang gumawa ng mga gawain sa iba t ibang nilang asignatura. Sa halip ay diretso na agad sila sa isang Internet Shop o kaya y sa kanilang mga tahanan kung mayroon silang sariling computer doon upang gawin ito. Kung tutuusin din naman ay mas praktikal naman talaga ang paggamit ng internet kaysa sa pumunta pa sa silid-aklatan at gumastos ng maraming oras sa paghahanap ng mga librong kinakailangan kung sa paggamit ng computer ay ilang minuto lang ay nasa harapan mo na ng kinakailangan mong mga impormasyon. Hindi rin natin mapagkakaila na sa edukasyon ngayon ay isa ng pangangailangan ang computer sa pag-aaral. Ang mga proyektong karaniwang ibinibigay ng mga guro sa kailang mga estudyante ay kinakailangan ng computer upang gawin. Sa paglipas ng mga panahon ay ngi na itong isang importanteng salik sa pag-aaral ngmga estudyante ngayon karaniwan sa mga estudynte sa matas na paaralan at kolehiyo sa kanilang mg pananaliksik. Bagaman may malaking kontribusyon sa pag-aaral ang pggmit ng computer, may mg negatibong epekto rin ang paggamit ng computer sa buhay ng mga estudyante. Dahil maliban sa pananaliksik ay nahuhumaling ang mga kabataan sa paggamit ng computer dahil sa mga online computer games. Marami na ngayong kabataan ang nalululong sa paglalaro ng mga ito. Itinutoon nila

karamihan ang oras nila sa paglalaro at minsan ay nalilimutan na nila ang kanilang pag-aaral dahil dito. Ang iba naman ay nagiging agresibo at violente dahil na rin sa impluwensya ng paglalaro. Tila nawala na ang mga panahon ng mga paglalaro sa mga lugar tulad ng parke ng mga kabataan o basketball court. Sa halip ay malimit na nating makikita ang karamihan sa mga dito na nasa mga internet shop na naglalaro o nanonood ng mga naglalaro sa computer. Ang suliraning ito ay napakahalaga dahil ito y sumasakop sa mga kabataan nasa kolehiyo. Ipinakikita dito ang tunay na nagaganap sa buhay ng mga kabataan sa kolehiyo sa kasalukuyng panahon. Ang suliraning dulot ng mga online computer games sa mga estudyante ay nakasisira ito sa pag-aral nila na hindi kalaunan ay maring humantong sa pagkasira din ng kanilang kinbukasan. Isa pang suliranin ay ang tungkol sa kalusugan ng mag-aaral dahil sa epekto ng labis na paggamit ng computer sa paglalaro ng mga online computer games ng isang tao. Wala naman sanang masama sa paglalaro ng mga computer games subalit hindi naman sa paraang napapabayaan na natin ang atiing pag-aaral, lumiliban sa klase upang ituon ang oras at atensyon sa paglalaro, pagwawads ng making halaga ng salapi para dito o ginagawa na itong buhay ng isang tao. Sabi nga sa isang kasabihan, lahat ng bagay na sobra ay nakakasama rin. Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aral na ito ay may layuning suriin ang mga negatibong epekto ng paglalaro ng mga Online Computer Games ng mga estudyante sa kolehiyo. Sinsagot sa psg-aral na ito ang sumusunod na mga katanungan: 1. Anu-anong mga online computer gmes ang karaniwang nilalaro ng mga kolehiyo? 2. Ano ang mga negatibong epekto nito sa pag-aaral at kalusugan ng naglalaro nito? 3. Anu-anong mga solusyon ang nararapat upang maiwasan ang masasamang epekto nito sa mga mag-aaaral? Saklaw at Delimitasyon

Layunin ng pag-aaral na ito na bigyan ang mga estudyante sa kolehiyo ng impormasyon ng mga negatibong epekto ng paglalaro ng mga online computer games sa kanilang pag-aaral at kalusugan. Nais din ng pangkat naming maituro sa mga kabataang nahihilig na sa paglaro ng computer games, ang tamang paraan upang makaiwas sa sobrang pagkahumaling sa paglalaro ng computer games o ang mga dapat iwasan upang hindi malululong sa paglalaro nito.

You might also like