Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Guryon Ildefonso Santos

Paruparong Bukid Paruparong bukid na lilipad-lipad

Tanggapin mo anak Itong munting guryon Na yari sa patpat at papel de hapon Magandang laruan pula,puti,asul Na may pangalan mong sa gitna naroon Ang hilig ko lamang bago paliparin Ang guryon mong ito ay pakatimbangin Ang solo't paulo'y sukating magaling Nang hindi mag ikit o kaya'y magkiling Saka, pag umihip ang hangin ilabas At sa papawiri'y bayaang lumipad Datapwat ang pisi'y tibayan mo,anak, At baka lagutin ng hanging malakas. Ibigin ma't hindi balang araw ikaw Ay mapabubuyong makipagdagitan Makipaglabann ka subalit tandaan Na ang nagwawagi pusong marangal At kung ang guryon mo'y sakaling madaig Matangay ng iba o kaya'y mapatid Kung saka-sakaling di na mapabalik Maawaing kamay nawa ang magkamit Ang buhay ay guryon,marupok malikot Dagiti't dumagit saan man sumuot O,paliarin mo't ihalik sa Diyos Bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob

Sa gitna ng daan papagapagaspas Isang bara ang tapis Isang dangkal ang manggas Ang sayang de kola Isang piyesa ang sayad May payneta pa siya uy! May suklay pa man din uy! Nagwas de-ohetes ang palalabasin Haharap sa altar at mananalamin At saka lalakad nang pakendeng-kendeng. Karaniwang Tao Ako po'y karaniwang tao lamang Kayod-kabayo, 'yan ang alam Karaniwang hanap-buhay Karaniwan ang problema Pagkain, damit at tirahan 'Di ko kabisado 'yang siyensiya Ako'y nalilito sa maraming salita Alam ko lang na itong planeta'y Walang kapalit at dapat ingatan Kapag nasira, sino ang kawawa

Karaniwang tao, saan ka tatakbo Kapag nawasak iisang mundo Karaniwang tao, anong magagawa Upang bantayan ang kalikasan Karaniwang bagay ay 'di pansin Kapag naipon ay nagiging suliranin Kaunting basura ngayo'y bundok Kotseng sira ay umuusok Sabong panlaba'y pumapatay sa ilog May lason na galing sa industriya Ibinubuga ng mga pabrika Ngunit 'di lamang higante Ang nagkakalat ng dumi May kinalaman din ang tulad natin

Babae (Inang Laya) Kayo ba ang mga Maria Clara, mga Hule at mga Sisa Na di marunong na lumaban, kaapihay bakit iniluluha Mga babae, kayo bay sadyang mahina? Kayo ba ang mga Cinderella, na ang lalaki ang ang tanging pag-asa Kayo nga ba ang mga Nena, na hanapbuhay ang pagpuputa Mga babae, kayo bay sadyang pangkama? Ang ating isip ay buksan at lipunay pag-aralan Pano nahubog inyong isipan at tanggaping kayoy mga libangan Mga babae, ito nga bay kapalaran? Bakit ba mayroong mga Gabriela, mga Teresa at Tandang Sora Na di umasa sa luhat awa, silay nagsipaghawak ng sandata Nakilaban, ang mithiin ay lumaya Bakit ba mayroong mga Lisa, mga Liliosa at mga Lorena Na di natakot makibaka, at ngayoy marami ang kasama Mga babae, ang mithiin ay lumaya Ang ating isip ay buksan at lipunay pag-aralan Pano nahubog inyong isipan at tanggaping kayoy mga libangan Mga babae, ito nga bay kapalaran? Bakit ba mayroong mga Lisa, mga Liliosa at mga Lorena Na di natakot makibaka, at ngayoy marami ang kasama Mga babae, ang mithiin ay lumaya Mga babae, ang mithiin ay lumaya.

Ang Dekada '70 (Lualhati Bautista) Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada ng 1970. Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang mag- anak na nasa gitnang antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago na nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos. Naganap ang sunud-sunod na mga pangyayari matapos ang pagbomba ng Plasa Miranda noong 1971, ang pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus, ang pagpapatupad ng Batas Militar at ang walang anuanong pagdakip sa mga bilanggong pampulitika. Nawalan ng katiwasayan ang mga mamamayan dahil sa paniniil ng rehimeng Marcos. Napagmasdan ng babaeng katauhan na si Amanda Bartolome ang mg pagbabagong ito na humubog sa dekada. Ina ng limang anak na lalaki si Amanda Bartolome. Habang nagsisilaki at nagkaroon ng sari-sariling mga paniniwala, pananaw at buhay ang mga anak na lalaki ni Amanda, itinaguyod naman ni Amanda ang kaniyang pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino, ina at babae. Ibinungad ng Dekada '70 sa bagong salinlahi ng mga mambabasang Pilipino ang salaysaying ng isang mag-anak na nasa isang partikular na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang nakahihikayat na katangian ng nobela ay nakasalalay sa pagunlad ng mga tauhan nito na kumakatawa sa bagong henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay isang kuwento hinggil sa isang ina at sa kaniyang mag-anak, at sa lipunang nakapaligid sa kanila. Isa itong salaysayin kung paano ang damdamin ng isang ina ay napupunit sa pagitan ng panitik ng batas ang kaniyang mga katungkulan bilang ina.

You might also like