ULLALIM

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ULLALIM Epiko ng Kalinga Ang kwento ay nagsimula sa nakatakdang kasal nina Ya-u at Dulaw nang makapulot ngnganga o ua (na

tawag ng taga-Kalinga). Ang magkasintahan ay naanyayahan sa isangpistahan sa Madogyaya. Nang sila ay nasa Madogyaya, naakit ang pansin ni Dulliyaw si Dulawhanggang si Dulaw ay magkagusto sa kanya. Sa pagplano na ligawan ni Dulaw si Dulliyaw aynaisip nitong painumin ng alak si Ya-u hanggang sa malasing. Habang si Ya-u ay natutulog saibang bahay ay saka niligawan ni Dulaw si Dulliyaw. Pinakain nito ang babae ng nganga atsinabi niya sa babae na sa pamamagitan ng pagtanggap niya ng nganga ang ibig sabihin aytinanggap na niya ang pag-ibig na kanyang iniaalay. Bago siya umalis ay sinabi niya sa babaena siya ay babalik kinabukasan. Naiwan na nag-iisip ang dalaga.Kinabukasan sa kalagitnaan ng gabi ay dumating si Dulaw sa bahay nina Dulliyaw.Habang silay kumakain ng nganga, sinabi nito sa babae na siya ay nagpunta roon upang isamanang umuwi ang dalaga sa kanilang bahay. Nagulat si Dulliyaw sa winika ng lalaki. Iyonlamang at nagkagulo na ang mga tao sa nayon. Sa pagtakas nila ay nakasalubong sila ngisang lalaki na may dala-dalang palakol at balak silang patayin. Bago sila maabutan ng lalakiay nakaakyat na si Dulaw sa isang puno upang tumakas. Samantala wala namang mangahasna siya ay lusubin kaya naipasiya ni Ya-u na tawagin ang mga sundalong Espaol ngSakbawan. At noon nga si Guwela na kumander ng Garison ay umakyat sa kaitaasan ngKalinga na kasama ang mga sundalo. Iniutos niya na dakpin si Dulaw na nakaupo pa rin sapuno. Napag-alaman niya na marami ang tutol sa ginawa niya kaya wala na siyang lakas nalumaban nang siya ay lagyan ng posas. Sa utos pa rin ni Guwela siya ay dinakip at nakulongsa Sakbawan.Makalipas ang tatlong taon na pagkakabilanggo, naging payat na siya. Humingi siDulliyaw ng nganga kay Dulaw. Kinuha ni Dulaw ang huling nganga sa bahay at itoy pinagpirapiraso.Bago niya ito maibigay kay Dulliyaw bigla na lamang itong nawala.Samantala, sa pook na Magobya naliligo si Duranaw. Sa paliligo niya sa ilog aynakapulot siya ng nganga. Kinain niya ito nang walang alinlangan.Matapos nguyain ang nganga ay bigla na lamang itong nagbuntis hanggang sa siya aymagsilang ng isang malusog na lalaki at pinangalanan niya itong Banna. Tatlong taon anglumipas. Si Banna ay mahilig makipaglaro sa mga Agta, subalit siyay madalas na tinutukso ngkanyang mga kalaro. Sinasabi na kung siya raw ang tunay na Banna ang ibig sabihin ay siyaang anak ni Dulaw na nakulong sa Sakbawan. Sinumbong niya ito sa kanyang ina ngunitpinabulaanan ito ng kanyang ina.Sa isang iglap, si Banna ay naging malakas at naghangad ng paghihiganti. Isangmahiwagang pangyayari ang nagdala kay Banna pati ng kanyang mga kasama sa Sakbawan. At doon ay kanyang piatay si Dulliyaw. Sinabi ng isang kasama ni Banna kay Dulaw na siBanna ay kanyang anak, iyon lang at sila ay dali-daling sumakay sa isang bangka at sa isangiglap ay nakarating sila sa pook ng Magobya. Mula noon ay nauso na ang kasalan sa kanilang pook.

INDARAPATRA AT SULAYMAN Ito'y salaysay ukol kay emperador Indarapatra ng Kahariang Mantapuli.Siya'y matalino, mabait at matapang. May sibat siyang matapos ihagis sa kaawayay bumabalik sa kanya. Nang may nanalot na mga dambuhalang halimaw saMindanaw ay isa-isa niya itong napatay.Humingi ng tulong si Emperador Indarapatra kay Prinsipe Sulayman na iligtasnito ang Kaharian sa apat na salot: si Kurita, hayop na maraming paa at isangkainan lamang niya ang limang tao; si Tarabusaw, mukhang tao na nangangain ngtao; si Pha, ang ibong dahil sa kanyang laki'y nakapagpapadilim ng bundok at anghalimaw na si Kurayan, isa ring ibong may pitong ulo.

Tinanggap ni Sulayman ang tungkulin. Naglagay si Indarapatra ng halamansa durungawan at kapag nalanta ito ang ibig sabihin ay nasawi ang prinsipe.Isa-isang napatay ang mga halimaw, ngunit nang maligtas niya ang pakpak nghuling halimaw ay nadaganan siya nito at siya'y namatay.Nalanta ang halaman at nabatid ni Indarapatra ang nangyari kay PrinsipeSulayman. Pinuntahan niya ito at dumalangin nang taimtim sa Bathala. Nabuhay namuli ang bayani.Isang magandang dalaga sa mga nailigtas ni Sulayman ang nakabihag ng kanyang puso.

You might also like