Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Tamang Pag-aalaga sa Buhok

Depinisyon: Ang buhok ay isa sa pinakaimportante sa mga kababaihan. Ito ay mga hibla na binubuo ng melanin na siyang responsable sa tibay at sa tubig na kinakailngan ng buhok. Layunin: Lumawig ang kaalaman ng bawat kababaihan ukol sa tamang pag aalaga sa buhok. Materyales: Babasahin Mga Hakbangin: 1. Maligo araw-araw para mapanatiling malinis ang buhok. Araw-araw magshampoo ng buhok upang maiwaksi ng maigi ang mga dumi na puwedeng magdulot ng balakubak. 2. Iwasan maglagay ng kung anu-anong mga artipisyal na pampadulas ng buhok lalo na kung hindi naman naligo. Ito ay para maiwasan lumagkit ng maigi ang buhok upang maiwasan ang pagkakaruon ng mga kuto at lisa sapagkat paboritong tirahan ng mga ito ang mga buhok na malalagkit at madumi. Ang pag-iwas ding ito ay makaktulong upang hindi magkaruon ng mga balakubak. 3. Kung mayroon ng kuto at mga lisa, suyudin ito araw-araw at iwasang matulog ng may katabi upang maiwasan ang pagkahawa ng iba. 4. Mainam na iwasan ang magbabad lalo sa arawan kapag may kuto. Paborito ng mga kuto at lisa ang mainit na temperatura . 5. Kapag may balakubak, iwasang kutkutin upang hindi magsugat ang anit. Siguraduhing malinis na malinis ang pagkakabanlaw sa buhok pagkatapos maligo upang maiwasan ang paglaganap ng mga balakubak. 6. Ugaliing suklayin ang buhok ng isang daang beses kada araw upang mapanatili itong malusog. 7. Iwasan ang palagiang pagexpose ng buhok sa arawan o sa ibang bagay na naglalabas ng init gaya ng low dryer o plantsa sa buhok para maiwasan ang pagkakaruon ng split ends. 8. Hanggat maaari, iwasan ang anumang treatment sa buhok upang hindi ito tuluyang masira. 9. Kung malakas ang pagkalagas ng buhok, bawasan ang paggamit ng shampoo, sahalip ay ugaliing gumamit ng herbal na pangshampoo gaya ng aloe vera.

10. Ugaliing kumain ng mga prutas dahil ito ay tumutulong upang mas mapaganda at mas mapalusog ang buhok dahil sa Vitamin C na taglay nito.

You might also like