Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Pamanahong-Papel y Isang uri ng papel pananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan

sa isang akademiko. y Ito ay nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa sa isang kurso o asignatura sa loob ng isang panahon o term.

Mga pahinang Preliminari o Front Matters y Fly Leaf 1 y Pamagating Pahina y Dahon ng Pagpapatibay y Pasasalamat o Pagkilala y Talaan ng Nilalaman y Talaan ng mga Talahanayan at Graf y Fly Leaf 2 Pamagating Pahina - Nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong-papel; kanino iniharap o ipinasa ang papel; kung saang asignatura ito kailangan; kung sino ang gumawa at panahon ng kumplesyon. Inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga impormasyong nasapahinang ito. Dahon ng Pagpapatibay - tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamahong-papel. Pasasalamat o Pagkilala - Tinutukoy ng mananaliksik ang mga individwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaring nakatulong sa pagsulat ng pamahong-papel at kung gayoy nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayoy nararapat pasalamatan o kilalanin. Talaan ng Nilalaman - Nilalaman ng pamanahong-papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina Kung saan matatagpuan ang bawat isa. Talaan ng mga Talahanayan at Graf - Nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/ o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng [ahina kung saan matatagpuan ang bawat isa. Fly Leaf 2 - Blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong-papel.

Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito y Panimula o Introduksyon y Layunin ng Pag-aaral y Kahalagahan ng Pag-aaral y Saklaw at Limitasyon y Definisyon ng mga Terminolohiya

Panimula o Introduksyon - Ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik. Layunin ng Pag-aaral - Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga tiyak na suliranin na nasa anyong patanong. Kahalagahan ng Pag-aaral - Inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy rito ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa ibat ibang indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan. Saklaw at Limitasyon - Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy rito kung anu-ano ang baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral Definisyon ng mga Terminolohiya - Ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isay binng pagpapakahulugan ay maaaring konseptwal ( ibinibigay ang istandard na depinisyon ng mga katawagan) o operasyunal (kung paano iyon ginamit sa pamanahong- papel). May mga pamanahong-papel na kakikitaan ninyo ng Conceptual o Theoretical Framework, Hypotheses at Assumptions sa Kabanata I

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura y Tinutukoy dito ang kaugnay na literatura o babasahing may kaugnayan sa pananaliksik. y Dito tinutukoy kung sinu-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o literatura,disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pagaaral. y Dito ipinaalam ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng kanyang paksa. y Bago at nailimbag sa loob ng huling sampung taon. y Piliting gumamit ng lokal at dayuhan y Katangian: obhektibo o walang pagkiling; nauugnay o relevant sa pag-aaral; at sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami.

Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik y Disenyo ng Pananaliksik

y Respondente ng Sarvey y Instrumento ng Pananaliksik y Tritment ng mga Datos

Disenyo ng Pananaliksik - Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Halimbawa Deskriptib-analitik isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Respondente ng Sarvey - Kung ilan sila at paano at bakit sila ang napili. Instrumento ng Pananaliksik - Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at informasyon. Sa bahaging ito, maaaring mabanggit ang intervyu o pakikipanayam, pagko-conduct ng sarvey at pagpapasagot ng sarveykwestyoneyr sa mga respondente bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang aplikable sa isang deskriptiv-analitik na disenyo.

Tritment ng mga Datos - Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerical na datos ay mailarawan. Sa pamanahong-papel, sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyuneyr ng mga respondente.

Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon y Lagom - binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong tinatalakay sa Kabanata III. y Kongklusyon - mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon at impormasyong nakalap ng mananaliksik. y Rekomendasyon mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik.

Mga Panghuling Pahina y Listahan ng Sanggunin isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong-papel. y Apendiks / Dahong-Dagdag maaaring ilagay o ipaloob dito ang liham, pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu,sampol ng sarbeykwesyoneyr, bio-data, ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-ano pa.

You might also like