Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

INTRO: Ang nutrisyon ng isang magiging ina ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat isaalangalang upang magkaroon ng maayos na pagbubuntis

at magdulot ng wastong paglaki ng sanggol. Panoorin at pakinggan natin kung paano makakamit ang tama at wastong nutrisyon habang nagbubuntis.

MALING AKALA(maganda sana kung meron tayo nung sound clip na may maling
akala..) suggestion lang naman..

Maling akala na ang pag-kain ng kambal na saging ay magdudulot ng pagkakaroon din ng kambal na anak. Maling akala na ang pag-inom ng iron supplements at ang pag-kain ng maiitim na pagkain kagaya ng posit o dinuguan ay magiging sanhi ng pagkakaroon ng maitim na baby. Maling akala na ang paglilihi sa suha, labanos, singkamas o kung ano pang pagkain na kulay puti ay makakagarantiya ng maputing anak. Maling akala na mapapadali ang pangaganak sa pamamagitan ng pagkain ng madaming itlog. Maling akala na ang pag-kain ng ina ng alimango habang naglilihi ay magdudulot ng pagkakaroon ng sobrang daliri ng anak. Maling akala na malalaglagan ang isang nagdadalang tao kapag siya ay hindi napagbigyan ng mga pagkaing kanyang napag-lilihihan Maling akala na ang pagbabawal sa pagkain ng papaya, manga, o pinya sa isang ina ay makatutulong upang maiwasan ang mahinang kapit ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Maling akala na maaagasan ang isang buntis na kumain ng sesame seeds.

SA KATUNAYAN Sa katunayan, ang kinakain ng isang buntis ay hindi direktang makakaapekto sa kabuuan o sa genetic make-up ng isang sanggol. Ngunit, ang mga sustansya na makukuha sa mga pagkaing kanyang kinokonsumo ay napakahalaga sa paglaki at pagdevelop ng bata dahil ito ang nagbibigay ng lakas at nutrisyong kinakailangan nito.

Sa katunayan, kung ano man ang kinokonsumo ng ina ay kinokonsumo din ng sanggol na kanyang dinadala. At dahil ditto, dapat bigyang importansya ng isang buntis ang kanyang pag-kain. Ito ay dapat na malinis at masustansya dahil ditto nagmumula ang lakas na kanyang kailangan upang suportahan ang kanyang pagbubuntis gayundin upang makasigro sa tamang paglaki at pagdevelop ng kanyang sanggol.

Sa katunayan, ang buntis ay dapat lagging kumain ng wasto. Wasto sa nutrisyon ng mga pagkaing kanyang kinakain para sa kanya dahil sa madaming pinagdadaanan ng kanyang katawan at gayundin naman sa sanggol na mabilis na lumalaki.

Sa katunayan, ang kinakain ng buntis ay dapat sapat na dami, ng pagkain upang mabigyan sya at ang kanyang sanggol ng wasto at tamang nutrisyon. Dapat lagging tandaan na sya ay kumokonsumo na para sa dalawang tao.

MGA BAGAY NA DAPAT TANDAAN Ang CALORIES ay ang sukat ng enerhiya o lakas na ating nakukuha sa mga pagkain na ating kinokonsumo. Tandaan ana ang buntis ay nangangailangan ng mas higit na calories kaysa sa isang babae na hindi nagdadalang tap. Kailang nya ng karagdagang 300 calories (katumbas ng type of food with the amount) araw-araw. Ito ay nangangahulughan na kailangan nyang kumonsumo ng 2500 calories kada araw upang magkaroon ng sapat na enerhiya. BUNTIS HINDI BUNTIS Dagdag 2500 calories 2200 calories (ano ba talaga to 2100 o 2200) 300 calories

MGA BAGAY NA KAILANGANG GAWIN Kailangan na ang isang buntis ay kumonsumo ng mga pagkaing nagtataglay ng mga sumusunod: Mga MACRONUTRIENTS na kailangan ng katawan sa maraming dami upang matugunan ang lakas na kailangang ng ina gayundin ng maayos na paglaki ng sanggol

CARBOHYDRATES ang pangunahing source ng enerhiya. Ang mga halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates ay ang kanin, mais, tinapay, asukal, noodles, mga root crops tulad ng ube, gabi, patatas, at kamote. Kailangnang kumonsumo ng 5 hanggang 6 servings kada araw. Ang Protina naman ay importante sa pagdevelop ng mga parte ng katawan ng bata. Ito ay nauuri sa apat na grupo: una, milk at milk products (gaya ng, keso, yogurt, atbp); pangalawa: dried beans and nuts; ikatlo: fish at shellfish; at ikaapat: meat at poultry products. Kinakailangan ang 4 hanggang 5 servings ng protina kada araw. Ang FATS ay nagdudulot ng higit na lakas at enerhiya sa tao kaya naman ito ay higit na kailangan sa huling parte ng pagbubuntis (3rd trimester ba?) ito rin ay kailangan sa fetal cell growth. Kailangang hindi humigit sa 7 kutsarita ang dami ng fats na makokonsumo ng isang buntis. Ang mga MICRONUTRIENTS naman ay kailangan sa mas kaunting dami subalit ito ay sadya pa ring mahalaga upang maging maayos ang paglaki ng sanggol. Kabilang sa mga ito ay ang mga VITAMINS at MINERALS na mula sa mga prutas at gulay gayundin sa mga supplements kagaya ng iron, at calcium, maging sa mga fortified foods gaya ng iodized salt. Kailangang makakonsumo ang isang buntis ng 2 servings ng prutas hanggang 3-4 servings na gulay; 30 mg ng iron supplement para sa dugo at 1200-1500 mg na calcium na para naman sa buto, kada araw. Ang folic acid ay importante upang maiwasan ang mga malformations sa bata. Ang pagkonsumo ng 4mg kada araw sa loob ng isang buwan bago magbuntis ang nirerekomenda. Kailangan din ng isang nagdadalang tao ang 6-8 basong tubig para sa tamang regulasyon ng kanyang pag-ihi.

MGA PAGKAING DAPAT IWASAN Upang masiguro ang maayos na pagbubuntis at ang wastong paglaki ng sanggol, dapat iwasan ng buntis ang mga sumusunod:

Iwasan ang paginom ng alcohol kagaya ng beer, gin atbp dahil ito ay isa sa mga teratogens na nagdudulot ng abnormalidad sa katawan at sa wastong function ng lumalaking sanggol.

Iwasan ang pag-kain ng maalat maging ang mga pagkaing mayaman sa food additives kagaya ng MSG o betsin, mga processed foods, instant noodles upang maiwasan ang pagtaas ng presyon ng dugo.

Iwasan ang pagkonsumo ng mga ARTIFICIAL SWEETENERS (saccharines, gaya ng splenda, at equal) dahi hindi it medaling maalis sa sirkulasyon ng dugo ng sanggol. Iwasan ang sobra-sobrang pagkonsumo ng vitamin A supplements na maaaring magdulot ng abnormalidad sa bata.

CONCLUSION: Sa kabuuan, ang wastong nutrisyon habang nagbubuntis ay makakamit sa pamamagitan ng pagkonsumo ng WASTO AT TAMANG DAMI (quantity) AT URI (quality) ng mga pagkaing ating kinakain lalo na kung dadagdagan ito ng tamang ehersisyo. Ating tandaan na tulad ng lahat ng bagay, ang anomang kulang o sobra ay hindi nakakabuti sa ating katawan. (well, optional nalang ito..na-inspire lang naman ako sa pharma lecs. Haha)

You might also like