Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Halalan ng 1969 Nanindigan ang reeleksyonistang Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang pagnanais na makapagtamo ng bagong kapasyahan ng mga botante

sa halalan ng 1969. Sa pagtulong ng Unang Ginang, Imelda Marcos, na kanyang itinuturing na kanyang "lihim na sandata", si Marcos ay naging unang Pangulong reeleksyonista pagkatapos ng digmaan. Tinalo niya ang kandidato ng mga Liberal, si Sergio Osmea, Jr. sa napakalaking kalamangan. Radikalisasyon ng mga Estudyante Sa mga unang buwan ng pangalawang panunungkulan ng Pangulong Marcos ay nagkaroon ng serye ng mga demonstrasyon ng mga estudyante at mga malalaking pagtitipon, na karamiha'y humahantong sa karahasan at panggugulo. Sa simula, ang mga demonstrasyo'y idinaraos bilang protesta laban sa pagtaas ng matrikula at ibang bayarin sa paaralan.Tinugon ito ng mga namamahala sa mga pamantasan sa pagtitiwalag sa mga namumunong estudyante at di-pagtanggap sa kanila sa alin mang pamantasan. Namagitan ang pamahalaan sa kanilang alitan sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga tuntunin at regulasyon tungkol sa pagtataas ng matrikuka na nangangailangan ng pagsang-ayon ng pamahalaan. Ang mga lider estudyante ay muling tinanggap sa mga paaralang kanilang pinili. Ngunit di naglaon, panibagong isyu ang lumitaw. Lumabas sa kalye ang mga mag-aaral at mga kapanalig. Sa gayo'y nagsimula ang "parliament of the streets." Sa pagbunsod sa mga kahilingan para sa mga reporma sa pamahalaan at mga protesta laban sa pagkakaloob ng kapangyarihan sa namumuhunan at mga oligarkiya, ang mga demonstrador ay madaling bumaling sa mga bagay na pangkaisipan (ideolohikal) tulad ng pasismo, piyudalismo, at imperyalismo. ito ang kanilang naging sigaw na panlaban. Noong Enero 26, 1970, ang araw ng pagbbukas ng regular na sesyon sa Kongreso, ang Pambansang Pagkakaisa ng mga Mag-aaral na pinamumunuan ni Edgar Jopson ay nagtipun-tipon at nagdaos ng malaking demonstrasyon sa labas ng Kongreso. Ang mga estudyante ng mga pribadong paaralan sa Maynila, kasama ang ilang sa kanilang mga gurong-tagapayo ay nangaroon upang ipahayag ang kanilang petisyon para sa pagdaraos ng isang Kumbensyong Konstitusyonal ng taong 1971. Tulad ng hinihingi ng tradisyon, dumalo ang Pangulong Marcos sa Kongreso upang magtalumpati tungkol sa kalagayan ng bansa. Kasama niya ang Unang Ginang. Pagkatapos ng mga seremonya at habang lumalabas sa gusali ng Kongreso ang Pangulo at ang Unang Ginang patungo sa kanilang sasakyan, nagsimula ang kaguluhan. Ang binabalak na mapayapang demonstrasyon ay naging isang panggulong walang taros. May 70 estudyante ang nasaktan at may ilang nangapinsala ring alagad ng batas Marcos. Sigaw ng Unang Sikapat Ang demonstrasyon ng mga estudyante noong Enero 30, 1971 ay lalong higit na madugo at marahas at ito'y tinaguriang "Labanan sa Mendiola" na mas higit na kilala sa tawag na "First Quarter Storm" o Sigaw ng Unang Sikapat. Marahil napag-alab sa kabangisan ng mga pulis sa naunang demonstrasyon sa harapan ng Kongreso, ibinaling ng lalong masugid na mga aktibistang estudyante ang kanilang pagkapoot sa Malakanyang. Pagkatapos ng maagang demonstrasyon sa may Kongreso , nagtungo ang mga estudyante sa Malakanyang at pagkaraan ng kanilang maaapoy na talumpati ay pinagpilitan nilang makapasok sa loob ng paligid ng Palasyo. Naghagis sila ng "pillboxes" at mga sariling-gawang bomba (Molotov) sa bakuran ng Palasyo. May ilang nakaagaw ng isang trak na pamatay-sunog at ito'y ibinangga sa isang trangkahan ng Malakanyang hanggang sa mabuksan ito. Nagpaputok ng mga teargas ang mga tanod Pampanguluhan ng Palasyo sa mga nanggugulo at ang mga ito'y gumanto ng mga bato at patpat at sariling-gawang bomba. Napilitang magsiurong ang mga estudyante hanggang sa daang Mendiola habang hinahabol ng mga pangkat ng mga sandatahan ng pamahalaan. Ang labanan ay tumagal hanggang makalipas ang hatinggabi nang ang mga estudyante'y naghiwa-hiwalay sa University Belt sa daang Claro M. Recto. Nang sumunod na araw, napalathala sa mga pahayagan na apat na demonstrador ang nakitlan ng buhay at marami pang nasugatan.

Ipinahayag ng Pangulong Marcos sa pamamagitan ng radyo at telebisyon na ang mga pangayayari sa Mendiola ay isang binalak na pagsalakay sa pamahalaan, isang panghihimagsik na may layuning pabagsakin ang pamahalaan. Ngunit tiniyak niya sa mga tao na ang kaguluha'y nasugpo na. Pag-aaklas ng mga Tsuper ng Jeep Noong Marso 3, 1970 nagdaos ng isang pag-aaklas ang mga nagmamaneho ng pampublikong jeep ng Maynila at mga karatig-pook. Ang dahilan ay upang tuligsain ang panghuhuthot ng mga pulisya at upang hilingin na pagtibayin ng lupon ng Palingkurang-Bayan ang pagtataas ng 5 sentimo sa pamasahe ng jeep. Matagumpay ang kanilang pagaaklas; nangako ang pamunuan ng pulisya na parurusahan ang mga tiwaling alagad ng batas; at sinang-ayunan ng Lupon ng Palingkurang-Bayan ang kanilang petisyon sa pagtataas ng pamasahe sa jeep. Noong Marso 23, at Marso 24, 1970, ang mga estudyante at mga pasahero ay nagdaos ng isang panlabang demonstrasyon na tumututol sa pagkataas ng bayad sa jeep at bus. Binato nila ang mga sasakyang pampubliko at lumikha ng malalaking siga sa daan. Ang Pagbomba sa Liwasang Miranda Ang Liwasang Miranda o Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila ay siyang kinaugaliang pook ng malalaking pampulitikang pagtitipun-tipon at pagpupulong. Doon ipinakikilala at ipinapahayag ang mga kandidatong pambansa at ng Maynila. Doon idinaraos ang mga "miting de avance" o pangwakas na malaking pagpupulong, bilang pinakatampok sa mga kampanyang pampulitika. May malaking pagtatangi ang PangulongMagsaysay sa naturang pook kahit na kailanman at siya'y pinipilit na magpasiya ukol sa isang bagay na pampulitika, kanyang itinatanong "Maipagtatanggol na natin ito sa Plaza Miranda?" Sa pagsunod sa isang pampulitikang kaugalian, nagdaos ang oposisyong Partido Liberal ng kanilang pagpapahayag na pagtitipun-tipon sa Plaza Miranda noong ika-21 ng Agosto, 1971. Ito'y binalak upang ipakilala sa bansa ang mga kandidato ng Partido Liberal para Senador at mga kandidato para sa Maynila mula Punong-Lungsod hanggang sa mga konsehal. Nang mag-iika-9:00 ng gabi ng araw ding iyon, habang ang walong kandidato ng Partido Liberal sa pagkasenador, dalawampu't dalawang kandidato ng Maynila at gayon din ang iba pang mga kilalang lider ng partido ay magkakasamang nagkakatipon sa tanghalan, dalawang granada ang inihagis buhat sa karamihan ng tao at magkapanunod na sumabog. Ang isa'y bumagsak sa tanghalan kasabay ng pagsabog, at isa'y tumama sa gilid ng tanghalan at sumabog din pagkahulog sa lupa. Libu-libong tao sa pook na iyon at higit na marami pa na nanoood sa telebisyon ang nakasaksi sa pambobomba. Ang pambobomba at halos lumipol sa pamunuan at mga kandidato ng oposisyon. Nag-aagaw-buhay nang damputin sina Senador Jovito Salonga at Sergio Osmea, Jr. at Kinatawan John Henry Osmea. May malubhang tama sina Senador Gerardo Roxas at ang kanyang maybahay na si Judy, Kinatawan Ramon Mitra, at kandidato para punonglungsod Ramon Bagatsing. Sina Senador Eva Estrada Kalaw, Kinatawan Eddie Ilarde at kandidato para sa pangalawang punong-lungsod Martin Isidro at ang kanyang maybahay ay pawang may malubhang tama rin. Ang ibang kandidato ng Partido Liberal sa pagkasenador ay di-gaanong nagtamo ng kapinsalaan Namatay noon din ang isang potograpo na nagtratrabaho sa isang pahayagan at maraming mga manonood ma sama-sama sa harapan ng entablado ang pawang nangasawi. Sa simula, ang Pangulong Marcos ang itinuturong siyang may pakana sa kalagim-lagim na pangyayari sa Plaza Miranda ngunit makalipas ang ilang taon lumitaw ang mga testigo na nagdidiin kay Jose Maria Sison at sa pinamumunuan niyang kilusan, ang Partido Komunista ng Pilipinas- Bagong Hukbong Bayan, bilang may utak sa pagpapasabog. Ang Pagsususpindi ng Pribelehiyo ng "Writ of Habeas Corpus" Ilang oras pagkaraan ng pagpapasabog ng bomba sa Plaza Miranda, ipinalabas ng Pangulong Marcos ang Proklamasyon Bilang 889 na sumususpindi sa pribelihiyo ng writ of habeas corpus (pangangalaga sa sinuman laban sa di-salig-batas at pagbibinbin sa bilangguan) upang mapanatili ang kapayapaan , mapangalagaan ang mga

mamamayan at mapanatili ang kapangyarihan ng pamahalaan. Ginawa na minsan ng Pangulong Elpidio Quirino ang pagsususpindi ng pribelehiyo ng writ of habeas corpus noong dekada 50 upang sugpuin ang mga Huks. Ang pagpigil sa writ ay humantong sa pagtatamo ng mga sumusunod na layunin: 1. Pagsansala sa paglaganap ng terorismo mula sa mga lalawigan hanggang sa pook ng Maynila; 2. Pagtatamo ng impormasyon tungkol sa organisasyon ng mga komunista, misyon, pinagmumulan ng pantustos, kagamitan, lihim na tagakalap ng balita at mga bagong kasapi; 3. Pagdadakip sa ibang pinuno ng mga kilusang makakaliwa. Noong Enero 7, 1972 ganap na binawi ni Pangulong Marcos ang kautusang nagsususpindi sa pribelehiyo ng writ of habeas corpus.
[3]

Ang Malaking Baha ng 1972 Noong kalagitnaan ng 1972, malalaking baha ang nagpalubog sa halos lahat ng Kalagtitnaang Luzon at lungsod ng Maynila. Ang pag-apaw ng tubig na umabot ng may isang buwa'y sumira ng mga pananim at humantong sa pagtaas ng bilihin mga panindang pagkain hindi lamang sa mga binahang pook kundi gayun din sa buong Luzon at sa karamihan pang mga pook sa bansa. Bigas, asukal at iba pang mga pangunahing pangangailanga'y nawala sa mga pamilihan. Pinangasiwaan ng pamahalaan ang halaga ng pagbibili ng bigas na nakatingal sa kanilang kamalig. Ipinag-utos ding ipagbili ang mga bigas at asukal na nakatago sa mga bodega ng mga mapagsamantalang negosyante sa isang nakatakdang halaga sa ilalim ng babalang ang mga ito'y kukumpiskahin ng pamahalaan. Bunga ng kautusan ng Pangulo'y muling lumabas ang mga bigas at asukal sa pamilihan at mga tindahan na nagpapatunay na ang kakapusan, lalo na sa Maynila ay gawa-gawa lamang. Batas Militar Patuloy na Panliligalig Hindi naglaon pagkaraan bawiin ang suspensyon ng karapatan sa writ ang paghupa ng tubig na likha ng baha noong taong 1972, ang kapayapaan at kaayusan ng bansa ay lumubha ng lumubha. Dumarami ang mga nagaganap na krimen. Isa lamang pangkaraniwang pangyayari ang mga mapangahas na panloloob sa mga bangko kung araw kahit na katanghaliang tapat. Lumitaw ang mga nagbibili ng proteksyon at ang pangangasiwa ng mga bisyo at halos lantaran na. Pinasasabugan ng mga maninindak ang mga pamilihan sa kabayanan (Greater Manila Terminal Food Market sa Taguig), mga gusali ng bayan (Manila City Hall at Court of Industrial Relations), ang embahada ng Estados Unidos, mga pribadong gusali (Philamlife Building sa Ermita, sangay ng Security Bank and Trust Company sa kalye Espaa sa Maynila, at ang Arca Building sa lungsod ng Pasay), ang tanggapan ng JUSMAG sa lungsod Quezon, mga gusaling naglilingkod sa pangangailangan ng madla (Meralco), ang kapaligiran ng Kombensyon Konstitusyonal at ang pangunahing tipunan ng tubig sa Kamaynilaan. Naghari ang isang nakasisindak na panahon sa lungsod ng Maynila. Nagsimula ang paghihimagsik sa maraming pook sa Kahilagaang Luzon, pook ng Bicol at sa ilang panig ng Mindanao. Karamihan dito'y ipinapalagay na likha ng impluwensya ng mga komunistang grupo at ng Moro National Liberation Front, isang pangkat ng mga Muslim, na pinamumunuan ni Nur Misuari, na naglalayong ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas at magtatag ng nagsasariling Republika ng Bansang Moro. Ang Pagpapahayag ng Batas Militar Dahil sa lumalalang suliranin sa kapayapaan at kaayusan sa bansa, isinailim ni Pangulong Marcos ang buong bansa sa Batas Militar sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1081 na kanyang nilagdaan noong Setyembre 21, 1972. Nagpalabas din ang Pangulo ng mga kautusan at atas upang maisakatuparan at magawa ang layunin ng Batas Militar, ang isalba ang Republika at ireporma ang mga institusyong panlipunan, pangkabuhayan at pampulitika ng bansa.
[4]

Binigyang-diin ng Pangulo na ang proklamasyon ng Batas Militar ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon ng pamahalaang militar.
[5]

Magpapatuloy ang pamahalaang sibil. Ang mga opisyales at mga kawaning pambansa at

pamahalaang lokal ay magsasagawa ng kanilang tungkulin tulad nang dati. Ayon sa Pangulo, walang dapat ipangamba ang mga taong walang kinalaman sa pagsasabwatan upang ibagsak ang pamahalaan sa pamamagitan ng marahas na pamamaraan. Sa isang pahayag sa radyo't telebisyon, winika ng Pangulo: Buhat nang ipahayag ng Kataas-taasang Hukuman ang kapasyahang ito (Lansang vs. Garcia, 42 SCRA 449) lalong lumala ang panganib at lalong lumubha o lumaki ang rebelyon. Napatigil ang gawaing pambansa. Ang mga pangunahing pook na pangkabuhayan ay hindi makakilos. Hindi makapaglapat ng katarungan ang mga hukuman... lumalaganap at palaki nang palaki ang mga paglabas sa batas at pag-iral ng krimen... na di-maabot ng kakayahan ng pulisyang pambayan at mga maykapangyarihang sibilyan Patuloy ang paghahamok ng mga pangkat ng hukbo at ng mga kumakalaban sa pamahalaan sa Isabela, Zambales, Tarlac, Camarines Sur, Quezon, at sa pulo ng Mindanao, ang Timog Lanao, Hilagang Lanao, Timog Zamboanga at Cotabato.
[7] [6]

Tinuligsa ng mga kritiko ang mga dahilang inilahad ni Marcos na nagbibigay-katwiran sa pagpapahayag ng batas militar. Sinabi ng mga ito na ang katotohanan ay nilikha ni Marcos ang mga kaguluhan at panliligalig upang magkaroon siya ng dahilang magpahayag ng batas militar at mapanatili ang sarili sa kapangyarihan. Madaliang Pagkabisa ng Batas Militar Tinanggap, kung hindi man ay sinang-ayunan, ng taumbayan ang pagpapahayag ng Batas Militar dahil sa panunumbalik ng lubos na kapayapaan at kaayusan sa bansa lalung-lalo na sa Maynila. Ang panghaharang, pagnanakaw ng sasakyan, pagkidnap, pang-aabuso, pagpupuslit ng kalakal, mga ilegal na pasugalan at iba pang krimen laban sa tao at ari-arian ay nabawasan nang napakalaki. Sa bisa ng General Order No. 1, inutos ni Pangulong Marcos ang pagdakip sa mga sumusunod na lider-pulitiko at kasapi ng mga kilusang subersibo na nagsabwatan upang pabagsakin ang pamahalaan: ang mga Kinatawan na sina Roque Ablan, Jr.(Ilocos Norte)at Rafael Aquino (Sorsogon); mga Senador na sina Benigno Aquino, Jr., Jose W. Diokno at Ramon Mitra; mga Gobernador na sina Rolando Puzon (Kalinga-Apayao) at Lino Bocalan (Cavite); dating Senador Francisco Soc Rodrigo; Mga delagado sa Kombensyon Konstitusyonal na sina Napoleon Rama, Enrique Voltaire Garcia, II, Teofisto Guingona, Jr., Bren Guiao, Alejandro Lichauco, Jose Nolledo, Jose Concepcion, Jr., at Jose Mari Velez; mga mamamahayag na sina Joaquin Chino Roces, Maximo Soliven, Teodoro Locsin, Sr., Amando Doronilla, Renato Constantino, at Luis Mauricio. Ang iba pang dinakip ay sina: Hernando Abaya, Ang Nay Quang, Luis Beltaran, Jorge Bocobo, IV, Ramon Chramico, Cipriano cid, Chua Giok Su @ Bob Chua, Herminio Caloma, Romeo Dizon, Armando Eufemio, Rolando Fadul, Rolando Feleo, Jose Fuentes @ Joey, Rosalinda Galang @ Roz, Go Eng Guan, Flora Lansang, Teodosio Lansang, Guillermo Ponce de Leon, Joel Rocamora, at iba pa. Sa kabilang dako, ang pagtitiwalag o pagpapaalis sa mga di-karapat-dapat na kawani ng tanggapan ng pamahalaan (sa bisa ng Presidential Decree No. 1 o ang "Integrated Reorganization Plan") ay nakapanumbalik ng pagtitiwala ng tao sa kanilang pamahalaan. Nabawasan ng malaki ang katiwalian, kasamaan, at karaniwang kalakaran ng pamahalaan, na nagresulta sa di-kapani-paniwalang paglaki ng koleksyon ng Kawanihan ng Adwana at Kawanihan ng Rentas Internas.
[8]

Napawi rin ang walang kapananagutang pag-uulat ng mga balita sa pahayagan, telebisyon, radyo at iba dahil sa pagpapasara ng Pangulo, sa bisa ng Letter of Instruction No.1, sa lahat ng istasyon ng telebisyon at radio at mga pahayagan. Tanging ang pahayagang Daily Express at mga istasyon ng pamahalaan ang pinahintulutang magpatuloy ng kanilang operasyon. Kalauna'y pinahintulutan ding magbukas ang pahaygang Manila Bulletin Today (na pag-aari ng Hans Menzi, isang malapit sa Pangulo); mga istasyon ng Radio Philippine Network at Intercontinental Broadcasting Corporation na pag-aari ng kroning si Roberto Benedicto, at ang istasyon ng Republic Broadcasting

System na kilala sa tawag na GMA Networks, na ang isa sa mga nagmamay-ari ay si Gilberto Duavit na malapit sa Pangulong Marcos. Malaki ang ipinagbago ng kalagayang pangkalusugan at pangkalinisan - nawala ang mga basura sa daan at ang paligid ng mga tahanan ay naging malinis at napanatiling malinis ng mga tao na rin. Nabawasan ang mga pasugalang ipinagbabawal lalo na sa pangunahing lungsod ng Maynila. Nagkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa mga pook ng paaralan na dati-rati'y may ligalig at karahasan. Napanatili ang halaga ng mga pagkain. Hindi nakahadlang sa pagtitinda ang pagtatakda ng halaga, di tulad nang pinangangambahan na mawawala ang mga pangunahing kagamitan at mahahalagang pangangailangan sa mga pamilihan at mga tindahan. Pagbabago sa Pamahalaan Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamahalaan mula ng ipahayag ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Ang Kongreso na siyang bumabalangkas at gumagawa ng mga batas ay binuwag. Naalisan ng tungkulin ang mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ang Pangulo ng kapangyarihang lehislatibo. Gumawa siya ng mga Kautusang Pampanguluhan (presidential decree), Kautusang Pangkalahatan (General Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction). Ang mga ito ang mangangasiwa sa Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan. Ang Kautusang Pampanguluhan ay may bisa at lakas tulad ng mga batas na ipinapalabas ng dating Kongreso. Bukod tangi ang pagpapairal ng Batas Militar sa Pilipinas. Hindi tulad ng ibang mga bansa na nagpapairal ng Batas Militar. Hindi ang hukbo ang nangangasiwa sa pamahalaan kundi ang mga pinunong sibilyan rin. Ang Saligang Batas ng 1973 Kabilang ang pagbabago ng Saligang Batas sa mga pagbabagong naganap sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong Marcos. Iminungkahi ang pagpapalit ng Saligang Batas (ng 1935) sa dalawang kadahilahanan: 1. Nayari ang Saligang Batas ng Pilipinas ng taong 1935 habang ang bansa ay kolonya pa ng Estados Unidos at nangangailangan ng pagpapatibay ng Pangulo ng Estados Unidos. Sa gayon, ito'y yari ng impluwensyang Amerikano. 2. Hindi na napapanahon ang mga tadhana ng lumang Saligang Batas sa paglutas ng mga suliranin at pagtugod sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Alinsunod sa kahilingan ng madla, pinagtibay ng Kongreso noong Agosto 24, 1970 ang Batas Republika (Republic Act) Bilang 6132 na nanawagan para sa isang Kombensyong Konstitusyonal sa taong 1971. [baguhin]Halalan ng mga Delegado sa Kombensyong Konstitusyonal Ginanap noong Nobyembre 10, 1970 ang halalan ng 320 delegado sa Kombensyong Konstitusyonal. Ang halalang ito ang sinasabing isa sa mga pinakamaayos sa kasaysayan ng Pilipinas sa panahong iyon. Nakakarami sa mga nahalal na delegado ang manananggol, mangangalakal, mga tao sa industriya, at manggagamot. Mayroon ding mga guro, mga ministro, mga puno ng paggawa, mga kilalang kababaihan at mga mamamahayag. Dalawang delegado, sina Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal ang naging Pangulo ng Pilipinas. Ang tatlo'y kasapi ng Kombensyong Konstitusyonal noong taong 1934 - sina Salvador Araneta, Jose P. Arruego, at Miguel Cuaderno. Higit na tatlumpu ang mga dating Senador at kinatawan at dalawa ang dating Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman. Apat naman ang mga pari at madre. [baguhin]Pagkakabuo Ang Kombensyong Konstitustyonal (bantog sa tawag na Con-Con) ay nagtipun-tipon noong unang araw ng Hunyo, 1971. Nahalal bilang Pangulo ng Con-Con ang dating Pangulong Carlos Garcia. Ngunit siya'y yumao pagkalipas ng

tatlong araw na siya'y mahalal. Gumanap bilang pangulo ng kombensyon ang Pangulong Pro-tempore Sotero Laurel hanggang sa humalili ang bagong halal na Pangulong Diosdado Macapagal. Puspusan ang ginawang pagtatrabaho ng mga delegado, habang patuloy naman ang mga rali, welga, demonstrasyon at iba pang kaguluhan sa bansa. Natapos ang bagong Saligang Batas pagkaraan ng isang taong pagpupunyagi ng mga delegado. Ang balagkas ng mungkahing bagong Saligang Batas ay pinagtibay noong Nobyembre 28, 1972 at nilagdaan noong Nobyembre 30. Ang Saligang Batas ay buong galang na iniharap sa Pangulong Marcos noong ika-1 ng Disyembre, 1972. Nagpalabas ang Pangulo ng isang kautusang pampanguluhan (Presidential Decree 86) na lumilikha sa bawat baryo ng mga munisipyo o bayan at sa bawat distrito sa mga lungsod ng Asembleya ng mga mamamayan o Citizen Assemblies upang palakihin ang saligan ng paglahok ng mga mamamayan sa isang pamamaraang demokratiko at mabigyan sila ng pagkakataong maipahayag ang kanilang pambansang saloobin. Noong Enero 10, hanggang Enero 15, 1973, pinagtibay ng mga Asembleya ang Saligang Batas sa nakakaraming halal na higit sa 14 milyon. Sa halos gayon ding kalamangan, pinagpasyahan din nila na ang Interim National Assembly na nakatakda sa Transitory Provisions ng Saligang Batas at di na dapat magtipun-tipon. Nagkasbisa ang bagong saligang Batas noong Enero 17, 1973 sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 1102 ng Pangulong Marcos. Mga Tadhana 1. . Ang bagong Saligang Batas ay nagtatakda sa pagpapalit ng sistema ng pamahalaan mula sa presidensiyal patungo sa parlamentaryan; 2. . Ang Pangulo ang siyang kakatawan sa pamumuno ng estado;
[10]

3. . Isang Punong Ministrong inihalal ng Pambansang Asembleya (National Assembly) ang gumaganap ng kapangyarihang pampamahalaan kasama ng kanyang Gabinete;
[11]

4. . Isang Pambansang Asembleya binubuo ng isang kapulungang (unicameral) inihalal ng mga kinatawang distrito ang may karapatan sa lahat ng kapangyarihang pambatasan; hukuman na nasa pagtatakda ng batas;
[13] [14] [12]

5. . Ang kapangyarihang panghukuman ay nasasalalay sa Kataas-taasang Hukuman at sa mababang 6. . Itinatakda ang isang Katipunan ng mga Karapatan. tungkulin ng mga mamamayan. Kamatayan Pagkalipas ng tatlong taon, namatay siya noong Setyembre 28, 1989 sa Honolulu, Hawaii sa edad na 72.
[15]

Katulad ito halos ng mga nakatakda sa Saligang

Batas ng 1935. ang tanging pagkakaibang tinutukoy sa bagong Saligang Batas ay ang pananagutan at

You might also like