Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

IBONG ADARNA Panimula: TP: Noong unang panahon, sa malayong kaharian ng Berbanya ay nakatira ang isang kagalang-galang na hari

na nagngangalang Don Fernando kasama ng kabiyak ng kanyang pusong si Donya Valeriana. Sila ay may tatlong magigiting na anak: Si Don Pedro ang panganay, sinundan ni Don Diego, at ang bunsong si Don Juan. Masagana ang kaharian ng Berbanya, ngunit itong ating buhay ay talinhagang di malaman, .atutulog ka ng mahusay, magigising ka nang may lumbay. Ito ay ang sinapit ng haring kaibig-ibig. Diumanoy ang bunsong anak na si Don Juan ay nililo at piata ng dalawang talampasan. Sa laki ng kalumbayan di na siya napahimlay, nalimbag sa gunamgunam ang buong napanagimpan. Dahil ditoy nagkasakit ang hari at ang awit ng ibong nagngangalang Adarna na naninirahan sa puno ng Piedras Platas sa bundok ng Taboor ang tanging lunas sa kanyang karamdaman. Sinabi ng haring mahal, na kung sino man ang makakuha ay tatanggap ng gantimpalang pamana. DF: Kung sino man ang makakakuha ng ibong mahiwaga ay siyang aking tagapagmana. DJ: Talaga po, Ama? Kung gayon din ay aming hahanapin ang ibong Adarna TP: Unang tumungo panganay na si Don Pedro. Isang araw may nasalubong na matandang gusgusin. UK: Oh ginoo-o, ako po ay tulungan ninyo.Matandang uhaw at gutom tanging hiling ay limusan ninyo. DP: Umalis ka tandat akoy gutom din. Mahaba pa ang aking lalakbayin. UK: Mahal na ginoo, saan po ang lalakarin ninyo? DP: Akoy tutungo sa Bundok ng Tabor upang kunin ang Adarnang ibon at makuha ang trono ng kaharian ko. TP: Narating ni Don Pedro ang bundok ng Tabor. Nakita niya ang isang puno na ang mga sangat dahon ay mausbong at ang mga ugat ay kumikinang na gintong lantay doon siyay namahinga. Bigla niyang naisip na baka doon naninirahan ang Ibong Adarna. Nakatulog si Don Pedro sa kahihintay na dumating ang Ibong Adarna, habang siya ay natutulog nadapuan siya ng dumi ng Ibong Adarna at siya ay naging bato. Tatlong taon na ang nakakalipas ay hindi pa rin nakabalik sina Don Pedro at gayundin kay Don Diego kaya nag pasya si Don Juan na mag lakbay rin at kunin ang Ibong Adarna. DJ: Ama, akoy iyong pahintulutan na maglakbay upang hanapin ang lunas sa inyong karamdaman. Tatlong taon na ang nakalipas ay hindi pa rin sila nakakabalik. DF: Anak ko, kung ikaw ay mawawala pa sa akin, ay baka lalo kong ikamamatay. DJ: Pero Ama labag sa aking pusot isipan na ikay makikitang nhihirapan kaya pasensya na kung ako ay aalis ng palihim. TP: Wala nang masabi ang haring ama kundi ang umiya na lamang dahil sa kalungkutang nadarama. DJ: Ama, iyong bendisyon ang aking babaunin sa aking paglalakbay. TP: Sinimulan ni Don Juan ang kanyang paglalakbay. Kung ang dalawa niyang kapatid ay gumamit ng kabayo, siya ay hindi gumamait at sa halip ay naglakad at baon ang 5 pirasong tinapay lamang. Habang siyas naglalakbay isang matandang naghihingalo ang kanyang nadatnan. UME: Ginoo, kung ikaw ay may baong pagkain, ako ay humihingi sayo. DJ: Ako po ay may natira isa pang tinapay, heto pot kainin ninyo. TP: Kinain ng matanda ang nag-iisang natirng tinapay na baon ni Juan. UME: Ginoo, maraming salamat! Saan poba kayo tutungo, at baka ikay matulungan? DJ: Patungo ako sa Bundok Tabor upang kunin ang mahiwagang ibong Adarna para gamutin ang aking amang hari na may matinding karamdaman. UME: Aba! Doon ay malaki pang kahirapan ang iyong madaraanan. Kaya mag-ingat ka at naka ikay maging bato. Itong tinapay ay dalhin mo sa iyong paglalakbay. TP: Sa halip na itoy tanggapin, siya ay tumanggi. UME: Maginoo, bakit po bat ibabalik mo pa ang naibigay ko na?

You might also like