Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

ANG HALIMAW NA TULAD NG ISANG LEOPARDO NA TUMULONG SA PULANG DRAGON Sa kahindik-hindik na tunggalian ng dalawang pangkatin sa pagitan ng babaeng nararamtan

ng araw at napakalaking pulang dragon (Gen. 3:15 - ang ahas at ang Babae), may umahon mula sa dagat na isang halimaw na tulad ng isang itim na leopard upang tumulong sa pulang dragon (Pah. 13:1). Kung ang pulang dragon ay komunismong ateismo, ang itim na halimaw ay ang malayang Masoneriya. Ang dragon ay ipinapakita ang sarili sa pwersa ng kanyang lakas; ang itim na halimaw naman ay kumikilos sa dilim. Hindi nagpapakita at itinatago ang sarili sa isang tanging paraan upang makapasok sa lahat ng dako. Ang ginagamit niyang kasangkapan ay ang komunikasyong panlipunan katulad ng sine, pahayagan at telebisyon na katulad sa daigdig ng Bibliya. Ang sungay ay ginagamit na pampalakas-tunog upang marinig ng mabuti, isang malakas na kaparaanan ng komunikasyon. Ang itim na halimaw ay may sampung sungay at sa mga sungay ay may sampung korona na mga palatandaan ng kapangyarihan at kamaharlikahan. Ang pulang dragon ay kumikilos upang ihantong ang buong sangkatauhan na mabuhay nang walang Diyos, na itatwa ang Diyos at samakatuwid ay ikinakalat ang kamaliang ateismo. Ang layunin ng Masoneriya ay hindi upang itatwa ang Diyos kun di upang lapastanganin ang ngalan ng Diyos at Kanyang tahanan at laban sa lahat ng mga santo na naninirahan sa kalangitan. Ang pinaka-labis na kalapastanganan ay yaong ipagkait ang pag-sambang nauukol sa Diyos lamang tulad ng pagluhod sa harapan ng Eukatistiya. Dahil dito, ikinakalat ng itim na halimaw ang mga misang itim at mga kultong sataniko. Ang sampung sungay ng itim na halimaw ay ginagamit niya sa lahat ng dako sa pamamagitan ng komunikasyong panlipunan upang salungatin ang Sampung Utos ng Diyos. Sa unang utos ng Diyos, sinasabing hwag kayong magaangkin ng sinumpang Diyos laban sa Akin. Ito ay gumawa ng mga huwad na idolo na sa harap nila, marami ngayon ay nagpapatirapa sa pagsamba. Sa utos na, Hwag ninyong banggitin ang ngalan ng Diyos nang walang saysay, inihahanay nito ang sarili sa pagsalungat sa pamamagitan ng paglapastangan sa Diyos at sa Kanyang Kristo sa maraming tuso at napakasamang paraan maging sa paggamit ng Kanyang ngalan nang masagwa kapantay ng isang tatak produkto ng isang bagay na ipinagbibili at ng paggawa ng mga lapastangang pelikula tungkol sa Kanyang buhay at sa Kanyang banal na Persona. Sa utos na alalahanin na panatiliing banal ang mga ikapitong araw, pinaaninibagong-anyo nito ang Linggo tungo sa isang katapusan ng Linggo sa isang araw ng palakasan, ng mga paligsahan at ng mga aliwan na sinasamba.

Ang Manggagawa
Buwanang Paglilimbag ng Parokya ni San Jose ang Manggagawa
Cloverleaf, Balintawak, Quezon City, Telepono Bilang 361-58-40

Isyu Bilang 5 Marso 2012

IPAGMALAKI NATIN ANG KRUS NA DINADALA! Father ang laki ng nilagay mong Krus sa noo ko! Ito ang sabi sa akin ng isang bata na hindi ko alam kung nagrereklamo ba o natutuwa sa kanyang tangan na krus na abo sa noo. Tiningnan ko, medyo malaki nga. Pero hindi naman nya binubura, parang pinagmamalaki pa nga niya. Dumi na hindi binubura, tinataglay at pinapakita. Hudyat na ng simula ng Kuwaresma. Paalala ng Krus na dinadala. Ang Krus ay pagsisisi: mahalagang pasanin tuwing Kuwaresma. Pinapaalala ang ating mga walang kabuluhang ginawa dahil sa kasalanan. Ang mga nagpadumi sa ating likas na mabuting dangal na dapat nating alalahanin at baguhin. Panawagan ito sa atin ng Sakramento ng Kumpisal, hindi lang para idiin tayo sa ating mga kahinaan kun di para muli nating matamasa ang ating taglay na kalakasan. Sa pagsisisi, sa biyaya ng pangungumpisal, tinuturuan natin ang isat isa na maipagdiwang ang Diyos nating mapagpatawad at kapayapaan ang hangad. Ipagmalaki natin ang hangad ng Panginoon sa atin na baguhin at palaguin ang ating karanasan. Ang Krus ay pag-aalay: mabuting hamon tuwing Kuwaresma. Ito ang madalas nating makalimutan sa tuwing tayo ay nagtitika at nag-aayuno. Madalas hindi tayo kumakain ng paborito o pinipigilan natin ang ating sarili sa walang kahulugan. Ito ang isa sa malalim na paliwanag. Nagpipigil ka ng iyong gusto para malinawan tayo sa mga pangangailangan ng ating kapwa. Sa tuwing nilalabag mo ang pang sarili mong nais, pinapalaya mo ang diwa mo sa pagtulong sa iba. Hinihinto mo ang sarap, ang saya, at ang mga ibat ibang hilig mo, para sama-sama tayong makapag-alay tulad ni Kristo. Si Kristo na hindi niligtas ang Kanyang sarili. Si Kristo na tinanyag ang pag-aalay para magkaroon ng makabuluhang buhay. Sa pag-aalay makikita natin lalo ang ating kapwang nangangailangang tunay. Ang krus ay panalangin: kaugaliang makapangyarihan tuwing Kuwaresma. Hindi madali ang magpigil ng sarili. Hindi madaling aminin ang ating pagiging marupok at mahina. Sa mundo nating ito ang nais ay magkanya-kanya, kalokohan ang mag-alay. Kung ano ang gusto mo, ikaw ang masusunod, walang makakapigil sa iyo. Pero, sa totoo hindi natin kaya ang lahat. May pipigil sa iyo. Manghihina ka rin.

BUTIL NG KAALAMAN

Ang unang uloy taglay ang lapastangang ngalan ng kapalaluan (pride) na inilalaban ang sarili sa bertud ng pananampalataya at binubuyo ang isang tao upang mag-alay ng pagsamba sa Diyos ng katwirang pangtao at pagkamataas, ng teknolohiya at pag-unlad. Ang ikalawang uloy taglay ang lapastangang ngalan ng pagnanasa na inilalaban ang sarili sa bertud ng pag-asa at binubuyo ang isang tao upang mag-alay ng pagsamba sa diyos ng sekswalidad at ng kahalayan. Ang ikatlong uloy taglay ang lapastangang ngalan ng kasakiman na inilalaban ang sarili sa bertud ng pagmamahal at ikinakalat sa lahat ng dako ang pagsamba sa diyos ng salapi. Ang ika-apat na uloy taglay ang lapastangang ngalan ng poot na inilalaban ang sarili sa bertud ng mabuting pasya at binubuyo ang isang tao na mag-alay ng pagsamba sa diyos ng alitan at pagkakahati-hati. Ang ikalimang uloy taglay ang lapastangang ngalan ng katamatan na inilalaban ang sarili sa bertud ng katibayan ng loob. Ikinakalat nito ang pagsamba ng idolo ng takot sa kaisipan pangmadla at ng pagsasamantala. Ang ika-anim na uloy taglay ang lapastangang ngalan inggit na inilalaban ang sarili sa bertud ng katarungan at binubuyo ang isang tao na mag-alay ng pagsamba sa idolo ng dahas at digmaan. Ang ikapitong uloy taglay ang lapastangang ngalan ng kasibaan na lumalaban sa bertud ng pagtitimpi at mahahantong ang isang nilalang na mag-alay ng pagsamba sa labis-labis na pinapupurihanng idolo ng hedonism, ng materyalismo at ng aliw. Sa utos na Igalang ang inyong ama at ang inyong ina, inihaharap nito ang isang bagong huwaran ng pamilya na nakasalig sa pakikiapid, maging sa pagitan ng mga homosekswal.

SOLI DEO GLORIA


Para sa mga nagnanais mag-ambag ng artikulo, magbigay ng mungkahi o puna, maaring maabot ang Youth Media Team sa pamamagitan ng mga sumusunod: e-Mail: sanjose.angmanggagawa@gmail.com
Facebook: http://faceboook.com/ sanjose.angmanggagawa Scribd (download): http://scribd.com/angmanggagawa

-ni Bro. Rey O. Uy

TINAPAY NG BUHAY

-ni Rev. Fr. Gilberto Fortunato II C. Dumlao

Tampok sa isyung ito:

Telepono: 361-58-40

...Sundan sa pahina 6 [Balitang BECs corner]

16 - Ang Manggagawa

tinapay ng buhay; parokyaman; sulokabataan; larawang buhay; balitang Basic Ecclesial Communities (BECs); katoliko 101; sangkapayapaan; sino sya?; ating abangan!; ating tandaan; kalusugan at kapaligiran; libanghelyo; tangkilikin natin; ulat pananalapi; butil ng kaalaman. IBAHAGI ANG EBANGHELYO, IPAMALITA SA BUONG MUNDO!!!

Ang Manggagawa -

May hangganan ang lakas natin. Kailangan natin ng panalangin. Dahil sa tuwing tayo ay nananalangin, sumisigla tayo. Bumabalik tayo sa pinagmulan ng lahat ng biyaya ng buhay. Umuugnay tayong muli sa hindi nagbabagong pagmamahal. Sa bawat dasal na iyong sasambitin, hinahayaan nating makapagpahinga tayo sa Kanya. Si Kristo ang ating sandigan, at sabi nga ng kanta: hindi tayo magigiba. Taglayin natin ang diwa ng Krus ngayong Kuwaresma. Magsisi sa ating kabuktutan. Mag-alay para sa mga nangangailangan. Manalangin para makisalo sa Kanyang kapangyarihan. Tinanggap na natin ang Krus na abo, pinapaalala sa ating muli ng Diyos na Siyay mapagpatawad, mapagbigay, at mapangunawa. Angkinin natin ito at ipahayag. Makilahok sa ibat ibang pagdiriwang. Pasanin ang Krus at mahalin natin si Hesus. Ito ang ating inaalala. Ipagmalaki natin ang Krus na ating dinadala!

PAROKYA NG SAN JOSE ANG MANGGAGAWA


Cloverleaf, Balintawak, Quezon City

KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PANANALAPI


CHURCH CONSTRUCTIONS Beginning Balance, 01/31/12 Add: Receipts (02/01/12-02/29/12) Total Available Cash on Hand and in Bank Less: Disbursements (02/01/12-02/29/12) Ending Balance, 02/29/12 CHILDRENS MINISTRY SCHOLARSHIP FUND Beginning Balance, 12/31/11 Add: Receipts (01/01/12-01/31/11) Total Available Cash on Hand and in Bank Less: Disbursements (01/01/12-01/31/12) Ending Balance, 01/31/12 KASAMA Beginning Balance, 12/31/11 Add: Receipts (01/01/12-01/31/11) Total Available Cash on Hand and in Bank Less: Disbursements (01/01/12-01/31/12) Ending Balance, 01/31/12 PARISH PASTORAL COUNCIL 55,703.35 10,045.20 65,748.55 8,513.95 57,234.60 39,170.00 58,500.00 97,670.00 48,500.00 49,170.00 962,728.80 177,643.97 1,140,372.77 156,330.50 984,042.27

Ang Manggagawa
Parish Priest Media Team

KASAMA
2nd Year Anniversary

Buwanang Paglilimbag ng Parokya ni San Jose ang Manggagawa Cloverleaf, Balintawak, Quezon City

: Rev. Fr. Gilberto Fortunato II C. Dumlao : Mark, Thin, Analisa, Mhei, Mary Grace, Aeron, Joy, Angel, Tsokoy, Irene, Mike, Clarissa, Public Affairs Ministry,
Family and Life Ministry, Youth Ministry, BEC, Worship Ministry, Education and Formation Ministry

Beginning Balance, 01/31/12 Add: Receipts (02/01/29-02/29/12) Total Available Cash on Hand and in Bank Less: Disbursements (02/01/12-02/29/12) Ending Balance, 02/29/12

55,703.35 10,045.20 65,748.55 8,513.95 57,234.60

2 - Ang Manggagawa

Ang Manggagawa - 15

PANANALAPI ULAT B. Carullo -ni Sis Hermie

Nais na ipaalam ng ating Parokya na ang KASAMA ang siyang pangunahing pinagkukunan ng pondo sa pagpapalimbag ng babasahing ito. Tinutustusan nito ang humigit kumulang na halagang P1,400.00 para sa mass reproduction ng ANG MANGGAGAWA sa bawat buwan. Kaugnay po nito, nais na mag-anyaya ang ating Parokya sa sino mang may butihing kalooban na mag-ambag sa pagpapalimbag sa nasabing babasahin o maging bahagi ng KASAMA upang lalo pa nating maipalaganap ang mga programa ng ating Parokya gayon din ang Salita ng Diyos at iba pang mga mahahalagang gawain ng Simbahan at maibahagi ito sa bawat isa. Maaaring maging sponsor ang sino man sa atin. Maging individual, BEC o mga Samahan sa ating Parokya upang maipagpatuloy natin ang mabuting simulain ng pagpapalaganap ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng isang uri ng media. Mga paraan ng pag-aambag:

EXECOM
03/20/12, 7 p.m.

Parish Pastoral Council


03/24/12, 2 p.m.

BEC Coordinators and Chapel Representatives Monthly Assembly


03/10/12, 2 p.m.

Worship Ministry
03/12/12, 7 p.m.

Childrens Ministry
03/04/12 at 03/18/12, 2 p.m.

Magdiriwang ang Tiples de San Jose ng kanilang ika-25 Taong Anibersaryo sa darating na ika-13 ng Mayo, 2012. Mangyari po lamang na magpatala ang lahat na naging bahagi ng nasabing samahan (members, sponsors, others) para sa gaganaping Grand Reunion. Makipag-ugnayan lamang po kina Sis. Carol L. Santos, Bro. Christian Jay-Ar Z. Ofrecio, Sis. Jonarisa P. Brusas o sa mga kasapi ng Samahan tuwing araw ng Linggo sa ganap na ika-4 ng hapon. Maaari rin pong tumawag sa telepono bilang 399-03-63 at hanapin si Bro. Ferdinand R. Marcelo (after office hours). www.facebook.com/tiplesdesanjose

Sama-sama nating ipinahayag sa pamamagitan ng pagbabasbas ng ating mga kandila na si Kristo ang liwanag ng ating buhay sa pamamagitan ng pagdiriwang ng kapistahan ng paghahain kay Hesus sa Templo. Masaya rin nating ipinagdiwang ang kaarawan ng ating mahal na Kura Paroko noong ika-4 ng Pebrero, 2012. Nagsama-sama ang lahat ng Samahan sa Simbahan at mga pamayanan upang ipadama ang mainit na pagmamahal sa mapagmahal na Pastol ng ating Parokya. Natuwa si Fr. Gilbert sa mga inihandang pagtatanghal at pagbati mula sa kanyang mga kaibigan, Mandated Organizations at mga Kapitbahayan sa bawat kawan. Nagkaroon din ng pagpapalalim ng ugnayan ng mga magsing-irog noong Araw ng mga Puso sa pamamagitan ng panalangin at pagbabasbas sa kanila. Ang Family and Life Ministry ay naghandog ng mga bulaklak sa mga kalalakihan upang ialay ang mga ito sa kanilang mga kapareha. Sabay sa pagsunog ng mga lumang palaspas ay ang huling pagsambit natin ng katagang aleluya sa Liturhiya sa huling araw ng karaniwang panahon at pagpapahid ng abo sa ating mga noo na tanda ng ating kaligtasan at pagpasok sa panahon ng Kuwaresma at paghahanda sa apatnapung araw at paghihintay sa muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesu Kristo. May naatasan ding ibat ibang pamilya na magbubukas ng liwanag ng kandila ng Koronang sagisag ng Kuwaresma. Magpatuloy tayo sa pagninilay sa mga hirap at pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesu Kristo at makibahagi sa galak at saya ng Kanyang tagumpay sa kamatayan. Ginanap din ang pagtitipon-tipon ng mga kinatawan ng bawat Ministries, Mandated Organizations at mga Kawan ng Parokya sa Villa Concordia, Sta. Maria, Bulacan sa pamamagitan ng Weekend Parish Renewal Experience at Evaluation sa mga gawain sa nakaraang taon. Naging matagumpay ang nasabing paghuhubog at pagbabalik tanaw sa mga nagawa ng bawat isa sa nagdaang taon. Nagkaroon ng maraming mga gawain at mga pagpapalalim sa ugnayan ng mga Samahan sa loob ng Simbahan at mga Kapitbahayan sa bawat Kawan tulad ng mga panayam na mayaman sa mga aral ng buhay bilang isang layko. Masayang masaya ang lahat dahil sa mga panayam at mga palaro na lalo pang nagpatingkad at nagpalalim sa ugnayan ng bawat isa. Marami ring nakilalang bagong mga kaibigan ang bawat isa at nangako ang lahat na sa pagbabalik sa ating Parokya, magiging lalong maalab ang paglilingkod at inaasahan ang pagiging isa sa diwa at damdamin sa mga programa at mga gawain na pinatutupad ng ating Kura Paroko ng Parokya ng San Jose ang Manggagawa sa pamamagitan ng Parish Pastoral Council.

Education and Formation Ministry


03/06/12, 7 p.m.

Sa iba pang mga katanungan mag-email sa: tax3t@yahoo.com

Music Ministry 03/11/12, 2 p.m.

Ang Ossuary Park ng Parokya ng San Jose ang Mangagawa ay naisaayos na: Sa mga nagnanais na magkaroon ng Ossuary Chamber, mangyari po lamang na makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Parokya o tumawag sa Telepono Bilang 361-58-40

KASAMA SUNDAY
MARCH 18, 2012

TANGKILIKIN NATIN!

Maging bahagi ng KASAMA. Ang regular na pag-aambag sa KASAMA ay malaki ang naitutulong upang maipagpatuloy ang mga programa ng Parokya kabilang na ang paglilimbag sa buwanang Isyu ng

ANG MANGGAGAWA;
Maaaring mag-sponsor sa nasabing buwan ang mga individual, BEC Kawan o mga samahan. Maaari ring maghatihati upang makalikom ng sapat na halaga sa pagpapalimbag at ibahagi ito sa KASAMA. Walang sino man ang maaaring tumanggap ng kahit anong halaga (sponsorship) maliban sa Tanggapan ng ating Parokya at KASAMA booth. Ipalagay po ito sa Account ng KASAMA. Salamat po! Sa iba pang mga katanungan, magsadya o tumawag sa Tanggapan ng ating Parokya.

MGA SAMAHAN (MOs) NA DADALO SA BUWANANG PAGHUHUBOG NA GINAGANAP SA DIOSESIS NG CUBAO:

Inaatasan ang mga nasabing samahan na magpadala ng kanilang kinatawan (1 sa bawat samahan) upang dumalo sa nasabing buwanang paghuhubog na ginaganap sa Lay Formation Center ng Diosesis ng Cubao, Lantana Street, Cubao, Quezon City sa darating na ika-24 ng Marso, 2012 sa ganap na ika-2 ng hapon. Para sa iba pang mga katanungan, magsadya o tumawag sa Tanggapan ng ating Parokya. Inaasahan po ang inyong pagdalo.

14 - Ang Manggagawa

Naki-isa rin si Fr. Gilbert sa lahat ng mga gawain at mga palaro na lalo pang nagpadama ang kanyang wagas na pakikibahagi sa damdamin ng bawat Parokyano. Ang Manggagawa - 3

PAROKYAMAN -ni Sis. Irene A. Santos

Apostolado ng Panalangin (AP); Greeters and Collectors Group (GCG); Cursillo Group (CG); Catholic Womens League (CWL); Missionary Couples of Mary for Christ (MCMC)

LIHAM
Habang walang ginagawa sa opisina at nakaka apat na oras na akong online sa Facebook at nagpapatugtog sa Youtube para libangin ang sarili, may isang video na sa loob ng anim na minuto at tatlumpot anim na segundo ay napaluha ako at kinailangan ko na ang tissue paper o panyo. Narito ang nilalaman ng sulat, medyo mahaba at sa unay katatamaran ninyong basahin pero alam kong hindi kayo magsisisi kahit na isugal ko pa ang cell phone, laptop at savings account ko.

Isa siyang Moabita. Biyuda at manugang ni Naomi. Hinikayat ng kanyang biyenan upang bumalik sa kanyang sariling bayan ngunit piniling manatili sa piling niya at niyakap ang bayan at Diyos ng Israel. BASAHIN: Ruth Kabanata 1 hanggang Kabanata 4

Sulat ni Nanay at Tatay


Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tainga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi! paki-ulit na lang ang sinabi mo o paki-sulat na lang. Pasensya ka na, anak, matanda na talaga ako. Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad. Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggat hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo. Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo. Pagpasensyahan mo sana kung madalas akoy masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pag tanda mo, maiintindihan mo rin. Kapag may kaunti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nagiisa, walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtitiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear. At kapag dumating ang sandali na akoy magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal, hindi na naman ako magtatagal. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan. At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa Kanya na pagpalain ka sana... dahil naging mapagmahal ka sa iyong amat ina... Nawa`y mahalin natin ang ating mga magulang. Sa oras na tayo ay nagagalit o naiinis sa kanila, ipikit lamang natin ang ating mata at bumalik sa nakaraan, kung saan ang paglalakad ay hindi pa natin alam, ang pagbibilang ay hindi pa natin maintindihan, ang bawat sugat at sakit na sila ang gumagamot, habang tayo`y pinagagalitan, sa bawat pagkakamali ay pilit tayong itinatama. Kahit ilang beses natin silang binabalewala, kahit ilang beses tayong nagsisinungaling sa kanila, kahit hindi natin sila inaalala at kahit ramdam na ramdam nila iyon, kahit kailan, hindi nila tayo iiwan at hindi nila tayo kayang iwan. Hanggang ngayon ay tumitimo pa rin sa aking isipan at damdamin ang mga katagang binitiwan sa sulat at naging inspirasyon ko naman para sumulat ng sagot na liham para kay nanay at tatay. ITUTULOY.. Ang Video na ito ay maaaring mapanood sa Youtube (http://www.youtube.com/watch?v=qi4GeVAwmxw). Ang liham na sulat ni nanay at tatay ay ginawa ni Fr. Ariel F. Robles, CWL Spiritual Director ng San Augustine Parish, Baliuag, Bulacan at binasa naman ni Bro. Jun Banaag ng DZMM.

SULOKABATAAN -ni Sis. Cristina B. Dipasupil

4 - Ang Manggagawa

SIMULA

Ang Manggagawa - 13

LIBANGHELYO

Sower Parish Evangelization School (SPES)

ATING TANDAAN!

MALIGAYANG KAARAWAN!!! -ni Sis. Marjorie B. Patriarca Ruffa Batimana / Royston John Rosas KASAMA SUNDAY (03/18/2012)
May booth na matatagpuan sa patio ng Simbahan at may mga manggagawa na maaaring sumagot sa bawat katanungan hinggil sa programang ito tuwing ikatlong lingo ng bawat buwan. Mangyari pong humingi ng membership form ang mga nagnanais na maging kasapi ng KASAMA. Sa iba pang katanungan, sumangguni sa Tanggapan ng Parokya.

VON VOYAGE!!!
Maraming salamat sa iyo

Sis. Hermie B. Carullo


sa iyong dakilang pagmamahal sa Parokya ng San Jose ang Manggagawa Naway patnubayan kayo ng dakilang Diyos at ng ating Patron na si San Jose sa bagong kabanata ng inyong buhay at pakikipagsapalaran sa ibang bansa MAHAL NAMIN KAYO!

Ang buwan ng Marso ay tinaguriang Buwan upang maka-iwas sa sunog sa bisa ng Presidential Proclamation No. 115-A na naglalayong palaganapin ang kamalayan upang maiwasan ang mga pinsala ng sunog sa buhay at ari-arian. Ang mga sumusunod ay maaaring maging kagawian upang maka-iwas sa sunog:

Ang Sower Parish Evangelization School (SPES) Choir ay nabuo sa pamamagitan ng mga nagsipag-tapos ng libreng pag-aaral sa nasabing paaralan ng Parokya at nagpasyang ipagpatuloy ang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa sa pamamagitan ng pakiki-isa at pakikibahagi sa pagdiriwang ng Banal na Misa tuwing araw ng Lunes sa ganap na ika-6 hanggang ika-7 ng gabi.

Alisin sa saksakan ang mga kagamitang de-kuryente sa tuwing aalis ng bahay. Huwag ding mag-iwan ng nakasinding kandila o lampara kung aalis ng bahay o matutulog. Ilayo ang mga bagay na may-apoy o mga madaling magliyab tulad ng gaas, kurtina at iba pa. Huwag din itong ilalapit sa mga bata o sa mga alagang hayop. Huwag maninigariyo sa mga sofa, kama o maging sa loob ng bahay. Huwag ding magtatabi ng mga bagay na madaling magliyab tulad ng gaas, gasoline, pintura at iba pang mga kemikal na madaling magliyab. Ilayo ang posporo o lighter sa mga bata. Huwag ding sisilaban o ilalagay sa apoy ang mga lumang baterya at mga botelya ng pabango at mga pamatay peste. Ipasuri ang instilasyon ng kuryente sa bahay sa isang lisensyadong Electrician. Palitan ang mga sirang kable, switch at fuse. Huwag lagyan ng piraso ng metal ang mga sirang fuse at huwag gumamit ng Jumper. Ipasuri ang electrical wiring ng sasakyan at laging magdala ng tubig at fire extinguisher. Huwag iiwan ang mga gawain tulad ng pagluluto at pagpaplantsa. Kapag nasilaban, huwag tumakbo at balutin ang katawan ng isang basing tela, dumapa at magpagulong-gulong na nakatakip ang mukha. Ugaliin din na laging may gamot bilang paunang lunas sa tahanan. Maglagay din ng mga importanteng Numero ng Telepono ng Bumbero, Pulis, Ambulansya at Ospital na madaling makita at matawagan. Ugaliing maging laging maingat sa lahat ng pagkakataon.

Bilang tinaguriang isang mananampalatayang Kristiyano na nagpapakumbaba, masunurin sa lahat ng mga utos at pananagutan sa Simbahan, gumagawa ng tama at madasalin sa lahat ng pagkakataon, ito ang Sower Parish Evangelization School (SPES) Choir ng ating Parokya na naglilingkod sa pinaka-mabisang paraan ng paghahandog ng papurit pasasalamat, pagpapakumbaba at pagtalima sa pamamagitan ng pag-awit sa Banal na Misa tuwing araw ng Lunes sa ganap na ika-6 hanggang ika-7 ng gabi. Ang panalangin ay isang mabisang kasangkapan ng sangkatauhan upang mag-bigay lugod at patuloy na makipag-ugnayan sa ating Manlilikha. Ang panalangin na nilapatan ng tinig ay higit na mabisang paraan ng pakikipag-usap at pakikipag-talastasan sa Diyos. Kung itoy ipinapahayag natin sa pamamagitan ng pag-awit, dalawa o higit pa ang bisa nito. Makapangyarihan ang musika at nababago nito ang maraming bagay tulad ng damdamin, sigla, sigasig, naisin, pananaw sa buhay at marami pang iba. Ang pagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng isang awit ay labis na nagbibigay lugod sa mahal nating Diyos. Higit itong mabisa kung itoy sa pamamagitan ng pag-awit sa Banal na Misa na itinuturing bilang pinaka-mataas na antas ng panalangin na nagbubuklod at nabubukod tangi sa lahat ng pagdiriwang ng mga Sakramento. Ang SPES Choir ay pinamumunuan ni Bro. (Atty.) Tony E. Hate bilang Pangulo, Sis. Violeta Malabanan at Sis. Francesca Calivo bilang mga Ikalawang Pangulo, Sis. Gerlinda J. Gacer bilang Kalihim, Sis. Jeana Hermogenes bilang Ikalawang Kalihim, Bro. Emmanuel N. Pascual bilang IngatYaman, Sis. Marilou D. Pascual bilang Ikalawang Ingat-Yaman, Sis. Erlinda Torre bilang Auditor, Bro. (Engr.) Antonio Gelua bilang Ikalawang Auditor, Sis. Norma Macayayong bilang P.R.O., Sis. Rita N. Salipuran bilang Ikalawang P.R.O., Sis. Marina Lamamigo at Bro. Jerome Halique bilang mga Sgt. At Arms. Sina Sis. Cheryl Condalor, Sis. Maribel Abes, Sis. Julieta P. Dizo, Sis. Myra Pauline Zinampan, Sis. Mely Alcantara at Sis. Claire Buenviaje naman ay ang mga masigasig, masisipag, mapagpakumbaba at masunuring mga kasapi ng nasabing Koro. Sila ang bumubuo ng Sower Parish Evangelization School Choir o mas kilala bilang SPES Choir.

KALUSUGAN AT KAPALIGIRAN

-ni Sis. Cristina B. Dipasupil

12 - Ang Manggagawa

Ang Manggagawa - 5

LARAWANG BUHAY

-ni Bro. (Atty.) Tony E. Hate

ANG MGA HANGARIN NG BECs

BALITANG Basic Ecclesial Communities (BECs)

Inihayag ni Bro. Rey O. Uy ang kanyang hangarin sa bawat pamayanan sa nasasakupan ng ating Parokya. Bilang pastol at namumuno sa Kapitbahayan, nais niyang magkaroon ng maraming paghuhubog na gaganapin sa ibat ibang dako ng ating Parokya sa pakikipagtulungan ng Family and Life Ministry, Worship Ministry at ng Education and Formation Ministry upang lalo pang mapalalim ang pananampalataya ng mga Kristiyanong Katoliko sa ating pamayanan. Iminungkahi rin niyang magkaroon ng mga paghuhubog para sa mga kinatawan ng Basic Ecclesial Communities sa bawat Kawan partikular na sa bawat haligi ng tahanan. Nais na makapili ng ating Parokya ng mga ama ng tahanan na gaganap bilang mga Apostol ng ating Panginoong Hesu Kristo sa pakikiisa sa mga pagdiriwang sa panahon ng Kuwaresma. Ang pagiging Apostol ay hindi nagtatapos sa muling pagkabuhay na muli ng ating Panginoong Hesu Kristo. Sila ay gaganap din sa ibat ibang mga gawain sa loob at sa labas ng ating Parokya. Magkakaroon din ng iba pang mga paghuhubog, mga libangan mga pag-aaral sa ibat ibang aspeto tulad ng kabuhayan, kalikasan at iba pang mga mahahalagang sangkap sa ating buhay na patuloy na pag-aaralan at yayakapin upang mapalago ang ating buhay. Layunin din nito ang maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Kristiyano at magabayan ang bawat isa sa tamang landasin ng kabanalan at pakikiisang puso at damdamin kay Kristo. Sinisimulan na ang bagong yugto ng makabagong pamumuhay sa bawat pamayanan tulad ng pagsasama-sama at pakikisalamuha ng mga unang Kristiyano matapos na muling mabuhay at umakyat sa langit ang ating Panginoong Hesu Kristo. Ganito rin ang magiging tema ng mga paghuhubog at pamumuhay sa bawat Mumunting Kristiyanong Pamayanan (MKK) sa nalalapit na bukas. Sama-sama nating isabuhay ang Ebanghelyo ng buhay sapagkat si Kristo ang tunay na Ebanghelyo at ating gabay sa ating paglalakbay patungo sa kaganapan ng ating pagkatao.
mula sa pahina 16 [Butil ng kaalaman]
Sa utos na Huwag kayong gumawa ng mahalay na bagay, ito ay nagbibigay katwiran, itinatampok at ikinakalat ang bawat anyo ng kahalayan, maging sa pagbibigay katwiran sa mga akto laban sa kalikasan. Sa utos na Huwag kang pumatay, ito ay nagtatagumpay na gawing legal ang aborsyon sa lahat ng dako, na gawing kanais-nais ang Eutanasya at sa halos paglaho ng paggalang na nauukol sa halaga ng buhay ng tao. Sa utos na Huwag kang magnakaw, ito ay kumikilos na tunguhin ang pagnanakaw, karahasan, pagdukot at panloloob ay kumakalat nang lalot lalo. Sa utos na Huwag kang magsisinungaling, ito ay kumikilos sa isang tanging paraan na ang batas ng panlilinlang, pagsisinungaling at pagdadalawang mukha ay nagiging lalot lalong ikinakalat. Sa utos na Huwag kang magnasa ng mga pag-aari at ng asawa ng iba, ay kumikilos upang mapasama sa kaibuturan ng budhi, ipinagkakanulo ang isip at ang puso ng tao. Sa ganitong paraan, ang mga kaluluway natatangay sa lihis at masamang lansangan ng pagsuway sa mga batas ng Panginoon. Nagiging lublob sa pagkakasala at sa gayon, ay napipigil sa pagtanggap ng biyaya at ng buhay ng Diyos. May pitong ulo ang itim na halimaw at sa bawat ulo nito ay nakatitik ang isang lapastangang pangalan. Bawat balangay na Masonikoy angkin ang takdang-gawain na gawin ang isang naiibang bathala. May isa pang halimaw na lumitaw na nanggaling sa lupa na may dalawang sungay na gaya ng sa tupa at nagsasalita naman gaya ng dragon.

GOSPEL READINGS: 03/04 Mark 9:2-10 03/11 John 2:13-25 03/18 John 3:14-21 03/25 John 12:20-33

MGA GAWAIN NGAYONG MARSO 2 16 - 18 19 - Unang Biyernes / Banal na Oras / PAKISAMA - Triduum ng panalangin para sa dakilang Kapistahan ni San Jose, Esposo ni Sta. Maria - Dakilang Kapistahan ni San Jose, Esposo ng Birheng Maria - 5th Sacerdotal Anniversary ni Rev. Fr. Gilberto Fortunato II C. Dumlao 26 - Dakilang Kapistahan ng pagpapahayag sa Panginoon PARISH LENTEN ACTIVITIES Ika-23 ng Marso, Biyernes - Kumpisalang Bayan sa ganap na ika-7 ng gabi 2-4 ng Abril, Lenten Recollection sa Immaculate Concepcion Parish, Damar Village, Sgt. Rivera, Q.C. 2012 HOLY WEEK Ika-1 ng Abril, Linggo ng Palaspas (Palm Procession: 1st Stn. Pineda; 2nd Stn. Marvex; 3rd Stn. Villanueva; 4th Stn. St Joseph the Worker [Banal na Misa] Banal na Misa sa ika 2-4 ng Abril sa ganap na ika-6 ng umaga at ika-6 ng gabi. Ika-4 ng Abril, Stn of the Cross na gaganapin sa Tibagan. Ika-5 ng Abril, Chrism Mass sa Immaculate Concepcion Cathedral; Easter Triduum:-Washing of the feet; transfer of the blessed; Sacrament to the Altar of repose; adoration of the blessed; Sacrament at Visita Iglesia [bukas ang Simbahan hanggang ika-12 ng hating-gabi] BIYERNES SANTO (Ika-6 ng Abril, 2012)

Pitong Huling Wika na gaganapin sa ika-12 ng tanghali Celebration of the Lords Passion

-ni Bro. Ferdinand R. Marcelo

Liturgy of the Word Veneration of the Cross

Holy Communion Procession of Sto. Entierro HOLY SATURDAY (Ika-7 ng Abril, 2012) EASTER VIGIL i. iii. Service of Light Renewal of Baptismal Vows ii. iv. Liturgy of the Word LITURGY OF THE EUCHARIST

Abagan sa susunod na Isyu ng ANG MANGGAGAWA

6 - Ang Manggagawa

Ang Manggagawa - 11

ATING ABANGAN! -ni Sis. Irene A. Santos

Parish Station of the Cross (Magsisimula sa Nipas Drive patungo sa Leland Drive, Teachers Bliss pabalik at magtatapos sa Salazar Drive), sa ganap na ika-7 ng umaga.

Ang pagiging misyonero ay isa sa mga pangunahing tungkulin ng Simbahan upang maibahagi ang Salita ng Diyos at maipahayag ang Ebanghelyo sa lahat ng panig ng mundo. Maraming misyonero ang Simbahan na ipinadala ng Diyos sa bawat sambayanan at marami sa kanila ang napabilang sa mga Santo, Martir at mga banal dahil sa kanilang pagtalima sa utos at turo ng ating Panginoong Hesu Kristo sa pamamagitan ng Simbahan. Isang tanyag na misyonero ang tampok natin sa buwang ito. Siya ay tinaguriang Apostle of Ireland na ipinanganak sa pagitan ng taong 432 at 456. Ang kanyang ama ay isang RomanoBriton na nanunungkulan sa pamahalaan sa kanilang bansa at ang kanyang ina naman ay isang deboto sa pagka-Kristiyano. Lumaki siya sa Englatera at natutunan niya ang maraming bagay tungkol sa ating pananampalataya. Isa sa pinakamagandang kwento ng kanyang buhay ay ang kanyang pagtaboy sa mga ahas palabas ng Bansang Ireland. Ang Ireland ay isang bansang pagano sa kanyang kapanahunan na tinatawag ding druid. Ang simbulo ng kanilang pananampalataya ay ahas. Bilang bahagi ng kanilang mga ritwal, nagsusunog sila sa kanilang bayan. Noong siya ay nasa ika-16 na taong gulang, dinukot siya ng mga pirata at ginawang alipin sa loob ng anim na taon. Siya ay nakatakas at nagbalik sa kanyang bansa at kalaunan ay naging isang ganap na Paring Katoliko at nahirang bilang Obispo. Isang gabi habang siya ay mahimbing sa kanyang pagkakatulog ay nagpakita sa kanya ang Panginoon sa pamamagitan ng panaginip. Pinababalik siya ng Panginoong Hesu Kristo sa bansang Ireland upang doon ipagpatuloy ang kanyang bokasyon at palaganapin ang misyon. Agad din niyang sinunod ang pinaguutos ng Panginoon at nagbalik sa bansang Ireland. Pinalaganap niya ang relihiyong Katoliko sa kanyang pagmimisyon at kalaunan ay naging bansang Katoliko ang Ireland. Maraming mga tao sa paganong daigdig ang nakakilala kay Kristo sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Salita ng Diyos at pagsasabuhay ng Ebanghelyo. Nahirang bilang Santo dahil sa kanyang angking kabanalan. Isinabuhay ang pag-ibig ni Kristo at ipinamalita sa buong mundo ang dakilang pag-ibig ng Diyos para sa tao.
Sino siya? Abangan ang kasagutan sa susunod na Isyu ng

Pag-aayuno at Abstinensiya: Tradisyonal na Doktrina ng Simbahang Katoliko Isang tradisyon ng Simbahang Katoliko Romano ang pagsisisi, pagtalikod sa kasalanan at pagbabalik loob sa Diyos na may kaakibat na pagbabayad o penance upang ang isang Katoliko ay magkaroon ng lakas upang makasunod sa mga aral at maligtas(Acts.2:38). Mismo ang Panginoong Hesus ang nagsabi, mag-aayuno ang mga dsipulo kung siya ay wala na(Lk.5:35) Samakatuwid, ang pangkalahatang batas ng pagbabayad sa mga kasalanan ay maliwanag na hinihingi ng Diyos sa tao. Ayon sa Canon 1250-1253, sa panahon ng kuwaresma mula ash Wednesday hanggang Sabado de Gloria, ang Simbahan ay nagtatalaga ng mga araw ng pagbabayad sa kasalanan o penance. Ito ay pakikibahagi sa krus na pinagdaanan ng Panginoon para sa katubusan ng ating mga kasalanan. At ang Canonical na anyo nito ay fasting o pagaayuno at abstinence o pagliban sa pagkain ng karne. Ang pag-aayuno ay dapat gawin sa Ash Wednesday at Biyernes Santo ng mga Katolikong may 18- 60 taong gulang. Ito ay pagkain ng isang beses lamang sa isang araw, at kaunting pagkain sa dalawang natitirang meals. Hindi pinahihintulutan ang merienda, maliban sa mga inumin tulad ng gatas at juice. Ang mga maysakit, nagdadalang-tao, mga manggagawa na may mabigat na trabaho na lumalampas sa 9 na oras, mga pulis, security guard, doctor, nurses on duty. Sa halip, inaanyayahan ang mga ito na maghain ng kanilang mga sakit at hirap bilang kapalit ng pag-aayuno. Sa kabilang dako, ang abstinence ay hindi pagkain ng karne sa lahat ng BIyernes maliban sa mga araw ng Biyernes na tumapat sa pagdiriwang ng mga Solemnities, halimbaway Immaculate Conception. Bagamat bawal ang pagkain ng karne, maaari naman ang pagkain ng itlog, gatas at mga katulad na pagkain. Ang batas na ito ng Canon ay ipinatutupad sa mga 14 na taong gulang pataas. Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines, exempted rin ang mga nabanggit sa itaas. Maliban sa Ash Wednesday at Biyernes Santo, maaaring ipalit sa abstinence ang paggawa ng mabubuting bagay, tulad ng pagtulong sa mahihirap at sa mga maysakit at nakapiit, pagbisita sa Banal na Sakramento, pagdarasal ng Santo Rosaryo, atbp. Sa katapusan, ang buhay at pag-ibig ay hindi laman kung ano ang ipinagbabawal at pinahihintulutan ng ating Pananampalataya. Ang mas mahalaga ay ang mga gawaing ito ay nakapagpapalapit sa atin sa Panginoon. Mga kapatid tanungin natin an gating sarili ano ang makapag-iisa sa atin sa Diyos at ating Ama? Hindi ito matutugunan ng batas ng Canon ang sagot ay nasa puso ng bawat isa. Pagpalain po tayo ng Panginoon.
Halaw sa Panulat ni Rev. Fr. Reginaldo M. Mananzan, SJ and PhJesuits.org Isinalin sa Tagalog ni Sis Vivian Capili

SINO SYA?

-ni Sis. Clarissa B. Patriarca

ANG MANGGAGAWA.
Tampok sa nakaraang Isyu: (Isyu Bilang 4 Pebrero, 2012)

San Juan Bosco

10 - Ang Manggagawa

Ang Manggagawa - 7

KATOLIKO 101

-ni Sis. Vivian V. Capili

ASNO
May isang matandang binata ang naninirahan sa malayong parang at pagsasaka ang kanyang ikinabubuhay. Siya ay may alagang ibat ibang uri ng hayop kabilang na ang bisirong Asnong inihandog sa kanya ng kanyang kaibigan sa kanyang kaarawan matagal na ang panahon ang nakalilipas. Inalagaan niya ang Asnong ito sa mahabang panahon hanggang sa isang araw ay nagising na lamang siya nang marinig niya ang iyak nito. Agad niyang tinunton ang kinaroroonan ng tinig at natagpuan niya ito na nahulog sa lumang balon sa kanyang bakuran. Dali-dali niyang tinawag ang kanyang mga kapitbahay upang iligtas ang kanyang alaga ngunit nang magawa na nila ang lahat na pwede nilang magawa, nanatili pa rin ang kawawang Asno sa ilalim ng lumang balon. Lubhang mabigat ang Asno at napipigtas ang pising itinali sa kanyang katawan sa tuwing kanilang tinatangkang hilahin at iangat ang pobreng Asno. Nang wala na silang magawang iba pang paraaan, napag-isipan na lamang ng matandang binata na matanda na naman ang Asno at kinakailangan na rin namang takpan ang lumang balon kung kayat minarapat niyang mapagpasiyahan na tabunan na lamang ang lumang balon. Kinuha ng mga kapitbahay ang kanilang mga basura mula sa sarili nilang bakuran at tinapon sa lumang balon. Kumuha rin sila ng mga lupa at putik at inihagis sa kinaroroonan ng kaawa-awang Asno. Noong unay naririnig pa nila ang iyak nito ngunit nang kalaunan ay tumahimik na ito sa kanyang pagiyak. Ano nga kaya ang nangyari sa Asno? Ganoon na lamang ang kanilang pagkabigla nang makita nilang umahon ang Asno sa lumang balon. Buhay ang alaga ng matandang binata. Paano nga kaya nangyaring siyay nakaligtas sa ilalim ng balon sa kabila ng pagtapon ng mga basura, dumi at putik ng mga kapitbahay? Sa bawat basura at duming tumatama sa kanyang katawan ay siya rin namang pag-wasiwas nito sa kanyang likuran at wari bang nililinis ng kanyang buntot ang mga natitirang alikabok, dumi at basura na dumidikit sa kanyang katawan kung kayat ang duming dapat sanang maglulugmok sa kanya sa balon ng kapahamakan ay siya rin namang duming kanyang inapakan at nagamit na kasangkapan upang makaahon sa balon ng tiyak na kamatayan. Sa ating buhay, tayo man ay may mga sariling balon na kinasasadlakan. Nariyan din ang ating kapwa na patuloy sa pagtapon sa atin ng mga dumi, putik at kalat ng mundo. Ano nga kaya ang ating nagiging tugon sa bawat pag-dampi ng dumi sa ating pagkatao? Tayo ba ay tulad ng Asno na ginamit ang mga bagay na ito upang maging daan ng kaligtasan o hinahayaan nating malugmok na lamang tayo sa ating mga sariling balon ng poot, galit, sama ng loob at walang katuturang paghihiganti? Hinahayaan na lamang ba natin na manatili tayo sa kasalukuyang kalagayang kinasasadlakan? Paano ba nakakatulong ang pagpuna sa atin ng ating kapwa? Paano ba ito nagiging daan ng ating ganap at makabuluhang pagbabago? Sinabi ni San Gregorio, veritas parit odium na ang ibig sabihin ay masakit ang katotohanan at ang katotohan kung minsan ay naglulugmok sa atin sa kalagayan upang tayo ay magalit sa taong nagpahayag sa atin ng katotohanan. Kadalasan, ang taong nagmamahal ay nagsasabi sa atin kung ano ang tama at mabuti para sa kanyang minamahal, makasakit man ito ng damdamin sa taong nais niya ng ganap at mabuting pagbabago sa kanyang pagkatao. Naranasan na ba nating

masaktan? Naranasan na ba nating masugatan, mapaso o matibo? Naitanong na ba natin sa ating mga sarili kung bakit ba kinakailangan nating maramdaman ang mga ito gayong maaari rin naman tayong likhain ng Diyos na walang pakiramdam? Bakit nga kaya tayo may pandama? Hindi nga bat isa itong biyaya? Naitanong mo na rin ba sa iyong sarili na paano nga kaya kung ikaw ay walang pandama? Paano nga kaya kung ikaw ay madikit sa isang mainit na bagay at hindi mo ito nararamdaman? O kung sa iyong paghihiwa ng mga sangkap sa pagluluto ay tamaan ang iyong mga daliri o ang iyong kamay? Hindi nga bat biyaya na ikaw ay masaktan upang mabigyang babala at maiwasan ang higit na kapahamakan? Ang sakit na nararamdaman, maging ito man ay sa ating katawan o sa ating kalooban ay isang biyaya ng Diyos upang ipahatid sa atin ang Kanyang banal na mensahe. Isa itong lengwahe ng ating katawan at ng kaluluwa. Naipapahatid ng mga sanggol ang kanilang mensahe sa kanilang mga magulang kung sila ay nagugutom, kailangan nang paliguan o may masakit sa kanilang katawan sa pamamagitan ng pag-iyak. Sinasabi rin ng ating katawan na tayo ay nagugutom o napapagod at kinakailangan nang kumain o magpahinga sa pamamagitan ng pag-kalam ng ating sikmura, pagkahilo o pagka-antok. Nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng ating pakiramdam at dapat natin itong ipagpasalamat sa Kanya dahil binibigyan Niya tayo ng mga babala upang hindi tayo mapahamak at labis na mapinsala. Ang pagbatikos ng kapwa ay isa ring mensahe mula sa Diyos na dakila. Madaling nauunawaan ng mga taong may malalim na ugnayan sa Diyos ang ganitong mga pangyayari sa buhay. Sa kanilang kababaangloob at pagtanggap kung ano ang tama, patuloy nilang binabago ang sarili nilang pagkasira upang maging karapat-dapat na humarap sa ating Manlilikha. Pinapalagpas na lamang ang mga paninira ngunit ginagawa namang tama ang kapwa sa pamamagitan ng maayos na pag-puna at nangungusap nang may kababaangloob upang kahit ang kapwa ay maging malugod sa harap ng Diyos na dakila. Halina mga kapatid, sama-sama nating suriin ang ating pagkatao at ialay ang lahat ng bagay sa ating buhay para kay Kristo. Ang panahon ng Kwaresma ay isang biyaya. Binibigyan tayo ng panahon at pagkakataon upang suriin, sariwain at mapagnilayan ang ating buong pagkatao. May mga natatanging gawain sa panahong ito tulad ng pagpipigil sa mga bagay na nakagawian na tulad ng pagkain, libangan at iba pang mga bagay na karaniwan nang nakagigiliwan. Layunin ng panahon ng Kwaresma ay ang ipaalala sa atin na kailangan din nating suriin at bigyan natin ng pansin ang ating mga sarili. Maaaring napapagod na rin ang ating mga katawan sa mga kaabalahan ng mundo tulad ng sobrang pagkain, libangan, walang katuturang pagpupuyat, mga masasamang bisyo at marami pang iba na nagpapahirap sa ating katawan, emosyonal at higit sa lahat, hinahayaan tayo ng Diyos na bigyan natin ng pansin ang ating mga sariling kaluluwa. Maraming mahahalagang aral ang Kuwaresma sa ating buhay at kinakailangan nating hayaan ang Diyos na baguhin at linisin tayo sa ating mga pagkakasalat pagkukulang sa Kanya at sa ating kapwa. Manalig tayo sa Diyos na dakila. Siya ang higit na nakakaalam sapagkat siya ang May-Akda ng ating buhay. Hayaan natin Siyang maghari sa buhay ng bawat isa upang mapanibago Niya ang ating mga kaluluwa. Mahalaga ang Kuwaresma, ngunit higit kang mahalaga sa paningin ng Diyos na nagmamahal twina. Ano-ano ang balon ng iyong pagkatao? Sino ang asno sa buhay mo? Paano mo tinatama ang kamalian ng iyong kapwa? Paano mo hinaharap ang mga pagbatikos at pagpuna sa iyong pagkatao? (Inaanyayahan ang lahat na magmasid sa kapaligiran. Sa maraming simpleng bagay, hanapin ang kahulugan ng buhay. Sa susunod na Isyu ng ANG MANGGAGAWA na tampok sa SANGKAPAYAPAAN: Palayok)

SANGKAPAYAPAAN

-ni Bro. Ferdinand R. Marcelo

8 - Ang Manggagawa

Ang Manggagawa - 9

You might also like