Bookbind Research Paper

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 42

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

Kabanata 1

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Introduksiyon Walang Pilipino, lalung-lalo nang walang mga kabataan ang hindi nakakikilala sa Facebook. Ang Facebook ay isang social networking site kung saan ikaw ay maaaring makipagkilala at makipaghalubilo sa mga taong matagal mo ng hindi nakikita o kaya nama'y taong hindi mo pa nakikilala onlayn. Maaari ka ring magpahayag dito ng iyong naiisip at nararamdaman sa pamamagitan ng posts or statuses, magpadala ng mensahe, maglaro, mag-upload ng mga litrato at videos at makipag chat. Halos lahat ng mga Pilipino ay may Facebook account, at hindi natin maikakaila ang malaking impluwensiyang naidudulot nito sa mga kabataan. Dahil sa malawak na paggamit nito, maraming taong nagkalayu-layo ang napagbuklod; mga taong hindi magkakilala ang napagtagpo; at napakarami na aktibidades at katuwaan ang nagagawa ng mga gumagamit nito habang nakikipag-interak sa iba pang mga tao. Sa mga nabanggit na features ng Facebook, may mga Sosyolohikal at Sikolohikal itong mga epekto sa mga gumagamit nito. Sosyolohikal, sa kadahilanang maaari itong makaapekto sa relasyon ng tao, at Sikolohilal dahil

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

maaari itong magdulot ng mga pagbabago sa takbo ng pag- iisip ng tao. Ang pag-aaral ng Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook sa Relasyon ng mga Mag-aaral ng Unang Taon sa Kolehiyo ng Edukasyon. Nais naming matukoy ang siyang ispesipikong dahilan kung bakit nagbunga ng hindi pagkakaunawaan sa mga mag-aaral na ito ang paggamit ng Facebook sa pagpapahayag ng mga naiisip at nararamdaman ng mga estudyanteng kabilang sa grupong nabanggit.

Sanligan ng Pag- aaral

Si Mark Zuckerberg na isang mag-aaral ng Harvard, ang orihinal na gumawa ng Facebook. Ang paglikha niya nito ay isa lamang sa kanyang mga makabuluhang libangan na siya namang sinuportahang pinansyal ni Eduardo Saverin. Ilang buwan ang nakalipas ay kumalat ang impormasyon tungkol sa social network na ito. Una sa buong Harvard, sumunod ay sa Stanford at Yale. Sina Dustin Moskovits at Chris Hughes ang tumulong sa kanya upang lalo pang maipalaganap sa marami ang social network na ito. Nang makilala ang facebook bilang National Student Phenomenon, nilisan ni Zuckerberg at Moskovits ang Harvard upang bigyan ng kaukulang atensyon at lalong pagyamanin ang nasimulang gawain. Noong Agosto 2005 nang opisyal na tawagin ang social network na ito bilang Facebook. Ang facebook.com ay nabili o binayaran sa halagang $200,000 na naiulat.

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

Hindi kagaya ng ibang kakumpitensya, ang Facebook ay hindi maaring gamitin ng lahat kaya mababa lamang ang bilang ng mga taong gumagamit nito. Upang makagamit ng Facebook ay, ang isang indibidwal ay kinakailangang miyembro ng isa sa mga 30,000+ na kinikilalang paaralan, kolehiyo,

unibersidad, organisasyon at mga kumpanya sa loob ng US, Canada at iba pang mga taong gumagamit ng wikang Ingles. Kagaya ng ibang mga social network, ang Facebook ay nilikha kung saan maaring ilagay ng mga gumagamit ang kanilang personal na impormasyong kagaya ng kasarian, tirahan, estado ng relasyon, ibat ibang aktibidades, mga paboritong kanta, palabas, mga libro at ang paaralan kung saan ka nakapagaaral at nag-aaral hanggang sa ngayon pati na rin ang iyong personal na litrato. Ang paglalagay ng mga ito ay hindi sapilitan pagkat ito ay opsyunal lamang. Makatutulong ang paglalagay ng ilang mahalagang impormasyon tungkol sa iyong pagkatao sapagkat ito ang magiging basehan ng isang tao upang ikay kanyang makilala at kayoy magkaroon ng koneksyon sa isat isa. Ngayon, ang Facebook ay laganap na sa buong mundo. Anumang uri ng tao ay maaring gumamit nito. Naging maimpluwensya ito sa marami. Dahil dito, ang Facebook ay naitalaga bilang panlabing-anim sa pinakasikat na websayt sa internet sa buong Estados Unidos sa bilang na 34 milyong bumibisita sa buwan ng Enero noong taong 2008. Noong Disyembre 2009, umangat ang rango nito mula panlabing-anim ay naging panlabing-tatlo dahil sa patuloy na pagtaas ng mga taong bumibisita sa websayt na ito na may bilang na 98 milyon. Noong Marso 2008, naiulat na ang Facebook ay mayroon ng 67 milyong aktibong

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

gumagamit na halos lagpas kalahati sa mga ito ay araw-araw na naglalaan ng 20 minuto sa paggamit ng Facebook. Nagtagumpay sina Mark Zuckerberg, Dustin Moskovits at Chris Hughes sapagkat ang Facebook ay kinikilala ngayon bilang pinakamalaki at

pinakatinatangkilik ng marami sa internet sa buong mundo.

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na alamin ang Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook sa Relasyon ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Edukasyon. 1. Anu-ano ang mga positibong epekto nito sa relasyon ng mga magaaral? 2. Anu-ano ang mga negatibong epekto nito sa relasyon ng mga magaaral? 3. Anu-ano ang mga positibong epekto nito sa sikolohikal na aspeto ng mag-aaral? 4. Anu-ano ang mga negatibong epekto nito sa sikolohikal na aspeto ng mag-aaral?

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang kasalukuyang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang datos at impormasyon upang makuha ang Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook sa Relasyon ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Edukasyon. Sa mga mag-aaral na may Facebook account- Ito ay makatutulong sa kanila upang maiwasan ang pagpapaskil ng mga bagay na maaaring makasama sa relasyon nila sa ibang tao at makasama sa sikolohikal na aspeto ng kanilang pangangatawan. Sa mga Magulang- Makatutulong ito sa kanila upang lalong maunawaan ang kanilang mga anak at kung maaari ay mabigyan nila ng solusyon ang mga anak nilang naaapektuhan ng Facebook. Sa mga Guro- Makatutulong ito upang mabatid nila ang mga epekto ng Facebook upang sa gayon ay kanilang matugunan ng pansin ang mga posibilidad na gawaing makakasama sa kanilang mga mag-aaral na makakasama sa performans nito sa paaralan.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa para malaman ang Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at Posts sa Facebook sa mga Mag-aral sa Unang Taon sa College of Education 2010-2011 ng Technological Institute of the Philippines. Ang mga respondente ng pag-aaral ay mga mag-aaral ng ED12FA1,

ED12FA2 at SPED12FA1 na may 20 na lalaki at 81 na babaeng kumukuha ng Bachelor of Secondary Education Major in English, Math at Physical Science at Bachelor of Elementary Education Major in Special Education. Titignan kung may kinalaman ang mga statuses at posts sa Facebook sa kanilang sikolohikal at sosyolohikal na mga gawain.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano gagamitin ang bawat isa sa pamanahongpapel na ito: Comment- ay isa sa mga bahagi ng post sa Facebook na binibigyang karapatan ang lahat ng makakikita o makababasa na magsulat ng kanilang personal na komento.

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

Facebook- ito ay isang social networking websayt na pribadong pag-aari ng Facebook, Inc. na dinisenyo noong Pebrero, 2004 para sa kahit sinong indibidwal na may edad 13 pataas na interesado sa social networking. Freedom of Expression- ito ay tumutukoy sa malayang pamamahayag ng damdamin ng indibidwal. Like/Unlike- ito ay isa sa mga bahagi ng post sa Facebook na binibigyan ng karapatan ang mga makakikita o makababasa ng naturang post na pindutin ang "Like" kapag ito'y kanyang nagustuhan at "Unlike" kapag ito'y hindi nagustuhan. News Feed- ito ay ang sentrong bahagi ng paunang pahina sa Facebook na tinatawag na "home page". Ito ay patuloy sa pagtala ng mga bagong posts, statuses, pangyayari o kwento ng mga kaibigan ng may-ari ng Facebook Account at ng kanyang mga pahinang ni-Like o sinusubaybayan. Notes- ito ay unang ipinakilala sa Facebook noong ika-22 ng Agosto, 2006 na inihahalintulad sa "blog", sapagkat dito'y maaaring sabihin ng may-ari ng Facebook Account ang lahat ng nais niyang iparating sa kanyang mga mambabasa. Maaari itong maging isang anyo ng talaarawan, tula, kanta, script o dayalogo at iba pa. Posts- ito ay tumutukoy sa kahit anong ibinabahagi ng Facebook User sa kanyang mga kaibigan sa kanyang Facebook Account tulad ng mensahe, larawan, videos, at iba pa na maaaring makita o mabasa sa Wall o sa News Feed.

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

Profile- ito ay tumutukoy sa bahagi ng Facebook na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa nagmamay-ari ng Facebook Account. Nasa bahaging ito makikita ang mga larawan, videos, mga posts at statuses, mga hilig at paborito ng may-ari. Sikolohikal na Epekto- ito ay tumutukoy sa mga epekto ng paggamit ng Facebook sa paraan ng pag-iisip at sa paghubog ng emosyon ng indibidwal na gumagamit nito, na may kinalaman sa kanyang mental at emosyonal na mga gawain. Sosyolohikal na Epekto- ito ay tumutukoy sa mga epekto ng paggamit ng Facebook sa sosyal na pamumuhay o pakikisalamuha ng indibidwal na gumagamit nito, na may kinalaman sa paghubog ng kaniyang atityud at kaugalian. Social Network- ito ay isang institusyon na binubuo ng mga tao o organisasyong binubuklod ng kanilang iisang layunin sa pakikisalamuha sa iba, tulad ng pakikipagkaibigan para sa mga kabataan, pakikipag-negosasyon para mga negosyante, pakikipag-ugnayan sa kasalungat na kasarian para sa mga naghahanap ng mangingibig at iba pa. Social Networking- ito ay tawag sa pagpapalawak ng koneksyon o ugnayan ng isang tao sa ibang mga tao sa iba't ibang lugar na ngayo'y madali na sa pamamagitan ng paggamit ng mga Social Networking Websites tulad ng Facebook, Friendster, Twitter at iba pa.

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

10

Status- ito ay isa sa mga itinatampok na bahagi ng Facebook na tumutukoy sa mensahe, kalagayan o nararamdaman ng gumagamit ng Facebook na maaaring mabasa ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang Facebook Account sa Wall o sa News Feed. Wall- ito ay isa sa mga bahagi ng Profile ng may-ari ng Facebook Account kung saan maaaring mag-paskil ang kanyang mga kaibigan ng mensahe o komento, larawan, videos at iba pang gawain tulad ng pag-"Like" or "Unlike" sa mga posts. Kalakip ng mga posts ang petsa at oras kung kailan ito ginawa. Wall Activity- ito ay mga gawain at mga aktibidades na ginagawa sa inyong Wall, maaaring ang mga aktibidades na ito ay ang pag like or comment sa mga kaibigan ninyo, pagtingin sa mga videos at pictures ng iba at ano pa mang gawain na maaaring gawin sa inyong wall.

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

11

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Naglalaman ang kabanatang ito ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral upang mailahad ang pagkakatulad ng mga ito sa gagawing pag-aaral. Sa layuning maihanda ang sarili sa pag-aaral na isasagawa, ang mga mananaliksik ay bumasa ng ibat- ibang aklat, mga artikulo, na may kaugnayan sa pag-aaral na napili. Tutunghayan rin ng mga mananaliksik ang iba pang mga babasahin na inaakalang makatutulong sa pananaliksik na gagawin. Mga Kaugnay na Literatura (Lokal) Sina Joseph Dee na isang creative web technologist at Mathew Milan na isang system designer ay gumawa ng isang websayt kung saan hinihikayat nila ang lahat ng may mga Facebook account na huminto na sa paggamit ng Facebook website. Ang pangalan ng kanilang website ay Quit Facebook Day na kanilang inulunsad noong Mayo 31.Inamin din nila na sila rin mismo ay nahirapang gawin ito sa umpisa sapagkat ang Facebook ay makatawag pansin, masaya, at nakakahumaling o nakakaadik. Ang pag-iwan sa Facebook ay mahahalintulad natin sa pagtigil sa paninigarilyo. Hindi ito madali lalo na kung ito ay iyong kinagawian na. Napatunayan nilang hindi madali ang pag-iwan sa Facebook dahil nang inilunsad nila ang Quit Facebook Day ay 25,475 lamang

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

12

ng gumagamit ng facebook ang nangakong ititigil na nila ang paggamit ng kanilang mga Facebook account. Higit 0.006% lamang ito ng tinatayang

400,000,000 na miyembro ng Facebook. Kamakailan lamang, ang datos na inilabas ng Google ay nagpakita na ang Facebook ay "king of Internet visits" na may 570,000,000,000 na bumibisita kada buwan. Sa Pilipinas kinagawian na ng mga Pilipino na bumisita sa kanilang Facebook account. Ang abs-cbnnews.com ay nagpaskil ng tanong sa opisyal na pahina nito sa Facebook noong Lunes ng umaga na "Kung ang Facebook ay magkakaroon ng security and privacy problems ikaw ba ay hihinto sa paggamit nito?" Mula sa 20 na miyembro ng naturang pahina sa Facebook, tatlo lamang ang nagkomento at nagsabing oo. Karamihan sa kanila ang nagsabing responsibilidad ng Facebook user na maging maingat sa kanilang mga ipopost, at kung ano ang dapat nilang itago na ayaw nilang makita at mabasa ng iba. (Flores, 2010) Ang mga tao ay dapat na inaalagaan ang kanilang reputasyon. Maraming paraan ang maaaring ikasira ng reputasyon ng isang tao. Sa panahon ngayon, sinisira ng mga tao ang sarili nilang reputasyon. Kung ano ang mga sinasabi niya at kung paano niya ito sinasabi ay maaaring makapagpabago ng tingin ng ibang tao sa kanya. Narito ang ilang mga regular na post na nakikita sa Facebook na nararapat nang ihinto ng mga Pilipino. a. Pagmumura

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

13

Maaaring sa unang tingin ay kaaya-aya ngunit ito ay nakababastos sa tingin ng iba. Marahil ay iisipin mo na Wall mo ito kaya walang dapat na makialam sa mga post mo dito. Oo nga, ito ang iyong wall, at ito rin ang nagpapakita ng iyong reputasyon sa iyong mga kaibigan. b. Malaswang salita at litrato May mga Pilipinong mahilig maglagay ng malalaswang salita at mga litrato sa kanilang wall. Ang tunay na nakapagpapabagabag dito, ang mga kabataan ang madalas na nakikitang gumagawa ng ganitong bagay. Tiningnan ko ang mga profile at wall ng mga kaibigan ko sa Facebook at nabigla ako sa nakita kong status ng isa kong kaibigan, nakalagay doon ang isang napakalaswang salita na may kasama pang mga salitang ubod ng bastos. Kailangang maging maingat sa kung ano ang post na ilalagay mo sa Facebook, Twitter at kung saan pa mang blog. Tandaan na ito ay tinatawag na isang "SOCIAL NETWORK" na nangangahulugang hindi ito sinadyang gawin upang maging PRIBADONG websayt. Ito ay isang networking tool na nangangahulugang mayroong pakikipag-ugnayan at pag-iimpluwensiya na magaganap. Siguraduhin na gagamitin mo ito upang makapagdulot ito sa iyo ng mabuti at hindi upang makapagdulot sa iyo ng iyong ikasisira. (Ople, 2010) Ipinahayag ni Bisnar (2010) sa kanyang artikulong pinamagatang Facebook Addiction na mula ng inilunsad ang Facebook noong Pebrero 2005, ito ay naging pinakapopular na Social Network Site na may 500,000,000 na miyembro sa buong mundo. Sa mabilis na paraan ng pagpapaskil ng mga

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

14

personal updates sa pamamagitan ng posts, statuses, mga litrato at iba pang mga multi-media application, nagbibigay daan ito sa mas madaling pagkonekta sa mga kapamilya, mga kaibigan, mga kasamahan, o kahit sa mga estranghero sa pamamagitan ng mobile phone, personal digital assistant (PDA), at mga kompyuter. Gayunpaman, ang Facebook ay double-edged sword. Bukod sa namuong problema kamakailan lamang tungkol sa pang-aabuso ng privacy user, ang isa pang kilalang-kilala isyu ay hindi pagbibigay pansin ng marami sa Facebook addiction. Ang Facebook addiction ay maaaring maiuri sa ilalim ng Internet Addiction Disorder (IAD). Mula pa noong 1995, isang psychiatrist mula sa New York na nagngangalang Dr. Ivan Godlberg ang lumikha ng katagang Internet Addiction Disorder bilang isang bagong mental disorder. Gayunpaman, ito ay hindi pa kasama sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorder (DSM-IV), samantalang ang American Psychiatric Association ay kasalukuyan pang pinagtatalunan kung isasama ba ito sa mga darating na publikasyon ng DSM-V sa Mayo 2013. Kung ang mga gumagamit ng Facebook ay nakararanas ng mga sumusunod na sintomas, maaaring sila ay may tinatawag na Facebook Addiction:

Iniisip ang Facebook sa lahat ng oras. Kung ang user ay nasa

bahay, trabaho, bakasyon, nag-aalmusal, nanananghalian, naghahapunan,

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

15

naliligo o kung ano pa man ang kanyang ginagawa, madalas na laging iniisip ng user ang Facebook.

Matinding pagkahumaling sa laro. Kung ang user ay gumugugol ng

higit pa sa dalawang oras kada isang araw sa paglalaro lamang ng Farmville, Caf World, Mafia Wars, 99 brick, Pyramid at iba pang mga laro, at nararamdaman niya na sa mahabang oras ng kanyang paglalaro ay kulang parin ang oras na ginugugol niya ditto, siya ay lubos ng nahuhumaling sa mga Facebook Games.

Nababalisa

nalulungkot.

Ang

user

ay

nakadarama

ng

pagkabalisa, nerbiyos, kawalan ng gana, hindi makatulog, pagpapawis, panginginig at pagkamagagalitin sa tuwing siya ay nahihiwalay sa Facebook, at nakadarama naman siya ng kasiyahan sa tuwing nakagagamit siya nito. Para bang ang Facebook ay isang bagong tuklas na anti-depressant para sa kanya.

Pagkawala ng kontrol sa sarili. Sa tunay na buhay, may mga

mahahalagang lihim na dapat ay hindi isinisiwalat ngunit sa Facebook, ang user ay nakararamdam ng pagkakumportable sa pagpapaskil o pagbabahagi ng mga lihim sa kanilang mga kaibigan o kahit na sa mga estranghero.

Pagkasira ng isang indibidwal. Ang user ay nasa denial stage

tungkol sa kanyang matagal na oras na ginugugol sa Facebook na nakaaapekto sa user at nagdudulot ng poor performance sa trabaho sapagkat inuuna niya ang Facebook kaysa sa kanyang mga responsibilidad.

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

16

Tayo ngayon ay nabubuhay sa Information Age na kung saan ang lahat ng bagay ay konektado ngunit mapanganib din ito dahil sa mga masamang resulta na nalilikha nito. Ang maganda lamang dito ay ang user o indibidwal pa rin ang may kontrol sa lahat ng kanyang ginagawa. Nasa sa kanya na lang ang pagkontrol sa kanyang sarili. Ayon sa Usapang Facebook, ang Facebook ay isang Social Networking site na patok na patok sa ating mga Pinoy. Naungusan nito ang dati'y kilalangkilala na Friendster. Kapansin-pansin ang pag-usbong nito sa world wide web. Pumatok din ang iba't ibang Facebook games gaya ng Farmiville, Mafia Wars, Cafe World, Texas Hold 'em Poker, at iba pa, ganun na rin ang iba't ibang aplikasyon gaya ng Friends For Sale, Buddy Poke, etc. Naging daan din ang Fan Page upang mas maging popular mga artista at mga pulitiko lalo na kung eleksyon. Isa rin sa nakahuhumaling sa social networking site na ito ay ang palagiang pag-update ng status ng bawat users. Subalit sa kabila nito, ilang isyu na rin ang umusbong ng dahil lamang sa FB status. Isa na rito ay ang panlalait ni Jacque Bermejo sa kapwa Pinoy noong nakaraang bagyong Ondoy. Kapansin-pansin na rin na nagmimistulang talaarawan ang Facebook Page ng ibang users. Halimbawa na lang ang orasoras o minu-minutong pag-update ng isang Facebook user ng kanyang ginagawa. ("Usapang Facebook Status", 2010). Ayon sa artikulong "Facebook Addict", ang Facebook ay naging bahagi na ng kulturang Pilipino. Sa ngayon, mayroong siyam na milyong Pilipino ang may

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

17

Facebook account. Hindi na maiaalis sa sistema ng ilang mga Facebook users ang paggamit ng Facebook. Ikinukwento nila kahit ang pinakamaliliit na detalye ng kanilang buhay sa pamamagitan ng Facebook status. Kabilang dito ang pagkain, pag-inom, pagligo, at kahit pagtulog. Isa sa mga tanong na umuusbong sa paggamit ng Facebook ay "Nararapat bang mag-paskil ang isang user ng kanyang status kapag siya ay galit o dismayado? Kapag ang isang tao ay galit o kaya'y dismayado at naisipan niyang magpaskil ng status, kailangan niya munang isipin ang maaaring maidulot nito sa kanya at sa ibang tao, tulad na lamang kung nararapat bang ipaalam sa lahat ng tao ang kanyang nadarama, kung maganda ba ang maidudulot nito, at kung tama ba o katanggap-tanggap ang mga salitang gagamitin niya. Maaari tayong paunlarin at sirain ng Facebook; maaari itong magbigay sa atin ng mga bagong perspektibo at maging daan para sa pagbubukas ng mga oportunidad sa atin. Subalit ito rin ay maaaring maabuso. Sa paggamit ng Facebook, ang pagiging maingat ay ang natatanging susi ng isang responsableng user. Sa isang birtwal at walang limitasyong mundo, ang tamang pag-iisip, paggamit ng sentido komun, at respeto sa gitna ng mga argumento ang nararapat pairalin. (Geronimo, 2011) Ayon sa artikulong pinamagatang Philippines 5th biggest Facebook nation: Users up 1.7m in a month, ang Facebook analytics company SocialBakers ay nag-ulat na sa buwan ng Pebrero, 2011 ang bilang ng mga Pilipino sa Facebook ay 22,515,820. Ito rin ay nangangahulugan 1.7-milyong

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

18

Pilipino ang sumali sa Facebook sa isang buwan at kumakatawan sa pagtaas ng pitong porsyento mula sa 20,802,540 noong Enero 2011. SocialBakers din ang nag-ulat sa kanyang frontpage na ang Pilipinas ay nasa panglima sa lahat ng mga bansa na may pinakamalaking bilang ng mga taong gumagamit ng Facebook. Mga opisyal ng pamahalaan at mga aktibista, mga negosyante at manggagawa, mga kilalang tao at ordinaryong mamamayan, at halos lahat ng klase ng Pilipino ay maaaring 2011) Mga Kaugnay na Literatura (Banyaga) Maraming paraan upang mabilis na makakalap ng impormasyon sa Facebook. May ilan itong mga katangian na nagpapaigting ng relasyong sosyal sa pagitan ng mga gumagamit ng nasabing "Social Networking Site." Halimbawa ng mga katangian ng Facebook ang comments"at likes na daan upang madali nating mahusgahan ang ating mga sarili sa paraan ng pagtugon ng iba. (Newman, 2011) Sa artilkulong pinamagatang A Source, sinabi rito na nitong mga nakaraan lamang, may mga ulat tungkol sa mga senyales kapag ang isang tao ay masyado nang nahuhumaling sa Facebook, halimbawa, binabago ng taong ito ang kanyang status ng higit sa dalawang beses sa isang araw at nagkokomento sa mga kaibigan niyang pabagu-bago rin ng status. Isa pa ay ang matiyagang pagbabasa ng profile ng isang kaibigan ng higit din sa dalawang beses kadanang matagpuan sa Facebook ngayon.(Cruz,

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

19

araw kahit na hindi ka naman nito pinadadalhan ng mensahe. (A Source of Thinspiration, 2010) Isang bagong ulat mula sa The Daily Mail ang nagsasabi na ang masyadong pagkahumaling sa mga social networking sites ay maaaring magdulot ng masama sa kalusugan dahil naitutulak nito ang mga tao na ihiwalay ang kanilang mga sarili sa iba. Ang madalas na paghihiwalay ng sarili sa iba ay maaaring magdulot ng pagbabago sa mga aktibidad ng mga genes sa katawan, lebel ng hormones, arterial function, at mental perpormans. Ito ay isang kontradiksyon sa tunay na layunin ng mga social networking sites na mapaigting ang relasyong sosyal ng isang indibidwal. Ang isang relasyon ay nagsisimulang maglaho kapag ang isang tao ay hindi na sumasama sa mga pagtitipon, umiiwas sa pakikipagkita sa mga kaibigan at kapamilya, at mas ninanais na manatili sa harap ng kompyuter. Ang isang tao na nakakilala ng kaibigang dayuhan sa Facebook ay nahihirapang makipagkumyunikeyt ng harap-harapan. Ang kalagayang ito ay nagpapataas ng posibilidad ng kanser, istrowk, sakit sa puso, at dimensya, ayon kay Dr. Aric Sigman ng "The Biologist", isang dyornal na inilathala ng Institute of Biology. Ayon din sa kanya, ang electronic media ay unti-unting sinisira ang abilidad ng mga kabataan na matuto ng kakayahang sosyal. Ang pagkasira din ng katawan o pisikal na kaanyuan ay posible. Ang paggamit ng mouse ng kompyuter o kaya keyboard sa loob ng mahabang oras araw-araw ay maaaring magdulot ng pinsala dahil sa paulit-ulit at matagalang paggamit nito. Ang sakit sa

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

20

likod ay isa rin sa mga madalas na maaaring maranasan ng isang tao na magdamag na nakaupo sa harap ng kompyuter. Dahil din dito ay nakukulangan ng sapat na pagtulog ang isang tao na maaaring magdulot ng pagkahilo, kawalan ng konsentrasyon, at depresyon ng immune system. Wala na ring ehersisyo ang taong magdamag na nakaharap sa kompyuter na maaaring humantong sa sakit na obesity. May mga positibong epekto ang Facebook tulad ng napayayaman nito ang social life ng mga taong hiwalay sa pamilya't kaibigan. Napagbubukludbuklod din nito ang mga taong magkakahiwalay o kaya'y hindi magkakakilala. Pero sa kabila nito, ang interaksyong elektronik ay binabago ang interaksyong sosyal, dahil pinananatili nitong magkahiwalay ang mga tao. Mas mainam kasi ang harap-harapang interaksyon. Binabago rin nito ang pamamaraan ng isang tao sa pakikipag-interak, at maaari nitong mapababa ang kakayahan ng taong makipag-interak ng sosyal (Thompson, 2009) Ayon kay Lady Greenfield, isang neuroscientist at propesor ng Synaptic Pharmacology sa Lincoln College, Oxford, ang Facebook ay maaaring magdulot at magpalala ng mga problema sa atensyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang ADD/ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder). Ayon din kay Dr. Brenda Tynes ng Unibersidad ng Illinois, mas mainam para sa mga may sakit na ADD/ADHD ang harap-harapang interaksyon at komunikasyon na siyang hindi kayang tugunan ng kompyuter. Ang kakayahang pansarili ay mahalaga para sa

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

21

mga taong may problema sa pagpapahayag ng kanilang mga sarili. ("Facebook and Twitter Could Affect ADD/ADHD,2010) Isinaad sa Freedom na ang kalayaan ng pagpapahayag ay isang pundasyon ng demokratikong karapatan at kalayaan. Sa unang sesyon nito noong 1946 (bago pa ang iba pang mga karapatang pantao), ang United Nations General Assembly ay pinagtibay ang Resolusyong 59 na nagsasabing kalayaan sa impormasyon ay isang pangunahing karapatang pantao". Ang kalayaan sa pagpapahayag ay mahalaga sa pagpapagana ng demokrasya sa trabaho at pakikilahok ng publiko sa paggawa ng desisyon. Ang isang mamamayan ay hindi maaaring makilahok sa paggawa ng desisyon kung wala silang malayang akses sa impormasyon at mga kaalaman at kung hindi nila makakayang ipahayag ang kanilang mga pananaw. Ang kalayaan sa pagpapahayag ay hindi lamang mahalaga sa dignidad ng isang indibidwal kundi pati na rin sa kanyang partisipasyon, pananagutan, at demokrasya. (Freedom of Expression, 2003) Ayon kay Lady Greenfield, ang social network sites ay maaring magdulot ng pagiging batang isip ng isang indibidwal, tulad ng short attention span, sensationalism, kawalan ng kakayahan sa pakikiramay at isang nakalilitong pagkakilanlan sa sarili. Ang social networking site ay maaaring magbigay ng constant reassurance, na ikaw ay pinakikinggan, kinikilala, at pinahahalagahan". Ito ay "Ang

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

22

magdudulot sa isang tao na mailayo ang sarili mula sa stress ng mga harapang usapan. Sinabi rin ni Greenfield na talagang maapila ang Facebook sa mga tao. Sa Facebook, hindi mo makikita o maririnig ang ibang tao kaya mas madaling ihayag ang iyong sarili sa paraan na komportable ka. Hindi ka mababalisa o mag-aalala sa kung anuman ang iisipin ng ibang tao sa kanila. (Wintour, 2009) Mga Kaugnay na Pag-aaral (Lokal) Facebook, Friendster, Twitter, Multiply- iilan lamang ito sa mga tinatawag na Social Network Sites na kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ngayon. Nakawiwili kung tutuusin ngunit ang kakulangan sa disiplina ang maaaring magbunsod sa mga mag-aaral upang mapabayaan ang kanilang pag-aaral. Sa isinagawang sarbey ng mga mamamahayag ng isang paaralan, lumalabas na 80% ng kabuuang bilang ng populasyon ang may account sa mga nasabing networking sites. Tinatayang walo sa sampung mag-aaral ang nahuhumaling at nawiwili sa mga laro dito bukod pa sa regular na pag cha-chat sa mga kaibigan daan upang makalimutan nila ang pag-aaral ng seryoso. Kinukuha diumano ng pagkahumaling sa social network sites ang kanilang oras na dapat ay ginugugol nila sa pananaliksik ng mahahalagang aralin sa paaralan. Hindi masama ang paggamit ng social network sites ngunit ang kawalan ng disiplina ng mga mag-aaral sa sarili lalo na sa panahon ngayon na tinatawag

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

23

na Age of Internet na halos lahat ay umaasa sa moderno at sobrang bilis na mga pagbabago sa buong mundo ay nagpapakita ng kahinaan ng mga kabataang sinabing pag-asa sa hinaharap. (Torres, 2009) Ang mga social netwroking sites ay nagiging isang malaking bahagi ng pamumuhay ng (North Fairview High School) mga mag-aaral. Sa isang survey na isinagawa sa nasabing paaralan, 50% ng mga mag-aaral ang nagsabi na sila ay may mga account sa iba't ibang website sa world wide web at halos lahat ng mga ito ay mga aktibong gumagamit at mga manlalaro ng iba't-ibang aplikasyon sa nasabing websayt. Karamihan ng mga respondente ay sinabi na ang Facebook ay ang pinakanakahuhumaling na internet site kung saan sila ay nahuhumaling sa mga laro tulad ng Pet Society, Farmville, Restaurant City, Caf World atbp. Sinabi ng mga mananaliksik na ang social networking site ay malaki ang epekto sa perpormans ng mag-aaral sa paaralan sapagkat ito ay nakagugulo sa kanilang konsentrasyon sa pag-aaral. Gayunpaman, ang mga mag-aaral ay ipinagalalaban na ang mga social networking sites ay maaaring makatulong kung kokontrolin ng mga mag-aaral ang paggamit nito at gagamitin lamang ito para makatulong sa kanilang pag-aaral. (Bersarina, 2009) Ayon Filipino, ang mga Pilipinong internet users ay higit pang gumagamit ng social networking sites kaysa sa iba pang mga bansa sa rehiyon ng Asya, ayon sa pinakabagong ulat ng isang online measurement service na iniulat ng abs-cbnnews.com. Ang comScor, Inc Study ay sinusukat ang mga gawain o aktibidades sa social networking sites ng mga bansa sa rehiyon ng Asia-Pacific na gumagamit ng PC para sa buwan ng Pebrero batay sa mga datos mula sa

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

24

World Metrix Services. Kalahati (50.8 porsyento) ng populasyon sa rehiyon, o higit kumulang na 240,300,000 na katao, ang bumisita sa mga sites. Ayon sa pag-aaral, ang mga users ay gumugugol ng 2.5 na oras sa social networking sites at binibisita nila ang naturang mga site kada labing limang beses bawat buwan. Higit sa 90% ng mga web population ng bansang Pilipinas ang bumibisita sa mga social networking sites, na sinusundan ng Australia (89.6 porsiyento) at Indonesia (88.6 porsiyento). Ang mga Pilipinong internet users ay gumugugol ng 5.5 na oras sa bawat bisita nila sa social networking sites at 26 beses sa loob ng buwan. Ang pinakabagong balita mula sa ulat ng Global Monitory mula sa USbased service sa loob ng Facebook, ang nagtanghal sa Pilipinas bilang bansang may ikatlong pinakamalaking paglago sa paggamit ng site na Facebook. Ang Facebook ay hinirang nilang nasa pinakatuktok ng listahan ng mga social networking sites na marami ang bumibisita. Ayon sa Yahoo-Nielson study on Urban Philippines Internet Users, ang mga kabataan o mga indibwal na 29 taong gulang pababa ay may pinakamalaking bahagdan (50%) na gumagamit ng internet. Email, instant messaging, search at social networking sites ang madalas na mga gawaing online na pinaguukulan nang panahon ng mga tao. Limamput isang porsyento ng mga respondent ng pag-aaral na ito ang nagsabing bumibisita sila sa mga social networking sites kada buwan. (Edong,2009)

Ayon sa isang pamanahong-papel na pinamagatang Social Networking and Its Impact on the Filipino Youth ni Garcia (2010), ang Universal McCann na pinamagatang Power to the People Wave 3 ay idineklara ang Pilipinas bilang

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

25

Social Networking Capital of the World na may walumput tatlong porsyento ng populasyon ay miyembro ng isang social network. At karamihan sa mga miyembro nito ay mga kabataan. Ang pag-aaral na ito ay nagbigay o nagpakita ng mga teorya at mga halimbawa kung bakit patuloy na tinatangkilik ng madla ang Facebook. Ayon sa Social Observance Theory, isa sa mga tinatangkilik ng gumagamit Facebook ay ang online gamer. Ang mga updates tungkol dito ay madaling nalalaman ng mga manlalaro o mga gumagamit ng Facebook sa pamamagitan ng notification. Sa mga ganitong uri ng obserbasyon, namumuo ang kompetisyong pangkaibigan katulad ng mga sumusunod: Peer Pressure Theory. Ang mga gumagamit ay maaaring gumawa ng note o isang blog. Maaari siyang mag-comment o mag-like sa isang tiyak na post. Ang ganitong uri ng mekanismo ay nakapanghihikayat ng peer pressure online. Social Acceptance Theory. Maaaring maging isang biktima ng isang maling panghuhusga o makatanggap ng mga masasakit na pahayag ang mga taong gumagamit ng Facebook mula sa mga taong naiinggit o mga hindi kilalang kontaks. Dapat magkaroon ng kontrol sa mga below the belt na komento upang mapanatili ang maganda at mabuting ugali ng mga gumagamit ng Facebook. Sa pangatlong edisyon ng Universal McCanns study on social media, ang Pilipinas ay nagtamo ng pinakamataas na penetrasyon sa social networking sa lahat ng internet users na may bahagdan na 83.1% na ikinumpara sa global

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

26

average na 57.2% lamang. Ang Pilipinas din ay pumapangalawa sa blog reading ng mga internet users na 90.3%. Ang nangunguna rito ay ang South Korea na may 92.1%. Ang global average ay 72.8% lamang. Sa Blog writing naman, may 65.8% ng mga Pililipino ang gumagawa nito na ikinumpara sa 70.3% ng Tsina; 70.7% ng Taiwan at 71.7% ng South Korea. Sinabi ng Universal McCann na ang pag-aaral na ito ay nagpapahiwatig na ang mga blogs at social networks ay nagiging mainstream media at isa ito katanggap-tanggap na sanggunian ng ibat-ibang impormasyon. (Olchondra, 2008) Mga Kaugnay na Pag-aaral (Banyaga)

Bilang resulta sa pag-aaral na pinamagatang "Misery Has More Company than You think", ang mga taong madalas na gumagamit ng Facebook ay mas nagiging masaya at nakalilimot sa kalungkutan kapag sila ay nasa isang sosyal na lipunan. Kaya kahit wala sila sa isang sosyal na lipunan, nagagawa pa rin nilang talikdan ang mga negatibong emosyon. Subalit kapag ang isang tao ay nawawalan na ng panahon sa sosyal na interaksyon at magdamag na lang na nakaharap sa kompyuter, sila ay nakararanas ng depresyon at sila lang ang nakakikita sa mga sarili nila sa oras kalungkutan. (Szalavitz, 2011) Ayon sa isang sarbey na kung saan ang mga kalahok ay ang mga pinakaaktibo sa Facebook, nagpakita ang mga ito ng pagkabalisa kaugnay sa pagupdate ng kanilang Facebook, pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan, sa pagtugon

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

27

sa mga friend request at sila rin ay nababalisa ukol sa oras na kanilang ginugugol na wala sila sa harap ng Facebook. Ipinaliwanag ni Cathy Charles na "Tulad ng pagsusugal, ang Facebook ay naglalagay sa isang indibidwal sa neurotic limbo. Ang pag-aaral na ito ay isang paalala mula sa Stanford University tungkol sa pagbabasa ng mga masasayang statuses ng iba ay maaaring magpadama sa isang indibidwal ng mababang pagtingin sa sarili at kawalan ng tiwala sa sarili. Ang babae na mas aktibo sa Facebook ang lumilitaw na mas madaling kapitan ng ganitong epekto kumpara sa mga lalaking gumagamit ng Facebook. (Conger, 2011) Ayon sa pag-aaral ng mga sikologo mula sa Edinburgh University, ang mga may Facebook accounts na may napakaraming kaibigan ay mas higit na nakadarama ng pagkabalisa at pagkasabik sa paggamit ng Facebook. Sa katunayan, ang resulta ng pag-aaral ay nagsasabing ang negatibong epekto ng websayt ay mas matimbang kaysa sa positibong benepisyo na ibinibigay nito. Sinabi din ng mga sikologo na ang ganitong klaseng mga websayt ay nagdudulot ng matinding presyur sa mga indibidwal. Ang mga indibidwal na ito ay nangangamba kapag sila ay hindi nakagamit o nakapag online man lang sapagkat nakadarama sila ng pagkukulang at sa tingin nila ay maaari silang mapag-iwanan. Isa pa sa mga nadiskubre ng mga sikologo ay naprepresyur ng mga users ang kanilang mga sarili na maging malikhain sa kanilang mga status updates at mga comments na sa palagay din nila ay napaka-stressful. Sa kabuuang bilang, Labingdalawang porsyento ng mga respondente ang nagsabi na ang Facebook ay nagbibigay lamang sa kanila ng pagkabahala at 32% ang

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

28

nagsabi na ayaw nilang tanggihan ang mga friend requests sapagkat dahilan ito upang magkaroon sila ng guilty feelings. (Goodhead, 2011) Ayon sa isang pag-aaral na pinamagatang Study of Facebook, ang mga Social Networking Sites ay nagbibigay ng mas madaling paraan upang maipakilala ng mga gumagamit nito ang kanilang sarili sa imaheng nais nilang sila'y makilala kahit pa hindi naman ito akma sa kanilang totoong katauhan. Isa pa sa mga nadiskubre ng Pag-aaral na ito na ang mga taong nagtataglay ng mababang pagpapahalaga sa sarili ang kadalasang gumugugol ng kanilang oras sa Facebook ng higit pa sa isang oras bawat araw. Madalas din nilang na ipinapahayag ang kanilang sarili sa paraan ng pagpapaskil ng status updates at iba pang mga wall activities. Ayon din sa pag-aaral na ito, ang mga indibidwal na gumagamit ng Facebook ay walang kakayahan na manatili sa isang relasyon nang matagalan. Sila ay mas naaakit sa online world kung saan naroroon ang kanilang virtual friends. (Tucker, 2010) Sa isang pag-aaral na pinamagatang Lessons from Facebook: The Effects of SNS on College Students Social Capital, ang moral panic ay isang pangkaraniwang reaksyon sa mga bagong anyo ng komunikasyon. Isang halimbawa nito ay naganap sa unang bahagi ng 1990s, kung saan ang mga kritiko ay pinuna ang pagpapakilala ng Internet sa masa. Sinabi nila na ito ay ebidensya na ang mga indibidwal ay ibinubukod na ang kanilang sarili sa lipunan. Ang ilan sa pinupuna nilang problema sa mga Social Networking Sites ay ang hindi ligtas na pagsiwalat ng impormasyon, cyberbullying, addiction, peligrosong pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa mapanganib na mga

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

29

komunidad. Ayon sa nasabing pag-aaral, ang mga dahilan ng mga kabataan kung bakit sila sumasali sa mga Social Networking Sites na ito ay upang mapanatili ang kanilang malakas na relasyon sa mga bagong kakilala at upang makakilala pa ng mga bagong kaibigan online. Ang isang pang dahilan ay ang mga site tulad ng Facebook ay pinahihintulutan silang magpalitan ng mga balita at kuro-kuro at malaya silang magkapagtatalakay ng kani-kanilang isyu. (Valenzuela et. al., 2009) Sina Donath at Boyd (2009) ay kabilang sa mga unang naghinuha na ang online social network ay hindi nakapagpapatibay sa relasyon ng bawat indibidwal. Mahigit sa limampung bahagdan ng mga Facebook users ang nagbago ng kanilang relationship status. Halos sangkapat ng mga Facebook users ang nakipagkasundo ng kasal, naikasal, at nanirahan ng magkasama. Natuklasan din nina McKenna at Bargh (2002) na ang mga taong nagkakakilala sa internet ay mas gusto ang isat isa kumpara sa mga taong nagkakilala ng personal. (The Internet and Social Relationships, Facebook, MySpace, Online: Research Refutes Cyber Socializing Fears, 2009)

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

30

Kabanata 3

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang kaganapan ng isang pag-aaral ay maisasakatuparan lamang kung mayroong sapat na datos na mapagbabatayan. Sinabi ni Good ( 2001) na ang layunin ng pananaliksik ay ang matuklasan ang katotohanan. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook sa Relasyon ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Edukasyon. Hindi magkakaroon ng kabuluhan ang isang pananaliksik kung walang sapat na impormasyon at kaalaman ang mga mananaliksik. Kung kaya ang mga pamamaraan at mga hakbang na gagamitin sa pag-aaral ay maingat na isasagawa upang maging makatuturan at makatotohanan ang magiging resulta ng gawain . Ang mga may-akda ay mangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng ibat-ibang pamamaraang angkop sa kanilang pananaliksik. Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa pamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyon

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

31

hinggil sa mga salik na kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Tatangkaing ilalarawan at susuriin sa pag-aaral na ito ang Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook sa Relasyon ng mga Magaaral sa Unang Taon ng Edukasyon.

Mga Respondente Ang mga pipiliing respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Technological Institute of the Philippines, Quezon City na kumukuha ng Kursong Edukasyon sa Unang Taon na binubuo ng isangdaan at isa (101) na mag-aaral na may walumput isa (81) na babae at dalawampu (20) na lalaki.

.Instrumento ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook sa Relasyon ng mga Magaaral sa Unang Taon ng Edukasyon nga mga respondente. Magsasagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa ibat-ibang hanguan sa aklatan tulad ng mga aklat, pahayagan, artikulo, magasin at websayt. Kukuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

32

Tritment ng Datos Dahil ang pamanahongpapel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng digri tulad ng isang tisis at disertasyon, walang gagawing pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pipili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoner ang inalam ng mga mananaliksik. Samakatuwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsiyento lamang ang kakailanganing gawin ng mga mananaliksik. Dahil isangdaan at isa (101) ang mga respondente , magiging madali para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng porsiyento dahil sa bawat dami ng bilang ay awtomatikong katumbas sa porsiyento niyon.

Pormula: Bahagdan = (f/N) x 100 Na kung saan: f frequency o dalas ng sagot N - bilang ng respondent

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

33

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN Bisnar, Paul. Facebook Addiction. http://doktorko.com/blrgs.php?med=

article&a=270 Flores, Karen. 2010. Will People Quit Facebook Today. http://www.abscbnnews.com/lifestyle/05/31/10/will-people-quit-facebook-today Garcia, Leonardo Jr. 2010. Social Networking and Its Impact on Filipino Youth. http://www.scribd.com/mobile/documents/28373423 Kraut, Robert E., et.al. 1998. Internet Paradox: A Social Technology that Reduces Social Involvement and Psychological Well Being. Journal of Social Issues: p.49+ Newman, Kira. 2011. Facebook Comments: Like or Dislike. http://www. huffingtonpost.com/Kira-newman/facebook-comments-likeor_b_818120.html Ople, Carlo. 2010. What Filipinos should Not Post on Facebook.

http://www.newmedia.com.ph/what-filipinos-should-not-post-on-facebook/ Owens, Laura. 2009. The Internet and Social Relationships, Facebook, MySpace, Online: Research Refutes Cyber Socializing Fears.

http://www.suite101.com/content/the-internet-and-social-relationshipsa111897

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

34

Peamante, Laurice Claire. 2010. Filipino netizens clock in most hours on social networking sites in region study. http://www.thepoc.net/breakingnews/media/5832-filipino-netizens-clock-in-most-hours-on-socialnetworking-sites-in-region-study.html Szalvitz, Maia. 2011. Misery has more company than you think, especially on facebook. http://healthland.time.com/2011/01/27youre-not-alone-miseryhas-more-company-than-you-think/ Tucker, John. 2010. Study of Facebook Users Connects Narcissism and Low Self Esteem: If Your Status Update was Im So Glamorous. You Might Not Really Think Much of Yourself. http://www.scientificamerican.com/ article.cfm?id=status-update-im-so-glamorous

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

35

APENDIKS A

Talatanungan Mahal naming Respondente, Magandang araw sa iyo! Kami ay mga mag-aaral ng Filipino 2 na kasalukuyang nagsususlat ng isang pamanahong papel sa Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook sa Relasyon ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Edukasyon. Kaugnay nito, inihanda naming ang talatanungan na ito upang makapangalap ng mga datos na kailangan naming sa aming pananaliksik. Kung gayon, mangyari po lamang ninyong sagutin ng buong katapatan ang mga sumusunod ba aytem. Tinitiyak po naming magiging kompidensyal na impormasyon ang inyong mga kasagutan. Maraming Salamat po! -Mga Mananaliksik

Pangalan(optional):___________________________ Kurso at Taon:_______________________________ Panuto: Lagyan ng tsek ang sa tingin niyo ay naaayon sa inyong sariling opinion.
1. Anu-ano ang mga positibong epekto ng mga posts at statuses sa

facebook sa relasyon ng mga mag-aaral?

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

36

Magiging mas malapit sila sa isat-isa Maaaring maging palakaibigan ang isang mag-aaral na sa loob ng silid-aralan ay tahimik Maaaring magkaroon ang mga mag-aaral ng bagong mga kaibigan Mas mauunawaan ng mga mag-aaral ang isat isa Iba pang kasagutan:________________________________
2. Anu-ano ang mga negatibong epekto ng mga posts at facebook sa

relasyon ng mga mag-aaral?

Maaaring makasira ito ng pagkakaibigan Maaaring magkapikunan sa mga post at statuses Maaaring makipag-away sa kapwa mag-aaral Maaaring magsiraan ang bawat isa sa pamamagitan ng mga posts at statuses Iba pang kasagutan:________________________________ 3. Anu-ano ang mga positibong epekto nito sa sikolohikal na aspeto ng magaaral? Maaaring makapagpasigla ang mga post at statuses

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

37

Maaring magbigay kagalakan sa isang mag-aaral Maaring magsilbing inspirasyon sa isang mag-aaral Maaring mapahusay ang critical thinking ng isang magaaral Iba pang kasagutan:___________________________

4. Anu-ano ang mga negatibong epekto nito sa sikolohikal na aspeto ng

mag-aaral? Maaaring mairita ang isang mag-aaral Maaring mainsulto at masaktan ang isang mag-aaral dahil sa mga posts at statuses Maaaring ma-iinsecure ang mag-aaral Maaraing mag-alala or mataranta ang isang mag-aaral dahil lang sa mga posts Iba pang kasagutan:___________________________

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

38

APENDIKS B KURIKULIM BITEY Pangalan: Lenidee C. Andres Hulyo 1, 1994

Kapanganakan: Tirahan: Paaralan

399 Shoe Ave Concepcion Uno, Marikina City Taon 1998-2005 Karangalan 3rdHonor; 1st Honor Most Outstanding; Top 9

Concepcion Elementary School

Marikina High School

2005-2006 2006-2007 2007-2008

Top 9 Top 7 Top 8

Technological Institute of the Philippines 2010-present Samahan/Organisasyon: Young Educators Club- Technological Institute of the Philippines Brgy. Concepcion Uno SK Kagawad

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

39

KURIKULIM BITEY Pangalan: Charlene Deanne G. Bassig Enero 5, 1994

Kapanganakan: Tirahan: Paaralan Doa Juana School

10-B South Road, Brgy. Bagong Lipunan, Crame, Quezon City Taon 1998-1999 1999-2006 1st Place-Backstroke 2nd Place-Freestyle Karangalan

La Immaculada Concepcion School

(Sportsfest) St. Josephs College of Quezon City 2006- 2010 4th Honorable Mention Best Club Officer Technological Institute of the Philippines 2010-present 1st Place English Quizbee Samahan/Organisasyon: Youth Ministry-Shekinah Christian Church Dance and Performing Arts Ministry-Shekinah Christian Church Young Educators Club- Technological Institute of the Philippines

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

40

KURIKULIM BITEY Pangalan: Kimiflor C. Bentoy Agosto 1, 1993

Kapanganakan: Tirahan: Paaralan

125 Saint Florence St. Brgy. Holy Spirit, Quezon City Taon Karangalan

Christian Family Center School Foundation 1999-2000 Doa Juana Elementary School 2000-2006 Class Awards Slogan Making Contest North Fairview High School 2006- 2010 Best in Playwright Best Publicity Manager Technological Institute of the Philippines 2010-present

Samahan/Organisasyon: Good Shepherd Choral Young Educators Club- Technological Institute of the Philippines

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

41

KURIKULIM BITEY Pangalan: Mary Jane M. Magallon June 11, 1994

Kapanganakan: Tirahan: Paaralan

920 San Pascual St., Brgy. Commonwealth Quezon City Taon 2000-2006 Karangalan 8th Honorable Mention

Commonwealth Elementary School

2nd place in Interpretative Reading Contest North Fairview High School 2006- 2010 2nd Honorable Mention

Most Outstanding SB Centrex Scholar Technological Institute of the Philippines 2010-present 1st place in Creative Story Telling

Samahan/Organisasyon: Young Educators Club- Technological Institute of the Philippines

Sikolohikal at Sosyolohikal na Epekto ng mga Statuses at mga Posts sa Facebook

42

KURIKULIM BITEY Pangalan: Khris Marie B. San Diego Oktubre 14, 1993

Kapanganakan: Tirahan:

#21 Romans St. Sacred Heart Village, Brgy. Pasong Putik Quezon City

Paaralan Angelus Daycare Center Our Lady of Fatima Catholic School Our Lady of Lourdes Catholic School

Taon 1997-1999 2000-2006 2006- 2010

Karangalan

Valedictorian Valedictorian Journalism Award Leadership Award

Technological Institute of the Philippines 2010-present Samahan/Organisasyon: Young Educators Club- Technological Institute of the Philippines QC TIP Voice- Official School and Student Publication of Technological Institute of the Philippines Q.C

You might also like