As

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Talambuhay ni Marcelo H.

del Pilar

NAKILALA si Marcelo H. del Pilar bilang Plaridel. Ipinanganak siya noong ika-30 ng Agosto taong 1850 sa Cupang, San Nicholas, Bulacan. Ang kanyang mga magulang ay sina Julian del Pilar at Blasa Gatmaytan. Nanguna siyang propagandista para sa reporma ng Pilipinas at naging editor at publisher din ng La Solidaridad. Nagsimula siyang mag-aral sa Kolehiyo de Jose Flores at lumipat sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Nakatapos siya ng kursong abogasya noong 1880. Kilalang-kilala siya bilang si Plaridel isang matalentong tao, marunong magpiyano, biyolin at flute. Mahusay din siya sa larong fencing. Kumakanta siya ng mga serenata at tumutugtog ng magagandang awitin sa biyolin tuwing Flores de Mayo. Pinakasalan ni Marcelo H. del Pilar ang kanyang pinsan na si Marciana del Pilar noong 1878. Nagkaroon sila ng pitong anak. Noong 1878, itinatag ni Plaridel ang Diaryong Tagalog para mailathala ang pagpuna at pagpansin kung papaano namamalakad ang gobyernong Espanyol sa Pilipinas. Tinulungan siya ni Pedro Serrano Laktaw sa pagpapalathala ng "Dasalan at Tuksuhan" at ng "Pasyong Dapat Ipaalab ng Puso ng Taong Bayan." Sa Espanya, kasama siya ni Graciano Lopez-Jaena sa paglathala ng La Solidaridad. Ang pahayagang ito ang naging instrumento sa naglalathala ng kanilang mithiin na mapaunlad ang gobyerno ng Pilipinas. Si Plaridel ang humalili kay Lopez-Jaena bilang editor ng pahayagan. Matatag na ang reputasyon ni Marcelo H. del Pilar bilang propagandista bago nagkaroon ng utos na arestuhin siya noong 1880. Ito ang nagtulak sa kanya upang tumakas siya sa Espanya. Nagbalik siya sa bansang kanyang sinilangan at sa Bulakan ay natagpuan niya ang mga taong handang making sa kanya. Si Del Pilar ay sumulat ng mga propagandistang pamphlet sa paraang maliwanag, mabisa at simpleng Tagalog lamang ang gamit. Nailathala sa kanyang panahon ang kanyang Parodies of the Our Father, Hail Mary, the Apostles" Creed, Ang Sampung Utos at Ang Catechism kung saan naging epektibo ang propaganda kahit na magkakatulad ang pormat at habi ng mga nobela. Namatay si Del Pilar noong ika-4 ng Hulyo 1896 sa Barcelona, Espanya. Sakit na tuberculosis ang kumitil sa kanyang buhay. Hindi siya itinuturing na isang filibustero. Namatay siya nang walang poot sa makapangyarihang bansa, subalit ipinakita niya na may galit siya sa mga naghahari sa Pilipinas.

Talambuhay ni Graciano Lopez Jaena

Isang tinitingalang propagandista si Graciano Lopez Jaena ay lalong kilala sa tawag na Prisepe ng mga Orador. Ipinanganak siya sa Jaro, Iloilo noong disyembre 18, 1856. Mga magulang niya sina Placido Jaena at Maria Jacob. Unang nag aral si graciano sa colegio provincial ng jaro. Batang bata pa lang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan at kabibuhan ng kaniyang gurong si Padre Francisco Jayme. Tinapos niya ang antas sekundarya sa Seminario de San Vicente Ferrer. Sa nasabing paaralan, tinanghal siya bilang Pinakamahusay na estudyante sa Teolohiya. Inakala ng mga magulang ni Graciano na pagpapari ang papasukin niyang kurso. Nagkamali sila saagkat inspirado siyang maging doktor. Sa kaulangan ng salaping itutustos, napilitan siyang mag aprentis sa San Jose de Dios Hospital. Sa pag tulung-tulong sa mga doktor, natutuhan niya ang panggagamot sa mga simpleng karamdaman. Sa pagbabalik niya sa lalawigan, kahit bawal ay nanggagamot siya ng iba`t ibang sakit ng mga kababayan. Sa panggagamot at pakikisalamuha sa mga maralitang kababayan, napuna niyang marami palang kawalang katarungan ang ipinaparusa ng mga kastila. Sa maraming pisikal na karamdaman dinaranas ng mga kababayan, napag alaman niyang doble hirap pala ang dinadala ng kanyang kababayan. Dito na nag simula ang kaniyang pagiging propagandista. Noong 1874 ay naging sikat siya sa kanyang mga komentaryong Fray Botod na naglalarawan sa masamang pag uugali ng mga paring Espanyol. Hinanap siya ng awtoridad at dahil ditto ay napilitan siyang lumikas sa bansa at nag punta sa Espanya. Sa Madrid ay naging pangunahing kritiko si Graciano. Naging aktibong miyembro siya ng Circulo Hispano Filipino na isang organisasyon ng mga Pilipino kasama ang mga Espanyol na sumisimpatiya sa ipinakikipaglaban ng mga propagandista. Noong Pebrero 15, 1889 nang ilathala niya ang La Solidaridad. Upang madagdagan ang pondo ng mga propagandista, pinayuhan ni Jose Rizal ang Orador na magbalik sa Pilipinas noong 1890. Ang pakikipagpulong ng Graciano sa mga kasapi ng La Juventa de la Propaganda ay natiktikan ng mga Kastila kaya agad siyang sumakay sa Bapor San Juan pauntang HongKong. Sa pagbabalik ng Orador sa Barcelona ay dinanas niya ang isang libo at isang karalitaan. Buong pagpapasakit niya itong hinarap alang-alang sa ikapagtatagumpay ng kalayaan. Sa malayong lugar ng Europa nanghina ang pangangatawan niya. Ikinamatay ni Graciano ang sakit na tuberculosis noong Enero 20, 1896.

Talambuahay ni Dr. Jose Rizal

MAITUTURING na nagmula sa may kayang pamilya ang ating pambansan bayaning si Dr. Jose Rizal. Ang kanyang amang si Don Jose ay isang magsasaka ng tubo, at katiwala ng malawak na lupain. Samantalang ang kanyang inang si Donya Teodora ay may mataas na pinag-aralan na bihira sa kababaihan noong panahong iyon. Ang pamilya Rizal ay nakatira sa kongkretong bahay na may malawak na hardin, pribadong aklatan, kung saan matatagpuan ang daan-daang kolek-siyon ng aklat. Bagaman at maraming kapatid na babae si Jose o Pepe na maaaring mag-alaga sa kanya, kumuha pa ang kanyang ama ng yaya na siyang nag-alaga sa kanya. Si Donya Teodora naman ang sumubaybay sa panimulang edukasyon ng batang Rizal. Tinuruan niya itong magbasa, magdasal, at magrosaryo. Kalaunan ay kumuha rin ng pribadong tagapagturo ang kanyang mga magulang para magturo sa pagbabasa, pagsulat, gayundin sa pag-aaral ng Latin. Dahil sa pagkakaroon ng maraming aklat sa bahay at paghikayat ng kanyang mga magulang kung kaya't labis na nagkahilig ang batang si Pepe sa higit pang pag-aaral at pagkatuto hanggang sa mga huling bahagi ng kanyang buhay. Siyam na taong gulang si Jose nang dalhin siya ng kanyang ama sa Binan, Laguna, upang ipagpatuloy ang kanyang pormal na pag-aaral. Hindi maganda ang karanasan ni Rizal sa paaralang iyon, anupa't naisulat niya sa kanyang tala-arawan ang pagkakatanggap ng palo mula sa kanyang guro na may istriktong pamamaraan ng pagtuturo. Sa kabila ng kanyang pagiging mabuting bata, bihira ang araw na hindi napapalo ang kanyang mga palad. Ayaw ni Rizal sa gayong paraan ng pagtuturo, at ito ay nabanggit niya sa kanyang nobelang Noli Me Tangere, na tumutukoy sa hindi magandang epekto ng ganoong paraan sa asal at isipan ng mga bata. Aniya, imposible ang makapag-isip nang maayos sa harap ng patpat na pamalo at latigo, at matatakot maging ang isang batang matalino. Noong 1872, nagpatala si Rizal sa Ateneo Municipal para sa digri sa Batselor sa Sining. Ang kakaibang espiritu ng kumpetisyon at personal na disiplina ay nagpaibayo sa panibagong interes para siya ay lalong pang matuto. Ang kanilang klase ay hinati sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay tinawag na Romano samantalang ang ikalawa ay tinawag na Carthaginian. Ang mga miyembro ng grupo ay inihahanay sa kanilang tagumpay sa kanilang pang-araw-araw na leksiyon. Nagsimula si Rizal sa grupong Carthaginian na nasa hulihan ng talaan, pero makaraan ang isang buwan, siya ay tinanghal na emperador at ginawaran ng estampita. Nagtamo rin siya ng mga medalya at pagkilala dahil sa kanyang termino at nananatiling tumatanggap ng markang pinakamahusay sa halos lahat ng kanyang mga aralin. Nang lumaon ay nag-aral siya ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas kasabay ng pag-aaral niya ng surveying sa pagtuturo ng mga Heswita. Nang siya ay 17 taong gulang ay nagtungo siya sa Espanya upang mag-aral sa Universidad Central de Madrid. Noong 1885 ay pareho niyang natapos ang kursong medisina at pilosopiya. Dahil sa espiritu ng liberalismo sa Europa kaya't mas lumawak ang kanyang interes. Nag-aral siya ng iba't ibang lengguwahe, naglakbay sa maraming bansa, kasabay ng kanyang aktibong kampanya para sa reporma sa

Pilipinas. Isinulat niya ang isa pang nobela, ang El Filibusterismo at nagsalin ng Sucesos de las Islas Filipinas, kung saan kanyang itinuwid ang mga pagkakamali sa nakatalang kasaysayan ng Pilipinas. Nagbigay din siya ng mga kontribusyon sa La Solidaridad, ang pahayagan ng mga repormistang Pilipino sa Espanya. Nang siya ay magbalik sa Pilipinas noong 1892, ipinatapon siya sa Dapitan ng pamahalaang Espanyol, dahil sa umano'y pag-iingat ng mga subersibong papeles. Papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang boluntaryong doktor nang sumiklab ang rebolusyon sa Pilipinas. Hinuli siya at kinasuhan ng rebelyon at sedisyon. Noong Disyembre 3, 1896, binaril siya sa Luneta. Ayaw ni Rizal na barilin siya nang nakatalikod kagaya ng isang traydor, pero hindi pinayagan ang kanyang hiling na barilin na nakaharap sa firing squad. Sa oras ng eksekyusyon, nang marinig ni Rizal ang mga putok, ay ipinihit niya ang kanyang katawan. Bumagsak siyang patihaya, paharap sa sumisikat na araw sa umagang iyon ng Disyembre - kagaya ng isang kagalang-galang na tao na dapat na pagkilala sa kanya.

You might also like