Filipino Sayo Lamang Thesis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Rhea Tuico BSTRp-1 a) Bisa sa Isip Ang sino mang taong magkasala sa akin ay aking pagtataniman ng galit.

Ito lamang ay ilan sa aking mga prinsipyong aking pinanghahawakan at paninindigan datirati. Subalit, matapos kung mapanood ang pelikulang ito ay may ilang pananaw sa aking isipan ang nagbago. Gaya halimbawa, kung may tao mang magkasala sa akin ng malaki ay nararapat ko itong patawarin at kalimutan na lamang ang nagawa nitong kasalanan sa halip na magtanim ng pout at galit sa aking dibdib. Sapagkat, walang mabuting naidudulot ang pagtatanim ng galit sa kapwa kundi kaguluhan lamang. b) Bisa sa Damdamin Sa bahagi ng eksinang kung saan hindi pa rin pinapatawad ng mga anak ang kanilang ama dahil sa mabigat nitong kasalanang nagawa gaya ng pag-abandon niya sa kanyang pamilya sa mahabang panahon upang sumama sa ibang babae. Isang kasalanan na nagdulot ng pout at galit sa kanyang mga anak sa mahabang panahon. Kaya sa bahagi ng pelikula kung saan napagtanto na ng bawat isa ang kanilang mga kasalanan nang malapit nang mamatay si Amanda ay naramdaman din ng madlang manonood kung gaano kasaya sila na nabuo na ang pamilya ni Amanda. c) Bisa sa Kasalanan Sa gitna ng makabagong panahon ng teknolohiya, sa kabila ng nagbabagong pagtingin sa mga relasyon at pananaw sa buhay, narito ang isang pelikulang nagsasabing walang pinakamahalaga kundi ang pagmamahal na magmumula sa pamilya na itinatag ng Diyos at Simbahan. Natutunan ko sa Sa Yo Lamang ang tunay na kalagayan ng maraming pamilya sa panahon ngayon: magulo, watak-watak, walang pagkakaisa at abala sa kani-kanilang buhay. Tulad ng maraming pamilya, ang pamilya ni Amanda ay hindi perpekto. Sa kabila ng nakamit nitong kaunting karangyaaan bunga ng pagsisikap, marami itong itinatagong madilim na lihim. Ngunit sapagkat may matibay na pananalig sa Diyos, nagagawa ni Amandang pagbuklurin at itaguyod ang kanyang pamilya. Sa panahon man ng hirap o ginhawa, hindi siya nakakalimot tumawag sa Diyos. Ang kanyang mga anak, katulad din nila ng kaniyang asawang si Franco ay hindi rin mga perpekto. Nagkakamali sila at nadarapa. Ngunit ang mahalagay natututo silang bumangon at nagagawa nilang itama ang kanilang mga pagkakamali. Ito rin ang nagpatibay sa kanila bilang mga tao at bilang isang pamilya. Higit sa lahat, natutunan ko sa Sa Yo Lamang ang kahulugan at kahalagahan ng pagpapakasakit at pag-aalay ng sarili ukol sa ikabubuti ng marami. Sa panahon ng labis na kalungkutan at kahirapan, tunay na walang ibang malalapitan ang tao kundi ang Diyos at tanging Siya lamang ang dapat kapitan sa oras ng pighati upang itoy maging mas makahulugan at makabuluhan.

You might also like