Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

CHAPTER ONE AH MAM!,ganon lang pala yon. Gets ko na po he-he!

, Pasigaw na sabi ni Riel sakanyang teacher sa trigonometry, nang maintindihan niya na ang tinuturo nito. Simula pa nung unang baitang niya sa pag-aaral, mathematics na talaga ang pinaka-ayaw niya na subject. Hindi naman siguro siya matatawag na AB kung sasali siya sa bilang ng taong may ayaw sa subject na iyon. Sino ba naman ang magkakagusto sa subject na iyon, parang pahirap lang yan sa mga estudyante eh!, wika niya sa isip. Hindi naman siya masasabing walang alam na estudyante, sa katunayan siya ang pangalawa sa kanilang klase nila noong nasa 3rd year siya, pero namatay ang lola niya nung nasa 2nd grading period pa lang sila, kaya naungusan siya ng pangatlo sa kanilang klase-at siya ring matalik na kaibigan niyana si Nikki. Pero kahit ganon ang nangyari, nanatili pa rin silang magkaibigan, kahit na nga minsan ay wala na silang oras para sa isat-isa na magkaibigan dahil may nobyo na si Nikki, at siya ay wala pa. Ngayong 4th year na siya, pangatlo na lang siya sa klase, ngunit kahit ganoon ay pinipilit niyang mag-aral ng mabuti, dahil gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang mama sa hinaharap. Uy!paano ba ang gagawin dito?pa-explain naman yelly, nagulat at napalingon siya nang marinig niyang may nagsalita sa tabi niya. Nakita niya ang kakalase niya -na lihim niya ring crush- si Athan. Hindi sila masyadong close at iba

ang mga kaibigan nila kaya nagugulat talaga siya pag-tumatabi ito sakanya o kinakausap siya. Nakakunot ang noo nito at pilit ina-analisa kung ano ang nakasulat sa notebook nito. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon upang titigan ito. She look at those cute eyes, para sakanya si Athan ang tao na mahirap basahin, misteryoso kumbaga. Kahit mga kaibigan nito ay sinasabing mahirap intindihin ito at mahirap basahin kung ano ang iniisip. Siguro nga kaya siya nagka-crush dito dahil sa personalidad nito na misteryoso. Makulit rin ito at mabiro, palagi nga itong pinapansin ng teacher nila sa Trigo dahil palagi itong nakikipag-usap sa kaibigan nitong si Mark, at minsan ay hindi nakikinig. Ewan niya, yung iba naman na una niyang nagustuhan ay hindi naman ganoon ang personalidad. Sa katunayan, si Kuya JD mas matanda siya dito ng ilang buwan, ngunit kuya ang tawag niya dito dahil napaka-tangkad nito kompara sakaniya- na kaklase rin nila at crush niya noong 1st year sila ay katulad niya ring madaldal at kalog. Pero sa tingin niya, ang pinaka-dahilan kung bakit niya nagustuhan si Athan ay dahil sa simple lang ito. Walang ere sa katawan, hindi tulad ng ibang lalaki na daig pa ang mga babae sa kaartehan. Minsan nga ng nagsuklay iyon sa room eh sabi ba naman, haha! 1st time kong nagsuklay ah!,nakatawang wika nito. weh di nga?,hindi ka nagsusuklay sa bahay niyo? As in ? amused na tanong niya dito. oo nga kakulet ehh!sagot naman nito.

Simple talaga siya, to the point na minsan ay iisipin mo na wala siyang paki maski sa sarili niya. Ui tulungan mo naman ako please yelly, hindi ko talaga maintindihan, parang nagsusumamong wika ni Athan. Parang napahiya siya sa sarili, dahil sa kakatingin niya dito ay nakalimutan na niyang may tinatanong nga pala ito sakanya. Ay sorry!Ba naman kasi, ganito lang iyan oh,pasigaw na sabi niya at pahablot na kinuha dito ang notebook nito. Ginawa niya iyon upang itago ang kaniyang pagkapahiya. Akin na nga iyan! Galit ka ata ehh, wag na lang, nagtatampong wika nito. Sus!, wag ka na ngang umarte at akin na iyan!, ibinigay nito sakanya ang notebook nito at sinimulan niyang ipaintindi dito ang nakasulat. Hay! As if naman matitiis kita noh. Napapabuntong-hiningang sabi niya sa isip. UY GISING nah, 6 oclock na yelly, bumangon ka na jan, sabi ng tiyahin niya habang niyuyugyog siya nito. Pupungas siyang bumangon, at naghanda na para sa pagpasok. Palagi siyang excited pumasok dahil alam niyang pagpasok niya ay makikita niya na si Athan, ang kaniyang pag-ibig. Oo tama, pag-ibig o mas tamang sabihing mahal na nga niya si Athan. Maybe love is a strong word. But she can feel na talagang mahal na niya ito. At ano ang pruweba? Puwes pag-tinatamad siyang pumasok sa umaga ay iisipin niya lang na makikita niya ito at mapipilitan na siyang bumangon sa pagkakahilata. Kaya nga minsan

pag-absent ito ay laking dismaya niya at parang gusto niyang magwala sa room nila. May time pa nga na halos dalawang linggo itong absent. Halos dalawang linggo rin siyang parang baliw kasi namimiss niya ito. Tinanong niya na nga kahit ang kapatid nito kung bakit ito absent, at nalaman niya na may dengue pala ito. Abot langit ang dasal niya ng malaman iyon dahil naranasan na rin niya kung paano magkadengue at super hirap talaga noon. Pagkaraan ng limang minuto ay tumayo na rin siya para maghanda na sa pagpasok. PAGPASOK SA room ay kinabahan si Riel dahil hindi niya nakita si Athan sa upuan nito. Mapapasimangot na lang siya ng may kumalabit sa likuran niya, si Mark kaklase rin nila at nasa likuran nito si Athan. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ito, akala niya ay absent na naman ito at may sakit. Yun pala ay nag-cr lang ito. Inabot ni Mark ang kamay nito sakanya at parang nakikipag-hi five, aapiran sana niya ito ngunit nakita niyang basa ang kamay nito. haha, basa kaya yung kamay mo, akala mo ah! nakangiting sabi niya kay mark. Napatawa lang ito. Si Athan naman ang nakipaghigh five sakaniya at nakita naman niyang tuyo ang kamay nito kai inapiran na rin niya ito ngunit basa rin pala iyon. Ay anu ba iyan! Basa rin pala yang kamay mo, bakit hindi ko nahalata ah!, nakangiwing wika niya kay Athan. Baka naka-camouflage, nakangising wika nito at mabilis na tumakbo dahil nakita nitong hahampasin niya ito.

Natigil lang sila sa paghaharutan ng dumating na ang adviser nila. Good morning teacher cherrie, mabuhay! sabay-sabay nilang sabi bilang pagbati sa guro. Okay class, Nutrition Month na next week at kailangan na may iperform ang mga 4th year sa program, anu kaya kung sumayaw na lang kayo? Mam kakanta po kami eh, sigaw niya. Totoo naman iyon. Magpa-piano si Kuya JD at sina Athan at isa pa nilang kaklase na si Adrian ay mag-gigitara. Marunong mag-gitara si Athan, sa katunuyan nung JS prom nila nung 3rd year sila ay nag-gitara ito ngunit hindi siya ang kumanta. Inaamin naman niya, hindi talaga siya magaling kumanta, kung hindi lang dahil kay Kuya JD na nagsabi na siya na lang ang kumanta upang mabigyan naman siya ng chance ay hindi talaga siya makakasali. Ngunit hindi naman siya magaling kumanta, medyo marunong naman siya noon. Edi ganito na lang, sige kumanta kayo, pero sasayaw pa rin ang iba sa inyo para may group presentation rin tayo. Kung gusto niyo ay pwede rin kayong sumayaw ,mungkahi ni teacher cherrie. Sige mam! Tama, ganon na nga lang po, pagsang-ayon na rin niya. NAKATAYO SINA Riel at mga kaklase niya sa labas ng classroom nila. Oy by height nga, para malaman na kung sino ang partner niyo sa sayaw, sigaw na sabi ni Julie, kaklase nila na magtuturo ng step ng sayaw sa kanila. Sumali rin siya sa mag-sasayaw kahit na nga kakanta rin sila. At

laking tuwa niya ng makita si Athan na sasali rin. Pero parang lobong pumutok ang tuwa niya nang makitang hindi si Athan ang makaka-partner niya, kundi si Christian na ang niligawan ay si Julie, na siyang magiging partner ni Athan sa sayaw nila. Nayayabangan pa naman siya dito, ewan niya kung bakit. Napag-partner na silang at sinimulan ni Julie ang pagtuturo ng step ng sayaw sa kanila. 1 1,2,3 ikot! malakas na sigaw ni Julie. Aray! Anu ba? Nananadya ka ba? Kanina mo pa inaapakan yung paa ko ah!, nakabadtrip ka na! sigaw niya sa kalagitnaan ng pagsasayaw nila. Kanina pa siya inaapakan nito. Alam niyang magaling itong sumayaw. Sa katunuyan, minsan ay ito naman ang nagtuturo sa kanila kung paano ang kanilang sasayawin. Siguro talagang sinasadya nito iyon, hindi niya alam kung bakit. Anu ba iyan ha? Mag-aaway ba kayo o mag-sasayaw na lang tayo?, sigaw ni Julie sa amin. Ehh kasi to mukang tanga, ang epal ba naman! pasigaw rin na sagot niya. Anu ba yan! Wag na nga lang kayong sumayaw kung mag-aaway lang rin kayo, pampatagal pa kayo eh! Alam niyo naman na sa next Monday na sasayawin ito kaya nga ako nagmamadali eh! sagot ni Julie sa iritadong tinig. Teka nga ate-ee! exaggerated na wika ni Athan. Relax lang, lahat ba naman kayo mainit ang ulo ehh. Kung ganito na lang kaya, kami ni Riel ang magiging mag-partner tapos kayo Julie ni Christian ang maging mag-partner, para hindi na

makapalag iyang isang iyan, suhestiyon ni Athan. Ayieee! pangangasar ng mga kaklase nila sakanila ni Athan. Namumulang napatango na lang siya. O sige na nga, mas mabuti pa nga. Ang galing mo talaga Athan. Uhmm, sus kung alam ko lang, pasimple ka pa diyan eh, nanunudyong wika ni Julie kay Athan. Hindi niya naintindihan ang sinabing iyon ni Julie. Mas close sina Julie at Athan sa isat-isa kaysa sakanila. Minsan nga ay nagseselos siya kay Julie, minsan kasi ay magkatabi ang mga ito ng upuan, nagtatawanan at naghaharutan, samantalang sila ay malimit na magawa ang mga bagay na ganoon. Siguro nga ay naiingit siya kay Julie, kahit alam niyang wala siyang karapatan kasi ni hindi nga alam ni Athan na may gusto siya dito. Sekreto kasi talaga ang pagkakagusto niya dito at ang tanging mga matatalik niya na kaibigan lang ang naka-alam tungkol doon. Pero nang maalala na si Athan nga pala ang magiging partner niya ay nawala na rin sa isip niya ang tungkol sa selos na iyon kay Julie. Nagpalit na sila nang partner at sinimulan na ulit ni Julie ang pagtuturo. 1,2 atras . Pagtuturo ni Julie ng step. Oi nice 1 ha-ha!, makakatsansing ka pala sa akin sa mga step na itinuturo ni Julie ah! nakangising wika ni Athan sa kanya. Oi kapal mo ah! Chansing ka jan! umasa ka! nakalabing sagot niya dito. Ha-ha! Ikaw naman, napikon ka na kagad binibiro lang kita, galit

ka na kaagad. Sabihin mo lang kung ayaw mo akong kapartner, hahanap na lang ako ng ibang partner mo, nagtatampong wika nito. Hay magtampo ba daw? Sinong nagsabi sa iyo na ayaw kitang partner, aber? Wag ka na ngang maingay diyan, hindi ko na tuloy masundan yung sinasabi ni Julie,pagrereklamo niya kunwari. Pero deep inside ay kinikilig siya dahil nag-uusap na naman sila nito. Kahapon lang kasi ay nakausap na niya ito at kinulit pa tungkol sa lesson nila sa trigo. Hindi daw kasi nito maintindihan iyon at nagpapaturo ito sakanya. Dati kasi ay hindi sila masyadong nag-uusap, minsan nga ay lumilipas ang isang araw na wala man lang interaction na nangyayari sakanilang dalawa. Kaya ngayon ay masaya siya dahil madalas na silang mag-usap kahit pa nga minsan ay inaasar pa siya nito.

You might also like