Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Trumpo

Sinasabing may umiikot dahil may nagpapaikot. Walang kasing ingat ang paghahanda. Dahan-dahang ipinupulupot ang tali sa pinatulis na pako hanggang sa ulo ng trumpo. Hanggang sa dulo ng higpit. Kalahating hakbang paatras. Isang mabilis na hagis sabay higit. Isang munting himig. Bumabakas ang kaskas ng pako sa sahig. Ilang segundong pag-inog sa panginorin ng rupok. Kapagdakay babagal at dadantay sa alabok. Noon, hinuli mo ng tali ang trumpo at napaikot mo ito sa malambot mong palad. Nagtagumpay ka sa maraming bagay kahit pikit ang isang mata.

Sa isang iglap nagbago ang panahon. Ngayon, marami nang hukay sa kalyado mong palad. Nalimot mo na kung paano paikutin ang iyong trumpo. Ngayon, itinatanong mo kung ano ang mangyayari sa mga bagay paglipas ng panahon. Wala ka pa ring mahanap na sagot. Dumungaw ka sa bintana at naroon ang mga paslit na nagpapaikot ng kani-kaniyang mga trumpo. Maputlang pula ang pisngi ng kulimlim na alangaang. Namamangha ka kung paanong sa mga unang segundo ng mabilis na pag-ikot ng trumpo, wala itong tinag. Tila sinusubok nitong hindi mamatay.

You might also like