Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Janine B.

Valenzuela BSED I-Biyo

Feb. 27, 2012


FILIPINO I

BAKASYON

Dumidilim na naman, lumalalim ang gabi Pero yaring diway patuloy na gising Patuloy ang pag-iisip sa mga ala-ala natin Hanggang sa manumbalik muli ang pag-agos ng ating kahapon. Abril noon at bakasyon iyon ng una kang makilala Dumaan ang araw at patuloy kitang nakasamat nakilala At napagtanto kong ikaw ay isang mabait na nilalang Kaya lumalim itong simpleng paghangang aking nararamdaman. Patuloy ang aking kasiyahan habang ikaw ay nakakasama Ang ngiti sa aking labi sa tuwinay makikita Walang araw na hindi ako masaya. Ngunit kailangan bang matapos agad itong kasiyang nadarama? Nalaman ko na ang lahat ng bagay ay may hangganan Lalo na ng malaman kong ikaw na ay lilisan. Panalangin ko noon na sana ay palagi ng bakasyon Ng sa ganon ay muli kitang makita at makasama. Bahagya ng pumikit-pikit yaring mata, Wariy ayaw madama ang sakit na hindi nya nadarama. Muling umikilkil sa aking isipan ang salitang bakasyon Oo, malapit na ulit ang bakasyon at iyon ang araw na muli tayong magkikita.

You might also like