Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Si Mao Zedong (Mao Tse Tung) ay ipinanganak sa Chaochan sa lalawigan ng Hunan. Siya ay nagmula sa isang pamilya ng magsasaka.

Tulad ng ibang manggagawa noong ika-labinsiyam na siglo, ang pagpapalaki kay Mao ay mahirap at di sya nakadama ng karangyaan. Una niyang nalaman ang tungkol sa Marxism noong nagtatrabaho siya bilang isang library assistant sa Peking University. Noong 1921, naitatag niya ang Chinese Communist Party. 1931 ng itinatag ni Mao ang Chinese Soviet Republic sa Kiangsi. Nagtagal ito hanggang 1934 nang mapilitan si Mao at kanyang mga tagasunod na umalis ng Kiangsi at tumungo sa Shensi sa maalamat na Long March na tumagal hanggang 1935. Dito ay nagging ligtas sila mula sa Kuomintang na tinatag ni Chiang Kai Shiek. Mula 1950, ipinakilala ni Mao ang reporma sa lupa at ang unang Five Year Plan ay nagsimula ay nagsimula sa 1953. 1958 ng ipakilala ang Great Leap Forward gayundin ang unang lupa ng mga communes. 1959 ng bumitiw sa pwesto bilang lider ng estado si Mao na napunta kay Liu Shao-chi. Nanatili naman siyang chairman ng partido at itinuon ang kanyang pansin sa pagbabagong ideolohikal. Mula 1960-1965 may alitang naganap sa pagitan ni Liu at Mao sa kung sino ang mas mahalaga: ang manggagawang industriyal o ang mga manggawang agrikultural. Pumanig si Mao sa Manggagawang agricultural samantalang sa manggawagawang industriyal naman si Liu. Nabuo ang Cultural Revolution at nagging matangumpay ang pinanigan ni Mao. Mula 1966 ang sanaysay na ginawa ni Mao na Thoughts ay nagging sikat na babasahin lalo na ng kabataan. Ito ay nagging The Little Red Book ni Mao. Pinatunayan ni Mao na karapatdapat siyang pinuno sa pamamagitan ng paglangoy ng ilang milya sa Yangtze River taun-taon. Nanatili siyang lider ng China bagaman si Zhou Enlai ang gumagawa ng karamihan ng foreign policy work. Nang mamatay si Mao noong 1976 ay nakaranas ang China ng pambansang pagluluksa.

You might also like