Professional Documents
Culture Documents
El Nino Pamphlets
El Nino Pamphlets
ng pagbabago ng klima (climate change) ay isa sa pinakamalaking banta sa seguridad sa pagkain. Ang epekto nito ay tagos mula sa kapaligiran, sa lipunan hanggang sa ekonomiya, Ang dalawang banta ng pagbabago ng panahon ay ang magkataliwas na El Nino at La Nina. Ang El Nino ay nagdudulot ng tagtuyot (drought) na nararamdaman ngayon sa ilang bahagi ng bansa, samantalang ang La Nina naman ay nagdudulot ng malalakas na bagyo, malawakang pag-ulan at baha kagaya ng naranasan ng bansa sa mga bagyong Ondoy at Pepeng kamakailan lang. Yaman din lamang na wala tayong magagawa upang baguhin ang panahon, may kakayahan naman tayo upang iangkop ang ating agrikultura sa klima. Sa panahon ng tagtuyot, mahalaga na mas maiksing araw lang ang itatagal ng mga pananim sa bukid. Gaya halimbawa sa palay at mais, na pangunahing butil na itinatanim ng mga magsasaka. Pumili tayo ng mga binhing tatagal lang sa bukid ng mula 90 hanggang 100 araw. Subukan din nating magtanim pagkaani ng palay ng mga halamang mataas ang halaga at mga 60 araw lang sa bukid kagaya ng melon, pakwan, kalabasa at iba pang kapamilyang halaman. Kung La Nina naman ang mangyayari, mayroon na ngayong mga binhi ng palay na kung tawagin ay Submergence rice. May kakayahan ang mga kapalayang ito na hindi malulusaw kahit dalawang linggo pang nakalubog sa tubig. Maging praktikal lang tayo. Hindi kailangang malugi sa ating pagsasaka anuman ang epekto ng pagbabago ng panahon. May mga bagong teknolohiya sa agrikultura na kayang sumagot sa mga masasamang epekto ng pagbabago ng panahon. Redentor S. Gatus Ph.D.
Regional Director
Mensahe
Mensahe
Sa paglalathala ng babasahing ito ukol sa pagbabago ng panahon, naging katuwang ang Regional Agriculture and Fisheries Council (RAFC) ng Department of Agriculture sa Gitnang Luzon. Ang RAFC ay binubuo ng ibat ibang Provincial Agriculture and Fisheries Council (PAFC) hanggang sa mga konseho sa mga bayan at barangay. Alam ng RAFC ang mga suliranin ng magsasaka lalo na sa nananalasa ngayong El Nino o tagtuyot at La Nina na naapektuhan naman ang pananim dahil sa malawakang pagbaha. Kung mayroon mang mabibisang pamamaraan upang mapagaan ang epekto ng alinman sa pagbabago ng panahon, napagpupulungan at napag-uusapan ito sa patuloy na pakikipagugnayan ng RAFC sa ibat ibang pamunuan ng mga konseho mula bayan hanggang sa mga barangay. Ang RAFC ang tunay na kasangga ng Department of Agriculture at ng mga magsasaka upang ang ang mga suliranin sa bukid ay mabigyan ng kalutasan. Ang babasahing katulad nito ay kailangan upang magkaroon ng tamang impormasyon ang mga magbubukid, kung kayat amin itong iniindorso.
RAFC Chairman
Jesus M. Simon
Sa nakalipas na 30 taon, pitong El Nino na ang ang naitalang nagdaan sa ating bansa. Pinakamalakas ang El Nino noong taong 2007. Ngunit sa malas ay tila masasapawan ito ng pinakabagong El Nino na tinatayang mararanasan ng ating bansa sa taong 2010. Mahirap hulaan kung kailan ito darating, bagamat sa lakas ng mga kompyuter ngayon at sa pagsisimula ng operasyon ng El Nino Southern Oscillation observation system, unti- unti na itong nahuhulaan ng malapit sa katotohanan. Ang huling dalawang El Nino ay nahulaan ng tama ng mga siyentipiko. Malaki ang nagagagawa ng wastong pagtaya ng pagsapit ng El Nino. Kung wasto ang p a g t a y a kung kailan ito darating at kung saan-saang lugar ang maaapektuhan sa ating bansa, maiaangkop ang mga binhi at tanim na dapat gamitin ng mga magsasaka. Maiiwasan ding taniman ang mga lugar na kataasan at walang pagkukunan ng sapat na tubig para sa mga pananim. Taliwas ito sa La Nina kung saan matitinding ulan naman, malawakang pagbaha, malalakas na bagyo at hangin ang sumisira ng mga ariarian at pananim. Naranasan ng bansa ito nang nakaraang taon lamang (2009) nang nanalanta ang mga bagyong Ondoy sa Kalakhang Maynila at bagyong Pepeng na nanalanta naman halos sa buong isla ng Luzon. Kumitil ng maraming buhay, sumira ng mga ari-arian at pananim at nagkaroon ng malaking dagok sa ating agrikultura at seguridad sa pagkain ang mga bagyong ito na dala ng La Nina. Alinman sa dalawang abnormalidad ng panahon na tuwirang bunga ng pagbabago ng klima, malaki ang epekto nito sa pambansang seguridad sa pagkain.
Sa kapaligiran: Unti-unting pagkasira ng lupang taniman na maaring magbunga ng maladisyertong sitwasyon ng mga bukirin; nasisirang kalidad ng tubig tabang kagaya ng pagpasok ng tubig alat sa mga taniman at palaisdaan; madalas na pagkasunog ng kagubatan (forest fires) at mga tiwangwang na damuhan (brush fires); kakulangan ng ligtas at malinis na maiinom ; sunog sa mga bahayan.
Sa lipunan: Sa kawalan ng hanapbuhay sa kanayunan, napipilitan ang maraming tao na lumipat sa mga kabayanan at lungsod. Ang paglilipat (migration) ay nagdudulot naman ng panibagong problema sa pabahay at kalusugan. Ekonomiya: Nagdudulot ang El Nino ng kawalan ng hanapbuhay, kakulangan sa pagkain, at pagbaba ng produksiyon. Nagiging sanhi ito ng kabawasan sa enerhiya. Nararanasan ngayon ang kakulangan ng kuryente lalo na sa Mindanao na nagkakaroon ng anim hanggang walong oras na brownout. Ang kakulangan sa tubig ay nagpapahinto sa pagtakbo ng mga turbina. Kung walang kuryente, wala ring hanapbuhay dahil hindi makagalaw ang mga industriyang pinapatakbo ng kuryente.
Abril 2010
sa.
Higit pa sa mababa na pag-ulan sa gawing hilaga ng Luzon; Mababa hanggang sa malapit sa normal na pag-ulan sa Gitna at Katimugang Luzon; Mababa sa normal sa maraming bahagi ng Visayas, sa kanluran, hilaga at katimugang Mindanao at halos normal na pag-ulan sa silangang Mindanao.
Mayo 2010
Mababa sa normal na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa at halos normal na pag-ulan sa iba pang lugar.
Hunyo 2010
Cubic meter per Second (cms) Outflow Cubic meter per Second (cms) Rule Curve Elevation Meter (m) Rainfall Millimeter per Day (mm/d) Available Volume of Million Cubic Meter Irrigation (mcm) Local Flows Coronel Cubic meter per SecRiver Pearanda River ond (cms)
Luwang ng napapatubigan/ nataniman sa Dayatan 2010 = 102,550.10 has. Luwang ng kasalukuyang nagpapatubig = 353.00 has Luwang ng inihahanda ang bukid = 292.13 has. Luwang na sakop ng normal na pagpapatubig = 98,769.97 has. Luwang ng patapos na ang pagpapatubig = 1,531.00 has. Luwang ng nagapas = 1,604.00 has NOTE: 1.Hindi ihihinto ang daloy ng patubig sa may 24,000 ektaryang magpa-
pasagibo (ratoon crop) at 4,000 ektaryang kasama sa Quick Turn Around (QTA). 2.Walang naiulat na nagkukulang sa tubig sa sakop ng serbisyo ng Pantabangan Dam.
Target ng Produksiyon para 2010 laban sa El Nino: Mga lugar na maaring maapektuhan ng tagtuyot. Commodity
Ang mga sumusunod ay isasagawa upang tugunan ang epekto ng El Nino: 1.Magsasagawa ng mga cloud seeding operations sa mga kagubatan sa paligid ng mga dams kagaya ng MARIIS, ARIIS, at AMRIIS at sa mga lugar ng mga taniman na nangangailangan ng tubig. Ang Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ang pangunahing ahensiya na
mamamahala sa operasyong ito. Ito ang aarkila ng mga eroplano na magsasabog ng asin sa mga kaulapan sa palibot ng mga dam na nabanggit sa pakikipagkoordinasyon sa mga DA-Regional Field Units. 2.Inaatasan naman ang National Irrigation Administration (NIA) na magsagawa ng umiikot na pagdaloy ng irigasyon sa lahat ng nasasaku-
10
pan ng ahensiya at magsagawa ng mga drainage canal na pagtatapunan ng tubig na maaring magamit muli (reuse) sa iba pang lugar na nangangailangan ng tubig. Patuloy na pagpapakalat ng mabilisang impormasyon sa mga Irrigators Association, Local G o v e r n m e n t Units at mga tauhan ng NIA sa mga datos sa El Nino, lebel ng tubig sa Angat Dam at iba pang pangunahing sistemang patubig sa bansa. Mahigpit na pagsunod sa tamang pamamahala ng patubig. 24 oras na inspeksiyon at pagmamantini ng mga daluyang kanal. Pamahalaan ang pagpapakalat ng mga Shallow Tube Wells (STW) Pagsasagawa ng teknolohiya sa muling paggamit ng tubig na nagamit. Flushing Irrigation o pinaparaan lang ang tubig sa bukid. Agarang pagsasaayos ng mga steel gates/check gates/flashboards upang mapigil ang pagsasayang ng tubig irigasyon. Pagsasagawa ng kanal na m a g d u d u g t o n g mula sa UPRIIS patungo sa Maasim River sa Bulacan. 3.Ang mga bomba at makina ng patubig para sa mga Shallow Tube Wells (STW) na manggagaling sa DA para ipamahagi sa mga asosasyon ng magsasaka at mangingisda.
11
4.Ang DA Regional Field Units ay magkakaroon ng koordinasyon sa NIA, PhilRice at Agricultural Training Institute (ATI) upang maikalat ang mga impormasyon sa episyenteng paggamit ng tubig bilang suporta sa nakatayong pananim, lalo na sa palay. 5.Pakikilusin ng mga DA Regional Field Units ang mga Regional Crop Protection Centers (RCPCs) upang masubaybayan at masugpo ang mga sakit at peste ng mga halaman na karaniwang lumalabas kapag may tagtuyot. 6.Ang pagmamapa ng mga maliliit na magsasaka at mangingisda at mga kasambahay na apektado ng tagtuyot ay isasagawa sa pakikipag-isa sa Accelerated Hunger Mitigation Program(AHMP) upang mabigyan ng ayudang pagkain.
12
3. Gumamit ng mga binhi ng palay na paaga (95 -105 days) sa dayatan o dry season crop. 4.Ang pagtatanim ng mga halamang gulay o pananim na may mataas ang halaga (High Value Commercial Crops) kagaya ng melon, pakwan, kalabasa atbp. 5. Pagsubok ng teknolohiya ng Zero Tillage, gaya ng ginagawa sa ilang lugar ngayon sa mga maisan. 6. Pagtatanim ng palay sa pamamaraan Sabog Tanim o ang makabagong Rotary Seeder. Mas maaga itong aanihin kaysa lipat tanim ng palay. 7. Wastong paggamit ng irigasyon. Hindi kailangang laging malalim ang tubig sa palayan. (Controlled Irrigation) subok ang tibay sa tagtuyot gaya ng mga halamang ugat (cassava, sweet potato, yam) at sweet sorghum. 9. Kung La Nina naman, gumamit ng mga submergence rice na pinaparami na. 8. Magtanim ng mga halamang
13
Rice Provision of urea, F1 Seed Subsidy @50% micronutrient fertilizer / soil conditioner, PISOS / STWs & observation wells
Livestock Provison of forage grasses & legumes planting materials. Distribution of animal (native & piglets), drugs & biologics.
Ang mga kasapi ng El Nino Task Force habang nagsasagawa ng inspeksiyon sa mga lugar na naapektuhan ng tagtuyot.
14
Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa mga angkop na binhi ng palay, mais at gulay na matatag sa pagbabago ng panahon sumangguni sa pinakamalapit na Agriculture Technician sa inyong lugar o tumawag sa DA RFU-3. Tel. No. (045) 961-1209.
Regional Inter-Agency Technical Working Group(RITWG) 1. Chairman - Regional Disaster Coordinating Council (RDCC) 2. Co-Chairman - Department of Agriculture Region 3 3. Secretariat - ATI and DA-RFU3 Committee Menbers: 1. Committee on information and Advocacy a. Chairman - PIA b. Co-Chairma - PAGASA i. Member(s): All member agencies, NGOs (AFC), RBOs 2. Committee on Resources Generation and Mobilization a. Chairman - DILG b. Co-Chairman - DSWD i. Members(s): DA-RFU3, DTI, DOST, TESDA, DAR, DENR, BFAR, PhilRice, BPRE, LGUs, NFA, NIA, DPWH AFP, PNP, OCD, DBM, Acadame 3. Committee on Socio Economic Support a. Chairman - DOST b. Co-Chairman - DA-RFU3 i. Member(s): DTI, DSWD, DOLE, TESDA, DAR, DENR, BFAR PhilRice, BPRE, LGUs, BSWM, DPWH, NGOs, DTI, NFA, DBM, DILG, NEDA, CDA, Academe 4.Committee on Quick Responce and Social Order a. Chairman - OCD 5. Committee on Monitoring, Evaluation and Documentation a. Chairman - DA RFU-3
15
Sinaliksik at nilathala ng: Regional Agriculture and Fisheries Information Service DA RFU-3.
HOTLINE Task Force El Nio: (045) 961-6726 DA RFU-3 E-mail: da_rfu3@yahoo.com Fax No. : (045) 961-3336
Redentor S. Gatus Ph.D. Regional Director Rolando S. Imperial Regional Technical Director Eduardo M. Gonzales Regional Technical Director