Kalinisang Puri

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KALINISANG PURI

purity or chastity kung matatawag sa ingles.. ito ang pagpapanatiling malinis ang dangal ng isang tao..] Ang Simbahan ni Hesu Kristo ng mga Banal sa mga Huling araw, karaniwan ding tinatawag na Simbahan ng Mormon, ay matibay na naninindigan sa isyu ng kalinisang-puri. Ang paninindigang pinili ng simbahan ay umaayon hindi lamang sa Sampung Banal na Utos ng Diyos at ng mga ebanghelyo ni Kristo, kundi pati na rin ang pahayag ng mga huling araw. Ang Batas ng Kalinisang-puri ay isang mahalagang aspeto ng mga Banal sa mga Huling Araw sa kanilang pananaw tungkol sa kasal at pamilya bilang mga sagradong institusyon (tingnan sa Pahayag sa Mundo). Ang batas ng Kalinisang puri ay kasing payak ng mensaheng ito: ang pagkakaroon ng isang sekswal na relasyon ay angkop lamang sa mga taong pinagbigkis ng banal na matrimonyo. Ipinahihiwatig nito na hindi nararapat ang sekswal na relasyon na lingid o di kayay labas sa kasal, karapat-dapat lang na ang sekswal na relasyon ay sa pagitan lamang ng mag-asawa. Ang pag-aasawa, sa kanyang kahulugan, ay isang legal na pag-iisang dibdib ng isang lalaki at ng isang babae.

You might also like