Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sugat na Gawa ng Isang Kaibigan

By Arra Joy I. Lazaro


Minsan akala mo mapagkakatiwalaan mo ang mga taong nakapaligid sayo, o ang mga taong itinuturing mong kaibigan. Pero may panahon na hindi mo alam na kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo, ay siya palang manloloko at mananakit sayo. Sa ating buhay, natural lang ang pagkakaroon ng mga makakasama mo gaya ng mga tinatawag na kaibigan. Mga kaibigan, madaling sabihin na kaibigan mo ang isang tao, pero mahirap matukoy kung sa lahat ba ng panahon ay matatawag mo siyang tunay na kaibigan. Madalas magkasama sa laro, sa pag-aaral, sa kuwentuhan, sa miryenda, at siyempre sa sabihan ng mga sikreto. Sa mata ng mga tao, ang mga taong madalas magkasama ay tinatawag na magkaibigan dahil nga sa closeness nila. Hindi man kayo magkasama, may mga bagay namang maaaring gamitin para hindi pa rin maputol ang kuwentuhan o pag-uusap ng mga magkaibigan. Sa paraan ng pagtetext gamit ang cellphone. Minsan pa nga ay mas marami pang napag-uusapan sa text kaysa sa personal na pag-uusap ng magkaibigan. Ilan sa mga bagay na pinag-uusapan ay tungkol sa mga takdang aralin, proyekto, mga gawaing panggrupo, at madalas naman ay tungkol sa mga sikreto tulad ng mga crushes, lalo na sa mga kabataang nag-aaral. Kapag matagal na ang naging samahan ng magkaibigan, mas nakikilala at mas napapalapit pa kayo sa isat isa. At sa paniniwalang kilala mo na siya, masasabi mong mapagkakatiwalaan mo siya. Bilang magkaibigan, dapat lang na mahal niyo ang isat isa. At kapag nagmamahalan kayo at pareho niyong pinahahalagahan ang pagkakaibigang meron kayo, iiwasan ninyong masaktan ang isat isa.

At minsan, hindi mo aakalain na may mas malalim na palang pagtingin sayo ang kaibigan mo. Alam mo sa sarili mong may gusto kang iba, ngunit sa isip mo naman ay inaalala mo ang kaibigan mo na maaaring nasasaktan ng dahil sayo. Sa panahong humiling siya sayo ng pabor, hindi mo siya nagawang tanggihan sapagkat iniiwasan mo nga siyang masaktan, at iniisip na kaibigan mo siya at kaya mo siyang pagkatiwalaan. Sa pagdaan ng mga araw, napagtanto mo nang hindi na lang rin kaibigan ang tingin mo sa kanya. Naging malinaw na sayo na mahalaga na siya sa buhay mo hindi dahil sa kaibigan mo siya. Ngunit sa panahong ito, nalaman mong isang katuwaan o laro lang pala ang mga nangyari. Kung kailan minahal mo siya, tsaka ka naman masasaktan. Sa tanong na bakit mo nagawa iyon?, -sinubukan ko lamang kung maaari pang lumalim ang samahan natin bilang magkaibigan, ayon sa kanya. Sadyang napakasakit para sa isang taong nagmahal ang isang pangyayaring ganito sa buhay pag-ibig, lalo na dahil ang taong pinagkatiwalaan mo ng puso mo ay dati nang malapit sayo. Ngunit kahit gaano man kasakit, hindi mo pa rin dapat hayaan ang sarili mo na makulong sa sakit. Mahirap mang makalimot, darating pa rin ang panahon na lilipas din ang sugat na iyong tinamo. Kahit papaano naman ay may natutunan ka dahil sa nangyaring iyon.

You might also like