Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

atake sa puso ang dahilan ng ikinamamatay ng karamihan ng mga Pilipino Ang atake sa puso (Ingles: heart attack; medical:

myocardial infarction) ay isa sa pinakakaraniwang sanhi ng pagkamatay sa buong mundo, maging sa Pilipinas. Ang sanhi ng atake sa puso ay ang kakulangan ng dugo sa puso, na nagdudulot sa pagkamatay ng laman sa puso. Kapag malaking bahagi ng puso ang naapektuhan ng atake sa puso, maaaring bumigay na ng tuluyan ang puso at ito ay pwedeng maging sanhi ng pagkamatay. Panghihina Mga sanhi ng atake sa puso o heart attack Biglang kapaguran Pagkakasakit Kabigatan ng kalooban o pananakit ng damdamin Paano maagapan ang atake sa puso? Kapag nakaramdam ng nabanggit na mga sintomas, kaagad tumigil sa ginagawa, magpahinga, at magmadaling magpunta sa ospital upang ma-eksamina at mabigyan ng kaukulang gamot. Kung dati nang nagbanta ang atake sa puso, ihanda at inumin o ibabad sa ilalim ng dila ang gamot na nakareseta para sa sakit sa dibdib (ito'y maaari lamang ireseta ng doktor kung napatunayan na ikaw ay may sakit sa puso) Paano maiwasan ang atake sa puso o heart attack? 1. Magpatingin ng regular sa doktor - Ito ay upang malaman ang kalagayan ng iyong puso, at makapagbigay ng gamot kung kailangan. Kung may ibinigay na gamot, ito'y inumin ng tapat at regular. 2. Mag-ehersisyo ng regular pero huwag pilitin ang sarili. Ang uri ng ehersisyo ay nakadepende sa estado ng inyong puso, kaya makipag-ugnayan sa inyong doktor kung ano ang pinakamagandang uri ng ehersisyo. 3. Iwasan ang matatabang pagkain - Ang kolesterol ay siyang nagbabara sa mga ugat ng puso, at ito ang siyang maaaring maging sanhi ng heart attack. 4. Kung may high blood, siguraduhing kontrolado ang inyong BP sa pag-inom ng wastong gamot at pag-iwas sa maaalat at matatabang pagkain. Regular na i-monitor ang BP upang masubaybayan ang pagbabago ng inyong karamdaman. 5. Kung may diabetes, maging mas maingat. Maaaring hindi maramdaman ng mga may diabetes ang pagsikip at pagbigat sa dibdib na nagsisilbing babala sa atake ng puso. 6. Iwasan ang paninigarilyo at paglalasing! Ang dalawang bisyong ito ay napatunayang may kaugnayan sa sakit sa puso. Sa mga matagal nang naninigarilyo at umiinom ng alak, huwag idahilan na "huli na ang lahat"! Bawat araw na ikaw ay tumigil sa pagyoyosi o pag-inom ay may benepisyo sa iyong kalusugan. 7. Huwag ma-stress! Ang "stress" o pag-aalala ay maaaring maging sanhi rin ng atake sa puso, kaya subukang iwasang mag-isip ng mga hindi kanais-nais na bagay. Huwag maging balisa o mapag-alala. Ang pagiging masayahin ay para naring gamot laban sa atake sa puso. 8. Huwag basta basta maniwala sa mga "gamot sa puso" o "supplements para sa puso", lalo na kung ito ay ihahalili sa mga bagay na napatunayan nang epektibo. Walang makakatalo sa matagal nang payo: mag-ehersisyo at kumain ng wasto!

Bilang ng mga Pinoy na may diabetes, lumolobo

(Pilipino Star Ngayon) Updated December 10, 2006 12:00 AM Comments (0) Patuloy na lumolobo ang bilang ng mga Pinoy na may sakit na diabetes na nagiging sanhi ng kanilang kamatayan. Ito ang naging babala, kasabay ng pagbibigay paalala ni Dra. Maria Luisa Gatbonton, ng Philippine College of Physicians at isa sa opisyal ng Philippine Society of Endocrine and Metabolism(PSME) sa publiko hinggil sa nakababahalang pagtaas ng bilang ng mga taong may sakit na diabetes. Base sa kanyang pagtantiya, sa taong 2030, posibleng aabot na sa 376 milyong bilang ng mga taong nagtataglay ng naturang sakit sa buong mundo, kung saan ang Pilipinas ang nasa pang-sampung may pinakamataas na bilang. Ang bansang India ang nangunguna at pumapangalawa ang China. Ayon sa mga dalubhasa, ang diabetes ay pang-apat o panglimang sakit na sanhi ng kamatayan ng marami lalo na sa mga bansang may mataas ang bilang nito. Nasa 80% bilang ng mga taong may diabetes ang binawian ng buhay matapos silang atakihin sa puso o nastroke. May posibilidad din na mabulag ang taong nagtataglay ng ganitong uri ng karamdaman. Bilang payo ni Dra. Gatbonton, ang taong may diabetes ay parati aniyang makipag-ugnayan sa doktor upang mabigyan sila ng tamang paraan para maiwasan at magamot ito. Makakatulong aniya ang tamang diyeta at ehersisyo upang malunasan o maiwasan ang ganitong uri ng sakit. Ilan aniya sa dahilan ng pagkakaroon ng diabetes ay sobrang timbang, labis na katabaan, kulang sa ehersisyo, kulang o sobra sa pagkain at namamana sa mga magulang o ninuno. Nalaman pa rin na kadalasan aniya sa nagtataglay ng diabetes lalo na rito sa Pilipinas ay ang mga may edad na, 50-59-anyos. (Lordeth Bonilla)

You might also like